Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin
Hunyo 22–28. “Dinggin Mo sa Langit ang Kanilang Dalangin”: 2 Samuel 11–12; 1 Mga Hari 3; 6–9; 11


“Hunyo 22–26. ‘Dinggin Mo sa Langit ang Kanilang Dalangin’: 2 Samuel 11–12; 1 Mga Hari 3; 6–9; 11,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Tahanan at sa Simbahan: Lumang Tipan 2026 (2026)

“Hunyo 22–26. ‘Dinggin Mo sa Langit ang Kanilang Dalangin,’” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin: Lumang Tipan 2026

Si Solomon na inilalaan ang templo

Inilalaan ni Solomon ang Templo sa Jerusalem, ni James Tissot at iba pa

Hunyo 22–28: “Dinggin Mo sa Langit ang Kanilang Dalangin”

2 Samuel 11–12; 1 Mga Hari 3; 6–911

Sina Saul, David, at Solomon, ang unang tatlong hari ng Israel, ay nagsimula na napakaraming pangako. Mapagkumbaba, matapang, at matalino, bawat isa sa kanila ay kinalugdan ng Panginoon—kahit man lang noong una. Ang nakalulungkot, bawat hari ay nagpatangay rin sa mga kahinaan ng tao at tukso. Inuna nila ang sarili nilang mga naisin bago ang sa Panginoon. At tulad ng paulit-ulit nating nakita sa mga banal na kasulatan—at sa sarili nating buhay—humantong iyan sa trahedya.

Ngunit may mahalagang bagay na nangyari noong panahon ng paghahari ni Solomon na nagbigay ng kaunting pag-asa para sa katatagan sa buhay ng mga pinagtipanang tao. Nagtayo ng templo si Solomon Ito ay magiging mas permanenteng bahay ng Panginoon kaysa sa tabernakulo noon. At ito ay kakatawan sa mas permanenteng presensya ng Panginoon sa piling ng Kanyang mga tao. Alam ni Solomon na patuloy na mahaharap ang mga tao sa kahinaan at iba’t ibang uri ng mga pagsubok. Sa paglalaan ng bagong banal na bahay, nagsumamo si Solomon sa Panginoon, “Kung sila’y magsisi [na]ng buong puso nila, … pakinggan mo ang kanilang dalangin” (1 Mga Hari 8:47–49). Bahagi iyan ng ginagawa ng mga tipan sa templo para sa atin—lumilikha ang mga ito ng kaugnayan sa Diyos. Tinitiyak nito sa atin ang pangako na sa pamamagitan ng ating pagsisisi at Kanyang awa, Siya ay “maninirahang kasama [natin]” at hindi tayo kailanman pababayaan (1 Mga Hari 6:13).

Para sa buod ng aklat ng 1 Mga Hari, tingnan sa “Mga Hari” sa Gabay sa mga Banal na Kasulatan.

icon ng pag-aaral

Mga Ideya para sa Pag-aaral sa Tahanan at sa Simbahan

2 Samuel 11; 12:1–14

icon ng seminary
Maaari akong tulungan ng Panginoon na gumawa ng mga tamang pasiya kapag natutukso akong magkasala.

Kung minsa’y tinitingnan natin ang mga taong tila malakas ang pananampalataya, at ipinapalagay natin na hindi sila naaapektuhan ng tukso. Malinaw na ipinapakita ng mga pasiya ni David na humantong sa trahedya na inilarawan sa 2 Samuel 11 na hindi ganito ang sitwasyon. Isipin ang mga aral na matututuhan mo mula sa kanyang mga karanasan. Ang mga tanong na katulad nito ay maaaring makatulong sa pag-aaral mo ng 2 Samuel 11–12:

  • Anong mga pasiya ang ginawa ni David na nag-akay sa kanya na lalong tumahak sa landas ng pagkakasala? Anong mga tamang pasiya sana ang dapat niyang ginawa? (Tingnan din sa video na “To Look Upon,” Gospel Library.)

    4:26

    Pagmasdan

    Paggamit ng mga video. Ang mga video ay makakatulong sa iyo na ilarawan sa iyong isipan ang mga salaysay mula sa mga banal na kasulatan at isipin kung paano naaangkop ang mga ito sa iyo. Isipin kung paano mo magagamit ang mga ito para mapahusay ang pagtuturo at pagkatuto. Halimbawa, habang nanonood ng “To Look Upon” (Gospel Library), isiping ihinto sandali ang video sa iba’t ibang punto para pagnilayan o talakayin ang ilan sa mga tanong na iminungkahi sa aktibidad na ito.

  • Paano sinisikap ng kaaway na akayin ka sa mga landas ng pagkakasala? Anong mga pasiya ang magagawa mo ngayon para manatiling espirituwal na ligtas?

  • Pansinin ang reaksyon ni David sa kuwento ni Natan sa 2 Samuel 12:1–6. Ano ang ipinahihiwatig ng kanyang reaksyon tungkol sa pagtingin ni David sa kanyang sarili? Ano ang ginawa ng Panginoon para tulungan kang tingnan ang iyong sarili nang mas tumpak?

  • Paano mo ibubuod ang mga kaganapan sa 2 Samuel 11–12 sa isang-pangungusap na babala?

Ang pagbabasa tungkol sa mga maling pasiya ni David ay maaaring mag-akay sa iyo na alamin ang mga panganib ng pornograpiya at seksuwal na kasalanan. Ang isang magandang resource para dito ay ang Para sa Lakas ng mga Kabataan: Isang Gabay sa Pagpili, lalo na ang mga bahaging pinamagatang “Ano ang gagawin sa sandaling iyon” at “Ang inyong katawan ay sagrado” (mga pahina 21–28). Maaari ka sigurong maghanap ng payo sa resource na iyon na maaari sanang makatulong kay David na gumawa ng mas magagandang pasiya. O maaari mong basahin ang “Tutulungan kayo ni Jesucristo” (mga pahina 6–9), na naghahanap ng isang bagay na maaari sanang makatulong kay David na bumalik sa Panginoon.

Isiping kantahin ang isang himno tulad ng “Kailangan Ko Kayo” (Mga Himno, blg. 54) at pagnilayan kung paano ka napalakas ng Tagapagligtas nang maharap ka sa tukso.

Tingnan din sa 2 Nephi 28:20–24; Ulisses Soares, “Saliksikin si Cristo sa Bawat Pag-iisip,” Liahona, Nob. 2020, 82–85; “Taking Charge of Technology,” Gospel Library; “Watch Your Step” (video), Gospel Library.

2:49

Mag-ingat sa Iyong Paghakbang

1 Mga Hari 3:1–15

Ang kaloob na makahiwatig ay tumutulong sa akin na malaman ang pagkakaiba ng tama at mali.

Kung sinabi sa iyo ng Panginoon, “Hingin mo kung ano ang ibibigay ko sa iyo” (1 Mga Hari 3:5), ano ang hihilingin mo? Ano ang natanim sa isipan mo tungkol sa kahilingan ni Solomon? Pagnilayan kung bakit ang “mapag-unawang isipan” upang “makilala ang mabuti at ang masama” (talata 9) ay isang mahalagang kaloob. Ano ang magagawa mo para hangarin ang kaloob na ito?

Tingnan din sa Moroni 7:12–19.

1 Mga Hari 6–8; 9:1–9

Sa pamamagitan ng mga tipang ginawa sa bahay ng Panginoon, ang Panginoon ay nananahan sa akin.

Sa 1 Mga Hari 6–7 makikita mo ang detalyadong paglalarawan sa sagradong bahay na itinayo ni Solomon para sa Panginoon. Ang mga detalye ay maaaring tila hindi mahalaga sa iyo na tulad ng kahalagahan ng mga ito sa mga sinaunang Israelita. Ngunit ang pagbasa sa mga kabanatang ito ay maaaring magbigay sa iyo ng kahulugan kung gaano kahalaga sa kanila ang magkaroon ng bahay ng Panginoon. Bakit ito mahalaga sa iyo?

Maaari mong pagnilayan kung ano ang maaaring isinisimbolo ng iba’t ibang bahagi ng templo ni Solomon. Halimbawa, isipin kung ano ang maaaring kinakatawan ng mga kerubin, puno, at bulaklak sa 1 Mga Hari 6:35 . (Tingnan din sa Genesis 3:24.)

Nakatala sa kabanata 8 ang panalangin ni Solomon nang matapos ang templo (tingnan sa mga talata 22–61). Isiping ilista ang mga pagpapalang hiniling ni Solomon. Ano ang tumatatak sa isipan mo tungkol sa mga pagpapalang ito? (Pansinin din ang mga pangako ng Panginoon sa 1 Mga Hari 6:11–13; 9:1–9.) Kung nakapunta ka na sa bahay ng Panginoon, isipin ang mga karanasan mo sa pagsamba roon. Paano nakatulong sa iyo ang pagtupad ng mga tipan sa templo para matanggap ang mga pagpapala ng Panginoon?

Tingnan din sa Doktrina at mga Tipan 109; Henry B. Eyring, “Templo’y Ibig Makita,” Liahona, Mayo 2021, 28–31.

Barranquilla Colombia Temple

Barranquilla Colombia Temple

1 Mga Hari 8:61; 11:1–11

“Ang kanyang puso ay hindi naging lubos na tapat sa Panginoon.”

Ano ang ibig sabihin ng “maging tapat … ang inyong puso sa Panginoon”? (1 Mga Hari 8:61). Iba ba iyan sa pagiging perpekto ng ating mga kilos? Paano? Basahin ang 1 Mga Hari 11:1–11, at pansinin ang sinabi ng Panginoon tungkol sa puso ni Solomon. Maaari mong pagnilayan kung may mga impluwensya ba sa iyong buhay na maaaring maglayo sa puso mo sa Panginoon at tungo sa “ibang mga diyos.”

Para sa iba pa, tingnan ang mga isyu ng mga magasing Liahona at Para sa Lakas ng mga Kabataan sa buwang ito.

Mga Tulong sa Banal na Kasulatan

Iklik para makita ang iba pa.

icon ng bahaging pambata

Mga Ideya para sa Pagtuturo sa mga Bata

2 Samuel 11

Maaari akong tulungan ng Panginoon kapag natutukso ako.

  • Ang “Haring David” sa Mga Kuwento sa Lumang Tipan, 117–20, ay maaaring makatulong sa iyo na isalaysay sa iyong mga anak ang kuwento sa 2 Samuel 11. Maaari mong hilingin sa iyong mga anak na tukuyin ang mga maling pasiyang ginawa ni David at magmungkahi ng mabubuting pasiya na maaari sana niyang gawin bilang kapalit. Ano ang ilang bagay na magagawa natin kapag tinutukso tayo na makakatulong sa atin na gumawa ng tamang pasiya?

    2:11

    King David

  • Ang pagbabasa tungkol sa mga kasalanan ni David na nauwi sa trahedya ay maaaring isang magandang oportunidad para talakayin ang mga panganib ng pornograpiya. Ang video na “What Should I Do When I See Pornography?” (Gospel Library) ay may nakakatulong na patnubay. Tulungan ang iyong mga anak na magplano kung ano ang gagawin nila kapag naharap sila sa pornograpiya.

    5:46

    What should I do when I see pornography?

1 Mga Hari 8:22–61

Ang paggawa ng mga tipan sa bahay ng Panginoon—at pagtupad ng mga ito—ay tumutulong sa akin na lumakad sa Kanyang mga landas.

  • Habang natututo kayo ng iyong mga anak tungkol sa paglalaan ng templo sa 1 Mga Hari 8, maaari ninyong tingnan ang mga larawan ng mga templo sa outline para sa linggong ito. Hayaang pag-usapan ng iyong mga anak ang mga detalyeng nakikita nila sa mga larawan. Maaari mong bigyang-diin ang mga talata 57–58. Ano ang ibig sabihin ng “lumakad sa lahat ng [mga daan ng Panginoon]”? (1 Mga Hari 8:58). Maaari sigurong humakbang nang minsan ang iyong mga anak para sa bawat sagot na ibibigay nila.

  • Sabihin sa iyong mga anak kung paano nakakatulong sa iyo ang pagtupad ng mga tipang ginagawa mo sa templo na lumakad sa mga landas ng Panginoon. Maaari mong sabihin sa kanila kung ano ang mga tipang ito (tingnan sa Pangkalahatang Hanbuk, 27.2, Gospel Library). Maaari din kayong kumanta ng isang awitin tulad ng “Templo’y Ibig Makita” (Aklat ng mga Awit Pambata, 99).

Templo ni Solomon

Larawang-guhit ng templo ni Solomon, ni Sam Lawlor

1 Mga Hari 11:1–11

Maaari kong unahin ang Panginoon sa aking buhay.

  • Ang pagbabasa kung paano naimpluwensyahan si Solomon ng kanyang mga asawa ay maaaring humantong sa isang pag-uusap tungkol sa mga halimbawa ng “ibang mga diyos”—o mga bagay na sinasamba o minamahal ng mga tao sa halip na ang Panginoon. Paano natin maipapakita na mahal natin Siya nang higit sa anupamang bagay sa ating buhay?

Para sa iba pa, tingnan ang isyu ng magasing Kaibigan sa buwang ito.

Templo ni Solomon

Paglalaan ng Templo ni Solomon sa Jerusalem, ni William Hole

Pahina ng aktibidad sa Primary: Ang paggawa ng mga tipan sa bahay ng Panginoon ay tumutulong sa akin na lumakad sa Kanyang mga landas