Seminary
Moises 1; Abraham 3: Buod


“Moises 1; Abraham 3: Buod,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan (2026)

“Moises 1; Abraham 3: Buod,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan

Moises 1; Abraham 3

Moises 1; Abraham 3

Buod

Isinasalaysay sa Moises 1 at Abraham 3 ang mga karanasan ng mga propeta sa Panginoon. Ipinakita ng Panginoon kay Abraham na, sa premortal na buhay, tumawag Siya ng mga pinuno para tulungan tayo. Itinuro ng Panginoon kay Moises na anak Siya ng Diyos na may gawaing dapat gawin, at “ang isakatuparan ang kawalang-kamatayan at buhay na walang hanggan ng tao” (Moises 1:39) ang gawain at kaluwalhatian ng Panginoon. Napaglabanan din ni Moises ang mga tukso ni Satanas.

icon ng seminary Lumikha ng ligtas na kapaligiran kung saan iginagalang ang lahat at alam nilang pinahahalagahan ang kanilang partisipasyon at mga ibinahagi. Sa pagbabahagi ng mga tapat na papuri at pagpuri sa mga kontribusyon ng mga estudyante sa klase, maaaring mas gustuhin nilang makibahagi sa lesson. Para malaman ang iba pa, tingnan ang “Mahalin ang mga Tinuturuan Mo” sa Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas. Matatagpuan ang isang halimbawa ng kung paano ito gawin sa lesson na “Abraham 3.”

Maghandang magturo

Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa iyo ng mga ideya sa kung ano ang maaaring kailangan mong ihanda nang maaga para sa bawat lesson.

Abraham 3

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na maunawaan kung paano makatutulong sa kanila ang kaalaman tungkol sa premortal na buhay sa plano ng Ama sa Langit.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na itanong sa isang kaibigan o kapamilya kung ano ang nalalaman nila tungkol sa premortal na buhay at kung paano makatutulong sa kanila ang kaalaman tungkol sa premortal na buhay.

Moises 1:1–11

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na madama na anak sila ng Diyos at may gawain Siya na ipagagawa sa kanila.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pag-isipan o isulat ang pinaniniwalaan nilang layunin nila sa buhay.

  • Larawan: Isang larawan ni Moises, halimbawa, na hinahawi ang Dagat na Pula.

  • Mga Video:I Am a Son of God” (6:30) mula sa time code na 0:00 hanggang 2:49; “Ako ay May Gawain para sa Iyo” (10:25) mula sa time code na 0:18 hanggang 1:12.

Moises 1:12–26

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na humugot ng lakas mula sa Diyos upang mapaglabanan ang mga tuksong kinakaharap nila sa kanilang personal na buhay.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pagnilayan ang isa sa mga tuksong kinakaharap nila sa kanilang personal na buhay at pumasok sa klase na handang matuto kung paano ito mapaglalabanan.

  • Video:I Am a Son of God” (6:30) mula sa time code na 2:50 hanggang 6:30.

Moises 1:27–42

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na makadama ng pasasalamat para sa Ama sa Langit at sa Kanyang gawain na isakatuparan ang kawalang-kamatayan at buhay na walang hanggan sa lahat ng Kanyang anak.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pagnilayan ang kalakhan ng mga nilikha ng Ama sa Langit at ang pagmamahal ng Ama sa Langit para sa bawat isa sa kanila. Ang isang paraan na magagawa nila ito ay tingnan ang kalangitan sa isang maaliwalas na gabi at isipin kung ano ang nadarama ng Ama sa Langit tungkol sa kanila sa gitna ng maraming bituin, planeta, at galaxy na Kanyang nilikha.

  • Object lesson: Isang maliit na lalagyan na may buhangin at isang maliit na lalagyan na may tubig, o isang larawan ng buhangin.

  • Mga Video:Ito ang Aking Gawain at Aking Kaluwalhatian,” (17:11) mula sa time code na 0:53 hanggang 1:31; “Mahalaga Kayo sa Kanya” (19:30) mula sa time code na 3:56 hanggang 4:46.