Mga Karaniwang Tanong tungkol sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw
Paniniwalang Kristiyano
Kristiyano ba ang mga miyembro ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw?
Kristiyano ba ang mga miyembro ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw?
Naniniwala ba kayo sa Trinidad?
Naniniwala ba kayo sa Trinidad?
Naniniwala ba kayo kay Jesus?
Naniniwala ba kayo kay Jesus?
Ang bersikulo na ito mula sa Aklat ni Mormon ay nakatutulong na ihatid ang aming paniniwala, “At nangungusap tayo tungkol kay Cristo, nagagalak tayo kay Cristo, nangangaral tayo tungkol kay Cristo, nagpopropesiya tayo tungkol kay Cristo, at sumusulat tayo alinsunod sa ating mga propesiya, upang malaman ng ating mga anak kung kanino sila aasa para sa kapatawaran ng kanilang mga kasalanan” (2 Nephi 25:26).
Ano ang nangyayari pagkatapos nating mamatay?
Ano ang nangyayari pagkatapos nating mamatay?
Uri ng Pamumuhay
Bakit hindi ninyo tinatawag ang inyong sarili na mga Mormon?
Bakit hindi ninyo tinatawag ang inyong sarili na mga Mormon?
Ang pagbibigay-diing ito sa paggamit ng buong pangalan ng Simbahan ay tumutulong sa atin na sundin ang utos ng Panginoon na ibinigay kay Propetang Joseph Smith: “Sapagkat sa ganito tatawagin ang aking simbahan sa mga huling araw, maging Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw” (
Ang “Mga Banal sa mga Huling-Araw” ay mabuting paraan upang tawagin ang mga kaibigan mo na mga miyembro ng Simbahan.
Ano ang pakiramdam ng pagiging miyembro ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw?
Ano ang pakiramdam ng pagiging miyembro ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw?
Nakararanas kami ng mga kagalakan at hamon tulad ng iba, ngunit naniniwala kami na kapag ginawa natin ang lahat para matularan ang halimbawa ni Jesucristo, binibigyan tayo ng Diyos ng karagdagang pananaw at lakas na makayanan ang mga hamon ng buhay. Mayroon din kaming masuportang komunidad ng simbahan na masasandigan.
Sinusubukan naming panatilihing nakasentro sa aming buhay si Jesus at ang Kanyang mga turo. Ang aming mga paniniwala tungkol sa Tagapagligtas at sa Kanyang mga turo ay nakakaapekto sa aming pang-araw-araw na mga desisyon tungkol sa aming pananalita, pananamit, at pagkilos. Halimbawa, sinusubukan naming iwasan ang pagtatrabaho o pamimili tuwing Linggo upang mapanatiling banal ang araw ng Sabbath, tulad ng itinuturo sa Biblia. Ang aming relihiyon ay isang relihiyon na ipinangangaral sa araw ng Linggo at mainam na isinasagawa araw-araw.
Bakit hindi kayo umiinom ng alak o kape?
Bakit hindi kayo umiinom ng alak o kape?
Dalawa sa mga pinakadakilang kaloob na ibinigay ng Diyos sa bawat isa sa atin ay ang ating pisikal na katawan at kalayaang pumili. Ang pagsunod sa Word of Wisdom ay tumutulong sa atin na igalang at pangalagaan ang ating katawan at panatilihing malinaw ang ating isipan upang maging mas bukas tayo sa Banal na Espiritu. Tinutulungan din tayo nitong iwasan ang adiksyon, na maaaring magpahina sa ating malayang pagpili.
Mga Pulong sa Simbahan
Kailan kayo nagpupulong sa simbahan?
Kailan kayo nagpupulong sa simbahan?
Ano ang ginagawa sa mga pulong sa simbahan?
Ano ang ginagawa sa mga pulong sa simbahan?
Ang pinakamahalagang bahagi ng sacrament meeting ay ang pakikibahagi sa sakramento, na katulad ng Komunyon sa iba pang mga relihiyong Kristiyano. Sa oras ng sakramento, inaalala namin si Jesucristo at muling nangangako na susundin Siya habang kinakain namin ang maliit na piraso ng tinapay at umiinom ng tubig sa maliliit na baso na sumisimbolo sa katawan at dugo na inialay Niya para sa atin.
Bukod pa sa sacrament meeting, inaanyayahan ang mga tao na manatili sa ikalawang oras para mag-aral sa mas maliliit at mas interaktibong paraan. May iba’t ibang klase para sa mga adult, mga kabataan, at mga bata kung saan pinag-aaralan namin ang mga banal na kasulatan at mga salita ng mga buhay na propeta at tinatalakay kung paano natin masusunod si Jesucristo.
Ano ang dapat kong isuot sa simbahan?
Ano ang dapat kong isuot sa simbahan?
Malalaman ba ng lahat na bisita ako?
Malalaman ba ng lahat na bisita ako?
Kailangan ko bang makibahagi sa simbahan?
Kailangan ko bang makibahagi sa simbahan?
Hihilingan ba akong maghandog ng pera sa simbahan?
Hihilingan ba akong maghandog ng pera sa simbahan?
Puwede ko bang dalhin ang aking mga anak?
Puwede ko bang dalhin ang aking mga anak?
Ang isang kagaya ko ba ay malugod na tatanggapin sa simbahan?
Ang isang kagaya ko ba ay malugod na tatanggapin sa simbahan?
May mga katungkulan ba sa pamumuno ba ang kababaihan sa Simbahan?
May mga katungkulan ba sa pamumuno ba ang kababaihan sa Simbahan?
Kasunod ng huwarang itinakda ni Jesus sa pagtawag sa Kanyang Labindalawang Apostol at pagbibigay sa kanila ng mga susi ng awtoridad ng priesthood mula sa Diyos, tanging kalalakihan lamang ang mayhawak ng mga susi ng priesthood ngayon. Dahil doon, ang ilang katungkulan at tungkulin sa pamumuno sa Simbahan ay ginagawa lamang ng kalalakihan. Ngunit ang iba pang mahahalagang katungkulan at tungkulin ay hawak lamang at ginagampanan ng kababaihan. Ang kababaihan ay naglilingkod, namumuno, nagpapatotoo, at nagtuturo nang madalas sa mga miting ng simbahan. Kung handa kayong mag-ambag sa inyong lokal na kongregasyon, laging may mga pagkakataong gawin ito.
Bakit ko ba kailangan ng organisadong relihiyon?
Bakit ko ba kailangan ng organisadong relihiyon?
Ang mga espirituwal na karanasan at paglilingkod sa iba sa buong linggo ay pundasyon ng pakikipag-ugnayan sa Diyos. Ngunit ang ilan sa mga kautusan ng Diyos, tulad ng pagpapabinyag at pagtanggap ng sakramento na pinasimulan ni Jesucristo, ay nangangailangan ng awtoridad ng priesthood mula sa Diyos. Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw ay naglalaan ng istruktura at awtoridad ng priesthood na kailangan upang maisakatuparan ang mga kautusang iyon. Nagbibigay din ito ng mapagmahal at mapagsuportang kapaligiran kung saan maaari mong pagsikapang maging mas mabuting tao at makarinig ng mga ideya na maaaring hindi mo natagpuan habang pinag-aaralan mo ang salita ng Diyos nang mag-isa. Ang isa pang pakinabang ng organisadong relihiyon ay ang paraan ng paghihikayat at pagtataguyod nito ng mga pagkakataong maglingkod.
Ano ang pangkalahatang kumperensya?
Ano ang pangkalahatang kumperensya?
Kasaysayan ng Simbahan
Paano nagsimula ang Ang Simbahan ni Jesucristong mga Banal sa mga Huling Araw?
Paano nagsimula ang Ang Simbahan ni Jesucristong mga Banal sa mga Huling Araw?
“Kung ang sinuman sa inyo ay nagkukulang ng karunungan, humingi siya sa Diyos na nagbibigay nang sagana sa lahat at hindi nanunumbat, at iyon ay ibibigay sa kanya.”
Ang banal na kasulatan ay may mabisang epekto kay Joseph, na nag-udyok sa kanya na maghanap ng tahimik na kakahuyan at subukan sa unang pagkakataon sa kanyang buhay na manalangin nang malakas. Nagpakita ang Diyos Ama at ang Kanyang Anak na si Jesucristo kay Joseph Smith noong araw na iyon, sinasabi sa kanya na napatawad na ang kanyang mga kasalanan at hindi siya dapat sumapi sa alinman sa mga simbahang natutuhan niya.
Si Joseph ay pinili bilang Propeta ng Diyos na, sa ilalim ng pamamahala ni Jesucristo, ay ipanunumbalik ang Kanyang Simbahan sa lupa. Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw ay pormal na itinatag noong 1830.
Paano ko mababasa ang mga sinabi ng mga propeta at apostol ngayon?
Paano ko mababasa ang mga sinabi ng mga propeta at apostol ngayon?
Paano pinipili ang mga lider ng Simbahan?
Paano pinipili ang mga lider ng Simbahan?
Ang iba pang mga katungkulan sa Simbahan—ang tinutukoy namin bilang “mga calling”—sa isang rehiyonal at lokal na antas ay pinili rin sa pamamagitan ng inspirasyon mula sa Diyos. Halimbawa, ang bishop na namumuno sa isang kongregasyon ay maaaring manalangin at mabigyang-inspirasyon na hilingin sa isang partikular na babae na pamunuan ang organisasyon ng kababaihan na kilala bilang Relief Society. Siya, sa kabilang dako, ay magdarasal para sa patnubay kung sino ang dapat tumulong sa kanya bilang mga tagapayo, bilang mga secretary, bilang mga guro, at sa iba pang mga tungkulin.
Ang Biblia at ang Aklat ni Mormon
Naniniwala ba kayo sa Biblia?
Naniniwala ba kayo sa Biblia?
Bakit kailangan ko pa ang Aklat ni Mormon kung mayroon na akong Biblia?
Bakit kailangan ko pa ang Aklat ni Mormon kung mayroon na akong Biblia?
Ang Aklat ni Mormon at ang Biblia ay magkasamang naglalaman ng libu-libong taong halaga ng inspirasyon, patnubay, at tagubilin. Sa pag-aaral ng dalawang aklat na ito, mas mauunawaan mo kung sino ang Diyos at kung ano ang nais Niya para sa iyo.
Sino ang sumulat ng Aklat ni Mormon?
Sino ang sumulat ng Aklat ni Mormon?
Noong 1823, dinala si Joseph Smith kung saan nakatago ang mga sinaunang talaan at isinalin niya ang mga iyon sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos.
Tungkol saan ang Aklat ni Mormon?
Tungkol saan ang Aklat ni Mormon?
Ang Aklat ni Mormon ay nagsisimula sa kuwento tungkol sa isang pamilya. Ang ama ng pamilyang iyon na si Lehi ay isang propeta sa sinaunang Jerusalem noong mga 600 BC. Binalaan ng Diyos si Lehi sa isang panaginip na dalhin ang kanyang pamilya at lisanin ang Jerusalem dahil ang lungsod ay mawawasak at ang marami sa mamamayan nito ay bibihagin ng isa pang bansa. Tinawid nila ang karagatan patungo sa mga lupain ng Amerika.
Ang mga inapo ni Lehi at ng kanyang asawang si Saria, ay nahati kalaunan sa dalawang bansa: ang mga Nephita at ang mga Lamanita. Sa sumunod na ilang siglo, ang mga bansang iyon ay madalas makidigma sa isa’t isa, at ang kanilang pananampalataya sa Diyos at kay Jesucristo ay palaging sinusubok. Ang mga karanasang ito ang pumupuno sa mga pahina ng Aklat ni Mormon bilang mga makapangyarihang sermon, propesiya, aral sa buhay, at espirituwal na karanasan.
Matapos mabuhay na mag-uli si Jesus sa Jerusalem, nagpakita Siya sa mga tao sa mga lupain ng Amerika. Tinuruan Niya sila tungkol sa binyag at kapatawaran. Pinagaling Niya ang kanilang maysakit at binasbasan ang kanilang mga anak. Itinatag Niya ang Kanyang Simbahan. Pagkatapos, namuhay sila sa kapayapaan sa loob ng daan-daang taon. Sa paglipas ng panahon, nawalan ng pananampalataya ang mga tao at marami ang namatay sa digmaan. Ibinaon ng isang propeta mula noong panahong iyon na nagngangalang Moroni ang kanilang talaan upang pangalagaan ito para sa hinaharap at mga tao—para sa atin!
Mga Templo at Kasal
Paano naiiba ang templo sa isang karaniwang gusali ng simbahan?
Paano naiiba ang templo sa isang karaniwang gusali ng simbahan?
Ang mga templo ay may mas partikular na layunin. Ang mga ito ay mga lugar na espesyal na itinalaga para sa sagradong paglilingkod at mga seremonya. Ang mga ito ay itinalaga ng Panginoon at inilaan sa Kanyang mga layunin. Ang mga templo ang tanging lugar kung saan awtorisadong isagawa ang ilang ordenansa. Ang mga sagradong seremonyang ito ay nagpapasigla at nagbibigay-inspirasyon sa mga kalahok kapag nangangako silang susundin ang mga turo at halimbawa ni Jesucristo.
Ang mga templo ay may espesyal na pagpipitagan—hindi kayo makakakita ng mga taong kaswal na nagsasalita tungkol sa pinakabagong pelikula, paggamit ng kanilang telepono, o pakikibahagi sa iba pang mga pang-araw-araw na aktibidad. Sa halip, ang mga miyembro ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw na nagsikap na ihanda ang kanilang sarili para sa sagradong karanasan ay nakatuon sa pakikibahagi sa mga ordenansa at paghahangad ng personal na paghahayag mula sa Diyos.
Ang mga templo ay itinatayo upang bumagay sa tanawin, kultura, at mga pangangailangan ng lugar, kaya ang bawat isa ay mukhang may pagkakaiba. Ngunit karamihan sa mga ito ay itinayo na may puting marmol at mga tampok na taluktok na patungo sa langit. Lagi ninyong makikita ang mga salitang “Kabanalan sa Panginoon, ang Bahay ng Panginoon” sa labas ng templo.
Maaari ba akong pumasok sa templo?
Maaari ba akong pumasok sa templo?
Matapos makumpleto ang templo, inilalaan ito para sa sagradong pagsamba. Dahil sa banal na katangian ng gawaing ginagawa namin sa mga templo, bukas lamang ito sa mga miyembro ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw na inihanda ang kanilang sarili para sa karanasang iyon. Bagamat maaaring hindi ka makapasok sa templo ngayon mismo, lahat ng anak ng Diyos ay inaanyayahang alamin pa ang tungkol sa ebanghelyo ni Jesucristo at pumasok sa mga ugnayan sa tipan na magtutulot sa iyo na lubos na makibahagi sa mga pagpapala ng templo.
Ano ang nangyayari sa mga templo?
Ano ang nangyayari sa mga templo?
Sa templo, mas lubos tayong nangangako na susundin si Jesucristo. Nangangako tayo sa Diyos, tulad ng pangako na susundin ang Kanyang mga kautusan at ilaan ang ating sarili at ang lahat ng mayroon tayo sa Kanya. Ang mga mag-asawa at mga magulang at mga anak ay magkasamang nagkakaisa, o “ibinubuklod“ sa isa’t isa, para sa kawalang-hanggan. At ginagawa din natin ang gawaing iyon para sa ating mga ninuno, na nagbibigay sa kanila ng pagkakataong tanggapin ang mga pagpapalang iyon sa kabilang-buhay kung pipiliin nila ito.
Ano ang mga pagbibinyag para sa patay?
Ano ang mga pagbibinyag para sa patay?
Buti na lang, naglaan ang Diyos ng paraan para sa lahat na makatanggap ng Kanyang mga biyaya—kahit pagkatapos ng kamatayan. Sa templo, ginagawa ang mga binyag para sa mga namatay nang walang pagkakataong mabinyagan sa buhay na ito. Nagturo si Apostol Pablo tungkol sa pagbibinyag ng mga patay sa Biblia (tingnan sa
Ganito iyon ginagawa: Sinasaliksik ng mga Banal sa mga Huling Araw ang kasaysayan ng kanilang pamilya upang tuklasin ang mga pangalan ng mga tao na namatay nang hindi nabibinyagan. Pagkatapos ay binibinyagan sila sa templo para sa kanilang mga ninuno. Ang paglilingkod na ito para sa iba ay hinahandog nang may pagmamahal—at dahil ang buhay ay nagpapatuloy pagkatapos ng kamatayan, malalaman ng mga namatay na ang tungkol sa mga ordenansa at makakapili kung tatanggapin nila ito.
Ano ginagawa sa mga kasal sa templo?
Ano ginagawa sa mga kasal sa templo?
Ang mga mag-asawang ikinasal sa templo ay madalas nagdiriwang kasama ang mas malaking grupo ng pamilya at mga kaibigan pagkatapos ng kasal sa isang salu-salo o iba pang tradisyong pangkultura. Ang mga mag-asawang dating ikinasal sa mga seremonyang sibil sa labas ng templo (tulad ng mga sumapi sa Simbahan matapos silang ikasal) ay mararanasan din ang mga pagpapala ng pagbubuklod sa templo.
Bakit kayo nagsusuot ng espesyal na panloob?
Bakit kayo nagsusuot ng espesyal na panloob?
Maaari bang pakasalan ng mga Banal sa mga Huling Araw ang mga taong mula sa ibang relihiyon?
Maaari bang pakasalan ng mga Banal sa mga Huling Araw ang mga taong mula sa ibang relihiyon?
Mga Missionary
Ano ang ginagawa ng mga missionary?
Ano ang ginagawa ng mga missionary?
Ang mga misyon ay mukhang kakaiba depende sa lokasyon. Halimbawa, may ilang missionary na naglalakad o nagbibisikleta habang nagmamaneho ng mga kotse ang iba. Ang ilan ay inaatasan sa mga kanayunang lugar, ang iba naman ay sa malalaking lungsod. Kung minsan ang gawaing misyonero ay tila pakikipag-ugnayan sa mga tao sa pamamagitan ng social media; kung minsan naman ay kinapapalooban ito ng katok sa mga pintuan o pagbibigay sa mga tao ng mga paglilibot sa mga makasaysayang lugar ng Simbahan.
Ang isang bagay na karaniwan sa lahat ng missionary ay nais nilang tulungan ang iba na makilala at magkaroon ng kaugnayan kay Jesus. Kung may mga tanong ka na may kaugnayan sa pananampalataya, naghahanap ng isang taong kasamang manalangin o gustong magsimba kasama ang isang tao, ipaalam sa amin! Masaya ang mga missionary na kausapin ka!
Kailangan bang magmisyon ang lahat?
Kailangan bang magmisyon ang lahat?
Alamin ang iba patungkol sa
Bakit niyo tinatawag ang mga tao sa mga titulo na tulad nina Elder, Sister, o Brother?
Bakit niyo tinatawag ang mga tao sa mga titulo na tulad nina Elder, Sister, o Brother?
Binyag
Kailangan ko bang mabinyagan?
Kailangan ko bang mabinyagan?
Kailangan ko bang mabinyagang muli kung nabinyagan na ako sa ibang simbahan?
Kailangan ko bang mabinyagang muli kung nabinyagan na ako sa ibang simbahan?
Naniniwala kami na pagdating sa mga sagradong ordenansa o gawain na mahalaga para sa ating walang hanggang kaligtasan, kailangan nating sundin ang huwarang itinatag ni Jesucristo. Nangangahulugan ito na ang pagbibinyag ay kailangang isagawa sa pamamagitan ng awtoridad ng priesthood mula sa Diyos at sa paraang naaayon sa paraan kung paano bininyagan si Jesus (sa pamamagitan ng paglulubog).
Ang mabinyagan sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw na sinusundan sa pamamagitan ng pagtanggap ng kaloob na Espiritu Santo ng isang taong may awtoridad mula kay Jesus ang paraan ng pagpapakita ng Tagapagligtas na maging miyembro ng Kanyang Simbahan.
Paano ako magiging miyembro ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw?
Paano ako magiging miyembro ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw?
Ang unang hakbang sa pagsali sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw ay ang pag-aaral pa tungkol kay Jesucristo at sa mga pangako at pangakong ginagawa mo kapag nabinyagan ka sa Simbahan ni Jesucristo.
Ang ebanghelyo ni Jesucristo ay nagbibigay sa mga tao ng pag-asa, kagalakan, at higit na pag-unawa sa layunin ng buhay. Kapag handa ka nang makita kung paano ka mapagpapala ng pagiging miyembro ng Simbahan ng Tagapagligtas, maaari kang magsimula sa pagkatuto sa mga missionary na makatutulong na ipakilala sa iyo ang aming mga paniniwala at sa iyong lokal na kongregasyon.
Alamin ang iba patungkol sa