Bakit Tayo Narito sa Mundo at Ano ang Mangyayari Pagkamatay Natin
May walang-hanggang plano ang Diyos para sa iyo. Dahil kay Jesucristo, pagkatapos ng buhay na ito ay maaari mong makasama ang iyong pamilya magpakailanman.
Nais ng Diyos, na ating mapagmahal na Ama sa Langit, na lumigaya tayo at magalak. Lumikha Siya ng isang plano kung saan tayo ay paparito sa lupa, uunlad, at babalik sa piling Niya magpakailanman. Ang Kanyang plano ay nagbibigay ng kahulugan at konteksto sa ating buhay at sinasagot ang malalalim na tanong: “Saan ako nanggaling?” “Bakit ako narito?” at “Ano ang mangyayari pagkamatay ko?”
Saan ka nanggaling?
Ang kuwento mo ay nagsimula bago ka pa isinilang. Sa langit, nabuhay ka bilang isang espiritu sa piling ng Diyos at ng iba pa Niyang mga espiritung anak. Tayong lahat ay mga miyembro ng Kanyang pamilya, at sa ating premortal na buhay, pinili nating sundin ang plano ng Diyos. Ibig sabihin nito ay paparito tayo sa lupa upang magawa natin ang susunod na hakbang sa ating walang-hanggang pag-unlad.
Kung sinunod nila ang kautusang ito, maaari silang manatili sa halamanan, ngunit hindi sila uunlad sa pamamagitan ng pagkatuto mula sa oposisyon at mga hamon ng mortal na buhay. Hindi nila kailanman mararanasan ang galak dahil hindi sila makakaranas ng lungkot at sakit.
Tinukso ni Satanas sina Eva at Adan na kumain ng ipinagbabawal na bunga. Pinili ni Eva na kainin ang bunga at binigyan si Adan ng kaunti ng bunga. Pinili rin niyang kainin iyon. Dahil sa pagpiling ito, pinalayas sila mula sa halamanan at nahiwalay sa piling ng Diyos. Ang tawag sa pangyayaring ito ay Pagkahulog.
Ang Pagkahulog ay isang hakbang pasulong para sa sangkatauhan at isang malaking pagpapala sa ating lahat. Ginawang posible ng Pagkahulog na tayo ay maisilang dito sa lupa at umunlad sa plano ng Ama sa Langit.
Ang Pagkahulog ay isang hakbang pasulong para sa sangkatauhan at isang pagpapala sa ating lahat. Kabilang sa mga pagpapala ng Pagkahulog ang:
Nagpahayag ng pasasalamat sina Eva at Adan para sa mga pagpapalang dumating dahil sa Pagkahulog:
“Pinapurihan ni Adan ang Diyos at napuspos, at nagsimulang magpropesiya hinggil sa lahat ng mag-anak sa mundo, nagsasabing: Purihin ang pangalan ng Diyos, sapagkat dahil sa paglabag ko ang aking mga mata ay namulat, at sa buhay na ito ako ay makatatamo ng kagalakan, at muli sa laman aking makikita ang Diyos.
“At si Eva, na kanyang asawa, ay narinig ang lahat ng bagay na ito at natuwa, nagsasabing: Kung hindi dahil sa ating paglabag tayo sana ay hindi nagkaroon ng mga binhi, at kailanman ay hindi nalaman ang mabuti at masama, at ang kagalakan ng ating pagkakatubos, at ang buhay na walang hanggan na ibinibigay ng Diyos sa lahat ng masunurin.”
Ang Paglikha
Sa ilalim ng pamamahala ng Diyos, nilikha ni Jesucristo ang daigdig at lahat ng bagay na may buhay. Sina Eva at Adan ang una sa mga espiritung anak ng Diyos na pumarito sa lupa. Nilikha ng Diyos ang kanilang katawan na kamukha ng sa Kanya at inilagay sila sa Halamanan ng Eden.Ang Pagkahulog nina Eva at Adan
Habang nasa halamanan sina Eva at Adan, inutusan sila ng Diyos na huwag kainin ang bunga ng punungkahoy ng kaalaman ng mabuti at masama.Kung sinunod nila ang kautusang ito, maaari silang manatili sa halamanan, ngunit hindi sila uunlad sa pamamagitan ng pagkatuto mula sa oposisyon at mga hamon ng mortal na buhay. Hindi nila kailanman mararanasan ang galak dahil hindi sila makakaranas ng lungkot at sakit.
Tinukso ni Satanas sina Eva at Adan na kumain ng ipinagbabawal na bunga. Pinili ni Eva na kainin ang bunga at binigyan si Adan ng kaunti ng bunga. Pinili rin niyang kainin iyon. Dahil sa pagpiling ito, pinalayas sila mula sa halamanan at nahiwalay sa piling ng Diyos. Ang tawag sa pangyayaring ito ay Pagkahulog.
Ang Pagkahulog ay isang hakbang pasulong para sa sangkatauhan at isang malaking pagpapala sa ating lahat. Ginawang posible ng Pagkahulog na tayo ay maisilang dito sa lupa at umunlad sa plano ng Ama sa Langit.
Ang Pagkahulog ay isang hakbang pasulong para sa sangkatauhan at isang pagpapala sa ating lahat. Kabilang sa mga pagpapala ng Pagkahulog ang:
- Naging mortal sina Eva at Adan.
- Naranasan nila at nagamit ang kanilang kalayaang pumili ng mabuti at masama.
- Dahil naharap sa oposisyon sina Eva at Adan, natuto sila at umunlad.
- Dahil nakaranas sila ng kalungkutan, maaari din silang makaranas ng kagalakan.
- Ginawang posible ng Pagkahulog na maisilang tayong lahat dito sa lupa at umunlad sa plano ng Ama sa Langit.
Nagpahayag ng pasasalamat sina Eva at Adan para sa mga pagpapalang dumating dahil sa Pagkahulog:
“Pinapurihan ni Adan ang Diyos at napuspos, at nagsimulang magpropesiya hinggil sa lahat ng mag-anak sa mundo, nagsasabing: Purihin ang pangalan ng Diyos, sapagkat dahil sa paglabag ko ang aking mga mata ay namulat, at sa buhay na ito ako ay makatatamo ng kagalakan, at muli sa laman aking makikita ang Diyos.
“At si Eva, na kanyang asawa, ay narinig ang lahat ng bagay na ito at natuwa, nagsasabing: Kung hindi dahil sa ating paglabag tayo sana ay hindi nagkaroon ng mga binhi, at kailanman ay hindi nalaman ang mabuti at masama, at ang kagalakan ng ating pagkakatubos, at ang buhay na walang hanggan na ibinibigay ng Diyos sa lahat ng masunurin.”
Bakit ka narito?
Ang buhay sa lupa ay isang mahalagang bahagi ng magandang plano ng Diyos para sa bawat isa sa atin. Ang mga karanasan natin dito ay tumutulong sa atin na matuto, lumago, at maghandang bumalik sa ating Ama sa Langit.
Ang Pagbabayad-sala ni Jesucristo ang pinakamahalaga sa Plano ng Kaligayahan ng Diyos
- Dahil sa Pagkahulog nina Eva at Adan, lahat tayo ay magkakasala at mamamatay.
- Dahil mahal tayo ng Diyos, isinugo Niya ang Kanyang Anak na si Jesucristo dito sa lupa upang tubusin tayo mula sa kasalanan at kamatayan.
- Dahil sa nagbabayad-salang sakripisyo ni Jesus, maaari tayong mapatawad at malinis mula sa ating mga kasalanan at maaaring mabago ang ating puso. Ginagawa nitong posible na makabalik tayo sa piling ng Diyos at makatanggap ng walang-hanggang kagalakan.
Ano ang mangyayari pagkamatay mo?
Tulad noong nabuhay tayo bago pumarito sa lupa, patuloy tayong mabubuhay pagkamatay natin. Ang pagkaalam nito ay maaaring magbigay ng kapanatagan at kapayapaan kapag naharap tayo o ang ating mga mahal sa buhay sa kamatayan. Bagama’t nagdadalamhati tayo sa mga taong nawalay sa atin, may pag-asa dahil kay Jesucristo—hindi sa kamatayan nagwawakas ang lahat (tingnan sa Juan 11:25–26).
Kapag tayo ay nabuhay na muli, bawat isa sa atin ay magkakaroon ng perpektong pisikal na katawan, na hindi na makakaranas ng sakit at karamdaman. Tayo ay magiging imortal, mabubuhay nang walang hanggan.
Dahil sa Pagbabayad-sala at Pagkabuhay na Muli ng Tagapagligtas, bawat taong nabuhay ay mabubuhay na muli (Alma 11:42–44 ).
Nagdusa Siya para sa ating mga kasalanan upang kapag humingi tayo ng tawad sa panalangin at nagsikap tayong magbago, maaari tayong maging malinis. Namatay rin Siya sa krus at bumangon mula sa mga patay. Dahil kay Jesus, hindi sa kamatayan nagwawakas ang lahat.
Ang Diyos lamang at si Jesus ang may perpektong kaalaman ng nilalaman ng ating puso at sitwasyon natin sa buhay, kaya sila lamang ang maaaring humatol sa atin nang perpekto. Ang paghatol na ito ay kapapalooban ng pagmamahal, awa, katarungan, at pananagutan (tingnan sa3 Nephi 27:14–15 ).
Ang Daigdig ng mga Espiritu
Pagkamatay natin, naghihiwalay ang ating espiritu at katawan. Kahit namatay ang ating katawan, ang ating espiritu—ang diwa ng ating pagkatao—ay patuloy na nabubuhay. Napupunta ang ating espiritu sa daigdig ng mga espiritu, na isang panahon ng paghihintay kung saan tayo ay matututo at maghahanda hanggang sa matanggap natin ang kaloob na pagkabuhay na muli.Pagkabuhay na Muli
Ang pagkabuhay na muli ay ang muling pagsasama ng ating katawan at espiritu at ang susunod na hakbang sa ating walang-hanggang paglago.Kapag tayo ay nabuhay na muli, bawat isa sa atin ay magkakaroon ng perpektong pisikal na katawan, na hindi na makakaranas ng sakit at karamdaman. Tayo ay magiging imortal, mabubuhay nang walang hanggan.
Dahil sa Pagbabayad-sala at Pagkabuhay na Muli ng Tagapagligtas, bawat taong nabuhay ay mabubuhay na muli (
Ang Kaligtasan ay Posible Dahil kay Jesucristo
Dahil tayong lahat ay mabubuhay na muli, tayong lahat ay maliligtas—o magtatamo ng kaligtasan—mula sa pisikal na kamatayan. Ngunit hindi magiging posible ang Pagkabuhay na Muli ni ang kaligtasan mula sa ating mga kasalanan kung wala si Jesucristo.Nagdusa Siya para sa ating mga kasalanan upang kapag humingi tayo ng tawad sa panalangin at nagsikap tayong magbago, maaari tayong maging malinis. Namatay rin Siya sa krus at bumangon mula sa mga patay. Dahil kay Jesus, hindi sa kamatayan nagwawakas ang lahat.
Paghuhukom at Walang-Hanggang Kaluwalhatian
Kapag tayo ay nabuhay na muli, bawat isa sa atin ay isa-isang hahatulan ni Jesus na ating Tagapagligtas. Ang huling paghuhukom na ito ay ibabatay sa ating mga hangarin, kilos, at pagpapasiya.Ang Diyos lamang at si Jesus ang may perpektong kaalaman ng nilalaman ng ating puso at sitwasyon natin sa buhay, kaya sila lamang ang maaaring humatol sa atin nang perpekto. Ang paghatol na ito ay kapapalooban ng pagmamahal, awa, katarungan, at pananagutan (tingnan sa
Ang panghuling mithiin ng Diyos ay tulungan ang lahat ng Kanyang mga anak na makabalik sa piling Niya sa kahariang selestiyal.
Dahil sa plano ng Diyos para sa atin, posible ang buhay na walang hanggan sa piling Niya at ng ating pamilya. Kabilang sa pagsunod sa plano ng kaligayahan ng Diyos ang:
Dahil sa plano ng Diyos para sa atin, posible ang buhay na walang hanggan sa piling Niya at ng ating pamilya. Kabilang sa pagsunod sa plano ng kaligayahan ng Diyos ang:
- Paniniwala kay Jesucristo.
- Pagsisisi sa ating mga kasalanan.
- Pagpapabinyag sa Kanyang pangalan.
- Pagtanggap ng kaloob na Espiritu Santo.
- Pagsunod sa mga utos ng Diyos.
- Pagsisisi kapag nagkukulang tayo.