Pagtatatag ng Tampok na Lugar ng Sion
Ang pagtatatag ng Sion sa lupa ay isang pangunahing pinagtuunan ng ministeryo ni Joseph Smith bilang propeta.
Sa ilang pinakaunang nakatalang mga paghahayag kay Joseph Smith, itinuro ng Panginoon sa mga Banal sa mga Huling Araw na “hangaring ipahayag at itatag ang kapakanan ng Sion” (Doktrina at mga Tipan 12:6). Sion ang pangalan ng lungsod ng propetang si Enoc. Ipinaliwanag sa Lumang Tipan na “lumakad si Enoc na kasama ng Diyos” at na “siya’y kinuha ng Diyos” at ang kanyang buong lungsod upang makasama Niya sa langit (Genesis 5:24). Sa isang paghahayag na ngayon ay bahagi ng Aklat ni Moises, itinuro ng Panginoon kay Joseph Smith ang marami pang bagay tungkol kay Enoc at sa kanyang lungsod. Tinawag ng Panginoon ang lungsod na Sion dahil ang mga tao nito “ay may isang puso at isang isipan, at namuhay sa kabutihan; at walang maralita sa kanila” (Moises 7:18 ). Habang ipinamumuhay ng mga disipulo ni Jesucristo ang mga alituntunin mula sa sinaunang lungsod ng Sion ni Enoc, tumutulong sila na ihanda ang mundo sa pagbabalik ng Tagapagligtas.1
Ang mga paghahayag na ito ang naghikayat kay Joseph at sa iba pang mga naunang miyembro ng Simbahan na itanong sa Panginoon kung paano magtatag ng isang lungsod alinsunod sa lungsod ni Enoc. Bilang tugon sa kanilang mga tanong, nagbigay ang Panginoon ng mga partikular na tagubilin kung saan at paano itatatag ang Sion. Ipinaliwanag din Niya ang mga ibubunga ng pagsuway sa Kanyang mga salita.
Ang isa sa mga unang tagubilin ay ibahagi ang ebanghelyo samga Katutubo na nakatira sa kanlurang bahagi ng Missouri River. Ang lugar na ito ay bahagi ng teritoryo ng Estados Unidos pero hindi pa bahagi ng anumang estado. Tinanggap ni Oliver Cowdery at ng apat pang missionary ang gawain. Ang misyong ito ang unang organisadong pagtatangka ng Simbahan na ibahagi ang ebanghelyo sa mga tao na ang wika at mga paniniwala sa kultura ay naiiba sa mga missionary.
Noong Hulyo 1831, binisita ni Joseph Smith at ng iba pang mga miyembro ng Simbahan ang mga missionary sa Missouri. Ang pinakamalapit na lungsod ay ang Independence, sa Jackson County. Habang naroon, tinukoy ng Panginoon na ang lokasyon ng tampok na lugar ng Sion ay ang Independence (Doktrina at mga Tipan 57:2 ). Iniutos ng Panginoon sa Kanyang mga tao na magtipon doon. Tinawag Niya si Bishop Edward Partridge na bumili ng lupa sa kanluran ng bahay-hukuman. Ang lupain ay para sa pagtatayo ng 24 na templo—mga sagradong gusali na inilaan sa paggawa ng gawain ng Simbahan ni Jesucristo sa Sion.
Ang mga paghahayag na ito ang naghikayat kay Joseph at sa iba pang mga naunang miyembro ng Simbahan na itanong sa Panginoon kung paano magtatag ng isang lungsod alinsunod sa lungsod ni Enoc. Bilang tugon sa kanilang mga tanong, nagbigay ang Panginoon ng mga partikular na tagubilin kung saan at paano itatatag ang Sion. Ipinaliwanag din Niya ang mga ibubunga ng pagsuway sa Kanyang mga salita.
Ang isa sa mga unang tagubilin ay ibahagi ang ebanghelyo sa
Noong Hulyo 1831, binisita ni Joseph Smith at ng iba pang mga miyembro ng Simbahan ang mga missionary sa Missouri. Ang pinakamalapit na lungsod ay ang Independence, sa Jackson County. Habang naroon, tinukoy ng Panginoon na ang lokasyon ng tampok na lugar ng Sion ay ang Independence (
Ang una sa 24 na templong ito ay inilaan bilang bahay ng Panginoon. Tumanggap si Joseph Smith ng karagdagang paghahayag na itinatalaga ang lokasyon ng templong ito. Noong Agosto 3, 1831, inilagay ni Joseph ang unang bato ng bagong templo. Kalaunan, naghanda ang Propeta ng isang mapa para sa lungsod. Ipinaliwanag din niya na ang Sion ay higit pa sa isang tampok na lugar. “Kapag ang mapa [o plat] na ito ay sinukat at hinati at napuno,” pagsulat niya sa mga margin ng plat document, “sukatin at hatiin ang isa pa sa parehong paraan, at punuin ang mundo sa mga huling araw na ito sa ganitong paraan... dahil ito ang Lungsod ng Sion” (Joseph Smith Papers).
Kaguluhan sa Jackson County
Sa Missouri, natutuhan din ng mga Banal kung paano pangalagaan ang isa’t isa at ang mundo mismo sa pamamagitan ng pagdarasal, pag-aayuno, at paggalang sa araw ng Sabbath. Itinuro ng Panginoon na pag-iisahin at ihahanda sila nito para sa mga pagpapala sa hinaharap na kinabibilangan ng kapayapaan at buhay na walang hanggan (Doktrina at mga Tipan 59:23 ).
Marami ang sumunod sa payong ito at naghangad na maging dalisay sa puso habang pinaglilingkuran nila ang mga nasa paligid nila. Pero dahil mas maraming miyembro ng Simbahan ang nanirahan sa lugar, tumindi ang tensiyon sa mga kapitbahay. Natakot ang mga naunang residente roon na hindi magtatagal ay matatalo sila ng mga Banal sa mga Huling Araw sa halalan. Inakala nila na nagtuturo ang relihiyon sa mga miyembro nito ng ibang pananaw tungkol sa demokrasya, at partikular na inalala nila na babaguhin ng mga Banal ang kasalukuyang mga batas na nagpoprotekta sa pang-aalipin sa estado.
Noong huling bahagi ng 1833, marahas na nagkasagupaan ang mga grupo ng mga armadong Banal at ang kanilang mga kapitbahay. Ang mga pagsalakay na ito ay nagtulak sa mga Banal na iwan ang kanilang mga lupain at personal na ari-arian sa Jackson County. Bagama’t ang mga gawaing ito ay ilegal at hindi makatarungan, ipinaliwanag din ng Panginoon na Kanyang “hinayaan ang paghihirap na dumating [sa mga Banal] bilang bunga ng kanilang mga paglabag,” na kinabibilangan ng “mga pagsasalungatan, at mga pagtatalu-talo, at mga inggitan, at mga alitan, at mahalay at mapag-imbot na mga pagnanasa,” na “[nagpadumi sa] kanilang mga mana” sa Sion (Doktrina at mga Tipan 101:2, 6 ). Ang kanilang pag-uugali ay napakababa sa pamantayan ng pagiging “dalisay sa puso.”
Noong huling bahagi ng 1833, marahas na nagkasagupaan ang mga grupo ng mga armadong Banal at ang kanilang mga kapitbahay. Ang mga pagsalakay na ito ay nagtulak sa mga Banal na iwan ang kanilang mga lupain at personal na ari-arian sa Jackson County. Bagama’t ang mga gawaing ito ay ilegal at hindi makatarungan, ipinaliwanag din ng Panginoon na Kanyang “hinayaan ang paghihirap na dumating [sa mga Banal] bilang bunga ng kanilang mga paglabag,” na kinabibilangan ng “mga pagsasalungatan, at mga pagtatalu-talo, at mga inggitan, at mga alitan, at mahalay at mapag-imbot na mga pagnanasa,” na “[nagpadumi sa] kanilang mga mana” sa Sion (
Habang patuloy ang karahasan ng mga mandurumog at nahirapang magpatuloy ang mga Banal, tiniyak sa kanila ng Panginoon na ang kanilang mga pagsisikap na itatag ang Sion, gaano man ito hindi kaperpekto, ay hindi nawalan ng kabuluhan. “Ang Sion,” pahayag Niya, “ay hindi maaalis sa kanyang lugar, sa kabila ng pagkakakalat ng kanyang mga anak.” (Doktrina at mga Tipan 101:17 ).
Mga Stake ng Sion
Dahil hindi maitayo ang tampok na lugar ng Sion sa Independence, nagtuon si Joseph sa pagtatatag ng mga stake ng Sion at pagtatayo ng mga templo sa ibang lugar. Nagsimula siya sa Kirtland, Ohio, at pagkatapos ay sa Caldwell County at Daviess County sa Missouri.
Ang gawain ngpagtatatag ng Sion ay nagpapatuloy ngayon sa daan-daang templo at libu-libong stake sa iba’t ibang panig ng mundo. Saanman magtipon ang mga Banal sa mga Huling Araw sa ilalim ng pamamahala ng mga buhay na propeta upang gumawa at tumupad ng mga sagradong tipan, inihahanda nila ang kanilang sarili at ang mundo para sa Ikalawang Pagparito ni Jesucristo, ang Hari ng Sion.
Ang gawain ng
Mga Tala
Mga Tala
Moises 7:62, 64 ; Tingnan din sa “Paghahanda para sa Pagbabalik ng Panginoon ,” Elder D. Todd Christopherson, Abril 2019.