Relief Society
Mga Karanasan na Suportado ng Relief Society


“Mga Karanasan na Suportado ng Relief Society,”Mga Karanasan na Suportado ng Relief Society (2025)

Mga Karanasan na Suportado ng Relief Society

Ang layunin ng Relief Society ay tulungan ang mga anak ng Diyos na maghandang makabalik sa Kanyang kinaroroonan. Naisasakatuparan ito ng Relief Society sa pamamagitan ng pagsuporta sa mga karanasan para sa kababaihan na magbigay at tumanggap ng pagmamahal at kapanatagan ng Tagapagligtas. Kapag nadarama nila ang Kanyang pagmamahal, magkakaroon ng hangarin ang kababaihan ng Simbahan na paunlarin ang kanilang pakikipagtipan sa Diyos. Ang mga karanasang suportado ng Relief Society ay tumutulong sa kababaihan ng Simbahan na maisakatuparan ang mahalagang layuning ito.

Mapanalanging pag-isipan kung anong mga karanasan ang dapat pagtuunan ng pansin sa inyong mga ward at stake. Ang mga kalakip na mga resource ay makatutulong sa iyo na malaman ang tungkol sa mga alituntunin ng ebanghelyo na sumusuporta sa mga karanasang ito. Maaari mo ring gamitin ang mga resource para turuan ang kababaihan ng Simbahan kung paano palakasin ang kanilang koneksiyon kay Jesucristo.

babae na malapit sa templo

Paghahanda sa Kababaihan ng Simbahan na Gumawa ng mga Tipan, Kabilang na sa Bahay ng Panginoon

Ang kababaihan ng Simbahan ay makatatanggap ng kapangyarihan, proteksiyon, patnubay, kagalakan, at kapayapaan na nagmumula sa pakikipagtipan sa Ama sa Langit at kay Jesucristo.

mga babaeng naglalakad at nakangiti

Pagtuturo sa Kababaihan ng Simbahan Tungkol sa Kanilang mga Responsibilidad sa Tipan at sa mga Pagpapala ng Kapangyarihan ng Diyos

Ang kababaihan ng Simbahan na gumagawa at tumutupad ng mga tipan ay tumutulong sa Panginoon sa Kanyang gawain ng kaligtasan at kadakilaan at may karapatan sa kapangyarihan ng Diyos.

mga babaeng nakaupo sa bakuran ng templo

Pagsamba sa Templo at Pakikilahok sa Gawain ng Family History

Kapag sumasamba ang kababaihan ng Simbahan sa templo at nakikibahagi sa gawain ng family history, tumutulong sila na magkaisa ang mga pamilya para sa kawalang-hanggan at natatanggap ang mga pagpapalang nagpapagaling mula sa Pagbabayad-sala ng Tagapagligtas.

mga babaeng magkakasamang nagdarasal

Paglilingkod na Tulad ng Gagawin ng Tagapagligtas

Kapag isinasabuhay ng kababaihan ng Simbahan ang kanilang mga tipan sa pamamagitan ng paglilingkod sa mga paraan na katulad ni Cristo, pinagpapala nila ang buhay ng iba at mas napapalapit sila sa Tagapagligtas mismo.

mga babaeng nag-uusap-usap

Pakikilahok sa mga Interbiyu sa Ministering

Ang mga interbiyu sa ministering ay mga pagkakataon para ipakita ang halimbawa ng ministering, magpakita ng pagmamahal at pagpapahalaga, matuklasan ang mga pangangailangan at kalakasan ng mga miyembro, magbigay ng suporta at mga resource, at tumanggap ng inspirasyon kung paano pangalagaan ang bawat sister.

Si President Camille N. Johnson na binabati ang kababaihan sa isang kaganapan

Pagbibigay at Pagtanggap ng Kaginhawahan

Kapag nakipagtulungan ang kababaihan ng Simbahan kay Jesucristo para magbigay ng temporal at espirituwal na kaginhawahan sa iba, makatatanggap sila ng sarili nilang kaginhawahan mula sa Kanya.

babae na nakikipaglaro sa bata

Pag-uugnay ng Matuwid na Araw-araw na Pagsisikap sa mga Tipan

Kapag nagpapakita ng pananampalataya ang kababaihan ng Simbahan at isinasabuhay ang kanilang mga tipan araw-araw, mayroon silang access sa nagpapagaling at nagpapalakas na kapangyarihan ng Diyos sa kanilang buhay.

mga babaeng nag-uusap-usap sa simbahan

Pagpapayuhan sa mga Miting ng Relief Society sa Linggo

Kapag nagpapayuhan ang kababaihan ng Simbahan tungkol sa mga hamon, pangangailangan, at pagkakataon nang nakatuon sa Tagapagligtas, makatatanggap sila ng paghahayag, makabubuo ng pagkakaisa, at madarama na kabilang sila sa Relief Society.

mga babaeng nakangiti

Pagpaplano ng mga Aktibidad ng Relief Society na Nakasentro kay Cristo

Ang mga aktibidad ay dapat magpalakas sa hangarin ng kababaihan na gumawa at tumupad ng mga tipan at magbigay sa kanila ng mga pagkakataong magtipon at maglingkod nang magkakasama.

  • Mga Aktibidad,” Pangkalahatang Hanbuk, 9.2.1.3

  • JustServe Community Service Guidebook

pamilyang magkakasamang nag-aaral

Paghikayat sa Pagtuturo at Pag-aaral ng Ebanghelyo na Nakasentro sa Tahanan

Ang pag-aaral at pagtuturo ng ebanghelyo sa tahanan ay tumutulong sa kababaihan ng Simbahan na palakasin ang kanilang sariling patotoo at ang patotoo ng mga miyembro ng kanilang pamilya.

babae na nagbabasa ng mga banal na kasulatan

Pakikibahagi sa Personal na Pagsamba

Kapag pinag-aaralan at ipinamumuhay ng kababaihan ng Simbahan ang ebanghelyo sa tahanan, lumalalim ang kanilang pakikipagtipan sa Ama sa Langit at kay Jesucristo.

kababaihan na sama-samang nagbabasa ng mga banal na kasulatan

Pagbabahagi ng Ebanghelyo

Lahat ng kababaihan ng Simbahan ay may responsibilidad na ibahagi ang ebanghelyo, palakasin ang mga bagong miyembro, at tumulong sa mga hindi gaanong aktibo.

kababaihan sa simbahan

Pagtulong sa mga Kabataang Babae na Maghandang Makibahagi sa Relief Society

Kapag tinutulungan ninyo ang mga kabataang babae na magprogreso sa Relief Society, sila ay mapalalakas kapag nagpapatuloy sila sa landas ng tipan.

kababaihan na nag-uusap-usap

Pakikipagpayuhan sa mga Adult Ward Member

Sa paghahanda mo sa espirituwal na pakikipagkita at pakikipag-usap sa mga miyembro, bibiyayaan ka ng Panginoon ng inspirasyong kailangan mo.

mga babaeng nagluluto

Pagtulong sa mga Miyembro na Maging Self-Reliant

Maaari mong pagpalain ang mga miyembro sa pamamagitan ng pagtulong sa kanila na matutong bumuo ng espirituwal, pisikal, at emosyonal na self-reliance.