Seminary
Pasko ng Pagkabuhay: Buod


“Pasko ng Pagkabuhay: Buod,” Manwal ng Guro ng Seminary para sa Lumang Tipan (2026)

“Pasko ng Pagkabuhay: Buod,” Manwal ng Guro ng Seminary para sa Lumang Tipan

Pasko ng Pagkabuhay

Pasko ng Pagkabuhay

Buod

Ipinagdiriwang natin ang Pasko ng Pagkabuhay upang gunitain ang Pagbabayad-sala at Pagkabuhay na Mag-uli ng Tagapagligtas na si Jesucristo. Ito ay isang magandang pagkakataon upang pagnilayan kung ano ang Kanyang nagawa para sa atin.

Paalala: Para sa linggong ito ng pagtuturo, may nakahandang lesson upang matulungan ang iyong mga estudyanteng pagnilayan ang kapayapaan at pag-asa na ibinibigay sa kanila ni Jesucristo. Ito ay lesson na naglalayong tulungan ang mga estudyante na maghanda para sa Pasko ng Pagkabuhay. Kung may sapat na araw ng pagtuturo sa linggong ito at sa palagay mo ay magiging epektibo ang paggawa ng mahigit sa isang lesson para ihanda ang iyong mga estudyante para sa Pasko ng Pagkabuhay, maaari mong gamitin ang ilan sa mga sumusunod na ideya:

Maghandang Magturo

Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay ng mga mungkahi sa kung ano ang maaaring kailangan mong ihanda para sa bawat lesson.

Pasko ng Pagkabuhay

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na pagnilayan ang kapayapaan at pag-asang ibinibigay sa kanila ni Jesucristo.