Si Josiah Stowell ay isa sa unang mga amo at kalaunan ay naging taga-suporta ni Joseph Smith. Simula noong 1825, si Joseph Smith Jr. ay paminsan-minsang nagtrabaho sa bukid dito sa tahanan nina Josiah at Miriam Stowell. Noong Enero 1827, sa gabi matapos ikasal sina Joseph at Emma Smith sa South Bainbridge, New York, maaaring nanatili sila rito kasama ang pamilya nina Josiah at Miriam Stowell. Tinulungan din ni Josiah sina Joseph at Emma na makalipat sa Manchester, New York, upang manirahan sa
mga magulang ni Joseph sa kanilang tahanan doon.
Isinilang noong 1770, si Josiah Stowell ay isang magsasaka at may-ari ng isang sawmill sa Chenango County, New York. Sandali niyang kinuhang trabahador si Joseph Smith para
tulungan siya sa paghahanap ng kayamanan ng Espanya, na ayon sa mga bali-balita ay nasa Harmony, Pennsylvania. Bagama’t si Joseph ay sandali lang nagtrabaho kay Josiah, sa panahong ito nanirahan si Joseph sa pamilya Hale at nakilala si Emma Hale. Si Josiah Stowell ay kabilang sa mga unang sumuporta at naniwala sa mga paghahayag ni Joseph Smith at madalas na tumulong kina Joseph at Emma pagkatapos nilang ikasal noong Enero 1827.
Basahin ang iba pa tungkol kay Josiah Stowell sa
Mga Banal Tomo 1, Kabanata 4.Ano ang Aasahan
Ang mga tour guide ay magbibigay ng isang guided tour ng tahanan.