Pambungad sa mga Makasaysayang Lugar sa Ohio
Ang Historic Kirtland ay nagsilbing punong-tanggapan ng Simbahan mula 1831 hanggang 1838. Tumanggap doon si Joseph Smith ng maraming paghahayag, na humantong sa makabuluhang paglago ng Simbahan at pagtatayo ng Kirtland Temple.
“At ngayon, matapos ang maraming patotoo na ibinigay hinggil sa kanya, ito ang patotoo, na pinakahuli sa lahat, na aming ibibigay tungkol sa kanya: Na siya ay buhay! Sapagkat siya ay aming nakita, maging sa kanang kamay ng Diyos; at aming narinig ang tinig na nagpapatotoo na siya ang Bugtong na Anak ng Ama—na sa kanya, at sa pamamagitan niya, at mula sa kanya, ang mga daigdig ay nililikha at nalikha, at ang mga naninirahan dito ay mga isinilang na anak na lalaki at babae ng Diyos.”
Tahanan at tindahan ng mga Whitney sa Kirtland, Ohio.
Historic Kirtland
Ang Historic Kirtland ay matatagpuan sa hilagang-silangan ng Ohio, humigit-kumulang 20 milya (32 km) silangan ng Cleveland.
Noong Disyembre 1830, si Joseph Smith—na noon ay nakatira saWhitmer Home sa Fayette, New York —ay nakatanggap ng isang paghahayag na nag-uutos sa mga Banal na “sama-samang magtipun-tipon sa Ohio” (Doktrina at mga Tipan 37:3 ).
Sa pangalawang paghahayag, ipinaliwanag ng Panginoon na nais Niya na “matipon … [ang] isang mabubuting tao” at nangako sa mga Banal na sa Ohio ay “bibigyan siya ng aking batas; at doon ikaw ay papagkalooban ng kapangyarihan mula sa kaitaasan” (Doktrina at mga Tipan 38:31–32 ).
Noong Pebrero 1831, si Joseph Smith at ang kanyang asawang si Emma—na ilang buwan nang nagdadalang-tao—ay naglakbay nang halos 450 kilometro sa nagyeyelong kalsada mula Fayette hanggang Kirtland. Sa Kirtland, natagpuan ni Joseph ang isang maliit ngunit lumalaking grupo ng masisigasig na convert. Hindi magtatagal, karagdagang mga Banal mula sa mga branch sa Manchester; Fayette; at Colesville, New York, ang matitipon din sa lugar ng Kirtland.
Noong Disyembre 1830, si Joseph Smith—na noon ay nakatira sa
Sa pangalawang paghahayag, ipinaliwanag ng Panginoon na nais Niya na “matipon … [ang] isang mabubuting tao” at nangako sa mga Banal na sa Ohio ay “bibigyan siya ng aking batas; at doon ikaw ay papagkalooban ng kapangyarihan mula sa kaitaasan” (
Noong Pebrero 1831, si Joseph Smith at ang kanyang asawang si Emma—na ilang buwan nang nagdadalang-tao—ay naglakbay nang halos 450 kilometro sa nagyeyelong kalsada mula Fayette hanggang Kirtland. Sa Kirtland, natagpuan ni Joseph ang isang maliit ngunit lumalaking grupo ng masisigasig na convert. Hindi magtatagal, karagdagang mga Banal mula sa mga branch sa Manchester; Fayette; at Colesville, New York, ang matitipon din sa lugar ng Kirtland.
Tahanan ng mga Johnson sa Hiram, Ohio.
Ang Tahanan nina John at Elsa Johnson
Mula Setyembre 1831 hanggang Setyembre 1832, sina Joseph at Emma Smith ay nanirahan sa tahanan nina John at Elsa Johnson, mayayamang convert na may malaki at masaganang sakahan sa Hiram, Ohio, mga 40 milya (64 km) timog ng Kirtland.
Habang naninirahan sa tahanang ito, ipinagpatuloy ni Joseph Smith ang rebisyon ng Biblia—isang katalista para sa maraming paghahayag. Noong Nobyembre 1831, sa isang kumperensya ng mga elder ng Simbahan, ipinasiya na ilathala ang natipong mga paghahayag kay Joseph Smith, na kalaunan ay nakilala bilangDoktrina at mga Tipan .
Kalaunan, habang isinasalin ang ebanghelyo ni Juan, sina Joseph Smith at Sidney Rigdon ay tumanggap ng isang paghahayag na kilala sa panahong iyon bilang simpleng “ang Pangitain ,” na nagpanumbalik sa kaalaman tungkol sa tatlong kaharian ng kaluwalhatian na maaaring matamo sa Pagkabuhay na mag-uli (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 76 ).
Habang naninirahan sa tahanang ito, ipinagpatuloy ni Joseph Smith ang rebisyon ng Biblia—isang katalista para sa maraming paghahayag. Noong Nobyembre 1831, sa isang kumperensya ng mga elder ng Simbahan, ipinasiya na ilathala ang natipong mga paghahayag kay Joseph Smith, na kalaunan ay nakilala bilang
Kalaunan, habang isinasalin ang ebanghelyo ni Juan, sina Joseph Smith at Sidney Rigdon ay tumanggap ng isang paghahayag na kilala sa panahong iyon bilang simpleng “
Ang Kirtland Temple na tanaw mula sa Tahanan nina Joseph at Emma Smith.
Sa loob ng pitong taon na nasa hilagang-silangan ng Ohio ang punong-tanggapan ng Simbahan, ang Simbahan ay nagkaroon ng makabuluhang paglago, inobasyon, at pagbabago.
Habang lumalago si Joseph Smith sa kanyang tungkulin bilang lider ng Simbahan, ang mga paghahayag na natanggap niya ay humubog, dumalisay, at nagpalawak sa Pagpapanumbalik ng ebanghelyo.
Ang mga paghahayag sa panahong ito ay nagpanumbalik ng kaalaman at mga gawain na nananatiling natatanging aspeto ng paniniwala at gawain ng mga Banal sa mga Huling Araw. Ang mga ito ay nagpakilala ng mga bagong katungkulan, lumikha ng marami sa mga istrukturang pang-administratibo ng Simbahan ngayon, at itinuro ang pagsisimula ng mga ordenansa sa templo.
Sa Kirtland, nagtayo ang mga Banal ng isang maunlad na komunidad na nakasentro sa pagtatayo ng “Bahay ng Panginoon”: ang templo sa tuktok ng burol.
Ngayon, ang mga bisita sa Makasaysayang Kirtland at John and Elsa Johnson Home ay maaaring libutin, nang personal o digital, ang mga lugar kung saan nakatira si Joseph Smith at ang kanyang mga kapwa Banal, kung saan nila natutuhan ang mga katotohanan nang ipanumbalik ang mga ito sa propeta ng Panginoon, at kung paano sila tumugon nang may pananampalataya, pagsisikap, at pagtitiyaga.
Sa mga lugar na ito, makikita natin kung paano natanggap ang paghahayag at kung paano mapagpapala ang ating buhay sa pagsunod sa payo ng mga propeta. Ang mga lokasyon at kuwentong ito ay maaaring magbigay-inspirasyon sa mga tao na palakasin ang kanilang sariling pananampalataya kay Jesucristo, gumawa at tumupad ng mga tipan sa Diyos, ibahagi ang ebanghelyo ni Jesucristo sa iba, at patatagin ang mga komunidad kung saan sila nakatira.