Ang Pandaigdigang Pag-unlad ay Nagsisimula sa Pag-aaruga ng mga Bata at Pagpapalakas ng mga Kababaihan

Uganda: Medical Services

Lubos na nagmamalasakit ang Diyos sa Kanyang mga anak. Nang bumisita si Cristo sa America, “kinuha [niya] ang kanilang maliliit na anak, isa-isa, at binasbasan sila, at nanalangin sa Ama para sa kanila” (3 Nephi 17:21). Sinisikap nating tularan ang halimbawa ng Tagapagligtas sa pamamagitan ng pangangalaga sa kalusugan at edukasyon ng mga bata sa buong mundo.

Bakit Dapat Unahin ang mga Bata at ang Kanilang mga Pamilya?

Ang pagbibigay prayoridad sa mga pangangailangan ng kababaihan at mga bata sa lipunan ay hindi lamang nag-aangat sa bawat isa sa kanila, kundi nagpapabuti rin sa sitwasyon ng kanilang pamilya at nagpapalakas sa buong komunidad.

Camille N. Johnson

“Tuwing gagawa tayo ng anumang bagay para magdulot ng kaginhawahan sa iba—sa temporal o espirituwal—inilalapit natin sila kay Jesucristo at pagpapalain tayong makahanap sa Kanya ng sarili nating kaginhawahan.”

—Pangulong Camille N. Johnson, Relief Society General President

Paano Nakatatanggap ng Tulong ang mga Bata at ang Kanilang Pamilya?

Nalaman natin na may apat na aspekto ng pagsisikap na partikular na tumutulong sa mga bata at sa kanilang pamilya. Ang apat na aspektong ito ay nutrisyon ng bata, pangangalaga sa ina at bagong panganak, pagbabakuna, at edukasyon.

Nutrisyon ng mga Bata

Ang malnutrisyon ay napakalaking epekto sa wastong pag-unlad ng utak, katawan, at immune system, lalo na mula sa panahon ng paglilihi hanggang sa edad na 2–3 taon. Sa pamamagitan ng mga nutrition screening, pagtuturo sa mga magulang, pagbibigay ng access sa malinis na tubig at kalinisan, at pagkonekta sa mga bata sa mga lokal na klinikal na mapagkukunan, umaasa tayong mababawasan ang malnutrisyon sa mga batang miyembro at maihahanda sila para sa isang mas magandang hinaharap.

Pangangalaga sa mga Ina at Bagong Silang na Sanggol

Ang pagsisikap na ito ay tungkol sa pagtulong sa mga ina na magkaroon ng pinakamahusay na posibleng karanasan sa panahon ng pagbubuntis, panganganak, at pagpapasuso. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng training sa mga health worker, medical equipment, at edukasyong nakasusuporta sa mga bagong ina, umaasa tayong mababawasan ang bilang ng mga ina at sanggol na namamatay habang nagbibigay ng mas mabuting pangangalaga sa mga ina at sa kanilang mga sanggol bago at pagkatapos ng panganganak.

Mga Pagbabakuna

Ang mga bakuna laban sa tigdas, mumps, rubella, tetanus, polio, malaria, at mga katulad na maiiwasan na sakit ay napatunayan na nag-aalis ng paghihirap na maaaring maidulot ng mga sakit na ito sa mga pamilya. Sa tulong ng mga collaborating organizations, maaari tayong magbigay ng pangangalaga sa kalusugan at pagbabakuna upang mabawasan ang bilang ng namamatay na mga bata at ang mga panganib ng pangmatagalang isyu sa kalusugan.

Edukasyon

Ang edukasyon para sa kababaihan at mga bata ay nagbibigay ng hindi mabilang na mga oportunidad na positibong makaapekto sa mga anak ng Diyos. Hinihikayat natin ang mga magulang na bigyan ang kanilang mga anak ng pagkakataon at resources na kailangan nila upang maging mahusay. Dagdag pa rito, ang edukasyon para sa kababaihan ay nagbibigay sa kanila ng mga kasanayan at kaalaman na kailangan nila upang maging self-reliant at nagbibigay sa kanila ng kakayahang matustusan ang kanilang pamilya.

Kristin M. Yee

“Pinangangalagaan na ng kababaihan ng Relief Society ang iba sa kanilang mga tahanan at komunidad. Kahit hindi sila direktang nakikibahagi [sa pagsisikap na ito], bahagi sila ng pandaigdigang kapatiran ng kababaihan na gumagawa ng kaibhan sa buhay ng mga tao.”

—Sister Kristin M. Yee, Pangalawang Tagapayo sa General Relief Society General Presidency

Ano ang Magagawa Ko?

Kahit na hindi kayo maaaring direktang kabahagi sa pandaigdigang pagsisikap na pangkawang-gawa, makagagawa kayo ng pangmatagalang epekto kapag gumawa kayo ng gawaing pangkawanggawa sa loob ng inyong komunidad. May kapangyarihan kayong maimpluwensyahan ang inyong sariling pamilya at komunidad. Narito ang ilang resources na tungkol sa mga paraan kung paano makahikayat ng pagpapabuti sa iyong komunidad.

Magsimula ngayon

Ang pag-aaruga sa mga bata at pagpapalakas sa mga kababaihan ay nagsisimula sa inyo. Simula ngayon, kung nasaan kayo, sa loob ng inyong tahanan, kasama ng mga kapitbahay ninyo, at sa inyong mga komunidad. Kung magsasama-sama tayo, maaari tayong lumikha ng isang mundo kung saan ang mga kababaihan at mga bata ay hindi lamang nabubuhay, kundi umuunlad.

Matuto

Ang pag-aaral tungkol sa mga isyung nakakaapekto sa kababaihan at mga bata (at pagsasabuhay ng iyong natutuhan) ay nakakaapekto sa iyong pamilya at komunidad. Halimbawa, maaari mong malaman ang tungkol sa mga paksa na may kaugnayan sa nutrisyon (tulad ng malusog na pagkain, pagpapasuso, at ligtas na paghahanda ng pagkain).

Mag-volunteer

Kapag nag-ambag ka sa gawaing pangalagaan ang mga nangangailangan, matutulungan mo ang kababaihan at mga bata sa inyong komunidad na umunlad. Maghanap ng mga pagkakataong maglingkod sa inyong lugar.

Magbigay ng Donasyon

Ang bukas-palad na mga donasyon ng mga miyembro ng Simbahan at mga kaibigan ng Simbahan ay nagpapaigting ng ating mga pagsisikap na pangalagaan ang mga nangangailangan. Alamin ang iba pang mga paraan kung paano nagmamalasakit ang Simbahan sa mga nangangailangan.

Former Official Portrait of President Dallin H. Oaks First Counselor in the First Presidency. Photographed August 2017. Replaced March 2018.

Bagama’t bawat organisasyong pangkawanggawa ay may sari-sariling espesyalisasyon, nagkakaisa tayo sa mithiing ibsan ang paghihirap ng mga anak ng Diyos.

—Pangulong Dallin H. Oaks, Unang Tagapayo sa Unang Panguluhan

Paano Nakikipagtulungan ang Simbahan sa Iba pang mga Organisasyon

Ang Simbahan ay may holistikong pamamaraan sa pagkakawanggawa, na naghahangad na pangalagaan ang mga nangangailangan habang itinataguyod ang pangmatagalang pag-asa sa sarili ng mga indibiduwal, komunidad, o organisasyon. Upang maisakatuparan ang gawaing ito, nakikipagtulungan tayo sa maraming mga mapagkakatiwalaang organisasyong pangkawanggawa na nagpapatupad ng mga alituntunin sa self-reliance at may napatunayang mga track record ng tagumpay.

Tajikistan

Kaugnay na Content

Magbasa sa mga artikulo sa ibaba tungkol sa mga halimbawa kamakailan ng ating pakikipagtulungan sa ibang mga organisasyon sa pangangalaga ng mga kababaihan at bata sa iba’t ibang panig ng mundo.

Mga Karaniwang Tanong

Ano ang sinasabi ng mga banal na kasulatan tungkol sa pangangalaga sa kababaihan at mga bata?

Sa mga banal na kasulatan, paulit-ulit na inuutos sa atin ng Tagapagligtas na pangalagaan ang kababaihan at mga bata (tingnan sa Exodo: 22:22–24; Doktrina at mga Tipan 83:2, 4).

Mababasa sa Mateo 18:14, “Kaya’t hindi kalooban ng inyong Ama na nasa langit na ang isa sa maliliit na ito ay mapahamak.” Sa pangangalaga sa mga bata, tinitiyak natin na sinusunod natin ang utos ng Tagapagligtas na pakainin, turuan, at pangalagaan ang mga bata. Itinuturo din sa atin ng mga banal na kasulatan na ang mga batang tinuturuan at pinangangalagaan (sa mental, espirituwal, at pisikal) sa kanilang kabataan ay maaaring umunlad at makagawa rin mismo ng kaibhan (tingnan sa Mga Kawikaan 22:6).

Nalaman natin sa Mga Kawikaan 31 na pinasisigla ng isang mabuting babae ang kanyang pamilya at ang lahat ng nakapaligid sa kanya. “Binubuksan niya sa mga dukha ang kanyang kamay, iniaabot niya ang kanyang mga kamay sa nangangailangan” (talata 20); “kanyang tinitingnang mabuti ang mga lakad ng kanyang sambahayan,” (talata 27); at pinagpapala niya ang kanyang mga anak at asawa (tingnan sa 28). Sa pagtulong sa kababaihan, binibigyan natin sila ng mga kasangkapan upang makagawa ng pinakamalaking kaibhan para sa kabutihan.

Tingnan din sa Marcos 9:36–37.

Paano nakikibahagi ang kalalakihan at mga ama sa gawaing ito?

Ang pagpapabuti ng kapakanan ng kababaihan at mga bata ay kadalasang nagsisimula sa kalalakihan at mga ama. Ang kalalakihan ay maaaring maghanap, mag-ambag, o mag-volunteer sa mga organisasyon na nagpapasigla sa kababaihan at mga bata, tulad ng mga kanlungan ng kababaihan, mga refugee assistance program, at mga programa sa nutrisyon ng mga bata. Kadalasan, ang kalalakihan at mga ama ay may pinakamalaking impluwensya kapag ipinamumuhay nila ang mga alituntunin ng paglilingkod at pagmamahal sa sarili nilang tahanan, pamilya, at komunidad. Subukang alamin ang tungkol sa mga paksang tulad ng wastong nutrisyon para sa mga bata o sa mga pangangailangan sa kalusugan at sanitasyon ng kababaihan. Pagkatapos ay gamitin ang natutuhan ninyo sa inyong sariling buhay.

Ano ang ginawa ng Simbahan para pangalagaan ang kababaihan at mga bata noong 2023?

Noong 2023, ginawang prayoridad ng Simbahan ang nutrisyon ng mga bata sa pamamagitan ng pagbibigay ng malaking donasyon sa mga mapagkakatiwalaang organisasyon. Nagsagawa rin ang Simbahan ng sarili nitong programang pang-nutrisyon upang tulungan ang mga anak ng mga miyembro ng Simbahan na maaaring kulang sa nutrisyon. Bukod pa rito, ang Simbahan ay nagsikap na mabawasan ang bilang ng mga namamatay na ina at bagong silang na sanggol, mas mapangalagaan ang mga ina at sanggol, gawing mas accessible ang may kalidad na edukasyon sa kababaihan at mga bata, at magbigay ng mga oportunidad sa trabaho na nagbibigay-kakayahan sa kababaihan.

Tingnan ang Taunang Buod ng 2023 tungkol sa mga pagsisikap ng Simbahan na pangalagaan ang mga nangangailangan para malaman ang iba pa.

Paano ako makakatulong sa aking komunidad?

Ang pinakamainam na paraan para mapasigla ang kababaihan at mga bata sa inyong komunidad ay kadalasang nagsisimula sa sarili ninyong tahanan. Basahin ang mga ideya na matatagpuan sa link sa ibaba para sa mga ideya sa mga magagawa ninyo upang makatulong sa inyong pamilya at komunidad.

25 Paraan upang Makilahok sa Pandaigdigang Inisyatibo para sa Kababaihan at mga Bata

Alamin ang Iba pa tungkol sa Nutrisyon ng mga Bata

Ang malnutrisyon sa mga bata ay isang isyung nakakaapekto sa daan-daang milyong bata sa buong mundo. At ang malnutrisyon sa maagang edad ay maaaring makaapekto nang labis sa pag-unlad ng isang bata sa buong buhay niya. Para malaman ang iba pa tungkol sa isyung ito at kung paano ito tutugunan, tingnan ang resources na ito.

More Resources

Huling Na-Update Noong 22 Ago 2024