“Pag-alaala kay Pangulong Jeffrey R. Holland,” Liahona, Okt. 2024.
Pag-alaala kay Pangulong Jeffrey R. Holland
Siya ay isinilang noong Disyembre 3, 1940, sa Utah, USA.
Mahilig siya sa isports. Sa paaralan siya ay nasa football, basketball, baseball, at mga track team.
Noong bata pa siya, nagtrabaho siya bilang carrier ng pahayagan, bagger ng grocery, at gas station attendant.
Hinikayat siya ng kanyang magiging asawa na si Patricia Terry na magmisyon. Nagpasiya siyang magmisyon! Naglingkod siya sa England.
Ikinasal sila ni Patricia sa St. George Utah Temple noong 1963. Mayroon silang 3 anak.
Bago siya naging Apostol, nagturo siya ng mga klase sa relihiyon. Kalaunan, naging pangulo siya ng BYU.
Mahilig siyang magbasa. Naglaan siya ng oras para pag-aralan ang mga banal na kasulatan araw-araw.
Hinikayat niya ang mga miyembro na huwag sumuko at magtiwala sa Diyos.