“At masdan, sinasabi ko sa inyo ang mga bagay na ito upang inyong matamo ang karunungan; upang inyong malaman na kung kayo ay nasa paglilingkod ng inyong kapwa-tao, kayo ay nasa paglilingkod lamang ng inyong Diyos” (Mosias 2:17 ).
Ang inyong paglilingkod na tulad ng kay Cristo ay naging pagpapala sa buhay ng mga nangangailangan sa buong mundo. Tingnan ang pandaigdigang epekto na nagawa mo kasama ang Simbahan at milyun-milyong iba pa.
Bilang mga disipulo ni Jesucristo, sinisikap naming sundin ang Kanyang halimbawa sa pamamagitan ng pangangalaga sa mga taong nangangailangan. Ang mga miyembro ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw ay nangangako, o nakikipagtipan, na paglingkuran ang kanilang mga kapwa na nangangailangan.
Bilang mga disipulo ni Jesucristo, maaari nating tuparin ang ating mga tipan sa pamamagitan ng pagsunod sa Kanyang halimbawa ng paglilingkod sa iba nang may pagmamahal at layunin. Narito ang apat na simpleng hakbang na binigyang-inspirasyon ng Kanyang ministeryo:
Iklik ang bawat pagsisikap sa ibaba upang matuklasan kung paano sinusuportahan ng Simbahan ang bawat priyoridad at kung paano ka rin makikilahok.
Nag-aalok ang Simbahan ng ilang serbisyo at produkto para sa welfare at self-reliance upang magbigay-sigla at pangalagaan ang mga taong nangangailangan, kabilang ang:
Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang kumpletong listahan ng mga Welfare and Self-Reliance Resource. Kausapin ang inyong mga lokal na lider ng Simbahan kung gusto mong maging konektado sa mga resource na ito at iba pa.
Ang pag-alam kung ano ang sasabihin at kung paano tutulungan ang iba sa mahihirap na sitwasyon ay maaaring maging mahirap, ngunit maaari din itong makagawa ng malaki at positibong tulong. Tingnan ang Tulong sa Buhay para malaman kung paano mo matutulungan ang iba sa mga hamon, kabilang na ang adiksiyon, pang-aabuso, pagdadalamhati, at mga problema sa kalusugang pangkaisipan.
Interesado kang bang maglingkod sa service mission? Ang mga service mission ay magandang oportunidad para sa mga tao, bata man o matanda, na nais maglingkod sa mga non-proselytizing mission. May iba’t ibang misyon na pagpipilian na angkop sa iyong mga pangangailangan, gusto mo mang magboluntaryo mula sa iyong tahanan, sa isang lugar na pag-aari ng Simbahan, o sa iyong komunidad.
Halimbawa, maaari kang maglingkod sa Employment Services Center, Bishops’ Storehouse, o sa mga cannery at production facility. Maaari ka ring maglingkod sa pamamagitan ng pag-facilitate ng mga Addiction Recovery group, pagtuturo ng mga kurso sa self-reliance, o pagbuo ng mga proyektong pangkawanggawa sa inyong lugar. Tingnan dito ang mga oportunidad na makapaglingkod bilang service missionary na tulad nito at marami pang iba.
Kapag nagbigay ka ng donasyon sa gawaing pangkawanggawa ng Simbahan, ang iyong pera ay ginagamit upang pangalagaan ang mga temporal na pangangailangan ng mga miyembro ng Simbahan at ng ibang tao sa buong mundo, kabilang ang paghahatid ng agarang tulong at paghahanda sa mga tao para sa pangmatagalang self-reliance.
Para sa karagdagang detalye, tingnan kung paano pinangangasiwaan ng Simbahan ang mga donasyon.
Kung gusto mong magbigay ng donasyon sa Simbahan para maisulong ang gawain ng Panginoon sa pangangalaga sa mga nangangailangan, bisitahin ang philanthropies.ChurchofJesusChrist.org. Tandaan lamang na hindi mo kailangan ng pera para makagawa ng kaibhan. Ang pagbibigay ng iyong oras at pagsisikap na paglingkuran ang iyong komunidad ay makapagpapalakas sa iba at makakaakay sa kanila sa landas tungo sa pagiging self-reliant. Maghanap ng mga pagkakataong maglingkod sa inyong komunidad sa JustServe.org.
Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw ay nagbibigay ng humanitarian aid sa buong mundo, na tumutulong sa mga tao ng lahat ng pananampalataya, lahi, at pinagmulan upang maipakita ang pagmamahal ng Tagapagligtas sa lahat ng tao. Upang magawa ito, nakikipagtulungan ito sa iba pang mga organisasyon, tulad ng:
Ang pakikipagtulungan sa iba ay nagbibigay-daan sa Simbahan na magkaroon ng mas malaking epekto sa mga agarang pangangailangan at pangmatagalang pag-asa sa sarili sa buong mundo. Para sa karagdagang impormasyon, basahin ang tungkol sa pakikipagtulungan ng Simbahan sa iba pang mga organisasyon.