Buod ng Pangangalaga noong 2024—Mensahe mula sa Unang Panguluhan

Russell M. Nelson Greeting First Lady Jasmine Blackwater-Nygren

Si Pangulong Russell M. Nelson at ang kanyang dalawang tagapayo, sina Pangulong Dallin H. Oaks at Pangulong Henry B. Eyring, na kinakausap ang Pangulo ng Navajo Nation na si Dr. Buu Nygren at Unang Ginang Jasmine Blackwater-Nygren.

Mga Minamahal na Kaibigan,

Lubos kaming nagpapasalamat sa inyong bukas-palad na pagbibigay ng inyong oras at resources noong 2024. Noong nakaraang taon, ang mga miyembro at kaibigan ng Simbahan ay inanyayahan na hanapin at tulungan “ang isa,” tulad ng itinuro ni Jesucristo sa Kanyang mga talinghaga at ipinakita sa pamamagitan ng Kanyang ministeryo sa lupa.

Talagang nakapagpapakumbaba ang inyong mga taos-pusong tugon. Sa iba’t ibang panig ng mundo, ginawa ninyo ang paanyayang ito na tulungan ang isa at mahalin ang inyong kapwa. Nagpapasalamat kami sa inyong mga kontribusyon at natutuwa kaming ibahagi ang ulat tungkol sa ating pinagsama-samang pagsisikap sa taong ito. Ipinapakita ng buod na ito kung paano natin, nang sama-sama, pinangalagaan ang mga anak ng Diyos sa pamamagitan ng mga inisyatibo na tulad ng pagtugon sa mga emergency, pagpapakain sa mga nagugutom, at pangangalaga sa kapakanan ng kababaihan at mga bata. Ang mga pagsisikap na ito ay nagiging posible dahil sa inyong kagandahang-loob, naisasagawa sa pakikipagtulungan sa mga pinagkakatiwalaang organisasyon, at pinalalakas ng kabutihan ng mga tao sa lahat ng dako na nagsisikap na pagmalasakitan ang kanilang mga kapwa na nangangailangan.

Kapag patuloy nating pinangangalagaan ang mga anak ng Diyos, matutulungan natin sila na madama ang Kanyang banal na pagmamahal. Mahal ng Ama sa Langit ang bawat isa sa Kanyang mga anak at kinikilala ang mabuting gawain na ginagawa nila. Inaanyayahan namin kayo na patuloy na maglingkod at mahalin ang mga tao sa paligid ninyo. Nawa’y pagpalain kayo ng Diyos sa inyong mga inspiradong pagsisikap.

—Ang Unang Panguluhan

First Presidency. 2018. Signatures

Tingnan ang Ulat tungkol sa Pangangalaga sa mga Nangangailangan sa Taon na Ito

Paano pinangalagaan ng Simbahan ang mga nangangailangan noong 2024? Alamin sa pagbabasa ng taunang Buod ng Pangangalaga sa mga Nangangailangan.

Huling Na-Update Noong 12 Peb 2026