Pangangalaga sa mga Nangangailangan
2025 Ulat sa Pangangalaga sa mga Nangangailangan


2025 Ulat sa Pangangalaga sa mga Nangangailangan

Sining sa pabalat

Bilang mga miyembro ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw, hinahangad nating sundin ang una at ikalawang dakilang utos—mahalin ang Diyos at mahalin ang ating kapwa (tingnan sa Mateo 22:36–40). Ang mga anak ng Diyos ay Kanyang gawain at Kanyang kaluwalhatian (tingnan sa Moises 1:39), at para matupad ang dalawang dakilang utos, hinahangad nating pangalagaan ang mga nangangailangan tulad ng ginawa ng Tagapagligtas noong Kanyang mortal na ministeryo.

Pinalalawak ng Simbahan ang mga pagsisikap nito na pangalagaan ang mga nangangailangan sa pamamagitan ng mga pandaigdigang proyektong humanitarian, serbisyong ibinibigay ng mga miyembro at mga missionary, mga resource para sa welfare at self-reliance, at pakikipagtulungan sa iba pang mga organisasyon. Noong 2025, ini-report ng Simbahan:

  • 3514 mga proyektong pangkawanggawa.

  • 7.4 milyong oras na ibinigay ng mga volunteer.

  • 196 mga bansa at teritoryong pinaglingkuran.

  • $1.58 bilyong nagastos.

Basahin ang iba pang ginawang mga pagsisikap ng Simbahan para pangalagaan ang mga nangangailangan noong 2025 sa CaringReport.Churchofjesuschrist.org