Ano ang Maaari Kong Pag-aralan Gamit ang Tulong Pinansyal ng PEF?

Welding

Anong Uri ng Edukasyon ang Matatanggap Ko sa Pamamagitan ng PEF?

Ang Perpetual Education Fund ay nagbibigay ng pinansyal na suporta para sa iba’t ibang aprubadong pagsasanay sa edukasyon para sa mga educational training na in-demand sa inyong lugar. Maaari mong gamitin ang tulong pinansyal ng PEF para sa:

  • Mga technical at vocational program.
  • Mga professional program at certification.
  • Mga university degree para sa mga kasanayan na mataas ang demand sa inyong lugar.

Inirerekomenda ba ang Ilang Educational Program?

Ang layunin ng Perpetual Education Fund ay tulungan ang mga miyembro ng Simbahan na maging self-reliant. Para sa karamihan ng mga miyembro, ang mas maikling mga technical at vocational program ang pinakamadali at pinakamurang paraan para maging self-reliant.

Kung kailangan mo ng mas magandang trabaho at mas mataas na sweldo ngayon—o kung kailangan sa mga lokal na trabaho na makumpleto mo ang isang accredited program sa inyong bansa—dapat mong isiping mag-enroll sa isang aprubadong educational program gamit ang tulong pinansyal ng PEF.

Pwede Ba Akong Mag-enroll sa Anumang Educational Program?

Maaari mong gamitin ang tulong pinansyal ng PEF para sa isang educational program na nasa PEF Approved List. Kung mayroong PEF sa inyong bansa, maaaring mong ma-access ang Approved List sa pamamagitan ng PEF portal gamit ang iyong ChurchofJesusChrist.org account. Maaari kang maghanap sa Approved List ayon sa pangalan ng programa, pangalan ng paaralan, halagang kailangan, haba ng programa, o lungsod.

Paano Inaaprubahan para sa PEF ang mga Educational Program?

Upang mas matiyak na ang isang programa ay tutulong sa iyo na maging self-reliant sa pinansyal, ang bawat programa ay dapat:

  • Makakapagbigay ng mga kasanayan na in-demand sa inyong lugar.
  • Mayroong kasaysayan ng mga nakapagtapos na nagtagumpay sa pinansyal.
  • Mayroong potensyal para makapagtrabaho at kumita ng pera.
  • Tumatanggap ng abot-kayang pagbabayad ng anumang ipinahiram na pondo ng PEF.

Kung ang isang programa o paaralan na interesado ka ay wala sa Approved List, maaari mong hilingin na rebyuhin ito para maaprubahan sa pamamagitan ng PEF Portal. Tandaan lamang na hindi lahat ng programa o paaralan ay maaaprubahan.

Paano Ako Pipili ng Educational Program?

Kapag pumipili ng educational program, kailangan mong isaalang-alang ang mga bagay tulad ng pananalapi, maaaring mapasukang trabaho, at mga opsiyon sa training. Ang kursong Edukasyon para sa Mas Magandang Trabaho ay nirerebyu ang mga paksang ito at partikular na tinutugunan ang mga alituntunin sa pagpili ng programa. Dapat mong isaalang-alang ang kalidad ng paaralan o training program, ang iyong kakayahang matanggap sa programa at matapos ito, at ang halagang kailangang gastusin at kung sulit ba ito.

Tandaan ang konsepto ng mabuti, mas mabuti, at pinakamabuti. Ang pinakaprestihiyosong programa ay hindi palaging ang pinakamahusay na pagpipilian batay sa iyong kalagayan. Upang makagawa ng pinakamahusay na desisyon, dapat mong itanong sa iyong sarili ang tulad ng:

  • Anong mga kasanayan na ang mayroon ako?
  • Anong uri ng trabaho ang interesado ako?
  • Anong uri ng trabaho ang likas sa akin?
  • Kailangan ko ba ng mas magandang trabaho at mas mataas na sahod ngayon?
  • Paano ko gustong gamitin ang aking educational training? Halimbawa, gusto ko bang magtayo ng negosyo o mas gusto kong magtrabaho para sa iba?
  • Anong mga trabaho ang magtutulot sa akin na gamitin ang mga skill na mayroon ako o gusto kong matutuhan?
  • Anong mga aprubadong educational program ang tumutugma sa aking mga kasanayan at interes?
  • Magkano ang kailangang itaas ng aking sweldo para ako ay maging self-reliant?
  • Posible bang maging self-reliant sa pamamagitan ng pagkumpleto ng mas maikling technical o vocational program?
Chile: Antofagasta Institute of Religion
Chile: Antofagasta Institute of Religion

Mag-apply para sa Tulong Pinansyal ng PEF

Tinutulungan ng Perpetual Education Fund ang mga miyembro ng Simbahan sa pamamagitan ng pagbibigay ng tulong pinansyal para sa edukasyon na hahantong sa mas magandang oportunidad sa trabaho at higit na self-reliance.

Huling Na-Update Noong 5 Nob 2024