“Mga Lider,” Gabay sa Pagpapatupad ng EnglishConnect (2023)
“Mga Lider,” Gabay sa Pagpapatupad ng EnglishConnect
Mga Lider
Ang EnglishConnect ay pinamamahalaan ng priesthood leaders upang tumulong sa gawain ng kaligtasan at kadakilaan ng Diyos. Ang EnglishConnect ay maaaring ipatupad ng mga ward, stake, coordinating council, mission, at area.
Ang sumusunod na mga alituntunin ay makatutulong sa inyo na makapagsimula:
-
Magkaroon ng plano at mithiin. Sa mga council, alamin kung paano ninyo gagamitin ang EnglishConnect para masuportahan ang mga indibiduwal at pamilya sa gawain ng kaligtasan at kadakilaan ng Diyos.
-
Iatas ang responsibilidad. Ang EnglishConnect ay maaaring iorganisa tulad ng iba pang mga programa sa self-reliance o edukasyon. Maiaatas ang pagpapatupad ng EnglishConnect sa isang high councilor o self-reliance specialist.
-
Tiyaking nagagawa ang responsibilidad. Mag-iskedyul ng mga paminsan-minsang pag-update sa epekto ng programa. Magtuon sa mga indibiduwal at pamilya.
Mga Mission Leader
Sa mga lugar kung saan walang mga EnglishConnect group ang mga stake o ward, maaaring magplano ang mga mission leader kasama ang mga lokal na priesthood leader na ang mga missionary ang magturo sa mga grupo habang inihahanda ng mga lokal na lider ng Simbahan ang mga miyembro sa pagganap sa tungkuling ito. Dapat gamitin ng mga mission leader at missionary ang impormasyon sa gabay na ito at makipagtulungan sa mga lokal na lider at miyembro (tingnan sa “Pakikipagtuwang sa Mission”).