— Relief Society General President, Camille N. Johnson
Maraming bata sa buong mundo ang nagdurusa dahil sa mga epekto ng malnutrisyon. Ang malusog na nutrisyon ay mahalaga sa wastong pag-unlad ng utak, katawan, at immune system, lalo na mula sa panahon ng paglilihi hanggang sa edad na 2–3 taon. Kung ang isang bata ay hindi tumatanggap ng wastong nutrisyon sa panahong ito, ang utak at katawan ng bata ay hindi magkakaroon ng sapat na pag-unlad.
Ang Simbahan ay nagtuon sa mga pagsisikap na tulungan ang mas maraming bata na magkaroon ng access sa komprehensibong pangangalaga sa nutrisyon, kabilang na ang masusustansyang pagkain, ligtas na inuming tubig, mga serbisyo ng mga lokal na klinika, at iba pang mga bagay na makatutulong sa isang bata na matugunan ang kanyang pag-unlad.
Bumuo ang Simbahan ng ilang gabay, na naglalaman ng mga ideya at impormasyon kapwa para sa mga magulang at sa mga lider habang hinahangad nilang suportahan ang mga bata at pamilya. Maaari mong i-download ang mga gabay ayon sa paksa o i-download ang lahat ng mga ito sa link sa ibaba.
Nahaharap ang mga bata sa malnutrisyon sa mga komunidad sa buong mundo. Gamitin ang mga sanggunian sa ibaba para malaman ang iba pa tungkol sa nutrisyon ng bata, kung paano ito nakakaapekto sa ating pamilya, at kung paano ka makakatulong.
Sa pamamagitan ng panalangin at patnubay ng Espiritu, makatutuklas ka ng mga paraan para matulungan ang mga pamilya sa inyong komunidad. Halimbawa, maaari kang magbigay ng bukas-palad na handog-ayuno, magboluntaryo sa isang lokal na food pantry, o magluto ng masustansyang pagkain para sa isang kapitbahay. Kung magagamit ang JustServe.org sa inyong lugar, maaari kang makibahagi sa gawaing ito sa pamamagitan ng pagbisita sa site na ito at paghahanap ng mga proyektong may kaugnayan sa nutrisyon ng bata o pagkagutom.