Unti-unti

Report ng Pag-unlad sa Landas ng Tipan

Report ng Pag-unlad sa Landas ng Tipan

Ang report ng Pag-unlad sa Landas ng Tipan ay ginagamit upang matulungan ang mga bago at nagbabalik na miyembro na masubaybayan ang kanilang pag-unlad sa landas ng tipan sa unang dalawang taon ng kanilang pagiging miyembro ng Simbahan o pagbabalik sa pagiging aktibo sa Simbahan. Ginagamit din ito para suportahan ang mga taong tinuturuan ng mga missionary. Makukuha ito ng mga lokal na lider sa pamamagitan ng menu na Reports sa Member Tools app at sa Leader and Clerk Resources (LCR).

Ang report ng Pag-unlad sa Landas ng Tipan ay naka-link sa Preach My Gospel app na ginagamit ng mga full-time missionary. Kapag nag-update ng impormasyon sa isa sa mga ito, ang isa pa ay awtomatikong naa-update din. Ang report na ito ay dapat gamitin ng mga lokal na lider bilang pangunahing tool sa pag-oorganisa at pag-uugnay ng kanilang mga pagsisikap. Dapat palagi nila itong buksan at rebyuhin, at isama bilang bahagi ng ward council, mga coordination meeting, at kapag nakipagpulong sila sa mga full-time missionary.

Maaari mong gamitin ang training outline na ito para matuto pa at sanayin ang mga lokal na lider sa inyong stake, district, ward, o branch sa paggamit ng mahalagang tool na ito kasama ang mga My Covenant Path (Aking Landas ng Tipan) resource.

Panoorin

Huling Na-Update Noong 17 Ene 2025