Teachings of Presidents
Kabanata 12: Pagbabahagi ng Ebanghelyo ni Jesucristo


“Kabanata 12: Ang Pagbabahagi ng Ebanghelyo ni Jesucristo,” Mga Turo ng mga Pangulo ng Simbahan: Russell M. Nelson (2023)

“Kabanata 12,” Mga Turo: Russell M. Nelson

kababaihang nagbabasa ng mga banal na kasulatan

Kabanata 12

Pagbabahagi ng Ebanghelyo ni Jesucristo

Baka kayo mismo ang magbukas ng [pinto] para maligtas at maunawaan [ng isang indibiduwal] ang doktrina ni Cristo.

Mula sa Buhay ni Russell M. Nelson

Sinabi ni Pangulong Russell M. Nelson, “Lahat ay nararapat na magkaroon ng pagkakataong malaman ang tungkol sa ipinanumbalik na ebanghelyo ni Jesucristo.” Ibinahagi niya ang ebanghelyo ni Jesucristo sa mga kapamilya, kaibigan, kapitbahay, kasamahan, at lider ng gobyerno sa pamamagitan ng kanyang mga salita at halimbawa. Isang halimbawa ang naging resulta ng pagkakaibigan nila ni Dr. Zhang Zhen-Xiang:

“Maraming taon na ang nakalipas, inanyayahan akong maging isang visiting professor of surgery sa People’s Republic of China. Nang makaharap at makilala ko nang lubusan ang aking host na si Dr. Zhang, natagpuan ko ang sarili ko na nakikinitang nakasuot siya ng puting damit na pambinyag. Pagkatapos, nang makilala ko ang asawa ni Dr. Zhang, hindi ko maiwasang makita silang dalawa sa isip ko na nakasuot ng puti sa templo nang magkasama. Natanto ko na hindi praktikal ang mga kaisipang ito, dahil hindi ako pinayagang magsalita tungkol sa ebanghelyo habang nasa China at mahigpit akong sumunod sa panuntunang iyon. Gayunpaman, sa loob ng maraming taon na pagpunta-punta ko sa China, ako at si Dr. Zhang ay naging mabuting magkaibigan.

“Anim na taon matapos akong tawagin sa Korum ng Labindalawang Apostol, nakatanggap ako ng hindi inaasahang liham mula kay Dr. Zhang. Ang sabi niya, pareho siyang nanirahan sa ilalim ng pamamahala ng mga Hapones at Tsino at nagtrabaho rin sa isang ospital ng Presbyterian. Pagkatapos ay sinabi niya na pitumpung taong gulang na siya ngayon, at ang tanging paraan ng pamumuhay na may katuturan sa kanya ay kay Dr. Russell Nelson. Gusto niyang malaman kung matuturuan ba silang mag-asawa ng ebanghelyo kung lilipat sila sa Toronto, Canada. Mangyari pa sinabi ko sa kanya na ikagagalak kong ayusin ang pakikipagkita niya sa mga missionary.

“Ilang linggo matapos na makipag-ugnayan ako sa mission president sa Toronto, nalaman ko na handa nang magpabinyag ang mga mahal kong kaibigang ito. Lumipad ako papuntang Toronto upang maging bahagi ng kanilang binyag. Pagkatapos ng kanilang kumpirmasyon, sinabi ko sa kanila na magbabalik ako pagkaraan ng isang taon para isagawa ang kanilang pagbubuklod bilang mag-asawa sa Toronto Ontario Temple, na ginawa ko. Ang mga ito ay isa sa mga itinatangi kong karanasan na nagsimula nang makinita ko silang nakasuot ng puti.”

Mga Turo ni Russell M. Nelson

Ang ebanghelyo ni Jesucristo ay kailangan ngayon nang higit kailanman.

5:34

Mga kapatid, ang ebanghelyo ni Jesucristo ay kailangan ngayon nang higit kailanman. Ang pagtatalo ay lumalabag sa lahat ng kinakatawan at itinuro ng Tagapagligtas. Mahal ko ang Panginoong Jesucristo at pinatototohanan ko na ang Kanyang ebanghelyo ang tanging pangmatagalang solusyon para sa kapayapaan. Ang Kanyang ebanghelyo ay ebanghelyo ng kapayapaan.

Ang Kanyang ebanghelyo ang tanging sagot kapag marami sa mundo ang natutulala sa takot. Binibigyang-diin nito ang agarang pangangailangan nating sundin ang tagubilin ng Panginoon sa Kanyang mga disipulo na “humayo … sa buong sanllibutan, at inyong ipangaral ang ebanghelyo sa lahat ng nilikha” [Marcos 16:15; idinagdag ang diin]. Mayroon tayong sagradong responsibilidad na ibahagi ang kapangyarihan at kapayapaan ni Jesucristo sa lahat ng makikinig at hahayaang manaig ang Diyos sa kanilang buhay.

Bawat taong nakipagtipan sa Diyos ay nangakong pangangalagaan ang iba at paglilingkuran ang mga nangangailangan. Maipapakita natin ang pananampalataya sa Diyos at lagi tayong magiging handang sumagot sa mga nagtatanong tungkol sa “pag-asang nasa [atin]” [1 Pedro 3:15]. Bawat isa sa atin ay may papel na gagampanan sa pagtitipon ng Israel.

Tanong sa Pag-aaral

Sa paanong mga paraan nakatulong sa iyo ang ebanghelyo ni Jesucristo na matagpuan ang kapayapaan?

Baka kayo mismo ang magbukas ng [pinto] ng kaligtasan sa isang tao

15:37

Ang lahat ay maaaring maging mga miyembrong misyonero. … Ang bawat miyembro ay maaaring maging halimbawa ng mga mananampalataya [tingnan sa 1 Timoteo 4:12]. … Bilang mga alagad ni Jesucristo, bawat isa sa inyo ay maaaring mamuhay ayon sa Kanyang mga turo. Maaari kayong magkaroon ng “dalisay na puso at malinis na mga kamay”; maaaring “ang larawan ng Diyos ay [maukit] sa inyong … mukha” [Alma 5:19]. Makikita ng iba ang inyong mabubuting gawa. Maaaring magningning ang liwanag ng Panginoon sa inyong mga mata. Sa ningning na iyan, makabubuting maghanda kayong matanong. Ipinayo ni Apostol Pedro, “Lagi kayong maging handa na ipagtanggol sa bawat taong humihingi sa inyo ng katuwiran tungkol sa pag-asang nasa inyo” [1 Pedro 3:15].

Sumagot nang magiliw at masaya. At iangkop ang inyong sagot sa sitwasyon ng taong iyon. Tandaan, siya ay anak din ng Diyos, ang Diyos na iyon na gustung-gustong maging karapat-dapat ang taong iyon para sa buhay na walang hanggan at makabalik sa Kanya balang-araw. Baka kayo mismo ang magbukas ng [pinto] para maligtas siya at maunawaan niya ang doktrina ni Cristo.

Pagkaraan ng una mong sagot, paghandaan ang susunod na hakbang. Maaari mong yayaing magsimba ang kaibigan mo. Marami sa ating mga kaibigan ang hindi alam na malugod silang tatanggapin sa ating mga simbahan. “Halikayo at tingnan ninyo” ang paanyaya ng Tagapagligtas sa mga nais pang matuto tungkol sa Kanya [Juan 1:39]. Ang pag-anyayang sumama siya sa inyo sa isang pulong sa araw ng Linggo, o makibahagi sa isang aktibidad o paglilingkod sa Simbahan ay maaaring pumawi sa mga maling akala at mapanatag ang mga bisita sa piling natin.

Bilang miyembro ng Simbahan, tulungan ang mga hindi ninyo kilala at magiliw silang batiin. Bawat Linggo, kamayan ang kahit isang tao man lang na hindi ninyo dating kakilala. Bawat araw sa buhay ninyo, sikaping dagdagan ang inyong mga kaibigan.

Maaari ninyong anyayahan ang isang kaibigan na basahin ang Aklat ni Mormon. Ipaliwanag na hindi ito isang nobela o aklat ng kasaysayan. Ito ay isa pang tipan ni Jesucristo. Ang pinakalayunin nito ay sa “ikahihikayat ng mga Judio at Gentil na si Jesus ang Cristo, ang Diyos na Walang Hanggan, [ipinakikilala] ang kanyang sarili sa lahat ng bansa” [pahina ng pamagat ng Aklat ni Mormon]. May kapangyarihan sa aklat na ito na makaaantig sa mga puso at magpapasigla sa buhay ng mga tapat na naghahanap ng katotohanan. Anyayahan ang inyong kaibigan na mapanalanging basahin ang aklat. …

15:37

Ang isa pang paraan na maibabahagi ninyo ang ebanghelyo ay anyayahan ang mga kaibigan na makipag-usap sa mga full-time missionary sa inyong tahanan. Ang mga missionary na iyon ay tinawag at handang magturo ng ebanghelyo. Ang inyong mga kaibigan, sa kapanatagan ng inyong tahanan at sa palagiang pagtiyak ninyo, ay magsisimulang tumahak sa landas tungo sa kaligtasan at kadakilaan. Sinabi ng Panginoon, “Kayo ay tinawag upang isakatuparan ang pagtitipon ng aking mga hinirang; sapagkat ang aking mga hinirang ay naririnig ang aking tinig at hindi pinatitigas ang kanilang mga puso” [Doktrina at mga Tipan 29:7].

Sinasabi sa atin ng mga banal na kasulatan na “marami pa sa mundo … na napagkakaitan lamang ng katotohanan sapagkat hindi nila alam kung saan ito matatagpuan” [Doktrina at mga Tipan 123:12]. Hindi ba pagkakataon na ninyo iyon? Maaari kayong maging kanilang disipulo ng pagtuklas! …

Bawat ulirang alagad ni Jesucristo ay maaaring maging epektibong miyembrong misyonero. Maaaring magtulungan ang mga miyembro at full-time missionary sa paghahatid ng mga pagpapala ng ebanghelyo sa mga mahal na kaibigan at kapitbahay.

Kapag tinatanong ka ng mga tao tungkol sa kagalakan at pag-asa na nakikita nila sa iyo, gusto nila ng isang simpleng sagot, hindi isang mahabang diskurso. Iminumungkahi ko na tumugon ka nang maikli. Na maaaring magbukas ng pinto sa mas mahabang pag-uusap kalaunan.

Tanong sa Pag-aaral

Ano ang sasabihin mo sa isang taong gustong malaman kung bakit ikaw ay miyembro ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw?

Maipangangaral nating lahat ang ebanghelyo sa salita at gawa

Bilang mga miyembro ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw, mayroon tayong sagrado at responsibilidad sa tipan na ibahagi ang ebanghelyo ni Jesucristo at pagpalain ang buhay ng lahat ng mga anak ng Diyos. … Ang ating tungkulin ay higit pa sa pag-anyaya lamang sa mga tao na sumapi sa Simbahan. Nais nating maging tunay na nagbalik-loob na disipulo ni Jesucristo ang bawat isa sa kanila at sumunod sa Kanya—ngayon at magpakailanman.

Sa bawat isa at tuwing ibinabahagi natin ang ebanghelyo sa iba, ginagampanan natin ang atas sa atin bilang mga disipulo ng Panginoon.

15:37

Isinulat ni Pablo sa bata pa noong si Timoteo, “Huwag mong hayaang hamakin ng sinuman ang iyong kabataan; kundi ikaw ay maging halimbawa ng mga mananampalataya, sa pananalita, pag-uugali, pag-ibig, pananampalataya, at sa kalinisan” [1 Timoteo 4:12; idinagdag ang diin]. Ang payong iyan ay may bisa sa atin ngayon katulad noon.

Maipangangaral nating lahat ang ebanghelyo sa salita at gawa. Ang ibig sabihin ng katagang ebanghelyo ay “mabuting balita.” Ang mabuting balita ay ang Panginoong Jesucristo at ang Kanyang mensahe ng kaligtasan.

Makibahagi sa malaking proseso ng pagtitipong ito. Maging mabuting halimbawa sa iyong mga kapitbahay, sa iyong mga kaibigan. … Maging mas mabait; maging mas magiliw kang kasama. … Maging mabuti sa isa’t isa; maging magalang sa isa’t isa; hanapin ang maganda sa isa’t isa. Kapag ipinakikita mo ang halimbawang iyan, gugustuhin ng ibang tao na tularan ka, mas gugustuhing maging katulad mo.

Mga Tanong sa Pag-aaral

Sino ang ilang tao na naging halimbawa ng mga mananampalataya para sa iyo? Paano ka nabigyang-inspirasyon ng kanilang mga halimbawa para ibahagi sa iba ang iyong pananampalataya kay Jesucristo?

Kailangan natin ng mas marami pang full-time missionary—mas karapat-dapat na mga missionary

5:34

Ngayon, muli kong pinagtitibay nang husto na hinihiling ng Panginoon sa bawat karapat-dapat at may kakayahang binatilyo na maghanda para sa at maglingkod sa misyon. Para sa mga lalaking Banal sa mga Huling araw, ang paglilingkod sa misyon ay isang responsibilidad ng priesthood. Kayong kalalakihan ay inireserba para sa panahong ito na nagaganap sa ipinangakong pagtitipon ng Israel. Kapag naglilingkod kayo sa misyon, may ginagampanan kayong malaking papel sa walang-katulad na panahong ito!

Para sa inyo na bata pa at may kakayahang mga sister, ang misyon ay isa ring maganda, pero opsyonal, na oportunidad. Mahal namin ang mga sister missionary at buong-puso namin silang tinatanggap. Ang iniaambag ninyo sa gawaing ito ay kahanga-hanga! Ipagdasal na malaman kung nais ng Panginoon na magmisyon kayo, at sasagot ang Espiritu Santo sa inyong puso’t isipan.

Mahal na mga kaibigang kabataan, bawat isa sa inyo ay mahalaga sa Panginoon. Inireserba na Niya kayo sa panahong ito para tumulong na tipunin ang Israel. Ang desisyon ninyong magmisyon, proselyting man ito o service mission, ay magpapala sa inyo at sa maraming iba pa. Hinihikayat din namin ang mga senior couple na maglingkod kung kaya nila. Hindi matatawaran ang kanilang mga pagsisikap.

Lahat ng missionary ay nagtuturo at nagpapatotoo tungkol sa Tagapagligtas. Kailangan ngayon ang liwanag ni Jesucristo nang higit kailanman dahil sa espirituwal na kadiliman sa mundo. Lahat ay nararapat na magkaroon ng pagkakataong malaman ang tungkol sa ipinanumbalik na ebanghelyo ni Jesucristo. Bawat tao ay nararapat na malaman kung saan siya makasusumpong ng pag-asa at kapayapaan na “[hindi maabot] ng pag-iisip” [Filipos 4:7].

Kailangan natin ng mas marami pang misyonero—mas karapat-dapat na mga misyonero. Noong Kanyang ministeryo sa lupa, sinabi ng Panginoon sa Kanyang mga disipulo, “Totoong marami ang aanihin, ngunit kakaunti ang mga manggagawa: kaya’t idalangin ninyo sa Panginoon ng pag-aani na magpadala siya ng mga manggagawa sa kanyang aanihin” [Lucas 10:2].

Tanong sa Pag-aaral

Ano ang masasabi mo para hikayatin at suportahan ang isang taong nag-iisip na mag-full-time mission?

Tumugon ang kagila-gilalas na matatandang missionary sa mga pagsamo ng mga propeta at apostol

15:47

Kapag naiisip natin ang mga missionary, karaniwa’y nalalarawan sa isipan natin ang mga binatang nakaputing polo at nakakurbata at mga dalagang mayumi ang pananamit. Pero kasama ng mga ito ang kagila-gilalas na matatandang missionary na tumugon sa pagsamo ng mga propeta at apostol para sa mas maraming couple missionary.

Nagpapasalamat ako sa ating mga senior missionary. Sila ay masisigla, matatalino, at handang magtrabaho. … Ang mahal na mga miyembrong ito ay handang paglingkuran at palakasin ang buhay ng iba. …

15:47

… Iba-iba at malawak ang mga oportunidad para sa mga senior missiyonary. Ang mga tawag sa kanilang maglingkod ay opisyal na ginagawa matapos ang mapanalanging pagsasaalang-alang sa kanilang trabaho, [karanasan] sa wika, at personal na kakayahan. Sa lahat ng kwalipikasyon sa paglilingkod, marahil ang hangarin na makapaglingkod ang pinakamahalaga. [tingnan sa Doktrina at mga Tipan 4:2–3]. …

Maraming mga mapagpakumbabang Banal sa mga Huling Araw ang natatakot na baka hindi sila karapat-dapat magmisyon. Pero sa gayong magiging missionary, ibinigay ng Panginoon ang katiyakang ito: “Pananampalataya, pag-asa, pag-ibig sa kapwa-tao at pagmamahal, na may matang nakatuon sa kaluwalhatian ng Diyos, ang kinakailangan upang maging karapat-dapat siya sa gawain” [Doktrina at mga Tipan 4:5].

Mga Tanong sa Pag-aaral

Sa anong mga paraan mo nakitang pinalakas ng mga senior missionary ang buhay ng iba? Sa anong mga paraan pinagpapala ang mga senior missionary at kanilang pamilya ng kanilang paglilingkod?

Itinuturo ng mga missionary ang kabuuan ng ebanghelyo at pinagpapala ang buhay ng mga tao sa lahat ng dako

Lahat ng missionary, bata at matanda, ay naglilingkod sa pag-asang mas mapapabuti pa ang buhay ng ibang tao.

Ang pasiyang magmisyon ay huhubog sa espirituwal na tadhana ng missionary, ng kanyang asawa, at angkan sa mga henerasyong darating. Ang hangaring maglingkod ay bunga ng pagbabalik-loob, pagiging karapat-dapat, at paghahanda ng isang tao. …

15:49

Sinusunod namin ang Panginoong Jesucristo at nagtuturo kami tungkol sa Kanya. Alam namin na matapos ang Kanyang maluwalhating pagtatagumpay sa kamatayan, ang nabuhay na muling Tagapagligtas ay nagpakita sa Kanyang mga disipulo sa maraming pagkakataon. Kumain Siya na kasama nila. Namuhay Siya na kasama nila. Bago ang Kanyang huling Pag-akyat sa Langit, iniutos Niya sa kanila na “[magsiyaon] … at gawin ninyong alagad ang lahat ng mga bansa, bautismuhan ninyo sila sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo” [Mateo 28:19]. Sinunod ng mga Apostol ang utos na iyan. Tumawag din sila ng iba pa upang matulungan sila na magawa ang utos ng Panginoon.

Ngayon, sa ilalim ng pamamahala ng kasalukuyang mga apostol at propeta, ang utos ding iyan ay ibinigay sa mga missionary ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw. Ang mga missionary na ito ay naglilingkod sa mahigit 150 bansa. Bilang mga kinatawan ng Panginoong Jesucristo, sinisikap nilang isagawa ang banal na utos iyan—na ibinigay muli ng Panginoon mismo sa ating panahon—ang ipalaganap ang ebanghelyo sa buong mundo at pagpalain ang buhay ng mga tao saanmang dako.

Tanong sa Pag-aaral

Paano naimpluwensyahan ang buhay mo ng desisyong ginawa mo o ng ibang tao na magmisyon?

Nais nating isulat ng mga missionary sa kanilang puso ang doktrina ni Cristo

Nakita ng Panginoon ang ating panahon nang sabihin Niya sa pamamagitan ng Kanyang propeta: “Ilalagay ko ang aking kautusan sa kanilang panloob na bahagi, at aking isusulat iyon sa kanilang mga puso; at ako’y magiging kanilang Diyos, at sila ay aking magiging bayan” [Jeremias 31:33; idinagdag ang diin]. Higit sa lahat, nais nating matanggap ng ating mga missionary ang pagpapalang iyan, na maiukit sa kanilang puso ang doktrina ni Cristo—na nakatimo nang malalim sa utak ng kanilang mga buto [tingnan sa 3 Nephi 11:31–40]. Sa pamamagitan ng magagaling na missionary na ito, parami nang parami ang mga taong makakakilala sa Panginoon at magpapabinyag. …

Ang mga missionary na nagsisikap na iukit sa kanilang puso ang batas ng Panginoon ay literal na nagiging—sa pamamagitan ng kanilang kilos, halimbawa, at ministeryo—“[mga] sulat ni Cristo” na nakikilala at nababasa ng lahat ng tao” [2 Corinto 3:2–3]. Dahil ang ebanghelyo ni Cristo ay malalim na nakaukit sa kanilang mga puso, sila ay nagiging mga tunay na sugo at magagandang halimbawa ng Panginoon.

Tanong sa Pag-aaral

Ano ang kahulugan para sa iyo na nakasulat ang doktrina ni Cristo sa iyong puso?

Kailangan nating magpatuloy nang may pananampalataya at gawin ang lahat ng makakaya natin, nalalaman na tutulungan tayo ng Diyos

Alam na alam ninyo ang pahayag ng Panginoon na “Aking mamadaliin ang aking gawain sa panahon nito” [Doktrina at mga Tipan 88:73]. Tayo ay mga saksi sa kamangha-manghang pag-unlad na ito. …

Bagama’t nagmamadali ang gawain ng kaligtasan at nagbago ang ilan sa ating mga kasangkapan sa paggawa ng gawain, ang mga mithiin ng Diyos ay hindi nagbago. Ang Kanyang gawain at kaluwalhatian sa tuwina ay “isakatuparan ang kawalang-kamatayan at buhay na walang hanggan ng tao” [Moises 1:39]. Sa madaling salita, bilang mapagkawanggawa at mapagmahal na Ama, nananabik Siya sa ligtas at matagumpay na pagbabalik ng Kanyang mga anak. Kaya itinatag Niya at ng Kanyang Pinakamamahal na Anak ang Kanyang Simbahan, upang malaman ng Kanyang mga anak ang tungkol sa Kanila, piliing sundin ang mga kautusan, at maging karapat-dapat sa pinakadakilang kaloob ng Diyos—ang buhay na walang hanggan.

Tayo, bilang mga kinatawan ng Panginoon, ay may pribilehiyong ipangaral ang Kanyang ebanghelyo. Nagturo si Apostol Pablo ng isang kahanga-hangang konsepto. Ipinahayag niya na bawat kinatawan, bawat disipulo—oo, bawat missionary—ay maaaring maging buhay na “sulat ni Cristo, … isinulat hindi ng tinta, kundi ng Espiritu ng Diyos na buhay … [nakaukit] sa mga tapyas ng puso ng tao” [2 Corinto 3:3]. … Kailangan nating magpatuloy nang may pananampalataya at gawin ang lahat ng makakaya natin, nalalaman na tutulungan Niya tayo.

Tanong sa Pag-aaral

Paano ka tinulungan ng Panginoon nang sikapin mong ibahagi ang Kanyang ebanghelyo sa mga kapamilya o sa iba?

Mga Paanyaya at Pangako

Baka kayo mismo ang magbukas ng [pinto] ng kaligtasan sa isang tao

15:37

Bilang mga alagad ni Jesucristo, bawat isa sa inyo ay maaaring mamuhay ayon sa Kanyang mga turo. Maaari kayong magkaroon ng “dalisay na puso at malinis na mga kamay”; maaaring “ang larawan ng Diyos ay [maukit] sa inyong … mukha” [Alma 5:19]. Makikita ng iba ang inyong mabubuting gawa. Maaaring magningning ang liwanag ng Panginoon sa inyong mga mata. Sa ningning na iyan, makabubuting maghanda kayong matanong. Ipinayo ni Apostol Pedro, “Lagi kayong maging handa na ipagtanggol sa bawat taong humihingi sa inyo ng katuwiran tungkol sa pag-asang nasa inyo” [1 Pedro 3:15].

Sumagot nang magiliw at masaya. At iangkop ang inyong sagot sa sitwasyon ng taong iyon. Tandaan, siya ay anak din ng Diyos, ang Diyos na iyon na gustung-gustong maging karapat-dapat ang taong iyon para sa buhay na walang hanggan at makabalik sa Kanya balang-araw. Baka kayo mismo ang magbukas ng [pinto] para maligtas siya at maunawaan niya ang doktrina ni Cristo.

Bawat alagad ni Jesucristo ay maaaring maging epektibong miyembrong misyonero

Bawat ulirang alagad ni Jesucristo ay maaaring maging epektibong miyembrong misyonero. Maaaring magtulungan ang mga miyembro at full-time missionary sa paghahatid ng mga pagpapala ng ebanghelyo sa mga mahal na kaibigan at kapitbahay.

Ang desisyon ninyong magmisyon, proselyting man ito o service mission, ay magpapala sa inyo at sa maraming iba pa

5:34

Ngayon, muli kong pinagtitibay nang husto na hinihiling ng Panginoon sa bawat karapat-dapat at may kakayahang binatilyo na maghanda para sa at maglingkod sa misyon. Para sa mga lalaking Banal sa mga Huling araw, ang paglilingkod sa misyon ay isang responsibilidad ng priesthood. Kayong kalalakihan ay inireserba para sa panahong ito na nagaganap sa ipinangakong pagtitipon ng Israel. Kapag naglilingkod kayo sa misyon, may ginagampanan kayong malaking papel sa walang-katulad na panahong ito!

Para sa inyo na bata pa at may kakayahang mga sister, ang misyon ay isa ring maganda, pero opsyonal, na oportunidad. Mahal namin ang mga sister missionary at buong-puso namin silang tinatanggap. Ang iniaambag ninyo sa gawaing ito ay kahanga-hanga! Ipagdasal na malaman kung nais ng Panginoon na magmisyon kayo, at sasagot ang Espiritu Santo sa inyong puso’t isipan.

Mahal na mga kaibigang kabataan, bawat isa sa inyo ay mahalaga sa Panginoon. Inireserba na Niya kayo sa panahong ito para tumulong na tipunin ang Israel. Ang desisyon ninyong magmisyon, proselyting man ito o service mission, ay magpapala sa inyo at sa maraming iba pa. Hinihikayat din namin ang mga senior couple na maglingkod kung kaya nila. Hindi matatawaran ang kanilang mga pagsisikap.

Ang pananampalataya, pag-asa, pag-ibig sa kapwa, at pagmamahal ang magpapamarapat sa mga senior missionary sa gawaing misyonero

15:47

Iba-iba at malawak ang mga oportunidad para sa senior missionary. Ang mga tawag sa kanilang maglingkod ay opisyal na ginagawa matapos ang mapanalanging pagsasaalang-alang sa kanilang trabaho, [karanasan] sa wika, at personal na kakayahan. Sa lahat ng kwalipikasyon sa paglilingkod, ang hangarin na makapaglingkod ang pinakamahalaga. Sinabi na ng Panginoon:

“O ikaw na humaharap sa paglilingkod sa Diyos, tiyaking pinaglilingkuran mo siya nang buong puso, kakayahan, pag-iisip at lakas, upang ikaw ay makatayong walang-sala sa harapan ng Diyos sa huling araw.

“Samakatwid, kung ikaw ay may mga naising maglingkod sa Diyos ikaw ay tinatawag sa gawain” [Doktrina at mga Tipan 4:2–3; idinagdag ang diin].

Maraming mga mapagpakumbabang Banal sa mga Huling Araw ang natatakot na baka hindi sila karapat-dapat magmisyon. Pero sa gayong magiging missionary, ibinigay ng Panginoon ang katiyakang ito: “Pananampalataya, pag-asa, pag-ibig sa kapwa-tao at pagmamahal, na may matang nakatuon sa kaluwalhatian ng Diyos, ang kinakailangan upang maging karapat-dapat siya sa gawain” [Doktrina at mga Tipan 4:5].

Ang matatapat na missionary ang magdadala sa mga tao sa kaalaman tungkol sa Panginoon

Nakita ng Panginoon ang ating panahon nang sabihin Niya sa pamamagitan ng Kanyang propeta: “Ilalagay ko ang aking kautusan sa kanilang panloob na bahagi, at aking isusulat iyon sa kanilang mga puso; at ako’y magiging kanilang Diyos, at sila ay aking magiging bayan” [Jeremias 31:33; idinagdag ang diin]. Higit sa lahat, nais nating matanggap ng ating mga missionary ang pagpapalang iyan, na maiukit sa kanilang puso ang doktrina ni Cristo—na nakatimo nang malalim sa utak ng kanilang mga buto [tingnan sa 3 Nephi 11:31–40]. Sa pamamagitan ng magagaling na missionary na ito, parami nang parami ang mga taong makakakilala sa Panginoon at magpapabinyag.

Kailangan nating magpatuloy nang may pananampalataya at gawin ang lahat ng makakaya natin, nalalaman na tutulungan tayo ng Diyos

Alam na alam ninyo ang pahayag ng Panginoon na “Aking mamadaliin ang aking gawain sa panahon nito” [Doktrina at mga Tipan 88:73]. Tayo ay mga saksi sa kamangha-manghang pag-unlad na ito. … Inaasahan ng Panginoon na pananatilihin natin ang Kanyang tulin sa pagmamadali. Kailangan nating magpatuloy nang may pananampalataya at gawin ang lahat ng makakaya natin, nalalaman na tutulungan Niya tayo.

Video

A Prophetic Call: Experience the Joy of Missionary Service

2:13

Mga Kaugnay na Mensahe

Pangangaral ng Ebanghelyo ng Kapayapaan” (pangkalahatang kumperensya ng Abril 2022)

5:34

Makibahagi sa Kasiglahan ng Gawain” (pangkalahatang kumperensya ng Abril 2013)

14:15

Tanungin ang mga Missionary! Matutulungan Nila Kayo!” (Pangkalahatang kumperensya ng Oktubre 2012)

15:49

Maging Uliran ng mga Nagsisisampalataya” (Pangkalahatang kumperensya ng Oktubre 2010)

15:37

Mga Senior Missionary at ang Ebanghelyo” (Pangkalahatang kumperensya ng Oktubre 2004)

15:47

The Work of Salvation: Parable of a Father at Bedtime” (espesyal na missionary broadcast, Hunyo 2013)

28:13