Mga Turo ng mga Pangulo
Kabanata 13: Ang Banal na Templo—ang Bahay ng Panginoon


“Kabanata 13: Ang Banal na Templo—ang Bahay ng Panginoon” Mga Turo ng mga Pangulo ng Simbahan: Russell M. Nelson (2023)

“Kabanata 13,” Mga Turo: Russell M. Nelson

ang propeta at ang mga apostol na nakatayo sa harap ng isang templo

Ang Unang Panguluhan at Korum ng Labindalawang Apostol sa harap ng Rome Italy Temple, Marso 2019

Kabanata 13

Ang Banal na Templo—ang Bahay ng Panginoon

Ang templo ang daan tungo sa mga pinakadakilang pagpapala ng Diyos na nakalaan para sa bawat isa sa atin.

Mula sa Buhay ni Russell M. Nelson

Sina Pangulong Russell M. Nelson, Dallin H. Oaks, at Henry B. Eyring nang unang magsalita sa mundo bilang Unang Panguluhan ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw noong Enero 16, 2018. Nagsalita sila mula sa Salt Lake Temple annex. Nasa likuran nila ang isang painting ng nabuhay na mag-uling Tagapagligtas at isang tanawin ng templo. Ipinaliwanag ni Pangulong Nelson kung bakit pinili nila ang lokasyong ito:

“Bilang bagong Panguluhan, nais namin na mag-umpisa na ang katapusan [pinakamithiin] ang nasa isip. Sa dahilang ito, kami ay nagsasalita sa inyo ngayon mula sa isang templo. Ang katapusan kung saan ang bawat isa sa atin ay pilit na sinisikap na mapagkalooban ng kapangyarihan sa bahay ng Panginoon, mabuklod bilang mga pamilya, [maging] tapat sa mga tipang ginawa sa templo upang maging karapat-dapat sa pinakadakilang kaloob ng Diyos—ang buhay na walang-hanggan. Ang mga ordenansa ng templo at mga tipang ginawa ninyo ang susi sa pagpapalakas ng inyong buhay, pagsasama ninyong mag-asawa at pamilya, at ng kakayahan ninyong labanan ang mga pagsalakay ng kaaway. Ang inyong pagsamba sa templo at paglilingkod doon para sa inyong mga ninuno ay pagpapalain kayo ng [dagdag] na personal na paghahayag at kapayapaan at patitibayin ang inyong pangako na manatili sa landas ng tipan.”

Sa sumunod na mga pangkalahatang kumperensya, ibinalita ni Pangulong Nelson ang maraming lugar sa buong mundo kung saan magtatayo ang Simbahan ng mga bagong templo. Sinabi niya:

14:50

“Mahal kong mga kapatid, nakikita ba ninyo ang nangyayari mismo sa ating harapan? Dalangin ko na makita natin ang karingalan ng sandaling ito! Talagang minamadali na ng Panginoon ang Kanyang gawain.

“Bakit tayo nagtatayo ng mga templo sa bilis na hindi pa nangyari kailanman? Bakit? Dahil iniutos sa atin ng Panginoon na gawin iyon. Ang mga pagpapala ng templo ay tumutulong sa pagtitipon ng Israel sa magkabilang panig ng tabing. Tumutulong din ang mga pagpapalang ito na ihanda ang mga tao na tutulong sa paghahanda ng mundo para sa Ikalawang Pagparito ng Panginoon!”

Mga Turo ni Russell M. Nelson

Lahat ng ginagawa natin sa Simbahan ay nakaturo sa Panginoon at sa Kanyang banal na bahay

7:18

Ang templo ay bahay ng Panginoon. Ang batayan sa lahat ng ordenansa at tipan sa templo―ang sentro ng plano ng kaligtasan―ay ang Pagbabayad-sala ni Jesucristo. Bawat aktibidad, bawat turo, lahat ng ginagawa natin sa Simbahan, ay nakaturo sa Panginoon at sa Kanyang banal na bahay. Patungkol lahat sa templo ang ating mga pagsisikap na ipahayag ang ebanghelyo, gawing [sakdal] ang mga Banal, at tubusin ang mga patay. Tumatayo ang bawat banal na templo bilang sagisag ng pagiging miyembro natin sa Simbahan, bilang tanda ng ating pananampalataya sa kabilang-buhay, at bilang sagradong hakbang tungo sa walang hanggang kaluwalhatian para sa atin at sa ating pamilya.

Lahat ng pinaniniwalaan natin at lahat ng pangako ng Diyos sa Kanyang mga pinagtipanang [tao ay pinagsama-sama] sa templo. Sa lahat ng panahon, binigyang-diin sa templo ang mahalagang katotohanan na ang mga nakikipagtipan sa Diyos at tumutupad nito ay mga anak ng tipan.

Mga Tanong sa Pag-aaral

Ano ang sasabihin mo sa isang taong gustong malaman kung bakit tayo nagtatayo ng mga templo? Paano maiiba ang paglilingkod natin sa Simbahan kung ang bawat aktibidad at aral ay nakaturo sa Panginoon at sa Kanyang bahay?

Ang mga sinaunang ordenansa at tipan sa templo ay ipinanumbalik na sa mga huling araw

Ang mga templo ay sinauna. Ang mga endowment ay sinauna. Ang kasuotan, ang mga tipan ay sinauna. At ngayon ang aspektong iyon ng kakayahan ng Panginoon na pagpalain ang Kanyang mga anak ay isa nang realidad dahil sa Panunumbalik ng ebanghelyo ni Jesucristo sa pamamagitan ni Propetang Joseph Smith.

Ang mundo ay nilikha upang ang mga anak ng Diyos ay mapagpala sa pamamagitan ng awtoridad ng pagbubuklod na makukuha sa templo [tingnan sa Joseph Smith—Kasaysayan 1:38–39]. At ang ebanghelyo at mga tipan at ordenansa sa templo ay ipinanumbalik upang tumulong sa paghahanda ng mundo sa Ikalawang Pagparito ng Panginoon.

Tanong sa Pag-aaral

Paano nito naiimpluwensyahan ang karanasan mo sa templo nang malaman mong ang mga ordenansa ay mga ipinanumbalik na gawain mula sa mga sinaunang panahon?

Dahil sa pagtupad sa mga tipan sa templo ay nagiging marapat tayo sa buhay na walang hanggan

Ang mga ordenansa, tipan, endowment, at pagbubuklod sa templo ay nagbibigay-kakayahan sa mga tao na makipagkasundo sa Panginoon at para mabuklod ang mga pamilya sa kabilang-buhay. Ginagawa tayong marapat ng pagtupad sa mga tipan sa templo sa buhay na walang hanggan, ang pinakadakilang kaloob ng Diyos sa tao [tingnan sa Doktrina at mga Tipan 14:7]. Higit pa sa imortalidad ang buhay na walang hanggan. Ang buhay na walang hanggan ay kadakilaan sa pinakamataas na langit—ang uri ng pamumuhay ng Diyos.

18:59

Kung makakausap ko nang sarilinan ang bawat young adult, makikiusap ako sa inyo na maghanap ng makakasama na maibubuklod sa inyo sa templo. Maaaring isipin ninyo kung ano ang magagawang kaibhan nito sa inyong buhay. Ipinapangako ko sa inyo na malaki ang kaibhang magagawa nito! Kapag nagpakasal kayo sa templo at palaging bumabalik sa templo, kayo ay palalakasin at gagabayan sa inyong mga desisyon.

Kung makakausap ko ang bawat mag-asawa na hindi pa naibuklod sa templo, makikiusap ako sa inyo na gawin ang mga kinakailangang hakbang upang matanggap ang ordenansang iyon na pinakamahalaga at nagpapabago ng buhay. Makagagawa ba ito ng kaibhan? Tanging kung nais ninyong umunlad at magsama magpakailanman. Ang pagsasama sa kawalang-hanggan ay hindi makakamtan sa pangangarap lang. Walang ibang seremonya o kontrata ang makagagawa nito.

Kung makakausap ko ang bawat lalaki o babae na matagal nang inaasam na makasal pero hindi pa natatagpuan ang kanilang makakasama sa kawalang-hanggan, hinihikayat ko kayo na huwag nang maghintay na maikasal para matanggap ang endowment sa bahay ng Panginoon. Magsimula ngayon na matutuhan at maranasan ang ibig sabihin ng masandatahan ng kapangyarihan ng priesthood.

At sa bawat isa sa inyo na gumawa na ng mga tipan sa templo, nakikiusap ako sa inyo na hangarin—nang may panalangin at nang palagian—na maunawaan ang mga tipan at ordenansa sa templo. Ang mga espirituwal na pintuan ay mabubuksan. Matututuhan ninyo kung paano hawiin ang tabing sa pagitan ng langit at lupa, kung paano hilingin sa mga anghel ng Diyos na tulungan kayo, at kung paano mas makatanggap ng patnubay mula sa langit. Ang masigasig ninyong pagsisikap na gawin ito ay magpapatatag at magpapatibay sa inyong espirituwal na pundasyon.

Mga Tanong sa Pag-aaral

Paano naaangkop sa iyo ang mga paanyaya ni Pangulong Nelson sa bahaging ito? Ano ang gagawin mo bilang tugon sa kanyang mga paanyaya?

Ang templo ay isang bahay ng pagkatuto kung saan tinuturuan tayo ng Panginoon sa Kanyang sariling paraan

Ang templo ay literal na puno ng katotohanan. Ang mga katotohanan tungkol sa plano ng Ama ay hayagang inilatag sa atin nang may kalinawagan at kapangyarihan. Ang mga salita ng katotohanan tungkol sa ating Ama, sa Kanyang Anak, at sa Kanilang ugnayan sa atin ay inihahayag sa mga tipan at ordenansa sa templo. Ang templo ay isang bahay ng paghahayag kung saan ang katotohanan ay nagpapadalisay sa ating kaluluwa at nagpapaliwanag sa ating pang-unawa. Nalalaman natin ang tungkol sa ating banal na pagkatao at layunin at ang mga kamangha-manghang pangako ng Panginoon.

Gustung-gustong gawin ng Panginoon ang sarili Niyang pagtuturo sa Kanyang banal na bahay.

Kapag dala ninyo ang inyong temple recommend, nagsisising puso, at hangaring matuto sa bahay ng Panginoon, tuturuan Niya kayo.

[Sa templo] natututuhan natin kung paano hawiin ang tabing at makipag-ugnayan nang mas malinaw sa langit. Doon, natututuhan natin kung paano sawayin ang kaaway at gamitin ang kapangyarihan ng priesthood ng Panginoon para palakasin tayo at ang ating mga minamahal. Dapat [ay] nasasabik tayo na maparoon upang humanap ng kanlungan.

Ang endowment sa templo ay ibinigay sa pamamagitan ng paghahayag. Dahil dito, mauunawaan itong mabuti sa pamamagitan ng paghahayag, na marubdob na hinahangad nang may dalisay na puso. …

Bawat templo ay bahay ng pagkatuto [tingnan sa Doktrina at mga Tipan 88:119; 109:8]. Doon ay tinuturuan tayo sa paraan ng Guro [tingnan sa Juan 14:6]. Ang Kanyang paraan ay kaiba sa pamamaraan ng iba. Sinauna at sagana sa simbolismo ang Kanyang paraan. Marami tayong matututuhan sa pamamagitan ng pagninilay sa katotohanan na isinasagisag ng bawat simbolo. Napakasimple at napakaganda ng mga turo ng templo. Nauunawaan ang mga ito ng mga mapagpakumbaba, subalit mapupukaw nito ang kaisipan ng matatalino.

Ang inyong [temple] garment ay simbolo ng tabing [ng templo]; ang tabing ay simbolo ng Panginoong Jesucristo [tingnan sa Hebreo 10:19–20]. Kaya kapag isinuot ninyo ang inyong garment, madarama ninyo na talagang dinadamitan ninyo ang sarili ng napakasagradong simbolo ng Panginoong Jesucristo—ang Kanyang buhay, ministeryo, at Kanyang misyon, na magbayad-sala para sa bawat anak na babae at lalaki ng Diyos.

Mga Tanong sa Pag-aaral

Paano naiiba ang paraan ng pagtuturo ng Tagapagligtas sa templo sa mga paraang nakita mo sa ibang lugar? Ano ang magagawa mo para mapabuti ang paraan ng iyong pagkatuto sa templo?

Ang kalalakihan at kababaihang tumatanggap ng endowment sa templo ay tumatanggap ng kaloob na kapangyarihan ng priesthood

Bawat babae at bawat lalaki na nakikipagtipan sa Diyos at tumutupad sa mga tipang iyon, at karapat-dapat na nakikibahagi sa mga ordenansa ng priesthood, ay matatanggap mismo ang kapangyarihan ng Diyos. Ang mga tumanggap ng endowment sa bahay ng Panginoon ay tumatanggap ng kaloob na kapangyarihan ng priesthood ng Diyos dahil sa bisa ng kanilang tipan, at ng kaloob na kaalaman upang malaman kung paano gagamitin ang kapangyarihang iyon.

19:3

Ang panalangin sa paglalaan ni Joseph Smith ng Kirtland Temple ay nagtuturo kung paano espirituwal na pinalalakas kayo at ako ng templo upang mapagtagumpayan ang mga hamon ng buhay sa mga huling araw na ito. Hinihikayat ko kayo na pag-aralan ang panalanging iyon, na nakatala sa Doktrina at mga Tipan bahagi 109. Ang panalanging iyon ng paglalaan, na tinanggap sa pamamagitan ng paghahayag, ay nagtuturo na ang templo ay “isang bahay ng panalanginan, isang bahay ng pag-aayuno, isang bahay ng pananampalataya, isang bahay ng pagkatuto, isang bahay ng kaluwalhatian, isang bahay ng kaayusan, isang bahay ng Diyos” [Doktrina at mga Tipan 109:8].

Ang listahan na ito ng mga katangian ay higit pa sa paglalarawan sa templo. Isa itong pangako tungkol sa mangyayari sa mga taong naglilingkod at sumasamba sa bahay ng Panginoon. Maaari silang umasa na makatanggap ng mga sagot sa panalangin, personal na paghahayag, higit na pananampalataya, lakas, kapanatagan, higit na kaalaman, at higit na kapangyarihan.

Ang paggugol ng oras sa templo ay tutulong sa inyo na mag-isip nang selestiyal at maunawaan kung sino talaga kayo, ano ang maaari ninyong kahinatnan, at ano ang uri ng magiging buhay ninyo magpakailanman. Ang palagiang pagsamba sa templo ay magpapahusay sa paraan kung paano ninyo nakikita ang inyong sarili at kung paano kayo naaakma sa dakilang plano ng Diyos. Pangako ko iyon sa inyo.

Ipinapangako rin sa atin na sa templo ay maaari tayong “makatanggap ng kaganapan ng Espiritu Santo” [talata 15]. Isipin kung ano ang kahulugan ng pangakong iyon pagdating sa pagbukas ng kalangitan para sa bawat masigasig na naghahanap ng walang hanggang katotohanan.

Tinatagubilinan din tayo na ang lahat ng sumasamba sa templo ay magkakaroon ng kapangyarihan ng Diyos at may mga anghel na “[nangangalaga] sa kanila” [talata 22]. Gaano nadaragdagan ang tiwala ninyo sa sarili na malaman na, bilang isang na-endow na babae o lalaki na taglay ang kapangyarihan ng Diyos, hindi ninyo kailangang harapin nang mag-isa ang buhay? Anong lakas-ng-loob ang ibinibigay sa inyo na malaman na talagang tutulungan kayo ng mga anghel?

Sa huli, tayo ay pinangakuan na “walang pagsasabuwatan ng kasamaan” ang mananaig sa mga taong sumasamba sa bahay ng Panginoon [mga talata 24–26].

Ang pag-unawa sa mga espirituwal na pribilehiyo na naging posible sa templo ay mahalaga sa bawat isa sa atin ngayon.

Mahal kong mga kapatid, ito ang aking pangako. Wala nang higit na tutulong sa inyo na kumapit nang mahigpit sa gabay na bakal [ibig sabihin, ang salita ng Diyos] kaysa sa pagsamba ninyo nang regular sa templo sa abot ng inyong makakaya. Wala nang higit na poprotekta sa inyo habang nilalabanan ninyo ang abu-abo ng kadiliman ng mundo. Wala nang higit na magpapalakas sa inyong patotoo tungkol sa Panginoong Jesucristo at sa Kanyang Pagbabayad-sala o tutulong sa inyo na mas maunawaan ang dakilang plano ng Diyos. Wala nang higit na magbibigay sa inyo ng espirituwal na kapanatagan sa mga panahon ng pasakit. Wala nang higit na magbubukas ng kalangitan. Wala!

Ang templo ang daan tungo sa mga pinakadakilang pagpapala ng Diyos na nakalaan para sa bawat isa sa atin, sapagkat ang templo ang tanging lugar sa mundo kung saan maaari nating matanggap ang lahat ng mga pagpapalang ipinangako kay Abraham. Ito ang dahilan kung bakit ginagawa namin ang lahat ng aming makakaya, sa ilalim ng pamamahala ng Panginoon, na mas madaling matanggap ang mga pagpapala ng templo ng mga miyembro ng Simbahan.

Ang templo ang sentro sa pagpapalakas ng ating pananampalataya at espirituwal na katatagan dahil ang Tagapagligtas at ang Kanyang doktrina ang pinakasentro ng templo. Ang lahat ng bagay na itinuturo sa templo, sa pamamagitan ng mga tagubilin at ng Espiritu, ay nakadaragdag sa nauunawaan natin tungkol kay Jesucristo. Ang Kanyang mahahalagang ordenansa ang nagbibigkis sa atin sa Kanya sa pamamagitan ng mga sagradong tipan ng priesthood. Pagkatapos, kapag tinupad natin ang ating mga tipan, pagkakalooban Niya tayo ng Kanyang nagpapagaling at nagpapalakas na kapangyarihan. At, talagang kakailanganin natin ang Kanyang kapangyarihan sa mga darating na araw.

Tanong sa Pag-aaral

Paano mo nakitang natutupad sa buhay mo ang mga pangakong binanggit ni Pangulong Nelson?

Habang inihahanda ang mga templo para sa atin, kailangang ihanda natin ang ating sarili para sa templo

Nakaukit sa bawat templo ang mga salitang “kabanalan sa Panginoon” [Exodo 28:36; 39:30]. Tinutukoy kapwa ng pangungusap na iyon na banal ang templo at ang mga layunin nito. Kailangang taglayin din ng mga pumapasok sa templo ang katangian ng kabanalan. Habang inihahanda ang mga templo para sa mga tao, kailangang ihanda ng mga tao ang kanilang sarili para sa templo. … Naghahanda tayo sa pisikal, intelektuwal, at espirituwal.

11:44

Lahat ng kinakailangan upang makapasok sa templo ay nauugnay sa personal na kabanalan. Upang masukat ang kahandaang iyan, lahat ng taong nagnanais na matamasa ang mga pagpapala ng templo ay magkakaroon ng dalawang interbyu; una sa isang bishop, tagapayo sa bishopric, o branch president; pangalawa sa isang stake o mission president o sa isa sa kanyang mga tagapayo. Sa mga interbyung iyan, maraming itatanong. …

Dagdag pa sa pagsagot sa mga tanong na ito nang matapat, nauunawaan na lahat ng adult na patron sa templo ay magsusuot ng banal na garment ng priesthood sa ilalim ng kanilang regular na kasuotan. Simbolo ito ng isang banal na pangakong magsisikap bawat araw na maging mas katulad ng Panginoon. Ipinaaalala rin nito sa atin na manatiling maging matapat sa mga tipang ginagawa araw-araw at tahakin ang landas ng tipan bawat araw sa mas dakila at mas banal na paraan. …

11:44

Ang indibiduwal na pagkamarapat upang makapasok sa tahanan ng Panginoon ay nangangailangan ng maraming indibiduwal na espirituwal na paghahanda. Subalit sa tulong ng Panginoon, walang imposible. Sa ilang aspeto, mas madaling magtayo ng templo kaysa maghanda ng mga tao para sa templo. Ang indibiduwal na pagkamarapat ay humihiling ng lubos na pagbabago ng isip at puso upang maging mas katulad ng Panginoon, maging matapat na mamamayan, maging mas mabuting halimbawa, at maging mas banal na tao.

Tanong sa Pag-aaral

Sa iyong palagay, bakit hinihingi ng Panginoon na karapat-dapat ang taong papasok sa Kanyang bahay?

Ang gawain sa templo at family history ay nagpapala sa atin at sa mga yaong nasa kabila ng tabing

14:53

Ang mga ordenansa ng templo ay may kaugnayan sa personal na pag-unlad at pagtubos din sa mga yumaong ninuno . “Sapagkat ang kanilang kaligtasan ay kinakailangan at lubhang mahalaga sa ating kaligtasan, … sila kung wala tayo ay hindi magagawang ganap—ni tayo kung wala ang ating mga patay ay hindi magagawang ganap” [Doktrina at mga Tipan 128:15]. Ang paglilingkod para sa kanila ay nagbibigay ng paulit-ulit na pagkakataon para sa pagsamba sa templo. At ang paglilingkod na iyon ay karapat-dapat sa isang planadong iskedyul. Sa paggawa para sa iba ng hindi nila magagawa para sa kanilang sarili, tinutularan natin ang huwaran ng Tagapagligtas, na gumawa ng Pagbabayad-sala upang pagpalain ang buhay ng ibang tao.

Ipinapangako ko sa inyo ngayon: Ang pagsasaliksik sa family history at paghahanda ng kwalipikadong impormasyon ng inyong mga ninuno para sa kanilang mga pagpapala sa templo ay pagyayamanin ang inyong buhay sa mga di-inaasahang paraan. Palalawakin nito ang inyong pananaw sa buhay. Bibiyayaan nito ang inyong pamilya sa lupa nang higit na pagkakasundo. At poprotektahan kayo nito mula sa mga pagsalakay ng kaaway. Ang pagsasaliksik sa family history ay tutulong sa inyo na madama na bahagi kayo ng isang bagay na nakahihigit sa inyong sarili.

Bagama’t pinagpapala ng gawain sa templo at family history ang mga nasa kabila ng tabing, pinagpapala rin nito ang mga nabubuhay pa. May nakadadalisay na impluwensya ito sa mga nakikibahagi rito. Ang mga ito ay literal na tumutulong upang [mapadakila] ang kanilang mga pamilya.

Tanong sa Pag-aaral

Sa anong mga paraan mo nakikitang pinagpapala ng templo at family history ang mga nabubuhay pa?

Ang pangangailangan sa malimit na pagpunta natin sa templo ay mas lalo nang napakahalaga sa ngayon

8:2

Mahal kong mga kapatid, ang mga pagsalakay ng kalaban ay lalong nadaragdagan, sa tindi at sa iba’t ibang uri. Ang pangangailangan sa malimit na pagpunta natin sa templo ay mas lalo nang napakahalaga sa ngayon. Nakikiusap ako sa inyo na mapanalanging tingnan kung saan ninyo ginugugol ang inyong oras. Mamuhunan ng oras sa inyong hinaharap at sa inyong pamilya. Kung malapit kayo sa templo, hinihikayat ko kayo na humanap ng paraan na regular na makipagkita roon sa Panginoon—sa Kanyang banal na bahay—gawin ito at gawin ito nang may kahustuhan at kagalakan. Ipinapangako ko sa inyo na ibibigay ng Panginoon ang mga himala na alam Niyang kailangan ninyo habang nagsasakripisyo kayo upang makapaglingkod at makasamba sa Kanyang mga templo. …

… Sa mga taong matagal nang hindi nakakapasok sa templo, hinihikayat ko kayo na maghanda at bumalik muli sa lalong madaling panahon.

8:2

Kung [panandaliang] hindi kayo makapunta sa templo dahil sa layo, problema sa kalusugan, o iba [pang dahilan], inaanyayahan ko kayong magtakda ng regular na oras na isipin ang mga tipang ginawa ninyo.

Kung hindi pa ninyo gustong pumunta sa templo, magpunta nang mas madalas—hindi nang minsan lang. Hayaang turuan at bigyang-inspirasyon kayo roon ng Panginoon, sa pamamagitan ng Kanyang Espiritu. Ipinapangako ko sa inyo na sa paglipas ng panahon, ang templo ay magiging lugar ng kaligtasan, kapanatagan, at paghahayag.

14:50

Kapag tinutupad natin ang ating mga tipan sa templo, lalo nating natatamo ang nagpapalakas na kapangyarihan ng Panginoon. Sa templo, tumatanggap tayo ng proteksyon mula sa pananakit ng mundo. Nararanasan natin nang sagana ang dalisay na pagmamahal ni Jesucristo at ng ating Ama sa Langit! Nakadarama tayo ng kapayapaan at espirituwal na katiyakan, na taliwas sa kaguluhan sa mundo.

Narito ang pangako ko sa inyo: Bawat taos-pusong naghahanap kay Jesucristo ay matatagpuan Siya sa templo. Madarama ninyo ang Kanyang awa. Makikita ninyo roon ang mga sagot sa mga tanong ninyo na lubos na bumabalisa sa inyo. Mas mauunawaan ninyo ang kagalakan ng Kanyang ebanghelyo.

Tanong sa Pag-aaral

Sa mapanalanging pagsusuri mo ng iyong buhay, anong sakripisyo ang sa palagay mo ay magagawa mo para makapag-ukol ng mas maraming oras sa bahay ng Panginoon?

Mga Paanyaya at Pangako

Ang Panginoon ay maghahatid sa inyo ng mga himala kapag naglilingkod at sumasamba kayo sa Kanyang mga templo

8:2

Nakikiusap ako sa inyo na mapanalanging tingnan kung saan ninyo ginugugol ang inyong oras. Mamuhunan ng oras sa inyong hinaharap at sa inyong pamilya. Kung malapit kayo sa templo, hinihikayat ko kayo na humanap ng paraan na regular na makipagkita roon sa Panginoon—sa Kanyang banal na bahay—gawin ito at gawin ito nang may kahustuhan at kagalakan. Ipinapangako ko sa inyo na ibibigay ng Panginoon ang mga himala na alam Niyang kailangan ninyo habang nagsasakripisyo kayo upang makapaglingkod at makasamba sa Kanyang mga templo. …

… Sa mga taong matagal nang hindi nakakapasok sa templo, hinihikayat ko kayo na maghanda at bumalik muli sa lalong madaling panahon.

Kung [panandaliang] hindi kayo makapunta sa templo dahil sa layo, problema sa kalusugan, o iba [pang dahilan], inaanyayahan ko kayong magtakda ng regular na oras na isipin ang mga tipang ginawa ninyo.

Kung hindi pa ninyo gustong pumunta sa templo, magpunta nang mas madalas—hindi nang minsan lang. Hayaang turuan at bigyang-inspirasyon kayo roon ng Panginoon, sa pamamagitan ng Kanyang Espiritu. Ipinapangako ko sa inyo na sa paglipas ng panahon, ang templo ay magiging lugar ng kaligtasan, kapanatagan, at paghahayag.

Tuturuan kayo ng Panginoon sa Kanyang bahay ng pagkatuto

Kapag dala ninyo ang inyong temple recommend, nagsisising puso, at hangaring matuto sa bahay ng Panginoon, tuturuan Niya kayo.

Malaki ang magagawang kaibhan ng paghahangad at pagtanggap ng mga pagpapala ng templo sa inyong buhay

18:59

Kung makakausap ko nang sarilinan ang bawat young adult, makikiusap ako sa inyo na maghanap ng makakasama na maibubuklod sa inyo sa templo. Maaaring isipin ninyo kung ano ang magagawang kaibhan nito sa inyong buhay. Ipinapangako ko sa inyo na malaki ang kaibhang magagawa nito! Kapag nagpakasal kayo sa templo at palaging bumabalik sa templo, kayo ay palalakasin at gagabayan sa inyong mga desisyon.

Kung makakausap ko ang bawat mag-asawa na hindi pa naibuklod sa templo, makikiusap ako sa inyo na gawin ang mga kinakailangang hakbang upang matanggap ang ordenansang iyon na pinakamahalaga at nagpapabago ng buhay. Makagagawa ba ito ng kaibhan? Tanging kung nais ninyong umunlad at magsama magpakailanman. Ang pagsasama sa kawalang-hanggan ay hindi makakamtan sa pangangarap lang. Walang ibang seremonya o kontrata ang makagagawa nito.

Kung makakausap ko ang bawat lalaki o babae na matagal nang inaasam na makasal pero hindi pa natatagpuan ang kanilang makakasama sa kawalang-hanggan, hinihikayat ko kayo na huwag nang maghintay na maikasal para matanggap ang endowment sa bahay ng Panginoon. Magsimula ngayon na matutuhan at maranasan ang ibig sabihin ng masandatahan ng kapangyarihan ng priesthood.

At sa bawat isa sa inyo na gumawa na ng mga tipan sa templo, nakikiusap ako sa inyo na hangarin—nang may panalangin at nang palagian—na maunawaan ang mga tipan at ordenansa sa templo. Ang mga espirituwal na pintuan ay mabubuksan. Matututuhan ninyo kung paano hawiin ang tabing sa pagitan ng langit at lupa, kung paano hilingin sa mga anghel ng Diyos na tulungan kayo, at kung paano mas makatanggap ng patnubay mula sa langit. Ang masigasig ninyong pagsisikap na gawin ito ay magpapatatag at magpapatibay sa inyong espirituwal na pundasyon.

Sa templo, ipinagkakaloob sa atin ang kapangyarihan ng Panginoon

19:3

Mahal kong mga kapatid, ito ang aking pangako. Wala nang higit na tutulong sa inyo na kumapit nang mahigpit sa gabay na bakal [ibig sabihin, ang salita ng Diyos] kaysa sa pagsamba ninyo nang regular sa templo sa abot ng inyong makakaya. Wala nang higit na poprotekta sa inyo habang nilalabanan ninyo ang abu-abo ng kadiliman ng mundo. Wala nang higit na magpapalakas sa inyong patotoo tungkol sa Panginoong Jesucristo at sa Kanyang Pagbabayad-sala o tutulong sa inyo na mas maunawaan ang dakilang plano ng Diyos. Wala nang higit na magbibigay sa inyo ng espirituwal na kapanatagan sa mga panahon ng pasakit. Wala nang higit na magbubukas ng kalangitan. Wala!

Ang templo ang daan tungo sa mga pinakadakilang pagpapala ng Diyos na nakalaan para sa bawat isa sa atin, sapagkat ang templo ang tanging lugar sa mundo kung saan maaari nating matanggap ang lahat ng mga pagpapalang ipinangako kay Abraham. Ito ang dahilan kung bakit ginagawa namin ang lahat ng aming makakaya, sa ilalim ng pamamahala ng Panginoon, na mas madaling matanggap ang mga pagpapala ng templo ng mga miyembro ng Simbahan.

14:50

Kapag tinutupad natin ang ating mga tipan sa templo, lalo nating natatamo ang nagpapalakas na kapangyarihan ng Panginoon. Sa templo, tumatanggap tayo ng proteksyon mula sa pananakit ng mundo. Nararanasan natin nang sagana ang dalisay na pagmamahal ni Jesucristo at ng ating Ama sa Langit! Nakadarama tayo ng kapayapaan at espirituwal na katiyakan, na taliwas sa kaguluhan sa mundo.

Narito ang pangako ko sa inyo: Bawat taos-pusong naghahanap kay Jesucristo ay matatagpuan Siya sa templo. Madarama ninyo ang Kanyang awa. Makikita ninyo roon ang mga sagot sa mga tanong ninyo na lubos na bumabalisa sa inyo. Mas mauunawaan ninyo ang kagalakan ng Kanyang ebanghelyo.

Pagyayamanin ng paggawa ng gawain sa templo para sa inyong mga ninuno ang inyong buhay sa mga di-inaasahang paraan

Ipinapangako ko sa inyo ngayon: Ang pagsasaliksik sa family history at paghahanda ng kwalipikadong impormasyon ng inyong mga ninuno para sa kanilang mga pagpapala sa templo ay pagyayamanin ang inyong buhay sa mga di-inaasahang paraan. Palalawakin nito ang inyong pananaw sa buhay. Bibiyayaan nito ang inyong pamilya sa lupa nang higit na pagkakasundo. At poprotektahan kayo nito mula sa mga pagsalakay ng kaaway. Ang pagsasaliksik sa family history ay tutulong sa inyo na madama na bahagi kayo ng isang bagay na nakahihigit sa inyong sarili.

Mga Video

A Sacrifice of Time

2:54

Nelsons Talk about Temples and Share Personal Experience

4:7

Mga Kaugnay na Mensahe at Artikulo

Ang Panginoong Jesucristo ay Paparitong Muli”(pangkalahatang kumperensya ng Oktubre 2024)

14:50

Magalak sa Kaloob na mga Susi ng Priesthood” (pangkalahatang kumperensya ng Abril 2024)

19:3

Magtuon sa Templo” (pangkalahatang kumperensya ng Oktubre 2022)

7:18

Daigin ang Mundo at Makasumpong ng Kapahingahan,” (pangkalahatang kumperensya ng Oktubre 2022)

18:44

Ang Templo at ang Inyong Espirituwal na Pundasyon,” (pangkalahatang kumperensya ng Oktubre 2021)

18:59

Mga Espirituwal na Kayamanan” (pangkalahatang kumperensya ng Oktubre 2019)

18:17

Mga Henerasyong Nabigkis ng Pagmamahal” (pangkalahatang kumperensya ng Abril 2010)

14:55

Paghahanda para sa mga Pagpapala ng Templo” (Liahona, Oktubre 2010)