“Mga Self-Reliance Specialist at Komite,” Gabay sa Pagpapatupad ng EnglishConnect (2023)
“Pag-asa sa Sariling Kakayahan,” Gabay sa Pagpapatupad ng EnglishConnect
Mga Self-Reliance Specialist at Komite
Ang EnglishConnect ay tumutulong sa mga tao na madagdagan ang espirituwal at temporal na pag-asa sa sariling kakayahan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mga kasanayan sa Ingles sa kapaligiran na naghihikayat ng pananampalataya, pagkakaibigan, at pag-unlad. Pag-isipan nang may panalangin kung sino ang maaaring makinabang sa paglahok bilang specialist, guro, o mag-aaral.
Maaari mong iakma ang EnglishConnect para matugunan ang mga pangangailangan ng mga taong itinalaga na mapaglingkuran mo. Mapanalanging pag-isipan ang mga pangangailangan ng mga pinaglilingkuran mo habang kinukumpleto mo ang mga hakbang sa ibaba.
Pagbibigay ng mga EnglishConnect 1 at 2 Group
Ang mga EnglishConnect group ay maaaring iorganisa at pangasiwaan tulad ng iba pang mga self-reliance group. Karaniwang nangangahulugan ito na ang pangangasiwa ng EnglishConnect 1 at 2 ay itinatalaga sa isang komite ng self-reliance o sa iba pang itinalagang komite.
Maikling Buod
Ang EnglishConnect 1 at 2 ay libreng salihan at kinapapalooban ng:
-
Isang lingguhang pag-uusap ng grupo na pinamumunuan ng mga lokal na miyembro o missionary.
-
90-minutong lesson.
-
25 lesson na inorganisa sa mga unit.
-
Mga alituntunin ng pagkatuto “sa pamamagitan ng pag-aaral at gayon din sa pamamagitan ng pananampalataya” (Doktrina at mga Tipan 88:118).
-
Resources para sa araw-araw na praktis.
-
Access sa audio at salin sa Gospel Library.
Ang haba at dalas ng mga lesson ay maaaring iangkop sa mga lokal na sitwasyon (tingnan sa “Mga Halimbawa”).
Bago Magsimula ng Isang Grupo
-
Sumangguni sa mga priesthood leader tungkol sa plano at mga mithiin (iba pa).
-
Tumawag at magsanay ng mga guro (iba pa).
-
Magbigay ng mga materyal (iba pa).
-
Magpasiya tungkol sa lokasyon at dalas ng pulong ng grupo (iba pa).
-
I-register ang grupo sa QuickReg (iba pa).
-
Mag-anyaya at tumanggap ng mga kalahok (iba pa).
Sa Grupo
-
Maghikayat ng kapaligirang may pananampalataya, pagkakaibigan, at pag-unlad (iba pa).
-
Suportahan ang pag-unlad ng guro (iba pa).
-
Tulungan ang mga mag-aaral na maghanda para sa susunod na antas ng EnglishConnect (iba pa).
-
Ipabatid ang iba pang resources ng Simbahan (iba pa).
-
Pamahalaan ang iyong grupo sa QuickReg (iba pa).
Pagtatapos ng Grupo
-
I-print at ipamahagi ang mga sertipiko sa pagtatapos ng grupo (iba pa).
-
Tulungan ang mga mag-aaral sa paglipat sa susunod na EnglishConnect level o BYU–Pathway Worldwide (iba pa).
-
Tukuyin ang mga mag-aaral na maaaring tawagin bilang mga guro (iba pa).
-
Anyayahan ang mga mag-aaral na makibahagi sa iba pang mga programa ng Simbahan (iba pa).
-
Tapusin ang grupo sa QuickReg (iba pa).
-
Magreport sa mga priesthood leader (iba pa).
Pagkonekta sa mga Mag-aaral sa mga Grupo ng EnglishConnect 3
Ang EnglishConnect 3 ay tumutulong sa mga mag-aaral na magkaroon ng mga intermediate english-language skill para sa mga oportunidad sa trabaho at edukasyon—lalo na sa BYU–Pathway Worldwide. Pinangangasiwaan ng mga Church-service missionary ang mga grupo ng EnglishConnect 3.
May dalawang paraan na matutulungan mo ang mga mag-aaral na ma-access ang EnglishConnect 3:
-
Tulungan ang mga mag-aaral na sumali sa isang nabuo nang grupo. Ang EnglishConnect 3 ay may mga grupo sa halos lahat ng dako ng mundo. Matutulungan mo ang mga mag-aaral na mag-enroll sa isang grupo ng EnglishConnect 3 sa pamamagitan ng paggabay sa kanila sa proseso ng pag-a-apply sa englishconnect.org/join. Patingnan sa mga mag-aaral ang mga karagdagang tanong o isyu sa enrollment sa byupathway.org/help/contact-us.
-
Mag-alok ng isang grupo ng EnglishConnect 3. Kung gusto mong magsimula ng isang grupo ng EnglishConnect 3, mag-email sa learn@englishconnect.org. Pagkatapos ay kokontakin ka ng isang Church-service missionary.