Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin
Mayo 18–24. “Ikaw ay Magpakalakas at Magpakatapang na Mabuti”: Josue 1–8; 23–24


“Mayo 18–24. ‘Ikaw ay Magpakalakas at Magpakatapang na Mabuti: Josue 1–8; 23–24,’” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Tahanan at sa Simbahan: Lumang Tipan 2026 (2026)

“Mayo 18–24. ‘Ikaw ay Magpakalakas at Magpakatapang na Mabuti,’” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin: Lumang Tipan 2026

si Moises na binabasbasan si Josue

Si Moises na Inoorden si Josue, ni Darrell Thomas (detalye)

Mayo 18–24: “Ikaw ay Magpakalakas at Magpakatapang na Mabuti”

Josue 1–8; 23–24

Tumagal nang ilang henerasyon, ngunit ang pangako ng Panginoon ay malapit nang matupad: malapit nang manahin ng mga anak ni Israel ang lupang pangako. Ngunit nakaharang sa kanilang daan ang Ilog Jordan, mga pader ng Jerico, at malalakas na taong tumanggi sa Panginoon (tingnan sa 1 Nephi 17:35). At kakailanganin nilang harapin ang lahat ng iyon nang wala ang kanilang minamahal na pinunong si Moises. Maaaring dahil sa sitwasyon ay nanghina at natakot ang ilang Israelita, ngunit sinabi ng Panginoon, “Magpakalakas at magpakatapang na mabuti.” Ano ang dahilan nila para maging matapang? Hindi iyon dahil sa sarili nilang lakas—o kahit sa lakas ni Moises o ni Josue—kundi dahil “ang Panginoon mong Diyos ay kasama mo saan ka man pumaroon” (Josue 1:9). Kapag may sarili tayong mga ilog na tatawirin at mga pader na pababagsakin, maaaring may mangyaring magagandang bagay sa ating buhay dahil “gagawa ng mga kababalaghan ang Panginoon sa [atin]” (Josue 3:5).

Para sa buod ng aklat ni Josue, tingnan sa “Josue” sa Gabay sa mga Banal na Kasulatan.

icon ng pag-aaral

Mga Ideya para sa Pag-aaral sa Tahanan at sa Simbahan

Josue 1:1–9

Makakasama ko ang Diyos habang nagsisikap akong maging tapat sa Kanya.

Isipin kung ano kaya ang pakiramdam ni Josue noong tinawag siyang maging kapalit ni Moises. Pansinin ang sinabi ng Panginoon sa Josue 1:1–9 para hikayatin siya. Isipin ang mahihirap na pagsubok na nakakaharap mo; ano sa mga talatang ito ang nagbibigay sa iyo ng lakas-ng-loob?

Ang kahulugan ng pangalang Josue (Yehoshua o Yeshua sa Hebreo) ay “nagliligtas si Jehova.” At ang pangalang Jesus ay nagmumula sa Yeshua. Kaya habang nagbabasa ka tungkol kay Josue, isipin ang kanyang papel na pamunuan ang mga anak ni Israel patawid ng Ilog Jordan patungong lupang pangako. Paano nahahalintulad ang kanyang misyon sa ginagawa ni Cristo para sa atin?

Josue 1:8

icon ng seminary
Ang salita ng Diyos ay maaaring gawing matagumpay ang ating lakad.

Nang hikayatin Niya si Josue, nagpayo ang Panginoon sa Josue 1:8 tungkol sa mga banal na kasulatan, o “salita ng kautusan.” Kung iisipin ang mabigat na responsibilidad ni Josue, bakit kaya naging malaking tulong ang payong ito?

Kapag inaanyayahan tayo ng Panginoon na basahin ang mga banal na kasulatan, madalas Siyang gumamit ng mga salitang higit pa sa magbasa lamang. Nangangako rin Siya ng malalaking pagpapala. Ang table sa ibaba ay maaaring makatulong sa iyo na matuklasan ang mga paanyaya at ipinangakong mga pagpapalang ito:

Paanyaya

Mga ipinangakong pagpapala

Josue 1:8

Paanyaya

Magnilay gabi’t araw

Mga ipinangakong pagpapala

1 Nephi 15:23–24

Paanyaya

Mga ipinangakong pagpapala

2 Nephi 32:3

Paanyaya

Mga ipinangakong pagpapala

Mosias 1:7

Paanyaya

Mga ipinangakong pagpapala

Umunlad sa lupain

Helaman 3:29–30

Paanyaya

Mga ipinangakong pagpapala

Doktrina at mga Tipan 84:85

Paanyaya

Mga ipinangakong pagpapala

Russell M. Nelson, “Pakinggan Siya,” Liahona, Mayo 2020, huling talata sa pahina 89

Paanyaya

Mga ipinangakong pagpapala

Paano natupad ng Panginoon ang mga pangakong ito sa iyong buhay? Maaaring ngayon ang magandang panahon para suriin ang iyong mga gawi sa pag-aaral ng mga banal na kasulatan. Ano ang nangyayaring maganda? Ano ang nahihikayat kang gawin para magkaroon ng mas makabuluhang mga karanasan sa salita ng Diyos?

Tingnan din sa “Habang Aking Binabasa,” Mga Himno, blg. 176.

Josue 2

Kailangan kapwa ang pananampalataya at mga gawa sa kaligtasan.

Itinuring ng mga Kristiyano sa Bagong Tipan si Rahab bilang isang halimbawa ng bisa kapwa ng pananampalataya at mga gawa (tingnan sa Mga Hebreo 11:31; Santiago 2:25). Habang binabasa mo ang Josue 2, isipin ang papel ng pananampalataya at mga gawa ni Rahab sa pagliligtas sa kanyang sarili, sa kanyang pamilya, at sa mga espiyang Israelita. Ano ang itinuturo nito sa iyo kung paano maaaring impluwensyahan ng iyong pananampalataya kay Cristo at ng iyong mga gawa ang iyong sarili at ang ibang tao?

Si Rahab na nakadungaw sa bintana

Si Rahab sa kanyang bintana. Naghihintay sa Pangako, ni Elspeth Young (detalye)

Josue 3–4

Sa pagsampalataya kay Jesucristo, maaari akong makaranas ng “mga kababalaghan” ng Diyos.

Gumawa ng mga kababalaghan ang Panginoon sa Kanyang mga tao nang akayin Niya sila patungong lupang pangako, at magagawa rin Niya iyon para sa iyo. Narito ang ilang tanong na gagabay sa pag-aaral mo ng Josue 3–4:

  • Sa palagay mo, bakit kinailangan ng mga Israelita na pabanalin ang kanilang sarili bago nila tinawid ang Ilog Jordan? (tingnan sa Josue 3:5).

  • Pansinin na nahati lamang ang ilog matapos na “ang mga paa ng mga pari … ay nabasa sa gilid ng tubig” (Josue 3:13, 15). Bakit iyon mahalaga?

  • Para sa iba pang mahahalagang kaganapan ng nangyari sa Ilog Jordan—tingnan sa 2 Mga Hari 2:6–15; 5:1–14; at Marcos 1:9–11. Anong mga kaugnayan ang nakikita mo sa pagitan ng mga kaganapang ito?

  • Paano nakagawa ng “mga kababalaghan” ang Panginoon sa iyong buhay? (Josue 3:5). Paano mo mararanasan—o makikilala—ang mga kababalaghang iyon nang mas madalas? (halimbawa, tingnan sa Josue 3:17).

Josue 6–8

Ang pagsunod ay nag-aanyaya sa kapangyarihan ng Diyos sa aking buhay.

Ang Josue 6–8 ay tungkol sa mga digmaan sa mga lupain ng Jerico at Ai. Habang binabasa mo ang mga kabanatang ito, isipin kung paano mo nilalabanan ang tukso (halimbawa, tingnan sa Josue 7:10–13). Ano ang natututuhan mo kung paano ka matutulungan ng Diyos at ano ang kailangan mong gawin para magamit ang Kanyang kapangyarihan? Halimbawa, ano ang tumatak sa isipan mo tungkol sa mga tagubilin ng Panginoon sa pagsakop sa Jerico? (tingnan sa Josue 6:1–5). Marahil ay mahihikayat ka ng salaysay sa Josue 7 na magpasiya kung “may mga itinalagang bagay” sa iyong buhay na kailangan mong alisin (Josue 7:13).

Josue 23–24

“Piliin ninyo sa araw na ito kung sino ang inyong paglilingkuran.”

Kabilang sa mga huling turo ni Josue sa mga Israelita sa Josue 23–24 ang mahahalagang babala, payo, at ipinangakong mga pagpapala. Marahil ay maaari mong ilista ang matuklasan mo. Sa pagsasaalang-alang sa lahat ng naranasan ng mga Israelita, bakit kaya pinili ni Josue na sabihin sa kanila ang mga bagay na ito sa huling sandali ng kanyang buhay? Ano ang nakikita mo na humihikayat sa iyo na “[kumapit] sa Panginoon”? (Josue 23:8).

Tingnan din sa Dale G. Renlund, “Piliin Ninyo sa Araw na Ito,” Liahona, Nob. 2018, 104–6.

Mga Tulong sa Banal na Kasulatan

Iklik para makita ang iba pa.

icon ng bahaging pambata

Mga Ideya para sa Pagtuturo sa mga Bata

Josue 1–46

“Magpakalakas at magpakatapang na mabuti.”

  • Narito ang isang paraan para matulungan ang iyong mga anak na “magpakalakas at magpakatapang na mabuti” (Josue 1:6) sa pamamagitan ni Jesucristo. Anyayahan silang maghanap ng isang pariralang inuulit sa Josue 1:6, 9, at 18, at isulat o isaulo ito. Tulungan ang iyong mga anak na mag-isip ng mga sitwasyon kung saan maaari nilang kailanganin ang mensaheng ito, tulad ni Josue noon. Maaari din ninyong sama-samang rebyuhin ang ilan sa mga kuwento sa Josue 1–46 (tingnan din sa “Ang Propetang si Josue” at “Si Rahab at ang mga Espiya” sa Mga Kuwento sa Lumang Tipan, 85–91). Paano nagpakita ang mga tao sa mga kuwentong ito ng tapang at lakas sa Panginoon?

    2:59

    Joshua the Prophet

    1:39

    Rahab and the Spies

Josue 1:8

Ang pag-aaral ng mga banal na kasulatan ay naghahatid sa akin ng mga pagpapala.

  • Ang pagbasa sa Josue 1:8 ay maaaring maghikayat sa iyong mga anak na basahing mag-isa ang mga banal na kasulatan. Tulungan silang makahanap ng mga salita sa talatang ito na nagtuturo sa kanila kung paano at bakit dapat nating basahin ang mga banal na kasulatan. Maaari nilang hanapin din ang mga ito sa 1 Nephi 15:23–24; 2 Nephi 31:20; 32:3; Jacob 4:6; Helaman 3:29–30. Maaari mo rin silang tulungang gumawa at magsakatuparan ng plano na basahin ang mga banal na kasulatan.

Josue 3–4

Kailangan akong mabinyagan para makapasok sa kaharian ng langit.

  • Maaari mong gamitin ang kuwento ng pagtawid ng mga Israelita sa Ilog Jordan bilang simbolo ng binyag—pagtalikod sa dati nating buhay sa ilang at pagsisimula ng bagong buhay sa isang pakikipagtipan sa Diyos. Kaya habang sama-sama ninyong binabasa ang Josue 3–4 (o “Ang Propetang si Josue” sa Mga Kuwento sa Lumang Tipan, 85–89), maaari din kayong tumingin sa isang larawan ni Jesus na binibinyagan at ipaliwanag na bininyagan si Jesus sa mismong ilog na tinawid ng mga Israelita. Pagkatapos ay maaari kayong kumanta ng isang awitin tulad ng “Pagbibinyag” (Aklat ng mga Awit Pambata, 54–55). Ibahagi sa isa’t isa kung paano parang pagsisimula ng bagong buhay sa kaharian ni Jesucristo ang pagpapabinyag.

    2:59

    Joshua the Prophet

magkasamang larawang nagpapakita kay Jesus na binibinyagan at sa isang binatang binibinyagan

Josue 24:15

Maaari kong piliing paglingkuran si Jesucristo.

  • Ano ang magagawa mo para tulungan ang iyong mga anak na matutong piliing sundin si Jesucristo, tulad ng paanyaya ni Josue na gawin ng mga Israelita? Maaari mo silang anyayahang:

    • Magsaulo ng isang maikling parirala mula sa Josue 24:15. Subukang gawin itong masaya para sa iyong mga anak. Ang bilang ng mga salitang isinasaulo nila ay maaaring dumepende sa kanilang edad.

    • Maghanap ng mga kuwento tungkol sa mga taong piniling maglingkod kay Jesucristo. Maaari silang tumingin sa magasing Kaibigan, sa Aklat ng Sining ng Ebanghelyo, o sa Mga Kuwento sa Lumang Tipan at sa iba pang mga aklat ng mga kuwento sa banal na kasulatan.

    • Magdula-dulaan ng mga sitwasyon kung saan maaari nilang piliing sundin at paglingkuran ang Tagapagligtas.

Gumamit ng iba’t ibang mga aktibidad. “Magkakaiba ang lahat ng bata, at habang lumalaki sila, nagbabago ang mga pangangailangan nila. Ang pag-iiba-iba ng pamamaraan mo sa pagtuturo ay tutulong sa iyo na matugunan ang iba’t ibang pangangailangan nila” (Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas34).

Para sa iba pa, tingnan ang isyu ng magasing Kaibigan sa buwang ito.

placeholder

Mga Unang Hakbang ng Pananampalataya sa Jordan, ni Trent Gudmundsen

Pahina ng aktibidad sa Primary: Kailangan akong mabinyagan para makapasok sa kaharian ng langit