Pangangalaga sa mga Nangangailangan
Buod ng Pangangalaga sa mga Nangangailangan noong 2023


“Buod ng Pangangalaga sa mga Nangangailangan noong 2023,” Buod ng Pangangalaga sa mga Nangangailangan noong 2023 (2024)

“Buod ng Pangangalaga sa mga Nangangailangan noong 2023,” Buod ng Pangangalaga sa mga Nangangailangan noong 2023

Buod ng Pangangalaga sa mga Nangangailangan noong 2023

sining sa pabalat

Naniniwala ang mga miyembro ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw sa pagsunod sa dalawang dakilang utos ng Tagapagligtas: mahalin ang Diyos at mahalin ang ating kapwa. Bilang bahagi ng utos na ito, sinisikap naming palawakin ang aming epekto sa abot ng aming makakaya upang ang aming mga ginagawa para pangalagaan ang mga nangangailangan ay hindi lamang mapagpala ang mga taong tumatanggap ng tulong kundi maging ang kanilang mga pamilya at komunidad. Inaanyayahan namin ang lahat na samahan kami sa pagsisikap na ito na magpakita ng pagmamahal na katulad ng kay Cristo habang pinangangalagaan namin ang mga nangangailangan.

Noong 2023, Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw—sa pamamagitan ng mga miyembro at missionary nito, sa pakikipagtulungan sa ibang mga organisasyon, at mga donasyon—ay nangalaga sa maraming nangangailangan sa iba’t ibang panig ng mundo. Kabilang dito ang:

  • 6.2 milyong oras ng mga boluntaryo

  • $1.36 na bilyong gastos

  • 191 bansa at teritoryo na napaglingkuran

  • 4,119 na mga proyektong pangkawanggawa

Basahin ang iba pa tungkol sa mga pagsisikap ng Simbahan na pangalagaan ang mga nangangailangan noong 2023 sa http://folky.shop/serve/caring/annual-summary

Tingnan ang PDF version dito.