2022
Kumonekta
Pebrero 2022


“Kumonekta,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Peb. 2022.

Kumonekta

Moroni

16, Sierra Leone

imahe

Larawang kuha ni Christina Smith

Napakagandang maging batang miyembro ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw sa Sierra Leone. Kaming lahat ay nag-uugnayan sa isa’t isa at napakasaya. Gusto naming naglalaro ng football [soccer] nang magkakasama. Pakiramdam ko, talagang mahalaga na maging mas malapit pa kami bilang isang grupo ng mga kabataan.

Minsan ay sinubukan kong dumalo sa ibang simbahan noong hindi malakas ang aking pananampalataya. Pero natuklasan ko na Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw ay kakaiba dahil ginagabayan ito ng paghahayag mula sa Panginoon. At palagi tayong nasa tamang landas dahil sa kaloob na Espiritu Santo.

Magandang maging nag-iisang miyembro sa paaralan ko. Ibinahagi ko na ang ebanghelyo sa mga kaibigan ko, at maganda ang pakiramdam ko. Tinuruan ko sila tungkol sa Aklat ni Mormon, at inanyayahan ko pa sila na panoorin ang pangkalahatang kumperensya na kasama ko—at dumating sila!

Naniniwala ako na ang Simbahan ay totoo at narito ang kabuuan ng ebanghelyo. Ang tingin sa akin ng mga kaibigan ko ay mabait at tapat ako, at nakikita nila na mabuti akong halimbawa dahil ipinamumuhay ko ang ebanghelyo.