Sa bahay na ito itinuro ni Joseph Smith Jr. sa kanyang pamilya ang mga natutuhan niya mula sa anghel na si Moroni sa taunang pagbisita niya sa Burol ng Cumorah habang naghahanda siyang matanggap ang mga laminang ginto.
Sinimulan ng Pamilya Smith ang pagtatayo ng bahay noong 1823 nang sinimulan ni Alvin, na nagsasanay sa paggawa ng bahay, ang pagtatayo ng mas malaking bahay na ito para sa kanyang mga magulang. Pagkatapos mamatay ni Alvin noong Nobyembre 1823, tinapos ng mga miyembro ng Pamilya Smith ang pagtatayo ng bahay. Noong 1825, inilipat nina Joseph Sr. at Lucy Mack Smith ang kanilang pamilya sa bahay na ito.
Pagkatapos nilang magpakasal noong 1827,
dinala rin ni Joseph ang kanyang asawang si Emma sa bahay na ito kung saan sila nanirahan sa malaking bahagi ng 1827. Nang matanggap ni Joseph ang mga laminang ginto noong 1827,
itinago niya ang mga ito sa ilang lugar sa loob at sa palibot ng bahay para maprotektahan ito mula sa mga naghahanap ng kayamanan na gustong makuha ang mga lamina. Ito rin ang lugar nang malaman ni Joseph Smith na
naiwala ni Martin Harris ang unang bahagi ng manuskrito ng Aklat ni Mormon (tingnan sa
Doktrina at mga Tipan 3).
Ang muling itinayong Smith Family Frame Home ay nakatayo sa orihinal nitong pundasyon.
Basahin ang iba pa tungkol sa bahay na ito sa
Mga Banal, Tomo 1, Kabanata 4.Ano ang Aasahan
Ang Smith Family Farm Home ay bahagi ng guided tour ng mga missionary sa mga tahanan sa Smith Family Farm. Gagabayan ka nila sa bawat kwarto sa unang palapag at magkukuwento sila tungkol sa Pamilya Smith. Ang tour ay magsisimula sa Sacred Grove Welcome Center.
360° Walkthrough