Seminary
Genesis 6–8: “Ginawa ni Noe ang … Lahat ng Iniutos ng Panginoon”


“Genesis 6–8: ‘Ginawa ni Noe ang … Lahat ng Iniutos ng Panginoon,’” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan (2026)

“Genesis 6–8: ‘Ginawa ni Noe ang … Lahat ng Iniutos ng Panginoon,’” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan

Genesis 6–11; Moises 8: Lesson 20

Genesis 6–8

“Ginawa ni Noe ang … Lahat ng Iniutos ng Panginoon”

The Old Testament prophet Noah standing on a log as he preaches to a group of assembled people. The people are laughing and mocking Noah. The partially completed ark is visible in the background.

Mapagmahal na hinihiling sa atin ng Diyos na sundin ang Kanyang mga kautusan. Maaaring mahirap unawain ang ilang kautusan, ngunit palaging para sa ikabubuti natin ang mga ito. Ang pamilya ni Noe ay iniligtas mula sa isang walang katulad at napakalaking baha dahil sinunod nila ang utos ng Diyos na gumawa ng arka. Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na mas mapatindi ang kanilang hangaring sundin ang mga kautusan ng Diyos.

Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na magnilay at pumasok sa klase na handang magbahagi kung paano ipinapakita ng isang partikular na kautusan ang pagmamahal ng Ama sa Langit para sa atin at ang Kanyang hangaring protektahan tayo.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Mga Kautusan ng Diyos

Maaari mong simulan ang lesson sa pamamagitan ng paghikayat sa mga estudyante na isipin kung bakit nagbibigay sa atin ng mga kautusan ang ating mapagmahal na Ama sa Langit. Ang isang paraan upang magawa ito ay ipakita ang mga sumusunod na larawan at gumawa ng isang talakayan gamit ang mga tanong sa ibaba. Ang isa pang paraan ay ipabahagi sa mga estudyante ang mga patakaran na itinakda ng kanilang mga magulang upang mapanatiling ligtas ang kanilang mga anak.

A young man Starting a campfire at Burraston Ponds, Utah
A group of little boys and girls play together outside.

Ipagpalagay na may inaalagaan kayong isang malaking grupo ng maliliit na bata sa campground na ito.

  • Anong mga partikular na patakaran ang maaari ninyong ibigay sa mga bata upang mapanatili silang ligtas?

  • Kung nagalit sa inyo ang mga bata dahil nagtakda kayo ng mga patakaran, ano ang ipapaliwanag ninyo sa kanila?

    Sabihin sa mga estudyante na ibahagi sa isang kapartner kung paano nila maaaring ikumpara ang sitwasyong ito sa mga kautusan ng Ama sa Langit para sa atin.

    Pagkatapos ay sabihin sa mga estudyante na isulat ang personal na nadarama nila tungkol sa Diyos at sa Kanyang mga kautusan sa kanilang study journal gamit ang mga pahiwatig na tulad ng mga sumusunod. Maaari mong anyayahan ang ilang boluntaryo na ibahagi ang isinulat nila.

  • Sa iyong palagay, bakit nais ng Diyos na personal mong sundin ang Kanyang mga kautusan?

  • Gaano ka kahandang sundin ang iniuutos ng Diyos, kahit na hindi mo nauunawaan ang dahilan para sa kautusan? Bakit?

Ang mga tao noong panahon ni Noe

Maaari mong ipakita ang larawan ni Noe sa simula ng lesson. Hilingin sa mga estudyante na ibahagi ang nalalaman na nila tungkol sa mga sumusunod na konsepto. Sabihin sa kanila na gamitin ang mga iminumungkahing scripture passage kung kinakailangan.

  • Ang espirituwal na kalagayan ng mga tao noong panahon ni Noe at ang ginawa ng Diyos dahil dito (tingnan sa Moises 8:17, 20, 22, 28–29)

  • Ang iniutos ng Diyos kay Noe na gawin upang mailigtas ang mga masunurin (tingnan sa Moises 7:43)

Habang patuloy na nag-aaral ang mga estudyante, hikayatin silang hangarin ang impluwensya ng Espiritu Santo upang maunawaan ang pagmamahal ng Diyos para sa atin. Ang lahat ng ginagawa ng Diyos, kabilang ang Baha, ay dahil sa pagmamahal (tingnan sa 2 Nephi 26:24). Tulungan ang mga estudyante na maunawaan na nagdusa si Jesucristo para sa mga kasalanan ng mga taong namatay sa Baha upang sila ay matuto at magsisi sa daigdig ng mga espiritu (tingnan sa Moises 7:38–40; 1 Pedro 3:18–20). Gayundin, ang desisyon ng Diyos na ipadala ang Baha ang nagprotekta sa iba pa Niyang espiritung anak para hindi maisilang sa gayong mga mapanganib at masasamang kalagayan (tingnan kay John Taylor, sa Journal of Discourses, 19:158–59).

Ang arka

Maaari mong bigyan ng papel ang maliliit na grupo ng mga estudyante at bigyan sila ng maikling oras upang gawin nang sama-sama ang sumusunod na aktibidad. (Maglaan ng oras pagkatapos ng aktibidad na ito upang mapag-usapan ng mga estudyante ang natutuhan nila at maiugnay ito sa kanilang buhay.)

  1. Basahin ang Genesis 6:14–22; 7:1–12, 23; 8:13–17, at alamin kung ano ang itinuturo ng salaysay na ito tungkol sa Diyos at kung ano ang matututuhan natin mula kay Noe.

  2. Gumawa ng simpleng drowing ng nangyari.

  3. Isama sa inyong drowing ang isang bagay na natutuhan ninyo tungkol sa Diyos at ang isang bagay na natutuhan ninyo mula sa halimbawa ni Noe.

Anyayahan ang mga grupo na ipakita at ipaliwanag ang kanilang mga drowing (kahit hindi pa kumpleto ang mga ito) sa ibang grupo. Pagkatapos ay sabihin sa mga grupo na ibahagi sa klase ang natutuhan nila tungkol sa Diyos at ang natutuhan nila mula sa halimbawa ni Noe.

Ang isang katotohanan na maaaring matukoy ng mga estudyante mula sa salaysay na ito ay kapag sinunod natin ang Panginoon nang may pananampalataya, pagpapalain at poprotektahan Niya tayo.

Maaari mong ipakita ang sumusunod na pahayag at anyayahan ang mga grupo na basahin at talakayin kung paano ito naaangkop sa atin ngayon.

Ibinahagi ni Pangulong Spencer W. Kimball (1895–1985) ang ilang dahilan kung bakit kinailangan ni Noe at ng kanyang pamilya na manampalataya kay Cristo upang masunod ang utos na gawin ang arka.

Portrait of President Spencer W. Kimball. He is holding an open book in his hands.

Wala pang patunay na uulan at babaha. Pinagtawanan [si Noe] ng kanyang mga tao at tinawag na hangal. Walang nakinig sa kanyang pangaral. Itinuring na walang saysay ang kanyang mga babala. Wala pang nangyaring ganito; ni hindi pa nagkaroon ng bahang lulukob sa daigdig. Malaking kahangalan ang gumawa ng arka sa tuyong lupa sa sikat ng araw at patuloy ang karaniwang daloy ng buhay! (Mga Turo ng mga Pangulo ng Simbahan: Spencer W. Kimball [2006], 168)

  • Ano ang ilan sa mga kautusan ng Panginoon na binabalewala o kinukutya ng mga tao ngayon?

  • Ano ang nalalaman ninyo tungkol sa Diyos at sa Kanyang mga propeta na makatutulong sa atin na sundin ang Panginoon kahit na may oposisyon?

Anyayahan ang mga estudyante na magbahagi ng mga kautusan na pinaniniwalaan nila na mapagmahal na mga proteksyon mula sa Diyos.

Pagsunod sa Diyos sa ating buhay

Maaari mong ipakita ang sumusunod na pahayag kasama ang mga pahiwatig ng personal na pagninilay sa ibaba.

Ibinahagi ni Pangulong Thomas S. Monson (1927–2018) ang isa sa pinakadakilang mga aral na matututuhan natin sa ating buhay.

Official portrait of President Thomas S. Monson, 2008.

Matatag ang pananampalataya ni Noe para sundin ang mga utos ng Diyos. Nawa’y gayon din ang ating gawin. Maalala nawa natin na ang karunungan ng Diyos ay madalas magmukhang kahangalan sa tao; ngunit ang pinakamalaking aral na matututuhan natin sa buhay na ito ay kapag nagsalita ang Diyos at sumunod tayo, lagi tayong tama. (“Mabubuting Halimbawang Susundan,” Liahona, Nob. 2002, 61)

Isulat sa iyong study journal:

  1. Ang nadarama mo kung paano nauugnay sa iyong buhay ang pahayag ni Pangulong Monson tungkol sa mga sitwasyon o kautusan.

  2. Ang natutuhan o nadama mo ngayon tungkol sa Ama sa Langit at sa Kanyang mga kautusan.

  3. Ang pinaniniwalaan mong nais ng Ama sa Langit na gawin mo para matularan ang halimbawa ni Noe ng tapat na pagsunod.

Maaari mong tapusin ang lesson sa pamamagitan ng pag-anyaya sa mga estudyante na markahan ang halimbawa ni Noe sa Genesis 7:5 at i-cross reference ito sa premortal na halimbawa ng Tagapagligtas sa Moises 4:2. Maaari kang magpatotoo na pagpapalain ng Diyos ang iyong mga estudyante sa kanilang matatapat na pagsisikap na tularan ang halimbawa ng pagsunod ng Tagapagligtas.