Kumperensya ng mga Tagapagturo ng Relihiyon ng CES
Talakayan ng Panel kasama si Elder Gilbert


69:19

Talakayan ng Panel: Paghikayat sa Pakikilahok ng Estudyante

Debosyonal sa Kumperensiya ng mga Guro ng Relihiyon, Hunyo 12, 2025

Paunawa ng patnugot: Ang mga bahagyang pagbabago ay ginawa sa transcript na ito para sa kalinawan.

Elder Clark G. Gilbert: Salamat, Elder Meredith. Napakagandang mensahe. At kung hindi n’yo kilala si Elder Meredith, sana’y madama n’yo ang kanyang lakas at pananalig. Nakita ko siya sa pickleball court, at sa palagay ko muling pag-iisipang mabuti ng Fellowship of Christian Athletes ang dapat nilang piliin.

Sisimulan ko na ang paksa na tatalakayin natin dito sa loob lamang ng isang minuto. At gusto kong iugnay ito sa sinabi ni Elder Meredith: mahalaga ang paraan ng ating pagtuturo. Malinaw sa kanyang mensahe, at sa palagay ko alam nating lahat ito, na ang isang epektibong guro ay gumagawa ng gayong kaibhan sa buhay ng ating mga estudyante at sa paraan ng kanilang pagkatuto. Ngunit kung paano natin ito ginagawa ay sadyang mahalaga. Binanggit ito ni Elder Christofferson kagabi; binanggit itong muli ni Elder Meredith ngayon.

Hiniling namin sa inyo na dumalo sa mga workshop na ito na nabasa at narepaso na ang Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas, sa bahaging “Maghikayat ng Masigasig na Pag-aaral.” Marami ang kailangan nating gawin sa [bahaging] iyan para mahikayat ang mga estudyante na maging responsable sa kanilang pagkatuto.

Narinig na ng ilan sa inyo ang kuwentong ito noon, kaya humihingi ako ng paumanhin. Sabi ng roommate ko sa kolehiyo: “Clark, gustung-gusto ko ang mga kuwento mo. Sa unang lima o anim na beses, talagang maganda ang mga ito.” Pero gusto kong ibahagi ang kuwentong ito dahil ang laki ng epekto nito sa akin, tungkol sa pagkakamaling nagawa ko minsan sa aking pagtuturo. Sa Charles Hotel sa Cambridge Massachusetts, bawat ikatlong silid sa hotel ay may nakasabit na ipinintang larawan ng isang pisara at sa tabi nito ay isang propesor, na nagdodrowing ng kanyang sarili. At sinabi rito, “Gusto ni Doug ang sarili n’yang mga lecture,” at wala s’yang ginawa kundi paulit-ulit na idrowing ang kanyang sarili para sa mga estudyante. At kung minsan dahil sa pagmamahal natin—at talagang sa tapat na pagmamahal natin sa ating mga estudyante—gusto nating ikinukuwento sa kanila ang mga bagay na personal na napakahalaga sa atin, pero kung minsan baka hadlang iyon sa oportunidad nila na kumilos at mahikayat na matuto sa sarili nila.

Naalala ko noong panahon ding iyon na ginugol ko ang apat na taon sa pag-aaral ng isang paksa, at sumulat ako ng isang case study na ginamit na materyal sa kurso sa Harvard Business School sa isang kumpanya na tinatawag na Knight Ridder. Ako ang awtor ng case study, at [sa] unang taon ko sa pagtuturo, mayroon yatang walong iba’t ibang faculty na nagturo ng case study ko. Sa pagtatapos ng taon, nakakakuha kami ng datos kung gaano ito kaepektibo kumpara sa iba pang mga case study. At nang tingnan ko ang datos, para sa akin, nang ituro ko ang case study na ito, pangalawa ito sa pinakamababa sa semester, at ako pa man din ang awtor nito. Pero sa iba pang nagturo nito, kasama ito sa limang nangunguna.

Bakit nagkaganun? Bakit ang case study na isinulat ko, na apat na taon kong pinag-aralan, ang pangalawa sa pinakahuli na epektibong case study sa buong semester para sa akin pero kasama sa limang nangunguna para sa ibang nagturo nito? Ano sa palagay n’yo ang nangyari? Tanungin ko na lang siguro kayo, sa palagay n’yo bakit kaya nagkaganun? Hindi ko alam kung may mga mikropono tayo, kaya dito na lang ako sa mas malapit. Rosemary, p’wede ba kitang tawagin? Bakit hindi gaanong epektibo ang sarili kong case study na itinuro ko? At huwag mong sabihing, “Kasi hindi ka magaling magturo, Clark.”

Sister 2 (Rosemary): Baka mas ikaw ang nagpapaliwanag kaya hindi na sila gaanong nag-iisip.

Elder Clark G. Gilbert: Okey, sabi ni Rosemary, “Baka mas ikaw ang nagpapaliwanag kaya hindi na sila gaanong nag-iisip.” Siguradong isa ‘yan sa mga dahilan. Ano pa kaya? Ano kaya ang—nagawa kong mali at lumabas na hindi epektibo ang case study na iyon? Sige. Dun sa likod. Okey. Napapa-workout na si Brother Brown dito.

Sister 3: Siguro hindi ito angkop sa mga estudyante.

Elder Clark G. Gilbert: OK. Maaaring hindi ito angkop sa mga estudyante. O siguro ang mas malala pa, ang inisip kong napakahalaga ay baka hindi angkop sa mga estudyante. S’yanga pala, nang sumunod na semester, sabi ng isa sa mga kasamahan ko, “Clark, madali lang namang intindihin ang case study na ito. Kailangan mo lang ng tatlong magagandang tanong pero ginagawa mong kumplikado. Napakarami mong alam tungkol dito na hindi kayang unawain ng mga estudyante.” S’yanga pala, ginamit ko ang teaching plan niya na, aaminin kong medyo malungkot ako, at agad-agad na nasa top quartile ang case.

Kung minsan ang sarili nating kahusayan at kaalaman, kung nakakapigil sa paghikayat sa mga estudyante na matuto, ay maaaring maging balakid. Pero hindi ibig sabihin nito na hindi ka na magbabahagi ng kaalaman. Pero paano mo ito maibabahagi sa paraang makahihikayat ng masigasig na pag-aaral? Ngayon, gusto kong magkaroon ng panel discussion kasama ang apat na magagaling na guro na mahusay na nagagawa ang “Paano natin maaanyayahan ang mga estudyante na maging responsable sa kanilang pagkatuto?” Kaya aanyayahan ko silang samahan ako sa panel na ito, at ipapakilala ko ang bawat isa sa kanila.

Ang makakatabi ko rito ay si Kaylee Merrill. Siya ang seminary principal sa East High sa Salt Lake City, Utah. Katabi niya si John Hilton, isang propesor ng ancient scripture sa BYU. Kasunod niya si Jenet Erickson, isang propesor sa Church history and doctrine sa BYU. At katabi niya si Nate Peterson, isang religion faculty professor sa BYU–Idaho.

Simulan natin ang talakayan natin ngayon sa mensahe ni Elder Christofferson kagabi. Nang mapakinggan namin ang kanyang mensahe na alam naming magiging paksa sa panel, pinag-usapan namin ito bilang grupo para maging handa para dito—at iniugnay ito ni Elder Meredith kanina lang—sa responsibilidad sa pagkatuto at habambuhay na pagkadisipulo. Hindi lamang pagiging disipulo, kundi habambuhay na pagkadisipulo.

Magsisimula ako kay Sister Erickson. Sa tanong na iyan, ano ang koneksyon ng dalawang bagay na iyon? Ano ang natutuhan mo sa mensahe ni Elder Christofferson kagabi? Ano ang dapat nating malaman sa paraan ng pagtuturo natin?

Sister Jenet Erickson: Salamat, Elder Gilbert. Masayang makasama ang lahat ng inspiradong guro. Nang magsisimula palang akong magturo sa BYU—halos magsisimula pa lang—si Elder Richard G. Scott, na isang napakahusay na guro, ay nagbigay ng presentasyon sa Education Week. May ibinahagi siya na talagang tumimo sa akin kaya itinuro ko ito nang semester na iyon na hindi ko pa naunawaan noon. Binanggit niya ang kahalagahan ng buhay bilang paghahangad na maturuan ng Panginoon sa pamamagitan ng Kanyang Espiritu. Iyan ang dahilan kaya tayo narito. At pagkatapos ay sinabi niya, “Sa tuwing aanyayahan ng guro na magbahagi ang isang estudyante at itinataas ng estudyante ang kamay niya para sumagot, ipinapakita niya sa Panginoong Jesucristo na nais niyang matuto.” At kagabi habang pinakikinggan natin si Elder Christofferson tungkol sa kapangyarihan ng kalayaang pumili, naalala ko ang isang debosyonal na ibinigay sa BYU–Idaho kung saan itinuro ng kahanga-hangang gurong ito na nasa kanila ang kapangyarihan—ang mga salitang sinabi mo Elder Gilbert. At kapag natanto natin na ang kapangyarihan ng Diyos, ang kapangyarihan ng kaaway, ang kapangyarihang taglay ng isang indibiduwal, na ang kapangyarihang iyon ay pagpapakita ng kahandaang tumanggap—magbigay-daan—sa kapangyarihan ng Panginoon sa kanilang buhay.

Iyan ang gusto kong ibigay na paanyaya sa aking mga estudyante: asaming maimpluwensyahan sila ng Panginoon dahil Siya ang may kapangyarihang magpabago. Siya ang may kapangyarihang magpaunlad. Kaya nangyayari ‘yan sa napakaraming paraan. Sinabi ni Pangulong Packer na magkakaroon ka ng patotoo kapag ibinabahagi mo ito. Sa prosesong ‘yan, nararanasan natin ang kapangyarihang pabilisin ang Kanyang gawain sa ating sariling buhay, at pagkatapos, nararanasan natin ang Kanyang nakapagpapabago, nakapagpapabalik-loob na impluwensya. Pinasisigla nito—ayon nga sa sinabi ni Elder Christofferson—pinasisigla nito ang kapangyarihang tulutan si Jesucristo at ang Kanyang impluwensya sa ating buhay.

Pinag-aaralan ko pa rin kung paano gawin ito. Talagang nagpapasalamat ako sa mga mentor na nagsasabing, “Jenet, subukan mo ito, subukan mo ‘yan.” At sa bawat sitwasyon, ang paanyaya nila sa akin na gawin ko ay ipagamit sa mga estudyante ang kanilang kalayaang pumili sa pagtuklas, pakikibahagi, at bilang resulta ay madarama nila ang Espiritu Santo. Nadarama ko, tulad nila, na pinatototohanan sa kanila ng Espiritu Santo sa malalim at personal na paraan ang katotohanang kailangan nila sa kanilang buhay. At iyon ang nagbubunsod sa kanila na kumilos nang may kalayaang pumili na maging mga disipulo habambuhay.

Elder Clark G. Gilbert: Napakaganda. At palagay ko, ang sinasabi mo rito ay may isang bagay na personal na magpapakilos sa atin—ang kalayaang pumili—na may kaugnayan dito. May iba pang mga ideya? Maging responsable sa ating pagkatuto. Bakit nagbubunga ito ng habambuhay na pagkadisipulo? Kahit sino sa panel?

Brother John Hilton III: Siguro p’wede kong ibahagi ang analohiyang ginagamit ko sa mga estudyante ko kung minsan. Hindi ito perpektong analohiya—nagdadala ako ng kapirasong raw wool at sasabihin ko, “para itong scriptures na tinatalakay natin ngayon.” At ipagpalagay natin na itinuturo ko ang napakagandang lesson na ito na may magagandang ideya akong ibinabahagi. Binigyan kita ng maraming wool. Natuwa ka. Inilagay mo ito sa ulo mo, at pagkatapos ay lumabas ka ng pinto; umihip ang hangin, at matatangay ito.

Kaya, kailangang suklayin ng estudyante ang mga hibla ng wool. Kailangan niyang iikit ito sa sinulid, at maaari na itong maging isang amerikana na gawa sa wool na kapag lumabas ang estudyante, hindi na ito matatangay ng hangin.

Kaya, ibinabahagi ko ang analohiyang iyan bilang paalala sa sarili ko na wala talaga akong alam tungkol sa raw wool. Gusto kong magkaroon ng mga amerikana ang mga estudyante, at kailangang sila mismo ang gumawa nito.

Kung minsan masyadong tayong nagpapahalaga sa sinasabi natin, at mahirap ito dahil alam ko bilang mga guro marami tayong mahahalagang bagay na sasabihin. Ngunit para talagang maisapuso ito ng mga estudyante, kailangan nilang kumilos. Dapat humantong ang kanilang intelektuwal na kaalaman sa espirituwal na pananalig. At ang pagtulong sa mga estudyante na kumilos ang tanging paraan na maaari silang maging mga disipulo ni Jesucristo habambuhay.

Elder Clark G. Gilbert: Kaya, John, kailangang kumuha ka ng isang bagay na mas pino kaysa sa raw wool. Bakit kailangan nilang pinuhin ito at hindi lamang ikaw?

Brother John Hilton III: Dahil kapag kumilos sila, matututo sila sa sarili nila. Kaya, kung ako lang lagi ang magsasalita, parang isinasaksak ko lang lahat sa utak nila ang lesson. At madali para sa akin bilang guro na ipalagay na magaling ang ginagawa ko.

Idinidikit ko lang ito. Idinidikit ko lang ito sa kanila. Ngunit para maisapuso [ito], kailangan mong kumilos. Wala nang ibang paraan. OK.

Elder Clark G. Gilbert: Nate—

Brother Nate Peterson: Elder Gilbert, sa puntong iyon, isinama rin ni Elder Christofferson ang bagay na ‘yan, ‘di ba? Ibig kong sabihin, sino ang nakakaalam na ganoon kaimportante ang kalayaang pumili? Ito ‘yung gumaganap sa pelikula na nakikita mo lang sa background mula sa simula. At paano kung ang kalayaang pumili ang sagot—na naroon mula sa simula—at ‘yan ang sabi niya. Kalayaang pumili. Tama. Ang pag-unlad ay nangangailangan ng kalayaan, at ang kalayaan ay nangangailangan ng katotohanan. At maaari akong magturo ng katotohanan sa isang lesson.

Pero ‘yan ang sinabi niya. Isa ‘yan sa mga paraan ng pag-atake ni Satanas dito. Palagay ko kung minsan ay OK siya kung ituturo natin sa kanila ang katotohanan. Pero sabi ni Elder Christofferson na ang pangalawang pag-atake ang kailangan nating daigin, kung saan inaanyayahan natin silang gamitin ang kanilang kalayaan. Kaya makapagtuturo ako ng isang magandang aral; makapagpapatotoo ako ng katotohanan, ngunit para maisagawa ang kalayaang iyan—iyon ang susunod na antas kung saan ko sila inaanyayang makibahagi, na maging kinatawan at hayaan silang gamitin ang kalayaang iyon na nasa kanila mula pa sa simula.

Kaya para umunlad, kailangan ng kalayaan. Ang kalayaan ay nangangailangan ng katotohanan, at ang katotohanan ay nangangailangan ng paanyaya. Na siyang magbabalik sa atin sa pag-unlad.

Elder Clark G. Gilbert: Mahusay. Kaylee, may idaragdag ka ba?

Sister Kaylee Merrill: Gustung-gusto ko ang koneksyon na ginawa ni Elder Christofferson kagabi. Ikinonekta niya ito sa mga tipan. Dahil ano ba ang panghabambuhay na disipulo? Ito ay isang tao na gumagawa at tumutupad ng mga tipan. Kaya, hinihiling natin sa ating mga estudyante na gamitin ang kalayaang pumili sa loob ng klase, sa labas ng klase, nang sa gayon pagdating ng panahon, matatanto nila kung paano gamitin ang kanilang kalayaang gumawa at tumupad ng mga tipan sa buong buhay nila.

Elder Clark G. Gilbert: Napakaganda. Gusto ko ang sinabi niya na ang mga tipan ay pang-indibiduwal. Kailangan dito ang pagkilos, at ‘yan ang pinakasukatan ng pagiging disipulo.

Gusto naming tanungin kayong lahat tungkol sa tanong na ‘yan. Magbibigay ako ng isang minuto para pagnilayan ninyo ang tanong na ‘yan: Ano ang kaugnayan ng pagtanggap ng responsibilidad, lalo na sa paglikha ng habambuhay na pagkadisipulo? Bakit napakahalaga nito?

Sabi ni Elder Christofferson, itinuturo ito sa atin ng Unang Panguluhan at ng Korum ng Labindalawa sa mission leader seminar. Itinuturo nila ito sa mga youth advisor. Binibigyang-diin nila ito sa atin bilang mga tagapagturo ng relihiyon.

Ano ang koneksiyong ‘yan? Personal na responsibilidad sa pagkatuto at habambuhay na pagkadisipulo.

Mag-ukol ng isang minuto. Isulat kung ano sa palagay n’yo ang koneksiyong iyon. Ano ang narinig n’yo noong nakaraang gabi? Ano ang naririnig n’yo ngayon? Ano ang iba pang naiisip n’yo? Ihihinto muna namin ang panel nang isang minuto habang isinusulat n’yo ang ilang ideya tungkol dito.

Ngayon maggrupu-grupo kayo na may tig-dadalawa o tig-tatatlong katao, depende kung ilan ang mabubuo n’yong bilang. Kung nasa bahay kayo at wala kayong katabi, maghanap ng mababahagian ninyo nito.

Pero ibahagi sa isang taong katabi ninyo ang nadama ninyo; at gagawin natin iyan dito sa panel, at sisikapin kong huwag ipasa ang mikropono ko sa inyong lahat. Pero, maya-maya lang, ibahagi ang inyong ideya at hayaang magbahagi sa inyo ang taong katabi ninyo.

[Di-gaanong marinig na usapan ng mga tao]

Mag-usap-usap tayong muli. Palagay ko gusto ng pamilya Gilbert ang bagong technique na pwede nilang patayin ang mic ng tatay nila anumang oras sa home evening lesson.

Sinumang gustong magbahagi tungkol sa paksang ito, maaari bang tumayo lang kayo at ibahagi ito sa grupo? Dalawa lang ang pasasagutin natin. Itaas lamang ang inyong kamay at tumayo. Oo, dito. Ah, parang may nakita akong nagtaas ng kamay doon. Cami Anderson, ikaw na lang ang tatawagin ko. Salamat po. Dun sa likod mo, Brother Brown. Hayan.

Sister Cami Anderson: Salamat, Elder Gilbert, para sa pagkakataong ito.

Pinag-uusapan namin ni Yvonne ang tungkol sa araw-araw na pagiging disipulo na sinabi ni Elder Christofferson, kung paano natin maipapaunawa sa mga estudyante natin na makakatulong ito sa kanila na patuloy na manalig at maging disipulo sa panahon ng mga pagsubok sa buhay. At hindi lang ‘yan pagbabasa ng kanilang scriptures o pagdarasal sa oras ng mga paghihirap, kundi magagawa pa rin nila ito kahit dumaranas sila ng mahihirap na pagsubok, at nananatiling nakatuon sila sa Tagapagligtas. At nauunawaan nila na anuman ang mangyari, mananamplataya sila sa Kanya, tutulungan Niya sila sa anumang hamon na kailangan nilang harapin.

Elder Clark G. Gilbert: Gusto ko iyan. At gustung-gusto ko ang ideya ng pagsubok bilang framing. Kung tatanungin natin ang sarili natin, matatandaan ba nila ito kapag dumaranas na sila ng pagsubok? Sa punto ni Brother Hilton: ang wool bang ito ay tatangayin lamang sa kanila? O magkakaroon ba ito ng isang bagay na dala-dala nila?

May iba pang mga ideya? Okey, magtaas lang ng kamay. Sige, ikaw. ‘Yung katabi mo lang.

Brother 9: Laging nasa isip ko ang bagay na ito sa buong propesyon ko. Nagbigay si Elder Bednar ng mensahe na, “Maghangad na Matuto sa Pamamagitan ng Pananampalataya,” noong bata pa akong guro sa seminary. At sabi niya, madalas nating pag-usapan ang pagtuturo sa pamamagitan ng Espiritu, pero hindi natin sapat na pinag-uusapan ang kahulugan ng matuto sa pamamagitan ng pananampalataya. At nagturo siya mula sa 2 Nephi 33 na madadala ng Espiritu ang salita ng Diyos sa puso, subalit kung ito ay papasok o hindi sa ating mga puso ay depende na sa atin. At kailangan nating kumilos nang may pananampalataya para madama natin ‘yan sa ating puso. At tayo bilang mga guro ay hindi lamang nagbibigay ng isda. Kailangan nating turuan sila kung paano mangisda. Na ang mga pinakaepektibong pagkatuto sa buhay ay nauunawaan, hindi itinuturo.

At mula noon, naging napakalaki ng epekto sa akin ng mensaheng ‘yan. Inihalintulad ko ito sa atin bilang mga guro—hindi lang tayo tumatayo sa harapan ng klase at nag-eehersisyo sa harapan nila at ipinapakita sa kanila kung paano tayo nagwe-weights. Hindi ‘yan magpapalakas sa kanila. Kailangan natin silang anyayahang kumilos. Kailangang sila mismo ang mag-push up. Kailangang sila ang kikilos para lumakas sila mula sa mga karanasan na tutulong sa kanila na maging mga disipulo habambuhay at magkaroon ng lakas na harapin ang mga pagsubok at hamon sa buhay.

Mula nang marinig ko ang mensaheng iyon ni Elder Bednar, naisip ko ‘yan—na talagang responsibilidad nating anyayahan silang kumilos nang may pananampalataya upang magkaroon sila ng lakas sa pagharap sa mga pagsubok.

Elder Clark G. Gilbert: At sa iyong pananaw, may kaugnayan ‘yan sa pagiging disipulo habambuhay. Ang kakayahang kumilos sa klase sa semester ay magpapatuloy kahit wala ka roon.

Brother 9: Tumpak.

Elder Clark G. Gilbert: OK. Salamat. Siguro isa pang komento. Sige, Brother Bolingbroke?

Brother Bolingbroke: Noong early-morning coordinator ako, nagkaroon ako ng guro na tinanghal na pinakamahusay na guro ng taon sa medisina sa University of Nevada, Reno, at pinag-uusapan namin ang tungkol sa RPA—readiness participation application.

Sa huli ay sinabi niya, “Oo, pero sa katapusan ng maghapon, Brother Bolingbroke, ito ay isang siko. At maaari tayong magtalakayan at magbahagian, pero ito ay isang siko, at mananatiling isang siko. Ako’y isang anatomy teacher. Hindi tayo maaaring magsalita at magbahagi—” Pero itinanong ko sa kanya ang tanong na ito—na siyang sinabi ni Nate—may balanse sa pagtuturo ng katotohanan at pagpapamuhay ng mga ito. Sabi ko, “Pero hindi ba mas natututo ang mga estudyante mo kapag kinakawag-kawag nila ang kanilang siko? Alam nila kung paano ito gamitin? Nakikita nila ang lahat ng litid?”

At palagay ko kung minsan sa edukasyong pangrelihiyon, may mga paraan na mararanasan nila mismo ito. Mas maaalala nila ang siko kung nasaktan nila ito, o kung napinsala nila ito, o kung naging interesado sila rito. At kaya bilang mga guro, ipinahahayag natin sa kanila kung bakit ang kasal sa pagitan ng isang lalaki at ng isang babae ay inorden ng Diyos at ang mag-anak ang sentro ng plano ng Tagapaglikha para sa walang hanggang tadhana ng Kanyang mga anak. Ngunit kailangan nilang matuklasan ‘yan. At kung ituturo lang natin ang katotohanan nang hindi ginagalaw ang sikong iyon, tatangayin ito ng hangin.

Elder Clark G. Gilbert: Napakaganda. Salamat. Sana patuloy n’yong pag-isipan ang tanong na ito, dahil kung minsan kapag nakikipagtalakayan na ako sa mga guro tungkol sa kahalagahan ng pagsasali sa mga estudyante, itinuturing nilang obligasyon ito. Ayaw nilang maging isang lecturer na mabansagang lecturer hanggang sa mapunta na ang usapan sa mga technique na walang kaugnayan sa tanong na “Bakit natin ginagawa ito? Ano ang koneksyon ng ganitong uri ng pakikibahagi sa personal na pagkadisipulo habambuhay?”

At inaanyayahan ko kayong patuloy na pag-isipan ‘yan habang pinag-uusapan natin ang tungkol sa ilang pamamaraan sa pagtuturo na tutulong sa ating mga estudyante. Patuloy na balik-balikan ang mas dakilang layuning ito—bakit nga ba natin ito ginagawa.

Ngayon, ang isa sa mga paraan na nakakapag-anyaya tayo ng masigasig na pag-aaral ay sabihin sa mga estudyante na pumasok sa klase nang handa. Tinanong namin kayo. Ah ganito na lang ang gawin natin. Ito ang paghahanda para sa sesyon ngayon: basahin ang “Maghikayat ng Masigasig na Pag-aaral” mula sa Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas; basahin ang mensaheng “Ang Kapangyarihan ay Nasa Kanila” na ibinigay ko noong Enero; dumalo sa debosyonal ni Elder Christofferson at pagnilayan ang dalawang tanong na ito—Sa paanong paraan naghikayat ang Tagapagligtas ng masigasig na pag-aaral sa Kanyang mga tinuruan? Paano ko mas epektibong matutulungan ang mga tinuturuan ko na maging responsable sa kanilang pagkatuto?

Iyon ang assignment bilang paghahanda. Ilan sa inyo ang nagpunta rito na ginawa ang kahit dalawa lang sa mga aktibidad na iyon? OK.

Paano natin ito magagawa? Paano natin maaanyayahan ang mga estudyante na mag-aral nang maaga at maging handa para d’yan? Ano ang naiisip n’yo, kayo na nasa panel?

Brother Nate Peterson: Sa palagay ko Elder Gilbert kailangan munang isipin natin kung bakit natin ito ginagawa. Maganda ‘di ba—na kapag nagtuturo tulad ni John—maganda kung magbabasa sila para sa klase ko, at maganda kung magbabasa sila at bibigyan ko sila ng magandang grado. Pero mas maganda pa [ito] kung nakagawian nila ang araw-araw na pag-aaral ng mga banal na kasulatan.

Kaya kung titingnan ko sa mas malawak na pananaw at sabihing, “Ano ang hinihiling ko sa kanila na paghandaan? Bakit ko sila hinihilingang maghanda?” Tulad ng itinuro sa atin ni Elder Meredith—isipin mo ang landas na tatahakin mo. Ang pagkadisipulo ay nangangailangan ng disiplina.

Kaya, ang ipinagagawa ko sa kanila ay hindi lang magbasa sa klase para makakuha ng magandang marka, kundi ang ipinapagawa ko sa kanila ay basahin ang scriptures upang marinig nila ang tinig ng Panginoon. Pakinggan ang Espiritu. Na napakaganda kung babasahin nila ito sa loob ng isang buwan para sa isang semester sa klase ko, pero mas mabuti kung uugaliin nila ito—ang pag-uugaling ito, alam ninyo, na nagsisikap magbasa nang kaunti araw-araw, kahit sa paghahanda para sa klase ko. Iyan ang pagkakataon kong anyayahan ang paggamit ng kalayaang pumili. “Gusto kong magbasa kayo rito, pero gusto kong magbasa kayo magpakailanman dahil ito ang salita ng Diyos. Magbibigay ito ng liwanag sa buhay n’yo. Ganyan n’yo madarama ang Espiritu—ganyan n’yo maririnig ang salita ng Diyos,” na tutulong sa kanila pagkatapos ng klase ko.

Elder Clark G. Gilbert: Brother Peterson, gustung-gusto ko ito dahil ikinokonekta mo ang paghahanda sa habambuhay na pagkadisipulo. At talagang tutulungan tayo nito sa klase sa araw ng Martes. Ang sinasabi mo na, “Sinisikap kong makagawian ng mga estudyante na dumating na palaging handa.” At ito ang isa sa mga dahilan kung bakit natin sila inaanyayahang maghanda bago pumasok sa klase at matuto.

Brother Nate Peterson: Dahil kakailanganin nila iyan sa Sunday School. Kakailanganin nila ‘yan sa elders quorum at Relief Society. Ayaw nating magbasa lang sila sa mga religion class. Gusto nating maghanda sila para sa mga sacrament meeting. Umaasa tayo na handa na silang pumunta sa templo. Ito ay huwaran ng paghahanda, ng habambuhay na pagkadisipulo.

Elder Clark G. Gilbert: Napakaganda. May iba pang mga ideya?

Sister Jenet Erickson: Elder Gilbert, iniisip ko—napakaganda ng sinabi ni Nate—iniisip ko gaano ko kagustong malaman nila na nais ni Jesucristo na tulungan sila, na literal Siyang nakatayo sa pintuan at kumakatok at gusto Niyang maging bahagi ng kanilang buhay. Kaya kailangan kong ihanda sila na makita ang kaugnayan ng pinag-uusapan natin—bakit mahalaga ang kuwentong ito para sa kanila; bakit talagang nasasagot ang kanilang mga tanong sa mga katotohanan dito; bakit ang pinakamasisidhing inaasam ng kanilang puso, ang kakayahang magbago at umunlad at mapagaling, ang kanilang mga inaasam ay talagang nasasagot sa prosesong ito.

Ngunit kailangang paniwalaan ko iyan sa sarili ko at sa kanila, at pagkatapos ay tulungan silang maunawaan ang kaugnayan nito sa kanilang buhay—na si Jesucristo ay hindi lamang tungkol sa pag-aaral nila ng anumang bagay. Ang Kanyang inaasam ay personal na ibuhos ang katotohanan at tulong at paggaling at kapangyarihan para sa kanila sa pamamagitan ng ginagawa natin ngayon sa klase at sa kanilang paghahanda para dito at kung paano sila kikilos pagkatapos.

Elder Clark G. Gilbert: Alam n’yo, habang nakikinig ako sa inyo, lagi kong naiisip, tatalakayin natin ito sa klase. Mangyaring basahin ito bago magklase. May iminumungkahi kayong isang bagay na hindi ko naisip dati, na kung maiisip ko ang kaugnayan nito ay magiging mas epektibo ang talakayan sa klase. Maaaring maipaliwanag pa niyon ang tanong ko na hiniling ko sa kanila na isipin nang maaga, o ang ipinababasa ko sa kanila nang maaga, dahil gusto kong maunawaan nila kung bakit napakahalaga ng talakayan natin kapag nagkaklase tayo.

John, may gusto ka bang idagdag?

Brother John Hilton III: Sa palagay ko, bahagi niyan ay ako bilang guro na nagbabago ng aking paradigm: talagang mahalagang bahagi ng tungkulin ko ang tulungan ang mga estudyante na mag-aral—palagay ko karamihan sa atin ay nagtuturo ng banal na kasulatan—kaya ang pinakamahalagang paghahanda ay ang pagbabasa ng banal na kasulatan nang maaga.

Noong mga nakaraang taon, sinabi ni Pangulong Oaks, “Ang pinakamahalagang bagay na magagawa natin bilang mga guro ng mga estudyante sa seminary at institute ay ang ikonekta sila sa mga banal na kasulatan at sa mga resulta ng araw-araw na pag-aaral ng mga banal na kasulatan.”

Kaya, kung isasapuso ko ang paradigm na iyon, hindi lang ito pandagdag lang sa ginagawa ko. Ito ang sentro ng ginagawa ko. Paano ko sila matutulungan? At gusto ko lang magdagdag sa sinabi ninyo, bahagi nito ang pagtulong sa mga estudyante na pag-aralan ang scriptures bago magklase. At maraming technique na maaaring kasingsimple ng pagtulong sa mga estudyante na matuto ng iba’t ibang pamamaraan sa pag-aaral ng scriptures.

Kung minsan kahit ‘yung simpleng tulungan mo lang sila na makaunawa. May estudyante ako nitong nakaraang semester na nahihirapang umintindi ng binabasa. Nagtuturo ako noon ng Bible class, at pinag-aralan namin sa klase ang sinasabi sa hanbuk ng Simbahan na kung minsan nakatutulong ang ibang mga pagsasalin ng Biblia sa personal na pag-aaral. Tumingin kami sa isang website na may iba’t ibang pagsasalin ng Biblia. Bumalik siya makalipas ang dalawang linggo at sabi niya, “Brother Hilton, may nakita akong salin sa Biblia na kayang intindihin kahit ng grade 6, kaya nabago ang pag-aaral ko ng Biblia. Nauunawaan ko na ito ngayon.”

Kaya kapag nagmungkahi tayo sa mga estudyante ng mga paraan na makakatulong sa personal na pag-aaral nila ng scriptures, gugustuhin nilang gawin ito. Kung naikokonekta sila nito kay Jesucristo, gugustuhin nilang mag-aral. Hindi ito isang kahon na kailangan nilang lagyan ng tsek.

Elder Clark G. Gilbert: Totoo ‘yan, napakaganda. At naiisip ko na nadarama n’yong lahat na kapag nagbabasa ang isang estudyante bago pumasok sa klase, mas natututo siya. Tama ba ang palagay ko?

Brother John Hilton III: Oo naman.

Elder Clark G. Gilbert: Ito ang isa sa mga bagay na inaalala ko: parang nakikipagkasunduan tayo sa mga estudyante. Kung sasabihin natin sa kanila na dumating nang handa, siyempre pa, natural na may mapapala sila dahil sa paghahandang iyon. Pero kung hindi nagagamit ang paghahandang ‘yan sa klase, parang sinasabi natin sa kanila na “Hindi mo naman talaga kailangang maghanda bago magklase.” Parang “alam kong inilagay ko ito sa syllabus, pero hindi talaga mahalaga na maghanda ka.”

Hindi na mahihikayat ang klase na maghanda kapag nagkaganyan.

Sabi mo gusto mong kagawian nila ang araw-araw na paghahanda. Pero, Nate, kung wala silang pagkakataong magamit at pakinabangan ang kanilang pinaghandaan, paano sila magaganyak na dumating sa klase nang handa?

Brother Nate Peterson: At palagay ko iyan ang kabuuan ng kalayaang pumili at pagiging disipulo—na paanyaya ko sa kanila. Alam ninyo, may kaugnayan iyan sa iba pang mga bagay na tatalakayin natin tungkol sa pagtatanong sa kanila at pagbibigay sa kanila ng mga pagkakataong iyon.

Kaya kung hinihikayat ko sila na maging disipulo—tulad ng natutuhan natin bilang mga missionary, natututuhan natin sa Simbahan—may follow-up. Kaya nagpa-follow up ang mga klase. May pagkakataon ba silang maisagawa ang kanilang pagkadisipulo kasama ang kanilang mga kaklase?

Kaya nga ito ang aking patotoo at paniniwala: Naniniwala ba talaga ako na kailangan nilang basahin ang kanilang mga scriptures? At tulad ng sinasabi ni John, bakit? Dahil naniniwala ako na maaari akong kausapin ng Diyos. Naniniwala ako na kung magbabasa ako ng scriptures, bubuksan nito ang aking isipan sa Espiritu. Na matututuhan ko ang higit pa sa mga nakasulat lang sa pahina.

Kaya kung pinaniniwalaan ko ‘yan, kailangan ko silang tulungang matutuhan ‘yan—at gawin din ‘yan, tulad ng sabi mo, mas pinabubuti nito ang klase. Dahil kung binabasa ng mga estudyante ang kanilang scriptures at isinasagawa ang kanilang pagkadisipulo at tinutupad ang kanilang mga tipan, magkakaroon ng higit na kaliwanagan sa klase ko. Magiging mas maganda ang klase ko dahil mas inspirado sila, at kailangan kong hayaan silang gawin ang pagkadisipulo na iyon. Hayaan silang magliwanag sa klase.

Elder Clark G. Gilbert: Kaya, paano iyon? Ibig kong sabihin, naniniwala ako na kung nagbabasa sila, marami pa silang matututuhan. Pero paano n’yo maba-validate at maa-activate ang paghahandang iyon sa klase n’yo?

Jenet, nagtuturo ka ng eternal family course. Halimbawa, binabasa ng estudyante ang isang bahagi mula sa Pagpapahayag at may binabasa sila bago magklase—marahil ito ay isang mensahe mula kay Elder Christofferson tungkol sa “Bakit dapat mag-asawa at bumuo ng pamilya”—paano magagamit ang paghahandang iyon ngayon sa klase mo?

Sister Jenet Erickson: Isa sa mga bagay na talagang inirekomenda mo noong nakaraang taon, Elder Gilbert, na talagang epektibo, ay ipasulat ito sa mga estudyante sa klase. At nitong huling semester ipinasulat ko sa kanila ang mga nararamdaman nila. At anumang oras na kailangang may gawin sila—ito man ay pagninilay at pagsusulat ng kanilang patotoo tungkol sa naranasan nila—talagang nagpapakita ito ng natutuhan nila, ang itinuro sa kanila ng Espiritu sa pagbabasa ng mensahe ni Elder Christofferson, halimbawa. At kapag ibinahagi nila iyon sa isa’t isa, napakaganda na nagpapatunay sa kanila ang Espiritu ng Panginoon habang nagpapatotoo sila sa atin sa klase, kung paano sila naturuan ng katotohanang iyon. At pagkatapos ay nalalaman nila,—dahil naranasan na nila—nais Niyang bigyang-liwanang ang buhay ko, at ganyan nga ang nangyayari, at naranasan ko iyon at pinatotohanan ko ‘yan sa klase.

Kaya, sa maliliit na grupo—kahit na ’yung mga ayaw magbahagi ng marami ay pwedeng isulat na lang nila ito. Nakukuha ko ang pinakamagagandang sagot mula sa kanila dahil nadarama nilang tinuturuan sila ng Espiritu ng Panginoon ng isasagot—ng sagot na kailangan nila—at pagkatapos ay mapapatotohanan nila sa iba pa nilang kapwa mga estudyante ang sagot na iyon. Nagiging makatotohanan ang pagkadisipulo. Totoong nararanasan nila ito sa klase mula sa paghahandang ginawa nila.

Elder Clark G. Gilbert: Gustung-gusto ko ang sinabi mo, naibahagi ko rin ‘yan sa iyo. Napansin ko na ginagawa ‘yan ng aming dean ng BYU sa kanyang mga klase, at nagturo kami nang magka-team noong nakaraang taon, at doon ko nakuha ang ideyang iyan. Hindi ko pa nagagawa iyan sa sarili kong klase. Pero napakaepektibo nito, Scott.

Kaylee, may itatanong ako sa iyo. May advantage ang tatlong ito.

Sister Kaylee Merrill: Sige.

Elder Clark G. Gilbert: Nagbibigay sila ng grado sa kanilang mga religion class. Hindi tayo nagbibigay ng grado sa mga klase sa seminary. Paano mo nahihikayat ang mga estudyante sa seminary na gustuhing pumasok nang handa, na sana’y maging magandang kapakinabangan sa mga estudyante natin na binibigyan natin sila ng grado?

Ngunit lahat sila ay mas lamang sa iyo kasi may pangganyak sila. Ano ba ang pangganyak mo para maghanda sila? At talaga bang mahihikayat mo ang estudyante ng seminary na pumunta nang maaga sa klase nang handa, kahit marami silang ginagawa?

Sister Kaylee Merrill: Oo, palagay ko marami tayong kailangang baguhin. Kailangan nating maging handang magbago. Kung gagawin natin ang itinuro sa atin ni Elder Christofferson noong nakaraang gabi, kailangang may magbago sa ating kultura, sa ating mga silid-aralan. At palagay ko ang pinakaunang dapat gawin ay ang binanggit mo. Kailangan nating magtakda ng partikular at mahalagang oras para maibahagi ng mga estudyante ang naihanda nila, para may bahagi sila sa proseso ng pagtuturo. At palagay ko kailangang iba-iba ito araw-araw. Pero kailangan nilang maramdaman na sa pagpunta nila sa klase alam nila na may responsibilidad silang gagampanan. At kung hindi sila dumating nang handa, mararamdaman nila na parang may kulang.

At maraming paraan para magawa ‘yan. Pero sa palagay ko ang isang pagbabagong kailangan nating gawin—na sinabi ni Elder Christofferson, ay mangangailangan ng mga gurong nakahanda para makaganyak ng mga estudyanteng nakahanda, at kailangan nating baguhin ang paraan ng paghahanda natin. Kung inihahanda mo ang mga lesson sa mismong araw o maging sa araw bago mo ituro ang mga ito, hindi sapat na oras ‘yan para tulungan mo ang iyong mga estudyante na maghanda. Kailangan tayong maghanda nang maaga bago ang isa, dalawa o tatlong klase, para handa tayong masabi sa mga estudyante kung ano ang pag-aaralan at ano ang kailangan nilang gawin.

Elder Clark G. Gilbert: Gustung-gusto ko ang ideyang ito ng mga gurong nakahanda na nakikipagtulungan sa mga estudyanteng nakahanda. Napansin ko nang sinabi ni Elder Christofferson iyan, may mga nagtawanan sa silid. At makatotohanan ba ito? Talaga bang maaasahan natin ito mula sa isang 16-na-taong-gulang na estudyante sa seminary?

Sister Kaylee Merrill: Naniniwala ako na kung aasahan natin ang mga estudyanteng ito na sundin ang mas mataas na pamantayan, patutunayan nilang kaya nila ito.

Naiisip ko ang kuwentong ibinahagi mo sa “Ang Kapangyarihan ay Nasa Kanila” tungkol sa mga missionary. Kung hindi natin nakikita ang ating mga estudyante sa mas mataas na pamantayan, hindi nila ito ipamumuhay. At ito ang hinihiling sa atin ng Panginoon. Kailangan nating manalig at magtiwala sa Panginoon at sa ating mga estudyante. Na kung babaguhin natin ang kultura, at determinado at patuloy nating gagawin ito, patutunayan nilang kaya nila ‘yan. Dahil alam natin na kailangan nilang pagsikapan ang inaasahan sa kanila. Kaya kailangan nating ipakita sa kanila kung paano gawin ‘yan sa klase.

At hindi ito magiging madali. At makakaranas tayo ng kaunting kabiguan habang ginagawa ito. Pero kung patuloy nating gagawin ito, posible ito palagay ko.

Elder Clark G. Gilbert: Kaya ang mataas na mga inaasahan ay makatutulong sa ilan sa mga nagdududang mahihikayat mo ang mga tao na dumalo sa klase ni John. Sasabihin nila, “Oo, maglalagay siya ng kaunting wool sa ulo ko. Magpapakita lang ako.”

Sa aktuwal na sitwasyon, paano natin ito magagawa? Ano ang gagawin, maging mula sa inyo na may pangganyak. Ano ang ilang pamamaraan na ginagawa n’yo para mahikayat n’yo ang mga estudyante na maghanda?

Brother John Hilton III: Gusto ko ang sinabi ni Kaylee, at mahirap ito dahil ibig sabihin lang nito ay kailangan kong maglaan ng oras sa klase para magawa ito. Kaya, kung gagamit ako ng pangganyak at sasabihin ko sa klase “Gusto kong sumulat ang lahat ng isang talata tungkol sa isang bagay na natutuhan n’yo.” Ibig sabihin n’yan, kailangan kong tumawag ng tatlo o apat na estudyante at ipabahagi sa kanila ang natutuhan nila. At hindi lang iyan pandagdag sa klase. Kailangan kong maging flexible sa lesson ko para maisagawa ito. Kailangan kong bawasan ang pagsasalita para mas makapagsalita pa ang mga estudyante.

Sister Jenet Erickson: May sinabi sa akin kagabi ang isang magaling na guro—si Faith Spencer, na nagtuturo sa Roosevelt, Utah—sinabi niya ang advantage ng araw-araw na pagtuturo sa mga estudyante sa seminary na nakatulong sa kanya. Sinabi niya na kapag nalaman niya dalawang araw pa lang bago magklase kung ano ang ituturo, kung mag-aanyaya siya ng dalawang estudyante—aanyayahan niya silang lahat na maghanda o pag-isipan ang tungkol dito. Kakausapin niya sila at sasabihing: “Alam kong may nadama o naranasan kayo tungkol dito. Maaari bang paghandaan n’yo ito at ibahagi ito sa klase bukas?”

At sabi niya dahil napakaepektibo nito, nang nagpatotoo sila, gusto na rin ng ibang mga estudyante na maging bahagi niyon. Gusto rin nilang maranasan iyon. Kaya nang sumunod na pagkakataon, nakita ng iba ang epekto nito sa kapwa nila mga estudyante at gusto rin nilang makibahagi at magpatotoo, magbahagi ng sarili nilang karanasan.

Kaya kahanga-hanga ang mga gurong ito sa seminary na malikhain para mahikayat nilang makibahagi ang 14-, 15-, 16-na-taong-gulang sa prosesong iyon ng pagkatuto.

Elder Clark G. Gilbert: Gustung-gusto ko ang ideya, at may ilang estudyanteng mahiyain at hirap makibahagi. At ang kaunting paghahanda—ay hindi lamang pahiwatig sa buong klase, “Oy, iniisip ito ng isang tao”—kundi maaari din itong maghikayat sa isang tao na hindi nakakaalam o maaaring hindi handang makibahagi.

Hayaan ninyong dumako ako sa susunod na tanong na iyon: Pakikibahagi, pagtuturo ng natututuhan ninyo, pakikibahagi sa iba sa silid-aralan. Paano mo matutulungan ang mga estudyante na matuto mula sa kanilang mga kaklase sa isang klase? Ano ang gagawin mo?

Brother John Hilton III: Ano ang ginagawa mo? Ang isang bagay na sa palagay ko ay talagang mahalaga ay tulungan ang mga estudyante na maunawaan kung bakit ko sila hinihilingang magbahagi.

Nabanggit mo kanina na kung minsan ang pagtuturo ay parang box na kailangan mo lang lagyan ng tsek. Ayaw kong maging lecturer, kaya lahat kayo, mag-usap kayo ng inyong kapartner nang tatlumpung segundo. Pero kung talagang naipaliwanag kong mabuti sa mga estudyante—na tulad ng paghahayag na ibinabahagi sa atin—magkakaroon din tayo ng mga personal na karanasan. At maaaring may isang estudyante na pupunta rito na may mga tanong sa kanyang puso. At wala akong karanasan na talagang masasabi sa kanya. Pero ikaw meron. Kaya kung magiging madasalin ka at pupunta ka sa klase na hindi lang iniisip na “Ano ang ibibigay sa akin ni Brother Hilton?” kundi “Paano ako makakapag-ambag?” Mahihikayat ka ng Espiritu na ibahagi ang karanasang kailangan niya. At kapag nakita ng mga estudyante ang dahilan—ah, hindi lang natin ito ginagawa dahil kailangan nating gawin.

At kahit tapos na ang klase—dahil sa palagay ko ang pagbabahagi ay hindi lamang sa loob ng klase—maaari kong sabihin sa katapusan ng klase, may apatnapung estudyante tayo rito, at sabihin nating kilala ng bawat isa sa atin ang sampung tao. Kaya sa kabuuan may kilala tayong 400 katao. At marahil may ilan sa kanila na talagang kailangang marinig ang pinag-uusapan natin ngayon. Kaya sa pag-alis n’yo, maaari bang ipagdasal n’yo kung sino sa mga kakilala n’yo ang kailangang maranasan ang naranasan n’yo ngayon? Sa gayon may nagaganap pa ring pagbabahagi matapos ang klase.

Elder Clark G. Gilbert: Napakaganda. May iba pang mga ideya?

Sister Kaylee Merrill: Sa aking paghahanda at pag-aaral, nakakita ako ng koneksiyon—may isang bahagi sa Pamumuno sa Paraan ng Tagapagligtas tungkol sa kalayaang pumili. Iginagalang ng Tagapagligtas ang ating kalayaang pumili. At may isang linya roon na talagang tumimo sa akin. Sabi rito, “Bukod pa rito, magbigay ng malinaw na inaasahan, sapat na training, panahon at puwang, para kumilos ang iba para sa kanilang sarili.”

Sa palagay ko maihahanda natin ang ating mga klase sa paraang alam nila kung ano ang dapat nilang gawin. Tulad ng sabi n’yo, alam nila kung bakit natin ito ginagawa, ngunit ibinibigay natin sa kanila ang panahong iyon at puwang na iyon para maipahayag sa kanilang sarili ang iniisip nila, ano ang nadarama nila, ang natututuhan nila.

Elder Clark G. Gilbert: Gustung-gusto ko ang ideyang ito na pagbibigay ng puwang, at kung minsan ganyan ang istraktura ng klase n’yo. Pagkatapos din ito ng isang tanong. At, alam n’yo, ang pinakamadaling paraan para mawalan ng ganang makibahagi ang klase ay ‘yung kapag nagtanong tayo, hindi tayo naghihintay na may sumagot, at tayo na lang ang sumasagot sa tanong natin.

Iisipin na lang ng mga estudyante na sasagutin naman ni Brother Gilbert ‘yan kaya hindi na natin kailangang magsalita. At ‘yung hindi nila pagsagot nang matagal—mga isa o dalawang beses lang naman nangyayari ‘yan, pagkatapos may isang tao nang sasagot. At talagang mahalaga ito—at magagawa ‘yan ng mga estudyante.

Naaalala ko noong nasa BYU–Idaho ako at pinag-aaralan namin ang BYU–Idaho learning model. Naglilingkod ako noon sa stake presidency, at may stake Relief Society president kami na nagsabing, “Gagawin ko ang lesson na ito linggu-linggo sa mga ward conference,” sa palagay ko ikatlong oras na iyon. At sabi ko, “Ah, makukulangan ang mga estudyanteng ito”—at pinanood ko siyang muling magturo, at gusto lang niyang magsalita nang limampu’t limang minuto sa mga estudyanteng ito ng BYU–Idaho.

At may kamangha-manghang nangyari: Nagsimulang magtaasan ng kamay ang mga tao, kahit hindi pa nasasagot ang tanong dahil sanay sila sa mga klase sa BYU-Idaho na paulit-ulit silang pinagbabahagi. Hindi nila matiis na maupo roon sa loob ng limampu’t limang minuto at makinig lang sa lecture na ito.

At patuloy na nagtaasan ng kamay ang mga estudyante, pero wala siyang tinawag na sinuman. Kaya nagsimulang magtaasan ng kamay ang mga estudyante at nagsalita na lang, at naisip niya, “Ano bang nangyayari sa mga estudyanteng ito sa unibersidad na ito?” At sa huli sinabi ko, “Sanay lang sila na nakikibahagi sa talakayan. Hayaan mo lang sila, at mas lalalim ang lesson mo, pero kailangan mong magbawas ng materyal para magawa nila ‘yan.” Kaya ang huwarang ito ng pagbibigay sa mga estudyante ng oras—at gusto ko ‘yung “lumikha ng puwang” ay talagang mahalaga.

Ngayon, may mga tao—at siguro kahit na ‘yung mabait at mapagmahal na mga guro—ay magsasabing, “Seryoso ba kayo. Parang gusto n’yo—hayaan na lang namin sila kahit anong gusto nilang gawin.” Parang, “Okey, lahat magsalita. Pagkatapos, pagpapartner-partnerin sila ni Elder Gilbert at mag-usap-usap sila ulit. At hindi natin alam kung may natututuhan ba sila.”

Nate, paano mo ba masisiguro—dahil ‘di maganda kung ipapakahulugan ko ‘yung pambungad na kuwento ko tungkol sa case study na isinulat ko, na walang halaga ang background at kahusayan ko. Hindi natuto ang mga estudyante dahil dito. Pero mahalaga kung mas lalaliman natin. Dapat ginamit ko ‘yan para mas lumalim ang lesson ko kaysa sasabihin ko lang na “Magpartner-partner kayo, ‘yan lang ang gagawin natin ngayon.” Paano mo masisiguro na hindi mababaw, magulo, at kani-kanya lang ng gustong gawin ang klase?

Brother Nate Peterson: Palagay ko, tulad ng binanggit n’yo, Elder Gilbert, kung minsan—nasasabi nating “Huwag mag-lecture.” Kaya kung minsan baligtad ang ginagawa natin, parang magdadala tayo ng isang supot ng mani, ikakalat natin sa sahig, at hahayaang magkagulo ang mga unggoy. Ganyan ang kalalabasan ng klase.

Kaya, sinasabi lang niya sa amin na magsalita. At madaling sabihin sa mga estudyante kung minsan, na itanong, ano ang nasa feed mo, anong nangyayari? Palagay ko dapat sama-samang talakayin ito para maunawaan ang pagkadisipulo. Alam n’yo, ang mga ito ay mga angkla. Naghahanap tayo ng kalayaang pumili.

Pagkatapos, tulad ng sabi ni Kaylee, sa aking pagpaplano, kailangan kong magplano nang may layunin. At gusto kong sabihin ulit ang sinabi mo, tatlong tanong na pag-iisipan na pagtutuunan kung magsisimula akong magplano nang may layunin. Kaya hindi ko lang sila gustong magsalita, at hindi ko lang sila gustong magsalita tungkol sa scriptures, at hindi ko lang sila gustong magsalita tungkol sa katotohanan. Kailangang may plano at layunin.

Kaya sa “Strengthening Religious Education,” inilalahad doon na gusto nating mas malalim pa ang malaman at madama nila at gumawa nang mas mabuti at maging mas mabuti. At tulad ng sabi ni Kaylee, kailangang planuhin ko, magkaroon ako ng tatlong tanong na mapagbabatayan, hindi ‘yung magsasalita lang tayo ng kahit ano, at sasabihin lang natin, tulad nga ng sabi mo, Jenet—heto ang problema. Kaya baka kailangan kong ipaalam ito—naiuugnay ba natin ito sa katotohanang may problema talaga tayo? Tulad ng sabi ni Pangulong Nelson, lahat tayo ay mamamatay. Lahat tayo ay hahatulan. Lahat tayo ay mabubuhay na muli. Kaya, nagbibigay ako ng konteksto tungkol diyan bago kami magbasa ng scriptures. Iyan ang proseso. Kaya nakagawa ako ng tanong na, “Paano natin malulutas ito? Naku, lahat tayo mamamatay.” Magbabasa tayo ng scriptures para humanap ng sagot. Bahagi ‘yan ng proseso.

Kaya iisipin ko ‘yan—nalalaman at nauunawaan ko—ngayon may nadarama na ako. Pagkatapos sisimulan na namin ang pagkilos at pagsasagawa. Kung gayon, alam ninyo, ang mga tanong na pag-iisipin kayo: Ano ang problema natin? Paano natin ito maaayos? At ano ang dapat ninyong gawin tungkol dito? Na kung magpaplano ako, tulad ng nabanggit mo, gagawa ng mga draft at tanong, ang paksa man natin ay tungkol sa mga siko o pagtugtog ng piano o pagba-basketball, hindi lang basta sasabihin ng guro na, “Sige, magpraktis kayong mag-piano at panoorin n’yo akong mag-free throw.” Naniniwala tayo, ‘di ba—BYU–Idaho—na ang misyon natin ay humubog ng mga disipulo, magpatatag ng mga disipulo ni Jesucristo. Isagawa ang ibig sabihin n’yan.

Kaya sa klase ko, kailangang isagawa ito para kapag kahit na nasa labas sila ng klase, maaari silang maging mga disipulo.

Elder Clark G. Gilbert: Gustung-gusto ko ang sinabi mo—na ang ingay, kuwentuhan, mga taong nagsasalita ay hindi maitutulad sa malalim na pagkatuto.

At may sinabi kang ilang bagay. Ang mga tanong na itinatanong natin, iyon ba ay mga tamang tanong o malalalim na tanong? Nagawa mo ba nang maaga pa lang na mas palalimin ang mga tanong na ‘yan? Nagsabi ka ng mga problema. Ang paraan ng pagbuo natin ng istruktura ng klase batay sa isang tiyak na suliranin. Sa tingin ko mapapalalim ‘yan.

May iba pa kayong naiisip tungkol sa pagtuturo at pagpapalalim ng pagkatuto? Kaya hindi lamang tayo may partisipasyon, kundi may mga tao tayo na nag-iisip at gumagamit ng kanilang kalayaang pumili at mas lumalalim ang pagkatuto.

Sister Kaylee Merrill: May sinabi ka sa akin na ang mahirap tanggapin ay na ang pamamaraang ito ng pagtuturo ay hindi gaanong epektibo. Kailangan nating magtanggal ng ilang bagay. Mawawalan tayo ng mahalagang oras na magagamit. Tulad ng sabi mo, kung minsan gusto nating tayo lang ang nagsasalita at ginagamit natin ang oras na iyon, pero dapat nating isakripisyo iyon para sa mas maganda at mas malalim na pagkatuto. Kaya maaaring hindi ito mas magaling, pero tiyak na mas epektibo ito. At palagay ko kung mababago natin ‘yan sa ating utak, mas madali para sa atin na gawin ang bagay na iyon.

Elder Clark G. Gilbert: Kaya kailangan kong magbawas ng tatalakaying paksa sa klase. At mas palalalimin ko ang pagtuturo, maaaring magulo pero palalalimin ko ito bilang guro.

At naaalala ko noong gumagawa kami ng online learning sa BYU–Idaho. Hindi ito si Brother Bolingbroke—hindi ko sasabihin kung sino ang nagsabi nito sa akin—pero sabi niya “Ah, President Gilbert, bakit hindi mo na lang ako i-record habang nagsasalita, ang lecture ko, tapos ilagay natin online para mapanood nila?” At sabi ko, “Hindi ganyan ang gagawin natin.”

At mapapaisip ka, kung ang ginagawa lang natin ay magsalita nang magsalita, i-record na lang natin at panoorin. Gagawin na lang natin ang sinabi sa akin ng propesor, i-record ang lecture ko, hindi na nila kailangang pumunta sa klase dahil wala naman silang ginagawa sa klase kundi makinig. At pwede nating ilagay lahat ‘yan sa mga pre-reading material. Tama? Kaya ang iba pang mga paraan na mapapalalim n’yo ang pagkatuto sa klase ay hindi lang puro kayo ang nagsasalita.

Sister Jenet Erickson: Elder Gilbert, habang nagsasalita ka, naisip ko ang napakagandang talata sa Doktrina at mga Tipan—“na ang lahat ay mapasigla.” At sa tagubilin na ito, lahat ay nagiging mga guro sa klase.

At sa palagay ko, John, kailangan nating unawain ito mula sa kontekstong ‘yan na, tulad ng nilinaw ni Elder Christofferson, may mga saligang katotohanan na sinisikap nating ituro sa klaseng iyon araw-araw. May mga katotohanang gustung-gusto kong mas maunawaan nila. At nauunawaan ko rin na nadarama nila ang inspirasyong ibinigay Niya, at kailangan ko—na kailangan namin—na sama-samang mapasigla ng katotohanang iyon na sinisikap kong pagbatayan ng lesson namin.

Kaya pabalik na ito sa mga tanong, palagay ko, na gagabay sa kakayahan nilang tumanggap ng paghahayag hinggil sa paksang iyon at ibahagi ito sa klase. Nangangailangan ‘yan ng tunay na paghahanda sa mga tanong na itinanong sa kanilang paghahanda. At pagkatapos, sa palagay ko, ay mararanasan ko ang ibig sabihin ng sama-samang mapasigla—na hindi ko ito magagawa nang mag-isa. Hindi ko maituturo mismo sa inyo ang kailangan n’yong malaman tungkol sa katotohanang ito. Dahil ang katotohanan ay napapalaganap dito sa pamamagitan ng paghahayag sa ating lahat na may kaugnayan sa mabisang ideyang ito.

Kaya iniuugnay ko ito roon habang ibinabatay iyon sa kung paano sila tinuturuan ng Espiritu tungkol sa alituntuning iyon.

Elder Clark G. Gilbert: Maganda ‘yan. Sana ay patuloy ninyong pagnilayan ang tanong na ito at balikan ito—sa inyong mga department meeting o sa isang in-service meeting—ngunit paano natin matitiyak na malalim ang pagkatutong nakasentro sa mga kalahok? Paano ko gagawing naka-istruktura ang klase sa paraang makapagbabahagi ang mga estudyante at mas malalim na natututo?

At narinig natin dito ang ilang halimbawa ng mga tanong at malalalim na tanong—mga problema na inilalahad sa klase. Palagay ko ang talinghaga ay magandang halimbawa niyan, dahil kailangan mong talakayin ito at itanong, “Ano ba talaga ang ibig sabihin nito?” Pero hindi natin magagawa ‘yan sa ganito kalaking setting. Ngunit umaasa ako na gagawin n’yong lahat ang bagay na ito. Dahil oo, gusto naming palalimin n’yo ang pagkatuto sa pamamagitan ng pagtutulot sa mga estudyante na makibahagi. Pero ayaw naming maging mababaw ito at puro mabilisang sagot lang.

At hinihikayat namin kayong tingnan ang mga paraan na mas mapalalim ang pagkatuto sa klase sa halip na tumigil lang sa unang sagot. At John, binanggit mo kanina sa talakayan natin ang isa sa mga paraan na sinabi ni Sister Merrill, bigyan sila ng puwang. Magbigay—lumikha—ng puwang para mangyari ito. At sinabi mo na isa sa mga paraan para magkaroon ng puwang ay hayaan silang magtanong.

Maaari bang ipaliwanag mo pa ito—nang kaunti?

Brother John Hilton III: Pinag-uusapan natin ang tungkol sa paghahanda natin ng mga tanong, na sa palagay ko ay epektibo.

Isang personal na karanasan: Maraming taon na ang nakakaraan, bata pa ako at kulang pa sa karanasan bilang guro na nagtuturo tungkol sa batas ng kalinisang-puri. At naisip ko na magandang lesson iyon. Bakit napakahalaga nito? Paano natin masusunod ang batas ng kalinisang-puri? At sa huli, habang nagtatanong ako, nagtaas ng kamay ang estudyante at sinabing, “Brother Hilton, paano kung nilabag ng isang tao ang batas ng kalinisang-puri? May pag-asa pa ba siya?” At hiyang-hiya akong sabihin na dahil kulang pa ako sa karanasan bilang guro, wala akong balak na talakayin ang ganyang tanong; pero malinaw sa akin na isa ito sa pinakamahahalagang tanong na maaari naming pag-usapan sa araw na iyon.

At dahil nagbigay kami ng puwang para sa kanyang tanong, naganap ang mas malalim na pagkatuto. At kahit ngayon, bilang mas bihasang guro, inaasahan ko ‘yan. Pero kahit ang pinakabihasang guro ay hindi makikinita ang mga di-inaasahang tanong at dalang karanasan ng mga estudyante sa klase. Kaya, kailangan nating huminto kung minsan at sabihing:

Elder Clark G. Gilbert: Nasaan ang mga ito?

Brother John Hilton III: “Magproseso sandali. Ano ang mga itatanong ninyo?”

Elder Clark G. Gilbert: Paano nangyayari ‘yan sa klase mo? Kailan mo ito ginagawa? Pormal pa ito? Paminsan-minsan lang ba? Paulit-ulit ba?

Brother John Hilton III: Palagay ko maraming iba’t ibang paraan para magawa ito. Kung minsan gusto kong medyo may kaunting kasiyahan, maglalagay kami ng Google Doc up sa screen at QR code. I-type n’yo lang ang tanong n’yo nang ‘di nagpapakilala. Pero kadalasan pinasusulat ko lang sa mga estudyante ang mga tanong nila.

Dahil kung sasabihin ko, “May mga tanong ba kayo?” Limang segundo. Wala pa ring tanong. OK, magpatuloy tayo. Pero kung sasabihin ko, “May tatlumpung segundo tayo para mag-isip. Ano na nga ba ang pinag-uusapan natin? Ano ang mga tanong n’yo, mula sa mga scriptures o kung paano ito naaangkop sa inyong buhay?” At siguro kung minsan, sa halip na sagutin ko ang mga tanong, sasabihin ko, tanungin n’yo ang katabi n’yo at hayaang siya ang sumagot.

Napakaraming paraan na makatutulong ito sa pagpapalalim ng pagkatuto.

Elder Clark G. Gilbert: Talagang mabisa ‘yan. Isang paksa na lang ang tatalakayin namin, at magtatapos na ako sa ilang paanyaya at follow up.

Ang paghahanda sa isang karanasan sa pagkatuto, at pagkakaroon ng pagkakataong ibahagi ang natututuhan mo—ang mga ito ay mga pagkakataong maging responsable sa pagkatuto.

Ang pangatlong paraan na tinalakay sa bahaging iyon na hiniling namin sa inyo na basahin sa Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas, ay bigyan ng pagkakataon ang mga estudyante na maipamuhay ang pagkatutong iyon kapag lumabas na sila sa klase n’yo. At ano ang ilang paraan na ginagawa ito ng bawat isa sa inyo? At paano ninyo inaasahan na kahit tapos na ang klase ay maaalala at maipapamuhay ninyo ang natutuhan sa lesson o talakayan sa araw na iyon?

Sister Kaylee Merrill: Puwede ko bang tingnan ito sa ibang anggulo? Naisip ko na may nagawa akong katulad nito; pero may gusto akong subukan sa susunod na taon.

Pinag-usapan natin ang tungkol sa paghahanda, at karamihan sa binanggit natin ay pag-aralan nang maaga ang lesson. Pero paano kung ang aplikasyon ang paghahanda? Paano kung nalaman mo na pagkalipas ng dalawang linggo, tungkol sa pag-aayuno ang lesson n’yo, at sa loob ng dalawang linggong iyon, naglaan ka ng limang minuto sa klase mo para talakayin kung ano ang ilang bagay na nakakasakit sa damdamin ng mga estudyanteng iyon? Pagkatapos ay inanyayahan mo sila: “Mag-uukol ba kayo ng isang araw sa susunod na linggo para ipag-ayuno ang bagay na ito?”

At kapag nagtuturo ka na tungkol sa pag-aayuno, naranasan na nila iyon. Gaano kaya sila malamang na mas magbabahagi sa klase? At gaano kaya malamang na mas gagawin nila itong muli pagkatapos ng klase? Dahil napatunayan nila ito mula sa kanilang karanasan, kailangan din nilang magbahagi at magpatotoo.

At tulad ng sabi n’yo, magkakaroon ka ng patotoo kapag ibinabahagi mo ito. At palagay ko mas malamang na gustuhin nilang isagawa ito.

Elder Clark G. Gilbert: Naisip ko na ang aplikasyon ay talagang maaaring maging bahagi ng paghahanda.

Sister Kaylee Merrill: Hindi man lubos na magagamit ito para sa bawat alituntunin, pero maisasagawa ito sa maraming paraan.

Elder Clark G. Gilbert: May iba pang mga ideya?

Brother John Hilton III: May isa pang tamang ideya—palagay ko na binanggit mo kanina, Nate—pag-follow up. Kaya kailangang maglaan ng kaunting oras sa klase para sabihing, “Pinag-aralan natin sa klase nung nakaraan ang paanyayang ito. Ano ang ginawa n’yo para maisagawa ito?”

At kung lagi lang akong nag-aanyaya pero hindi nagpa-follow-up, parang katulad ito ng sinabi mo. Kung magtatanong ako at ako rin ang sasagot, maiisip agad ng mga estudyante, “Ah, okey lang pala na hindi kami sumagot.” Pero kung palagi akong nagpa-follow up sa simula ng klase, “Pinag-usapan natin ang tungkol sa pag-aayuno” o “Pinag-usapan natin ang alituntuning ito,” matatanto ng mga estudyante, “Ah, mahalaga ito. Mahalaga ito.”

Brother Nate Peterson: May isa pa akong bagay na pinag-iisipan. Siguro maaari itong gawing paanyaya. Pinapayagan ba tayong magbigay ng homework?

Elder Clark G. Gilbert: Sige.

Brother Nate Peterson: Sabi mo magbibigay kami ng ilang paanyaya. Nangyari ito noong nakaraang gabi. Sa palagay ko may apat o limang beses na ginamit ni Elder Christofferson ang salitang pagmamay-ari. Ginamit mo [Elder Gilbert] ang salitang pagmamay-ari.

Kaya pinag-aralan kong muli ang salitang ito. Sa “Maghikayat ng Masigasig na Pag-aaral,” tinatalakay nito ang tungkol sa pagmamay-ari. Kaya sinisikap kong alamin. Iyan ang assignment: Ano ang kaugnayan ng pagiging disipulo at ng pagmamay-ari at bakit?

At siguro, Elder Gilbert, sa huli, maaari mo sigurong talakayin iyan—bakit patuloy na binabanggit ang salitang iyon? Na kung nais kong maging mga disipulo sila—marahil maging tagapangasiwa—iyan ang ating kalayaang pumili. Ipinagkaloob ito sa atin ng Diyos. Pagkadisipulo ang ginagawa ko sa kaloob na iyon. Pero gusto nating magkaroon ng mga ari-arian. Gusto nating magkakotse. Gusto nating magkabahay. At ang pagmamay-ari, sa kung anong dahilan, ay patuloy na nauugnay sa pagiging disipulo.

Elder Clark G. Gilbert: At nagmumula ito sa propeta sa siping iyon—o sa binanggit ni Elder Christofferson mula sa “Mga Pagpiling May Epekto sa Kawalang-Hanggan.” Sabi ni Pangulong Nelson, “Nakikiusap ako na alagaan ninyo ang inyong patotoo, pagsikapan ito, angkinin ito, pangalagaan ito, pagyamanin ito para lumago ito.” Pero tama—nakikiusap siya sa atin at sa lahat ng mga young adult na mag-angkin ng sarili nilang patotoo.

Brother Nate Peterson: At palagay ko—puwede ba akong magdagdag diyan?

Elder Clark G. Gilbert: Sige.

Brother Nate Peterson: Palagay ko iyan ang gusto nating gawin nila pagkatapos? Pumupunta sila sa klase at nagsasanay ng pagkadisipulo, pero gusto kong mag-angkin sila nito dahil wala ako sa kanilang interbyu para sa temple recommend. Wala ako kapag natutukso sila. Wala ako kapag sinusubok sila.

Pero kung angkin nila ang katotohanan at ang pagkadisipulo at kalayaang pumili, palagay ko may isang bagay—at hindi ko ito naisip, pero gusto kong pag-aralan—na kung may angkin silang katotohanan kapag nilisan nila ang klase ko, sa palagay ko iyan ang ipinagagawa n’yo sa amin, kailangan kong maangkin ito. Kailangan kong magkaroon nito.

Elder Clark G. Gilbert: Nakangiti ako habang pinapakinggan ko siya na ibinabahagi ito: Hindi natin sila makakasama sa lahat ng pagpiling ito sa buhay. Naaalala ko na nagbibiro isang gabi ang mga kabataan ko na nakatira sa Boston: “Oo, tuwing gusto kong gumawa ng masama, iniisip ko lang na parang may imahe ni Clark na nakaupo sa balikat ko, na nagsasabing, ‘Hindi mo dapat gawin iyan.’” At, kailangan n’yang gawin ito dahil gusto n’yang gawin ito, hindi dahil may imahe siya ng kanyang propesor o Young Men leader na nagsasabi sa kanya na huwag itong gawin.

Gagawin natin ang isang bagay na hindi natin naiskedyul dito, pero nagmungkahi si John na magbigay ng puwang para sa mga tanong. Natitiyak ko na sinasabi ng ilan sa inyo: “Naku, kaailangan ko pa lang gumawa ng preparation assignment tuwing bago ako magturo? At kailangan kong mahikayat ang mga tao na magbahagi? Kailangan kong maitanong ang mga ito, at ngayon dapat pa naming palalimin ang pagkatuto sa klase. At kailangan ko ng aplikasyon?” At sigurado ako na magsasabi ang ilan sa inyo: “Elder Gilbert, magtuturo akong muli sa Miyerkules, at magtuturo ako sa susunod na linggo, at magtuturo uli ako sa susunod na linggo. Paano namin ito gagawin?” At sigurado ako na marami sa inyo ang may mga tanong sa panel na ito.

Gusto kong mag-ukol lang ng ilang minuto at hayaang tanungin ninyo ang panel ng ilang tanong na hindi ko naisama sa talakayan. Kaya kung may mga naisip kayong itanong habang nagtatalakayan tayo, tumayo lamang at magtanong sa panel.

Sige, hindi ko na gaanong makita ang nasa likod. Pakisabi lang ang pangalan mo.

Sister 12 (Faith Spencer): Hi, ang pangalan ko ay Faith Spencer. Gusto kong malaman kung paano kayo naghanda bilang panel, na nalalamang aasahan kayong magbahagi.

Sister Kaylee Merrill: Maraming oras.

Palagay ko, binanggit ito ni Elder Gilbert sa “Ang Kapangyarihan ay Nasa Kanila.” Kung alam ng mga estudyante na aasahan silang magbahagi, gagampanan nila ang kanilang responsibilidad. Aalamin nila ang responsibilidad nila at gagampanan ito. At ‘yan ang nadama ko, dahil alam kong inaasahan akong magbahagi.

Tinanggap ko ito sa mas mapagpakumbabang pamamaraan na ano ang kailangan kong malaman para maibahagi ko ito? At nalaman ko na ‘yan ang gusto kong maranasan ng mga estudyante ko. Gusto kong madama nila ito, “Kapag pumunta ako sa klase ngayon, hindi lang ako uupo roon. Pupunta ako—kapag dumating ang oras na kakailanganin akong magbahagi, gusto ko na may isang bagay akong maibabahagi.”

Elder Clark G. Gilbert: Salamat. May iba pang mga tanong?

Sister Jenet Erickson: May isa lang akong naiisip sa tanong mo. Iniisip ko kung ano ang madarama ko na nais ng Panginoon na gawin ko para mas maging epektibong guro ako at mas mapaigting at magamit ang kalayaang pumili.

Kaya naisip ko ang isang kasamahan na may mga estudyante bago magklase, nang maaga sa semester, mag-ukol lang ng tatlumpung minuto at pakinggan silang gabayan ng Espiritu sa kailangan nila. At pagkatapos ay magtakda ng mga mithiin na, sa pamamagitan ng klaseng iyon, mapagsisikapan at mapag-iisipan nila.

Kaya sa panel na ito, naiisip ko na mahal ako ng Panginoon. Gusto niya akong tulungan na maging mas epektibong guro. Gusto niyang pagpalain ang mga estudyanteng iyon. At napakalaking pribilehiyo na bibigyan Niya ako ng pagkakataong pag-isipan at pag-aralan ito. Kaya sa huli, maaari akong kumilos sa ibang paraan. At gusto kong magkaroon din ang mga estudyante ko ng gayon ding nakakaantig na karanasan. Ang buong klaseng ito ay tungkol sa pagpapala ng Panginoon na maging mas marapat kayong lahat sa dapat ninyong marating, at iyan ang dahilan kaya Niya kayo binibigyan ng pribilehiyong matuto mula sa Kanya dito.

Elder Clark G. Gilbert: Salamat. Isa pang tanong.

Sister 13: Naka-on ba ito? Ay, sori. Mapalad akong maging bahagi ng adaptive-needs seminary. At karamihan sa mga estudyante ko ay hindi nakakapagsalita. Kaya paano ko ito iaakma sa kanila?

Elder Clark G. Gilbert: Ano na ang ginagawa mo?

Sister 13: Marami kaming ginagawa—nagpi-print kami ng mga larawan at pinapa-laminate namin at pinapapili namin sila ng iba’t ibang bagay tungkol sa lesson. Binibigyan namin sila ng scripture mastery gamit ang mga papel na laminated din. At tinatalakay namin ang scripture mastery. Gumagawa kami ng maraming sign language–mga uri ng sitwasyon sa classroom. Talagang magandang karanasan ito.

Brother John Hilton III: Susubukan kong may maisagot kahit kaunti kasi wala akong anumang karanasan sa pagtuturo ng adapted learning. Ang karanasan na mayroon ako ay ang paghahanda para sa taglagas na ito, at bago ako inanyayahan na maging bahagi ng panel na ito, mga siyamnapu’t siyam na porsiyento ng paghahandang ginawa ko sa klaseng ito ay “Ano ang ituturo ko?” Nakatuon ang lahat ng ito sa nilalaman. At bilang bahagi ng panel na ito, sinimulan ko nang baguhin ang mga tanong na itatanong ko—mas mag-uukol ng maraming oras sa paghahanda na iniisip kung “Paano ko matutulungan ang mga estudyante ko na maghanda bago magklase? Paano ko sila matutulungang kumilos?” At nang isamo ko ang mga tanong na iyon sa Ama sa Langit, nakatanggap ako ng mga sagot.

Kaya kahit hindi ko alam ang partikular na sagot sa tanong na ito tungkol sa adapted learning, alam kong alam ng Ama sa Langit. At pinatototohanan ko na kapag ipinagdarasal natin ang mahihirap na tanong, tatanggap tayo ng mga personal na sagot na kailangan ng ating mga estudyante.

Sister Jenet Erickson: Ito ay magandang pagbabago—mula sa guro, na gusto nating palitan ang konsepto na “Paano tayo magiging epektibo?” sa “Ano ang nararanasan ng mag-aaral?” Paano ihahatid ng musika ang Espiritu sa kanila? Paano mapapasakanila ang Espiritu sa pakikisalamuha sa iba sa ilang paraan?

Nakatuon ito sa nararanasan nila, kaya tulad ni John gusto ko ring gawin ang pagbabagong ito. Ano ang nararanasan nila sa klase?

Elder Clark G. Gilbert: May sasabihin ka ba? Ah. May isa pa. Ah, sinasabi nila sa akin na isasara nila ang mic ko kapag hindi pa natin tinapos ito. Hayaan ninyong magtapos lang ako. Oras na para magtapos. Sa simula ng miting hiniling namin sa inyo na dumating nang handa at na pag-isipan ang tanong na: “Paano ko mas epektibong matutulungan ang mga tinuturuan ko na maging responsable sa kanilang pagkatuto?”

Ipaaabot kong muli ang paanyayang ibinigay ko kanina. Mag-ukol ng isang minuto para isulat ang isang kabatirang personal na dumating sa inyo ngayon. Hindi muna ako magsasalita. May ilang minuto pa siguro tayo, kaya gamitin natin ang isang minuto. Gusto kong itala ninyo ang isang bagay na natutuhan ninyo ngayon. Maaaring hindi ito mula sa anumang sinabi namin. Ano ang isang bagay na natutuhan ninyo ngayon na sa palagay ninyo ay makatutulong sa inyo na maging mas mabuting guro?

Maglaan lang ng isang minuto na maisulat iyan bago tayo magtapos.

Kung hindi pa n’yo natapos, patuloy lang na pagnilayan ito. At sa darating na mga linggo, hihilingin ko sa inyo na gawin ang dalawang bagay sa isinulat ninyo: Ibahagi ito sa iba at magtakda ng mithiin na pagbutihin ang sarili ninyong pagtuturo batay sa impresyong natanggap ninyo.

Magtatapos ako sa ideyang ito: Una, gusto kong pasalamatan ang aking mga panelist. Sila ay magagaling na guro, at marami akong natutuhan ngayon at sa mga paghahanda natin bago pumunta rito. Gusto ko ring pasalamatan kayong lahat. Alam kong pinagsisikapan n’yong gampanan ang mga responsibilidad n’yo. Gustung-gusto ko ang sinabi ni Elder Christofferson noong nakaraang gabi, na kayo ay literal na nasa front line ng kinabukasan ng Simbahang ito.

Sa pagtatapos natin, idadagdag ko ang aking patotoo na sa Church Educational System, inihahanda natin ang mga kabataan sa buong Simbahan na umunlad at maging mga disipulo habambuhay. At wala nang mas makabuluhang nangyayari sa edukasyong panrelihiyon kaysa sa nangyayari sa Church Educational System, sa klase sa seminary, sa isa sa ating mga kampus, sa isang klase sa institute. At bahagi kayo ng pagtulong sa kanila na tumanggap ng responsibilidad upang sila ay maging mga disipulo ni Jesucristo habambuhay. Alam ko na isa sa mga pangunahing dahilan kung bakit labis na namumuhunan ang Simbahan sa ating ginagawa—at lahat ng nakikibahagi sa gawaing ito—ay dahil naniniwala sila na mahalaga ito. At kapag sinabi ni Pangulong Nelson, “Nakikita ba ninyo ang nangyayari mismo sa ating harapan?” Sana’y madama ninyo na ang seminary enrollment ay nasa pinakamataas na antas sa buong Simbahang ito, kapwa ang kabuuang bilang ng mga estudyante at ang mga porsiyento ng nakikibahagi.

Ang enrollment sa ating mga unibersidad ay patuloy na tumataas, kahit sa panahong maraming tao ang hindi nagkokolehiyo, ang institute ay nasa pinakamataas na antas nito sa kasaysayan ng Simbahan.

Responsibilidad nating tulungan ang lahat ng mga taong pumapasok sa ating mga klase na maging responsable sa kanilang pagkatuto. At sa mga salita ni Pangulong Nelson, “Inihahanda natin ang mga tao na tutulong sa paghahanda ng mundo para sa pagparitong muli ng Panginoon.”

Nawa’y gawin natin ang pangangasiwang iyan nang may kahinahunan, pagpapakumbaba, at tiwala, tulad ng pagtulong sa atin ng Panginoon na gawin ito nang may kapangyarihan at lakas sa ating mga tungkulin. At iniiwan ko iyan sa inyo sa pangalan ni Jesucristo, amen.