Humanap ng Simbahan

Mga Karaniwang Tanong tungkol sa Simbahan

Kailangan ko bang makibahagi?

Ang mga bisita ay maaaring makilahok, pero hindi naman nila kailangang gawin ito. Kapag inabot ang tinapay at tubig ng sakramento (tulad ng Komunyon) sa kongregasyon, at hindi ka komportableng makibahagi, maaari mong ipasa lamang ang tray sa katabi mo. Maliban diyan, maupo ka nang komportable at pagmasdan lang ang pulong.

Maaari ba akong lumahok kahit hindi ako miyembro?

Oo! Inaanyayahan kang sumali sa amin sa mga lingguhang aktibidad, outing ng mga grupo, proyektong panserbisyo, at samba sa simbahan. Ikalulugod naming makilala ka at pasasalamatan namin ang pagsali mo sa komunidad.

Ano ang dapat kong isuot?

Malugod ka naming tatanggapin anuman ang iyong estilo sa pananamit. Kung nag-aalala ka na baka ikaw ay makaagaw ng pansin, sinisikap naming magsuot ng mas magandang damit kaysa sa isinusuot namin sa mga karaniwang araw, para maipakita namin ang aming pagpipitagan sa Diyos. Ang pinakakaraniwang damit na makikita mo sa simbahan ay ang polo at kurbata para sa kalalakihan at palda o bestida para sa kababaihan.

Gaano katagal ang mga pulong sa Simbahan?

Ang aming mga kongregasyon sa iba’t ibang panig ng mundo ay may magkakaparehong mga pagpupulong tuwing Linggo na tumatagal ng dalawang oras. May dalawang pulong, at ang bawat pulong ay isang oras.

Sa tinatawag naming “sacrament meeting,” sama-samang nagtitipon ang lahat ng miyembro ng kongregasyon. Ang pulong na ito ay may mga awitin, panalangin, at sermon (o “mga mensahe”) na ibinibigay ng iba’t ibang miyembro ng kongregasyon bawat linggo. Pero ang pinakamahalagang bahagi ng pulong na ito ay ang pagtanggap namin ng sakramento (na tulad ng komunyon) upang alalahanin ang Tagapagligtas.

Bukod pa sa sacrament meeting, inaanyayahan ang mga tao na manatili sa ikalawang oras para mag-aral sa mas maliliit na grupo para sa mga lalaki, babae, kabataan, at mga bata.

Ano ang ward o branch?

Ang mga ward at branch ay mga grupo ng mga miyembro ng Simbahan na nakatira sa isang partikular na lugar. Sa isang ward, maaari kang magkaroon ng mga kaibigan, madamang ikaw ay kabilang, at bumuo ng isang support network sa iba sa iyong komunidad. Depende sa kung saan ka nakatira, maaaring may iba’t ibang uri ng ward at branch.

Mga karaniwang ward
Kahit sino ay maaaring dumalo sa isang pangkalahatang kongregasyon. Sa isang pangkalahatang kongregasyon, ang mga tao sa lahat ng edad ay magkakasamang naglilingkod sa komunidad ng Simbahan. Ang mga pamilya, single adult, mga bata, balo, at mga bata pang mag-asawa ay magkakasamang sumasamba sa iisang miting.

Mga language ward
Sa ilang lugar, maaari mong mapansin na may mga ward o branch na nakalista na may katabing wika. Ito ang mga kongregasyon na nagdaraos ng mga miting sa ibang wika bukod pa sa pinakakaraniwang wika ng lugar na iyong hinahanap.

Mga Young Single Adult Ward
Ang mga young single adult ward ay para sa mga indibiduwal na walang asawa na edad 18-35. Ang mga kongregasyong ito ay kadalasang matatagpuan malapit sa mga campus ng kolehiyo at nagdaraos ng mga aktibidad sa buong linggo bilang karagdagan sa mga pagsamba sa araw ng Linggo.

Mga Single Adult Ward
Ang mga single adult congregation ay para sa mga indibidwal na walang asawa na edad 36-45. Ang mga kongregasyong ito ay tumutulong sa mga tao na sumamba at maglingkod na kasama ang iba na katulad nila ng sitwasyon at mga interes.

Maaari ba akong makakita ng mapa na may lahat ng lokasyon ng Simbahan?

Oo. Ang Meetinghouse Locator ay gumagamit ng mapa para ipakita ang lahat ng oras at lokasyon kung saan maaari kang sumamba sa iba’t ibang panig ng mundo.

Four Corners: Primary Children
Mga Dapat Asahan sa Simbahan
Ang Simbahan ay isang kanlungan mula sa kaguluhan ng pang-araw-araw na buhay—isang lugar kung saan maaari mong sambahin ang Diyos kasama ang iba pang mga mananampalataya na nagsisikap na maging higit na katulad ni Jesus. Gusto naming bumisita kayo!
Mga Dapat Asahan sa Simbahan
Pacific, New Zealand, Stock Photos
Ang Aming mga Paniniwala
Lahat ng aming paniniwala ay nakasentro sa Diyos at kay Jesucristo. Alamin pa ang tungkol sa pinaniniwalaan namin at kung paano ka mahihikayat ng mga pangunahing paniniwalang iyon na sundin ang Tagapagligtas.
Kilalanin Kami
Pacific, Tonga, Stock Photos
Kilalanin Kami
Makakatagpo ka ng mga miyembro ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw sa iba’t ibang panig ng mundo. Kami’y inyong mga kaibigan at kapitbahay na nagtutulungan upang gawing mas magandang lugar ang mundo.
Sino Kami

Gusto mo bang magsimba pero ayaw mong mag-isa?

Ang mga miyembro ng aming Simbahan na nagboboluntaryo bilang mga missionary sa inyong lugar ay maaaring bumisita sa iyo para matulungan kang malaman kung ano ang mga dapat mong asahan at masagot ang iyong mga tanong. Maaari din silang tumulong para matiyak na may mauupuan ka kapag handa ka nang bumisita.