South Africa: Family Life

Ang Perpetual Education Fund

Ang loan at scholarship program ng Perpetual Education Fund (PEF) ay tumutulong sa mga miyembro ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw sa pamamagitan ng pagbibigay ng tulong pinansyal para sa edukasyon na hahantong sa mas magandang oportunidad sa trabaho at higit na self-reliance. Ang programa ay inanunsyo ni Pangulong Gordon B. Hinckley noong 2001 at nakatulong na sa mahigit 110,000 indibidwal mula noon.
Mag-apply na Ngayon

Para kanino ang PEF Program?

Kung ikaw ay miyembro ng Simbahan na walang trabaho, may trabaho na hindi tugma sa sweldo o kakayahan mo, o kailangan ng mas magandang trabaho para matustusan ang iyong sarili at iyong pamilya, tutulungan ka ng PEF program na maging self-reliant. Narito ang ilang halimbawa ng mga indibidwal na maaaring makinabang sa programa:

  • Isang single na ina na nagsisikap na matustusan ang kanyang mga anak.
  • Isang amang mahigit 40 taong gulang na nawalan ng trabaho at naghahangad na magkaroon ng mga bagong kasanayan.
  • Isang young single adult na nahihirapang tugunan ang kanyang mga obligasyong pinansyal.
  • Isang bagong returned missionary na nangangailangan ng mas magandang trabaho para makapaghanda para sa kanyang magiging pamilya.
  • Isang bata pang ama na kailangang magtrabaho nang mas maraming oras o dagdag na trabaho para mapangalagaan ang kanyang pamilya.

Kung hindi ka kwalipikado para sa PEF loan o natukoy mo na hindi ito para sa iyo, ang Simbahay ay mayroong iba pang resources na makakatulong sa iyo na makapag-aral at maging self-reliant. Isa sa mga resources na ito ay ang BYU–Pathway Worldwide, na nagbibigay ng access sa abot-kayang online learning at makukuha sa mahigit 180 bansa.

Bakit Ko Dapat Isaalang-alang ang PEF Loan?

Sa tulong pinansyal ng PEF, ikaw ay makakapag-aral sa iyong sariling bansa at wika, magkakaroon ng mga kasanayan na in-demand sa inyong lugar, at magiging mas self-reliant. Kapag ikaw ay naging mas self-reliant, mas matutustusan mo ang mga pangangailangan ng iyong pamilya, mas makakapaglingkod ka sa Simbahan, at mas makakapag-ambag ka sa komunidad.

Ang PEF program ay dinisenyo upang alisin ang mga hadlang tungo sa self-reliance at magbigay ng pag-asa sa mga nangangailangan. Ang programa ay:

  • Babawasan ang iyong pasanin sa pagbabayad para sa iyong edukasyon sa pamamagitan ng pabibigay ng loan o pautang na may maliit o walang interes, ang ilang bahagi ay bilang scholarship, at diskwento sa loan.
  • Nagbibigay-daan sa mga bagong oportunidad sa pagtatrabaho sa pamamagitan ng pagbibigay ng suportang pinansyal para sa maraming inaprubahang educational training.
  • Ginagawang abot-kamay ang mga personal na mithiin sa pinansyal at self-reliance sa pamamagitan ng pagbibigay sa iyo ng daan na mapahusay ang iyong mga kasanayan.
  • Pinatatatag ang iyong ugnayan kay Jesucristo sa pamamagitan ng pagpapabuti ng inyong temporal na kalagayan.

Kuwalipikado ba Ako Para sa PEF Loan?

Para makatanggap ng PEF loan, kailangan mong matugunan ang sumusunod na mga kinakailangan:

  • Maging karapat-dapat na magkaroon ng current temple recommend.
  • Kailangan mo ng mas magandang trabaho para matustusan ang pangangailangan mo at ng iyong pamilya.
  • Hindi mo kayang bayaran ang matrikula o iba pang mga gastusin na kailangan upang matuto ka ng mas mahusay na mga kasanayan na hahantong sa mas magandang mga pagkakataon sa trabaho.
  • Nakatira ka sa isang aprubadong bansa. (tingnan ang FAQ na “May PEF ba sa bansa ko?”)
  • Determinado kang matagumpay na makapagtapos ng pag-aaral, makahanap ng trabaho o magtayo ng negosyo na hahantong sa pagiging self-reliant, at bayaran ang anumang pondo na iyong hiniram.

Paalala: Kung ikaw ay single edad 18 hanggang 30, hihilingin din sa iyo na lumahok sa institute habang nag-aaral gamit ang PEF loan.

Tatalakayin mo ang mga paksang ito kapag kinausap mo ang iyong bishop bilang bahagi ng proseso ng aplikasyon.

Anong Uri ng Edukasyon ang Matatanggap Ko sa Pamamagitan ng PEF?

Ang Perpetual Education Fund ay nagbibigay ng pinansyal na suporta para sa iba’t ibang aprubadong pagsasanay sa edukasyon para sa mga educational training na in-demand sa inyong lugar. Maaari mong gamitin ang tulong pinansyal ng PEF para sa:

  • Mga technical at vocational program.
  • Mga professional program at certification.
  • Mga university degree, para sa mga kasanayan na mataas ang demand sa inyong lugar.

Kung may PEF sa inyong bansa, makikita mo kung anong mga inaprubahang programang pang-edukasyon sa pamamagitan ng pag-access sa Aprubadong Listahan sa pamamagitan ng PEF portal gamit ang iyong ChurchofJesusChrist.org account.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa pagpili at pag-enroll sa isang educational program, tingnan ang Ano ang Maaari Kong Pag-aralan Gamit ang Tulong Pinansyal ng PEF?

Paano Ako Makakapag-apply para sa Tulong Pinansyal ng PEF?

Hakbang 1: Kumpirmahin na ikaw ay kwalipikado para sa tulong pinansyal ng PEF (tingnan sa, “Kuwalipikado ba Ako Para sa PEF Loan?”).

Hakbang 2: Kumpletuhin ang isa sa mga sumusunod na kurso:

Hakbang 3: Kumpletuhin ang kursong Perpetual Education Fund for Self-Reliance.

Hakbang 4: Tumanggap ng PEF endorsement mula sa inyong bishop o branch president.

Hakbang 5: Kumpletuhin ang online application.

Sa proseso ng aplikasyon, dapat mong:

  • Tiyakin na nakumpleto mo ang lahat ng kinakailangang kurso sa self-reliance.
  • I-upload ang mga kinakailangang dokumento.
  • Pumili ng aprubadong educational program at i-verify na ikaw ay nag-enroll.
  • Ipasok ang halaga ng kailangan mong pinansyal na tulong.

Mga Bagay na Madalas Itanong (FAQ)

Ano ang Perpetual Education Fund?

Ang Perpetual Education Fund (PEF) ay pera na magagamit ng mga kwalipikadong miyembro ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw para sa mga aprubadong education program sa kanilang lugar. Ang pondo ay nagmumula sa mga donasyon sa Simbahan na hindi ikapu. Kung ikaw ay kwalipikado, makakatanggap ka ng abot-kayang tulong pinansyal para sa edukasyon, tulad ng student loan sa mababang halaga.

Angkop ba ang programa para sa lahat?

Bagama’t ang PEF program ay isang mahusay na mapagkukunan para sa marami, hindi ito angkop para sa lahat. Kapag isinasaalang-alang ang tulong pinansyal ng PEF, dapat mong itanong sa iyong sarili ang tulad ng:

  • Self-reliant na ba ako? May sapat ba akong pondo para matustusan ang mga pangangailangan ko at ng aking pamilya?
  • Kailangan ko ba ng mas magandang trabaho at mas mataas na sahod ngayon?
  • Ang mga lokal na trabaho ba ay nangangailangan ng certificate, degree, o diploma mula sa isang lisensyadong institusyon sa aming lugar o bansa?
  • Mas malaki ba ang aking kikitain kapag nakapagtapos ako sa isang educational program?
  • Paano ako maglalaan ng oras para makumpleto ang isang educational program?
  • Paano ko matutugunan ang mga pangangailangan ko at ng aking pamilya habang nag-aaral?
  • Sino ang makakatulong sa akin na gumawa ng pinakamabuting desisyon at hihikayat sa akin habang ako ay nag-aaral?
  • Ang trabaho at edukasyon ba na interesado akong kunin ay aprubado sa PEF program?
  • Determinado ba akong mabayaran ang anumang utang na matatanggap ko?

Ang desisyon mong tumanggap ng tulong pinansyal ng PEF ay nakadepende sa mga sagot mo sa mga tanong na tulad nito. Hinihikayat ka namin na talakayin ang iyong mga isinasaalang-alang sa Ama sa Langit, sa mga miyembro ng pamilya, at sa mga lider ng Simbahan.

May PEF ba sa bansa ko?

Ang PEF program ay partikular na idinisenyo para sa mga miyembrong nakatira sa isang inaprubahang bansa. Ang programa ay kasalukuyang magagamit sa mga sumusunod na bansa:

  • Albania
  • American Samoa
  • Angola
  • Antigua and Barbuda
  • Argentina
  • Barbados
  • Belize
  • Bolivia
  • Botswana
  • Brazil
  • Cambodia
  • Cameroon
  • Cape Verde
  • Chile
  • Colombia
  • Costa Rica
  • Dominican Republic
  • Ecuador
  • El Salvador
  • Fiji
  • DR Congo
  • Ghana
  • Grenada
  • Guatemala
  • Guyana
  • Haiti
  • Honduras
  • Hong Kong
  • Hungary
  • India
  • Indonesia
  • Ivory Coast
  • Jamaica
  • Kenya
  • Kiribati
  • Lesotho
  • Liberia
  • Madagascar
  • Malawi
  • Malaysia
  • Mexico
  • Mozambique
  • Namibia
  • Nicaragua
  • Nigeria
  • Pakistan
  • Panama
  • Papua New Guinea
  • Paraguay
  • Peru
  • Philippines
  • Portugal
  • Puerto Rico
  • Rwanda
  • Samoa
  • Sierra Leone
  • South Africa
  • South Korea
  • Spain
  • St. Kitts and Nevis
  • St. Lucia
  • St. Vincent
  • Suriname
  • Swaziland
  • Taiwan
  • Tanzania
  • Thailand
  • Togo
  • Tonga
  • Trinidad and Tobago
  • Uganda
  • Uruguay
  • Vanuatu
  • Venezuela
  • Zambia
  • Zimbabwe

Dahil ang listahan ng mga bansa kung saan aprubado ang PEF ay nagbabago, mas mainam na kumpirmahin ito sa pamamagitan ng PEF portal. Maaari mong ma-access ang PEF portal gamit ang iyong ChurchofJesusChrist.org account. Kung hindi available ang PEF sa inyong bansa, makikita mo ang isang mensahe na nag-aalerto sa iyo.

Paano ko magagamit ang tulong pinansyal ng PEF?

Maaari mong gamitin ang tulong pinansya ng PEF para bayaran ang mga gastos na kailangan para makumpleto ang isang aprubadong educational program. Kabilang sa mga ito ang:

  • Matrikula
  • Mga Supply
  • Mga Aklat
  • Mga Sertipikasyon
  • Transportasyon
  • Pabahay
  • Equipment o Kagamitan
  • Mga Computer
  • Mga Exam

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga educational program na makukuha sa pamamagitan ng PEF, bisitahin Ano ang Maaari Kong Pag-aralan Gamit ang Tulong Pinansyal ng PEF?

Inaasahan bang babayaran ko ang aking loan?

Kadalasan, ang tulong pinansyal ng PEF ay isang student loan. Bagama’t kailangang bayaran ang PEF loan, posibleng ang ilang bahagi ng halagang ito ay ibibigay bilang scholarship na hindi kailangang bayaran.

Dagdag pa rito, ang mga loan discount (dating tinatawag na incentives) ay ihahandog para sa mga magtatapos at magbibigay ng patunay ng pagtatapos o kanilang trabaho o negosyo pagkatapos nilang makapag-tapos ng pag-aaral. Ang diskwento ay maaaring umabot hanggang 30 porsiyento ng halagang hiniram.

Ang tulong pinansyal ng PEF ay nagbibigay ng abot-kayang opsiyon para sa mga naghahangad na magkaroon ng mga in-demand na mga kasanayan sa kanilang lugar. Sa mga sitwasyong mayroong interes ang PEF loan, ang interest rate na ito ay napakababa lamang. Kung sakaling maging mabigat sa iyo ang pagbabayad ng iyong loan, mayroon kaming mga opsiyon at mga gagawing pagbabago na makatutulong sa iyo.

Para sa mga detalye tungkol sa tulong pinansyal ng PEF sa inyong lugar, i-access ang PEF portal gamit ang ChurchofJesusChrist.org account.

Bakit kailangan kong bayaran ang aking loan?

Nang ipakilala ni Pangulong Gordon B. Hinckley ang Perpetual Education Fund, sinabi niya na ang mga magbabayad ng kanilang PEF loan ay “madaramang sila ay malaya dahil mas napabuti nila ang kanilang buhay…sa pamamagitan ng paghiram ng pera at pagkatapos ay pagbabayad nito. Maaari nilang itaas ang kanilang mga noo sa diwa ng kalayaan” (“The Perpetual Education Fund,” Ensign, Mayo 2001, 53).

Ang mga ito at iba pang mga dakilang pagpapala ang ipinangako sa mga tapat sa paggamit ng pinansyal na tulong ng PEF ay magkakaroon ng kapaki-pakinabang na mga kasanayan at pagkatapos, sa diwa ng pasasalamat, ay babayaran ang anumang inutang. Ang pagbabayad ng hiniram na pondo ay nagbibigay ng pagkakataon sa ibang miyembro na maging self-reliant sa pamamagitan ng edukasyon.

Paano ko ma-access ang PEF portal?

Maaari mong ma-access ang PEF portal gamit ang iyong ChurchofJesusChrist.org account. Kung wala kang account sa website ng Simbahan, maaari kang gumawa ng account sa https://account.ChurchofJesusChrist.org/register?lang=tgl gamit ang iyong membership number. Maaari mong mahanap ang iyong membership number sa iyong temple recommend o sa Member Tools mobile app.

Ang mga sagot sa karagdagang mga FAQ ay matatagpuan sa PEF portal. Kung mayroon kang iba pang mga katanungan na hindi nasagot doon, kontakin lamang kami sa portal.

–President Gordon B. Hinckley, “The Perpetual Education Fund,” Ensign, Mayo 2001

Para sa mga Lider ng Simbahan

Tinutulungan ng Perpetual Education Fund ang mga miyembro ng Simbahan na mabayaran ang edukasyon na tutulong sa kanila na magkaroon ng kabuhayan at maging self-reliant. Bilang lider sa Simbahan, maaari mong:

Turuan ang mga miyembro tungkol sa PEF.

Maraming miyembro na nangangailangan ng tulong sa pagbayad ng kanilang edukasyon ay hindi alam na may pondo ang PEF. Ang kaalaman tungkol dito ay makakapagbigay ng pag-asa para sa marami.

Magrekomenda ng mga indibidwal para sa programa.

Maaari mong matukoy ang mga indibiduwal na maaaring makinabang sa programang ito. Hanapin ang mga taong may dedikasyong mapabuti ang kanilang kalagayan ngunit kulang ang kanilang mapagkukunan para makapag-aral.

Rebyuhin ang progreso ng mga miyembrong nag-aaral at tulungan silang makapagtapos.

Mahalaga ang pagsubaybay sa pag-unlad ng mga miyembro at ang patuloy na pakikipag-ugnayan sa kanila. Hindi lamang ito tumutulong na matiyak na sumusulong sila, ngunit nagbibigay din ito sa iyo ng pagkakataong makapagbigay ng suporta o tulong kung mayroon silang mga balakid.

Tulungan ang mga miyembro na makahanap ng trabaho o sa pagsisimula ng kanilang negosyo.

Ang susunod na mahalagang hakbang para sa mga kalahok na nakapagtapos ng pag-aaral ay ang makahanap ng trabaho o magsimula ng negosyo. Maaari kang magrekomenda ng mga resoruces ng ward, stake, at komunidad. Ang inyong lokal na welfare and self-reliance manager ay makakatulong sa prosesong ito.