Nauunawaan ni Jesucristo ang Iyong mga Pakikibaka

Walang sinumang kailangang dumanas ng mga hamon sa buhay nang mag-isa. Lubos na nauunawaan ni Jesucristo ang pinagdaraanan mo at susuportahan ka Niya.

Nauunawaan Ka ni Jesus

Nang magdusa si Jesus para sa ating lahat sa Halamanan ng Getsemani at sa krus, nagkaroon Siya ng ganap na pagkaunawa sa bawat pagsubok na dinaranas natin. Alam Niya ang nadarama mo at ang pinagdaraanan mo, at bibiyayaan ka Niya ng lakas na kailangan mo para madaig ito.

Itinuturo sa Aklat ni Mormon:
At siya ay hahayo, magdaranas ng mga pasakit at hirap at lahat ng uri ng tukso; at ito ay upang matupad ang salita na nagsabing dadalhin niya sa kanyang sarili ang mga pasakit at ang mga sakit ng kanyang mga tao.
“At dadalhin niya sa kanyang sarili ang kamatayan, upang makalag niya ang mga gapos ng kamatayan na gumagapos sa kanyang mga tao; at dadalhin niya ang kanilang mga kahinaan, upang ang kanyang sisidlan ay mapuspos ng awa, ayon sa laman, upang malaman niya nang ayon sa laman kung paano tutulungan ang kanyang mga tao alinsunod sa kanilang mga kahinaan” (Alma 7:11–12).

Dahil mahal ka ng Diyos at nais Niyang maging pinakamabuti ka, isinugo Niya ang Kanyang perpektong Anak sa lupa para tubusin ka. Isang mahalagang bahagi ng misyon ni Jesucristo ang maging tagapagtanggol natin. Dinaig Niya ang pagdurusa at paghihirap upang malaman Niya kung paano tayo susuportahan. Kilalang-kilala ka Niya at alam Niya kung paano ka tutulungan kung babaling ka sa Diyos sa panalangin at hihiling ng patnubay.

Makasusumpong Ka ng Kapayapaan at Suporta sa Mahihirap na Panahon

Kapag bumaling ka sa Diyos at kay Jesucristo, lalakas ang iyong pananampalataya at magsisilbi itong angkla sa mga unos ng buhay. Maaaring ituro sa iyo ng ebanghelyo ni Cristo ang daan tungo sa walang-hanggang kagalakan, at maaaring maghatid ng kapayapaan at pag-asa ang mga katotohanang itinuturo sa Kanyang Simbahan.

Ang iyong mga kaibigan at kapamilya ay maaaring magandang pagmulan ng suporta at kaligayahan, pati na ng mga pagkakaibigang nabubuo sa simbahan. Sa abot ng kanilang makakaya, ang mga kongregasyon natin sa simbahan ay mapagmalasakit na mga komunidad kung saan naglilingkod tayo sa isa’t isa sa praktikal at espirituwal na mga paraan.
two women hugging
Bukod pa sa mga paraan na nagpapakita ng pagmamahal at suporta ang bawat miyembro ng Simbahan, Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw ay lumikha ng isang mas organisadong sistema ng pagsuporta para sa ilan sa mga hamon ng buhay. Ang iyong lokal na kongregasyon ay maaaring magbigay ng iba pang impormasyon tungkol sa mga oportunidad na available sa inyong lugar.

  • Dalamhati at Kawalan
  • Trabaho
  • Adiksyon
  • Pagiging Magulang
  • Kalusugan ng Pag-iisip
  • Edukasyon
  • Iba pang Resources

Palakasin ang Iyong Pananampalataya

Maaari kang makasumpong ng lakas at katatagan na madaig ang mga hamon ng buhay sa pamamagitan ni Jesucristo. Maipapakita sa iyo ng mga missionary kung paano.