Maraming benepisyo ang pagpapasuso para sa mga ina at sanggol. Ang gatas ng ina ay mapagkukunan ng likas at masustansyang pagkain na sumusuporta sa paglaki ng mga sanggol. 1 Nephi 17:2 says, “At napakalaki ng [mga] pagpapala ng Panginoon sa amin, na … ang aming kababaihan ay nagbigay ng saganang gatas sa kanilang mga anak, at malalakas.”
Ang gatas ng ina ay mapagkukunan ng likas na pagkain na may mga sustansyang mahalaga sa paglago ng utak at paglaki, pati na rin ng mga antibody na nagpoprotekta sa mga sanggol laban sa iba’t ibang mga karamdaman at impeksyon. Ang pagpapasuso ay nagbibigay sa mga sanggol ng lahat ng sustansyang kailangan nila sa mga unang taon ng kanilang buhay para maabot ang kanilang buong potensyal sa hinaharap. Para sa iba pang impormasyon tungkol sa pagpapasuso, mag-klik sa mga tanong sa ibaba.
Inirerekomendang simulan ang pagpapasuso sa loob ng isang oras pagkatapos magsilang. Tinutulungan nito ang sanggol na simulan ang likas na pagsuso at ibinibigay sa sanggol ang unang gatas na nagmula sa suso ng ina. Ang unang gatas na ito, na tinatawag na colostrum, ay tumatagal sa unang ilang araw matapos magsilang at sagana sa mga sustansya at antibody na tumutulong na protektahan ang mga sanggol mula sa mga sakit.
Kung maaari, dapat patuloy na magpasuso ang isang ina hanggang mag-isang taon man lang ang kanyang anak. May mga karagdagang benepisyo sa kalusugan ang patuloy na pagpapasuso hanggang ang bata ay mag-edad dalawa pataas.
Hindi nangangailangan ng tubig ang mga sanggol na wala pang anim na buwan, kahit mainit ang panahon. Mananatiling hydrated o hindi mauuhaw ang sanggol sa pagtanggap ng sapat na gatas ng ina. Mas delikadong magtae at maging malnourished ang isang sanggol kapag pinainom ng tubig.
Kapag kailangang mag-pump ng gatas ang mga ina para pasusuhin ang mga sanggol nila, dapat nilang hugasan palagi ang kanilang mga kamay at imbakin ang gatas sa isang malinis na lalagyang may takip. Maaari itong itago sa temperatura ng silid sa loob ng apat hanggang anim na oras at ilagay sa refrigerator nang 24 na oras.
Maaaring gumanap ng mahalagang papel ang mga ama at iba pang mga mahal sa buhay sa pamamagitan ng pagsuporta sa mga ina at pagpapalakas ng kanilang loob. Makakatulong silang pasusuhin ang sanggol ng na-pump na gatas ng ina o ng infant formula kapag hindi makapagpasuso ang ina.
Kung maaari, magpasuso lamang sa loob ng unang anim na buwan. Pagkatapos, simula sa ikaanim na buwan, dapat magdagdag ng iba pang mga pagkain.
Magkakaiba ang karanasan ng bawat ina. Kung hindi ka makapagpasuso, laging may mga paraan para mapalapit ka sa iyong sanggol at mapangalagaan mo ito. Bagama’t hindi iyon naglalaman ng lahat ng benepisyong dulot ng gatas ng ina, maaaring gamitin ang infant formula bilang kapalit kapag kailangan. Ihanda ang formula na may malinis na inuming tubig at sundin ang mga tagubilin sa pakete.
Ano ang ilang simpleng bagay na magagawa natin para matulungan ang mga magulang. Matutulungan natin silang matanto ang kahalagahan ng paglaki at paglago ng sanggol nila. Matutulungan natin ang mga ina na isiping magpasuso (kung maaari). Gayunman, para sa ilang kababaihan, hindi posible ang magpasuso. Dapat nating ingatang huwag gawin ang anumang bagay na magpapadama sa kababaihang ito na may kasalanan o pagkukulang sila.
Isipin ang mga ideya sa ibaba habang humihingi ka ng patnubay sa panalangin.
Kapag naaangkop, maaaring magbigay ang mga ministering sister ng praktikal na impormasyon at sanggunian tungkol sa pagpapasuso kapag bumisita sila sa mga pamilya ng mga magulang na manganganak. Maaari ding hikayatin ng mga ministering sister ang kababaihang pinaglilingkuran nila na alamin ang mga benepisyo ng pagpapasuso sa mga bata hanggang sa umabot sa pagitan ng isa at dalawang taon ang edad ng mga ito.
Maaaring hikayatin ng mga ministering brother ang mga lalaki na magbigay ng mapagmahal na suporta at panghihikayat sa pagpapasuso at gawin ang iba pang mga tungkuling makakatulong sa pamilya.
Maaaring hikayatin ng mga lider ang likas na kagawiang magpasuso, sagutin ang mga tanong, ipaalam ang mga sanggunian, at suportahan ang mga magulang sa pagbibigay ng oras at espasyo para mapasuso ang sanggol nila sa mga lugar sa Simbahan. Kabilang sa iba pang mga paraan ng pagsuporta ang: