Ang Gilbert at Whitney Store ay malapit sa liwasang bayan at bahagi ng orihinal na pagbebenta ng lupain sa Independence noong 1827. Binili nina
Sidney Gilbert at
at Newel K. Whitney ang lupain at sinimulang itayo ang tindahan noong 1832. Ang dalawang palapag na gusaling yari sa redbrick o pulang ladrilyo ay nagsilbing tindahan at pangunahing lugar ng pagtitipon para sa mga Banal. Nagsilbi rin itong bishop’s storehouse—isang inilaang ari-arian na ginagamit sa paglalaan ng mga pangangailangan para sa mga Banal.
Sa Ohio, si Gilbert ang namamahala sa tindahan at kasosyo sa negosyo ni Whitney. Naglilingkod rin siya bilang bishop’s agent (
Doktrina at mga Tipan 53). Naglakbay si Sidney kasama si Joseph Smith at iba pang mga lider ng Simbahan mula Kirtland, Ohio, papuntang Independence, Missouri, noong tag-init ng 1831. Sa paglalakbay na iyon, iniutos ng Panginoon kay Sidney na manatili sa Missouri, kung saan tinanggap niya ang tungkulin na pangasiwaan ang bishop’s storehouse sa Independence.
Noong Tagsibol ng 1832, nilinaw ng Panginoon ang tungkol sa mga negosyo ng Simbahan kapwa sa Ohio at Missouri. Ang Simbahan ay magkakaisa para maging isang samahan, o nagkakaisang orden, para sa kapakanan ng mga maralita sa buong Simbahan (
Doktrina at mga Tipan 78, 82). Ang panawagang ito na maglaan para sa isa’t isa ay naglatag ng pundasyon para sa mga probisyon at pananalapi ng Simbahan. Bagama’t hindi na ginagamit ng Simbahan ang mga termino ring iyon, ang mga pandaigdigang proyektong pangkapakanan at self-reliance ay patuloy na isinasakatuparan ang mga naunang paghahayag na ito.
Noong Hulyo 1833, pinagnakawan at sinira ng mga mandurumog ang tindahan ni Gilbert, na nagresulta sa pagkawala ng mahalagang ari-arian ng Simbahan.
Ano ang Aasahan
Ngayon, ang gusali ay ginagamit bilang tindahan ng groseri. Maaaring libutin ng mga bisita ang labas ng mga gusali at kumuha ng mga retrato o pumasok sa gusali sa regular na oras ng negosyo.