Ang threshing barn ay may mahalagang papel na ginampanan sa kaligtasan ng pamilya Smith at ipinapakita nito kung ano ang mga ginagawa sa Smith Farm habang tumatanggap si Joseph Smith Jr. ng mga paghahayag.
Sa huling bahagi ng 1820s, isang standard threshing barn ang hinati sa tatlong bahagi: ang haymow, ang granary, at ang threshing floor. Sa haymow iniimbak ng pamilya ang dayami, sa granary naman iniimbak ang mga butil, at sa threshing floor naman naggigiik ang mga kalalakihan ng mga butil sa panahon ng taglamig. Kapag masama ang panahon, ang barn ay nagbibigay ng tuyong lugar na mapag-iimbakan ng mga inaning butil at mga dayami para sa kanilang mga alagang hayop. Ang mga kasangkapan nila ay iniingatan din sa barn. Para madaling mapuntahan ang tahanan at ang sakahan, itinayo ng pamilya Smith ang barn sa gitna ng kanilang lupain.
Bagama’t wala na ang barn ng pamilya Smith, natuklasan ang lokasyon nito ng mga archaeological excavation. Habang muling inaayos ang Smith Farm, isang lumang barn na mula sa kanilang panahon na kapareho rin ng estilo ang inayos at inilipat sa Smith Farm mula sa lupain ni John Young, ang ama ni Brigham Young, sa Mendon, New York.
Ano ang Aasahan
Ang Threshing Barn ay bahagi ng guided tour ng mga missionary sa mga tahanan sa Smith Family Farm. Bibisitahin mo ang ito pagkatapos mong puntahan ang
Joseph Smith’s Boyhood Home at ang
Smith Farm Home.360° Walkthrough