3
Huwag Mag-alinlangan
1. Ang tao kung minsa’y may pagdududa;
Buhay ay tila
May pighati.
At bakit ba kaya ang pananaw mo
’Di nagbabago
Muli at muli?
Mayro’ng mas matalino sa ’ting lahat—
’Di dapat sumuko kaagad.
[Chorus]
H’wag kang,
Mag-alinlangan.
Sa buhay,
Mayro’ng pag-asa.
Ang takot mo’y iwaglit,
At ang himala’y makakamit,
Basta’t magtiwala ka
Sana.
2. Nais natin minsan ay kasagutan
Sa katanungan
Ng isipan.
At tayo’y narito upang matutuhang
Pagtiwalaan
Ang plano N’ya.
Mayro’ng mas matalino sa ’ting lahat—
’Di dapat sumuko kaagad.
[Chorus]
H’wag kang,
Mag-alinlangan.
Sa buhay,
Mayro’ng pag-asa.
Ang takot mo’y iwaglit,
At ang himala’y makakamit,
Basta’t magtiwala ka
Sana.
Balang-araw ay ’yong malalaman
Ang lahat ng Kanyang alam.
Pero ngayon,
[Chorus]
H’wag kang,
Mag-alinlangan.
Sa buhay,
Mayro’ng pag-asa.
Ang takot mo’y iwaglit,
At ang himala’y makakamit,
Basta’t magtiwala ka
Sana.
Mga titik at himig ni Nik Day
Arranged by Mitch Davis and Todd Trần
Produced by Mitch Davis and Todd Trần
© 2024 by Intellectual Reserve, Inc. All rights reserved. Ang awiting ito ay maaaring kopyahin para sa insidental at di-pangkalakal na gamit sa simbahan o tahanan. Ang paunawang ito ay kailangang isama sa bawat kopyang gagawin.