Sa tahanang ito, nagtulungan sina propetang Joseph Smith at ang arkitektong si William Weeks upang maisakatuparan ang detalyadong disenyo para sa
Nauvoo Temple. Ang Bahay ng Panginoon ang espirituwal na sentro ng umuunlad na lungsod ng Nauvoo, na sadyang idinisenyo bilang lugar ng pagtitipon ng mga Banal sa mga Huling Araw para sa pag-aaral, pagsamba, at para mapalapit kay Jesucristo.
Ang pamilya Weeks ay tinatayang nanirahan sa tahanang ito mula 1841 hanggang 1846. Nagkakilala sina William Weeks at Caroline Allen at nagpakasal noong 1839, at di-nagtagal ay itinayo ang kanilang tahanan sa Nauvoo. Ginamit ni William ang silid na katabi ng sala bilang opisina kung saan siya nakikipag-usap sa mga kliyente at gumagawa ng draft para sa mga architectural drawing.
Si William Weeks ay isang arkitekto at tagapagtayo mula sa Massachusetts, kung saan natuklasan niya ang ipinanumbalik na ebanghelyo noong estudyante pa siya. Si Caroline Allen at ang kanyang pamilya ay na-convert malapit sa kanilang tahanan sa Dryden, New York bago sila nagtipon sa Nauvoo noong 1839. Habang nakatira sa tahanang ito, namatay sa sakit ang dalawang maliliit na anak nina William at Caroline. Ang mga kalunus-lunos na pangyayaring ito sa buhay ay naibsan dahil sa inihayag na doktrina ng mga walang-hanggang pamilya at mga
pagbubuklod na itinuturo sa Nauvoo noong 1840s.
Ano ang Aasahan
Ang Weeks Home ay may tatlong silid na malilibot nang may gabay na kinabibilangan ng sala, opisina, at silid-tulugan sa likuran. Pagkatapos ng paglilibot sa tahanan, sasamahan kayo ng mga missionary sa Edward and Ann Hunter Home para ipagpatuloy ang paglilibot sa Temple City. Sa panahon ng tag-init sa Nauvoo, maaari kang makapanood ng live na pagtatanghal na nagpapakita ng natatanging tungkulin ni Caroline.
360° Walkthrough