Lucy Mack Smith Home

Ang tahanang ito ang isa sa mga tirahan ni Lucy Mack Smith noong nasa Nauvoo siya. Si “Inang Smith,” gaya ng madalas itawag sa kanya, ay minamahal at maimpluwensyang tao sa komunidad ng mga Banal sa mga Huling Araw. Siya ay palaging nagbibigay ng malakas na patotoo tungkol sa misyon ng kanyang anak bilang propeta at sa ipinanumbalik na ebanghelyo ni Jesucristo.
Lucy Mack Smith Home
Two-and-a-half-story brick home with a white picket fence.

Schedule
Weekly Hours
Monday
10:00 AM–4:00 PM
Tuesday
10:00 AM–4:00 PM
Wednesday
10:00 AM–4:00 PM
Thursday
10:00 AM–4:00 PM
Friday
10:00 AM–4:00 PM
Saturday
10:00 AM–4:00 PM
Sunday
12:00 PM–4:00 PM

Schedule

Weekly Hours
Monday
10:00 AM–4:00 PM
Tuesday
10:00 AM–4:00 PM
Wednesday
10:00 AM–4:00 PM
Thursday
10:00 AM–4:00 PM
Friday
10:00 AM–4:00 PM
Saturday
10:00 AM–4:00 PM
Sunday
12:00 PM–4:00 PM

Physical Address
620 S Hyde St
Nauvoo, Illinois 62354
USA

Physical Address

620 S Hyde St
Nauvoo, Illinois 62354
USA

Contact

Contact


Services
Parking
Guided Tours
Cell Service

Services

Parking
Guided Tours
Cell Service

Parlor room with green-painted fireplace mantle, doors, and chair rail.
Bed alcove framed by white curtains on either side. A wooden four-poster bed with a floral quilt is tucked into the space.
Interior room with a small bed in the corner. There are white wood railings in the foreground.
Ang Lucy Mack Smith Home ay nagbibigay ng parangal sa ina ni Propetang Joseph Smith. Isang tapat na tagasuporta ng kanyang anak at ng Simbahan na ipinanumbalik sa pamamagitan niya, malaki ang naiambag ni Lucy sa kasaysayan ng Pagpapanumbalik, kabilang na ang pangangalaga sa alaala ng Propeta matapos itong mamatay, sa pamamagitan ng kanyang mga isinulat.

Dahil tapat sa pangangalaga sa ina ng yumaong Propeta, binili ng Simbahan ang bahay para kay Lucy mula kina Joseph Bates Noble at Mary Beman Noble. Si Lucy ay nanirahan dito sa loob lamang ng maikling panahon, lumipat sa tahanan noong Abril 1846 at lumipat sa taon ding iyon upang manirahan kasama ang kanyang anak na si Lucy Millikin. Noong nakatira si Lucy Mack Smith sa tahanang ito, nakikipagkita siya sa mga bisita sa Nauvoo. Sa bayad na 25 sentimo ay ipinapakita niya ang ilan sa mga Egyptian relic na nauugnay sa Aklat ni Abraham.

Sa buong buhay ni Lucy Mack Smith, siya ay maimpluwensyang miyembro at lider sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa Huling Araw. Kahit matanda na siya, patuloy siyang aktibong nakikibahagi sa relihiyosong komunidad. Sumapi siya sa Female Relief Society of Nauvoo sa pangalawang pulong nito noong Marso 24, 1842, kung saan nanalangin siya na “nawa ang mga pagpapala ng langit ay matamo ng Relief Society.” Nagbigay din siya ng mahahalagang talaan para sa Simbahan sa pamamagitan ng kanyang personal na kasaysayan. Ilang buwan lamang matapos ang pagpaslang kina Joseph at Hyrum sa Carthage Jail, sinimulan niyang idikta ang kuwento ng kanyang buhay at pamilya, na nagbigay ng natatanging mga ideya na ginagamit pa rin hanggang ngayon.

Basahin kung paano hinarap ni Lucy ang pagkamatay ng kanyang mga anak na sina Joseph at Hyrum sa Mga Banal, Tomo 1, Kabanata 45.

Ano ang Aasahan


Ang Lucy Mack Smith Home ay isang silid na malilibot na may kasamang tour guide at makikita rito ang kusina at bed alcove. May opsiyonal na tour sa dalawang silid-tulugan sa itaas na nakatuon sa pamilyang Noble na nanirahan sa bahay bago tumira doon si Lucy Mack Smith. Kung hindi mo pa ito nagagawa, inirerekomenda naming libutin ang Hiram and Sarah Granger Kimball Home, na siyang pangalawang tahanan sa Relief Society Foundations tour.

360° Walkthrough

Paradahan

  • May paradahan sa hilagang bahagi ng Lucy Mack Smith Home sa Kimball Street.
    • Walang itinalagang accessible parking. Gayunpaman, ang sukat ng paradahan na ito ay mapagkakasya ang mga sasakyan ng mga bisita na may mga pangangailangan sa accessibility kung hindi pa puno ang paradahan.

Mobility Accessibility


Labas

  • Isang baitang paakyat mula sa bangketa
  • Tatlong baitang papasok sa gusali
    • Handrail sa kanang bahagi kapag umaakyat
    • Handrail sa kaliwang bahagi kapag bumababa

Loob

  • Ang tour ay sa unang palapag lamang. May opsiyonal na malilibot sa mga palapag sa itaas na mapupuntahan lamang sa pag-akyat sa hagdan.

Terrain at Flooring


Labas

  • Kalsada: Aspalto (maayos ang kundisyon); patag
  • Bangketa: Ladrilyo (maayos ang kundisyon); patag

Loob

  • Flooring: Kahoy

Upuan

  • Wala
Lucy Mack Smith Home
Two-and-a-half-story brick home with a white picket fence.

Schedule
Weekly Hours
Monday
10:00 AM–4:00 PM
Tuesday
10:00 AM–4:00 PM
Wednesday
10:00 AM–4:00 PM
Thursday
10:00 AM–4:00 PM
Friday
10:00 AM–4:00 PM
Saturday
10:00 AM–4:00 PM
Sunday
12:00 PM–4:00 PM

Schedule

Weekly Hours
Monday
10:00 AM–4:00 PM
Tuesday
10:00 AM–4:00 PM
Wednesday
10:00 AM–4:00 PM
Thursday
10:00 AM–4:00 PM
Friday
10:00 AM–4:00 PM
Saturday
10:00 AM–4:00 PM
Sunday
12:00 PM–4:00 PM

Physical Address
620 S Hyde St
Nauvoo, Illinois 62354
USA

Physical Address

620 S Hyde St
Nauvoo, Illinois 62354
USA

Contact

Contact


Services
Parking
Guided Tours
Cell Service

Services

Parking
Guided Tours
Cell Service

Last Updated On Sep 11, 2024