Ang Martin Harris Farm ay isang 130 ektaryang sakahan malapit sa Palmyra, New York. Tinulungan ni
Martin Harris si Joseph Smith bilang tagasulat habang isinasalin niya ang Aklat ni Mormon at nagbigay ng kinakailangang pinansiyal na suporta para mailimbag ang nakumpletong pagsasalin ng aklat. Isa rin si Martin Harris sa
tatlong saksi na nakakita sa mga laminang ginto at sa anghel na si Moroni.
Noong 1829, isinangla ni Harris ang kanyang sakahan kay
Egbert B. Grandin para masiguro ang bayad sa paglalathala ng 5,000 kopya ng Aklat ni Mormon. Kalaunan ay binenta niya ang 61 ektarya ng sakahan para magkaroon ng sapat na pera para mabayaran ang utang.
Noong 1937, ang 36 ektarya ng orihinal na Martin Harris Farm kabilang na ang bahay na yari sa bato kung saan nakatayo ang orihinal na farmhouse, ay binili ni Willard Bean sa ngalan ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw.
Basahin ang tungkol sa paglalaan ni Martin Harris ng pera para sa paglilimbag ng Aklat ni Mormon sa
Mga Banal Tomo 1, Kabanata 8.
Ano ang Aasahan
Ang Martin Harris Farm ay isang self-guided experience (walang tour guide) kung saan may mga lugar para makapagpiknik ang mga bibisita.