“Mga Bagay na Madalas Itanong,” Gabay sa Pagpapatupad ng EnglishConnect (2022)
“Mga Tanong,” Gabay sa Pagpapatupad ng EnglishConnect
Mga Bagay na Madalas Itanong (FAQ)
Anong mga pagbabago ang magagawa ko sa mga resources ng pag-aaral at promotional resources?
Ano ang mga materyal ng mag-aaral at guro para sa EnglishConnect?
Paano ko malalaman kung matagumpay ang mga grupo?
Paano ko malalaman kung dapat kumuha ang mag-aaral ng EnglishConnect 1 o 2?
Anong mga pagbabago ang magagawa ko sa mga resources ng pag-aaral at promotional resources?
Ang resources ng EnglishConnect ay protektado ng batas sa karapatang-sipi at hindi dapat baguhin nang walang pahintulot. Tingnan sa bahaging “Apendiks A: Legal na Impormasyon” para sa impormasyon tungkol sa paghingi ng pahintulot na baguhin ang resources.
Ilang guro ang kailangan ko?
Inirerekomenda na magkaroon ang bawat grupo ng kahit dalawang guro lamang. Sa gayong paraan ay maaari silang magturo nang magkasama o kahalili ng isa kapag absent o maysakit ang isa.
Mahalaga: Kailangang sundin ng mga EnglishConnect group ang patakaran ng Simbahan na may kahit dalawa man lang na responsableng adult ang dapat na naroon palagi sa bawat miting ng grupo. Kung mayroon lamang isang guro, atasan ang isang adult na miyembro ng grupo na dumalo sa bawat lesson. Huwag magdaos ng miting ng mga grupo kung wala kahit dalawang responsableng adult na naroon.
Ano ang mga materyal ng mag-aaral at guro para sa EnglishConnect?
Mga Materyal ng Mag-aaral
Kakailanganin ng mga mag-aaral ng access sa EnglishConnect 1 para sa mga Mag-aaral o EnglishConnect 2 para sa mga Mag-aaral. Mayroon ding karagdagang resources para mapahusay ang pag-aaral. Tingnan ang listahan sa ibaba para sa mga paglalarawan ng lahat ng resources na makukuha ng mga mag-aaral:
-
EnglishConnect 1 para sa mga Mag-aaral at EnglishConnect 2 para sa mga Mag-aaral: Ginagamit ng mga mag-aaral ang mga manwal na ito para maghanda at makibahagi sa conversation group. Bawat manwal ng mag-aaral ay nahahati sa anim na unit na may tig-aapat hanggang limang lesson. Bawat lesson ay kinapapalooban ng mga bahaging “Personal na Pag-aaral” at “Conversation Group.” Hinihikayat ang mga mag-aaral na kumpletuhin ang mga aktibidad sa “Personal na Pag-aaral” bago simulan ang conversation group. Maaari mong ma-access ang mga manwal ng mag-aaral at kalakip na audio resources sa Gospel Library o i-order ang mga ito sa store.ChurchofJesusChrist.org (item number 18489 & 19563).
-
EnglishConnect 1 Workbook at EnglishConnect 2 Workbook: Ang EnglishConnect 1 at 2 group ay may sari-sariling workbook. Ginagamit ng mga mag-aaral ang mga aktibidad sa mga workbook na ito nang mag-isa o nang may kapartner bilang karagdagang praktis maliban pa sa conversation group. Maaari mong ma-access ang mga workbook sa Gospel Library o i-order ang mga ito sa store.ChurchofJesusChrist.org (item numbers 17140 & 17323).
-
EnglishConnect.org: Kabilang sa EnglishConnect website ang mga interactive practice activity para sa bawat lesson.
-
Gospel Library App: Maaaring basahin o pakinggan ng mga mag-aaral ang mga mensahe sa pangkalahatang kumperensya, ang Aklat ni Mormon, at mga himno.
-
Iba pang mga Aklat at Apps: Maraming resources ang ginawa para matulungan ang mga tao na matuto ng Ingles. Ang mga mag-aaral ay dapat “maghanap … sa mga pinakamabubuting aklat ng mga salita ng karunungan; maghangad na matuto, maging sa pamamagitan ng pag-aaral at gayon din sa pamamagitan ng pananampalataya” (Doktrina at mga Tipan 88:118).
Dapat hikayatin ng mga guro ang mga mag-aaral na subukan ang iba’t ibang resources at suriin kung gaano kahusay na nakakatulong sa kanila ang bawat isa sa mga ito.
Mga Item Number sa Store ng Simbahan
|
EnglishConnect 1 para sa mga Mag-aaral |
18489 |
|
EnglishConnect 2 para sa mga Mag-aaral |
19563 |
|
EnglishConnect 1 Workbook |
17140 |
|
EnglishConnect 2 Workbook |
17323 |
Mga Materyal ng Guro
Dapat pag-aralan ng mga guro ang EnglishConnect for Teachers sa Gospel Library gayundin ang iba pang training resources sa englishconnect.org/teacher/training. Magagamit din ng mga guro ang EnglishConnect presentation resources para magabayan ang mga aktibidad ng conversation group. Ang presentation resources ay makukuha sa englishconnect.org/resources/teaching-materials.
Paano ko malalaman kung matagumpay ang mga grupo?
Ang layunin ng EnglishConnect ay tulungan ang mga mag-aaral na madagdagan ang kanilang espirituwal at temporal na pag-asa sa sariling kakayahan habang humihingi sila ng tulong sa Panginoon na matuto ng Ingles. Ang pag-aaral ng Ingles ay maaari ding magpalawak ng kanilang mga oportunidad na makapag-aral at makapagtrabaho. Ang mga kurso ng EnglishConnect ay naglalayong tulungan ang mga mag-aaral na ipamuhay ang mga alituntunin ng ebanghelyo habang nagtutulungan silang makamit ang kanilang mga mithiin sa pag-aaral.
Malalaman mo na nagtatagumpay ang mga guro kapag kanilang:
-
Inaanyayahan ang Espiritu sa pamamagitan ng patotoo, panalangin, at pagpapahayag ng pagmamahal at panghihikayat.
-
Inilalaan ang 20 hanggang 30 minuto ng oras ng grupo para talakayin ang alituntunin ng pagkatuto mula sa lesson.
-
Ginugugol ang karamihan sa oras ng grupo sa pagtulong sa mga mag-aaral na makibahagi sa mga aktibidad sa pagpapraktis sa pagsasalita.
Malalaman mo na nagtatagumpay ang mga mag-aaral kapag sila ay:
-
Palaging dumadalo at aktibong nakikibahagi sa mga lingguhang group session.
-
Nagtuturo sa isa’t isa, nagpapakita ng pananampalataya, at nagbabahagi ng patotoo.
-
Kumikilos nang may pananampalataya para pag-aralan at praktisin ang Ingles araw-araw sa labas ng grupo.
Paano ko malalaman kung dapat kumuha ang mag-aaral ng EnglishConnect 1 o 2?
Magagamit mo ang maikling oral assessment sa “Appendix B: Oral Proficiency Interview for Placement in EnglishConnect Groups” para malaman kung ang isang mag-aaral ay dapat ilagay sa EnglishConnect 1 o EnglishConnect 2. Kung may isang grupo lang na inaalok, ang mga mag-aaral mula sa dalawang antas ay maaaring magtulungan sa pagbibigay at pagtanggap ng suporta.