Musika ng mga Kabataan
Huwag Mangamba


4

Huwag Mangamba

[Chorus]

’Wag mangamba.

May bit’win na laging nakagabay,

Sa dusa ay mayroong karamay

Sa t’wina.

‘Di ka mag-isa.

Kahit sa’n ka pa mapunta,

Mayro’ng tunay na makakapitan

T’wina.

1. Kung ika’y may pinangangambahan,

Na hindi mo magawang

Iwasan

At ang bigat ng ’yong pasan at kahirapan,

Tila ‘di nababawasan.

May nakakaunawa sa iyo.

Ikaw ay hihilumin N’ya.

‘Di ka pababayaan, ika’y aakayin,

Ikaw ay huhubugin.

[Chorus]

O, h’wag mangamba.

May bit’win na laging nakagabay,

Sa dusa ay maroong karamay

Sa t’wina.

‘Di ka mag-isa.

Kahit sa’n ka pa mapunta,

Mayro’ng tunay na makakapitan

T’wina.

2. ‘Pag ang pakiramdam mo’y gawa ka

Sa salaming babasagin,

Ika’y patatatagin, babaguhin,

Nang ika’y hindi masira.

Ika’y palalakasin at patitibayin,

At paniningningin.

Ang tapang mo ay madaragdagan at

Lahat pagtatagumpayan.

[Chorus]

O, h’wag mangamba.

May bit’win na laging nakagabay,

Sa dusa ay mayroong karamay

Sa t’wina.

‘Di ka mag-isa.

Kahit sa’n ka pa mapunta,

Mayro’ng tunay na makakapitan

T’wina.

T’wina.

T’wina.

[Chorus]

O, h’wag mangamba.

May bit’win na laging nakagabay,

Sa dusa ay mayroong karamay

Sa t’wina.

‘Di ka mag-isa.

Kahit sa’n ka pa mapunta,

Mayro’ng tunay na makakapitan

T’wina.

Mga titik at himig ni Nik Day

© 2024 by Intellectual Reserve, Inc. All rights reserved. Ang awiting ito ay maaaring kopyahin para sa insidental at dipangkalakal na gamit sa simbahan o sa tahanan. Ang paunawang ito ay kailangang isama sa bawat kopyang gagawin.

para sa Boses at Piyano

para sa Boses at Gitara

para sa Boses at Ukulele