Tungkol sa Member Tools

Mga Pagbabagong Darating sa Bersiyon 5.5

Sa pagdating ng unang bahagi ng 2026, ang Member Tools version 5.5 ay magpapakilala ng mga bagong feature na tutulong sa mga lider at miyembro na maglingkod nang mas epektibo sa kanilang mga calling at pagsisikap sa ministering.

  • Lumikha ng mga Record ng mga Bata: Ang mga ward clerk ay maaari na ngayong lumikha ng mga membership record para sa mga child of record.
Create Record - Member Tools App

  • Itala ang Binyag at Kumpirmasyon ng mga Bata: Maaari na ngayong i-update ng mga ward clerk ang membership record ng mga bata na may mga detalye ng ordenansa ng binyag at kumpirmasyon.
  • Record Baptism and Confirmation - Member Tools App

  • Mga Pagpapahusay sa Attendance sa Klase at Korum: Nakikita na ngayon ng mga titser ang attendance para sa mga linggong naka-assign sa kanila nang default. Ang bagong view ay nagbibigay rin ng at-a-glance look sa mga class attendance summary.
  • Class and Quorum Attendance Summary - Member Tools App
  • Bagong Opsiyon sa Komunikasyon: Ang bagong profile option ay nagtutulot sa mga miyembro na isaad kung ang kanilang numero ng telepono ay naka-link sa Telegram.
  • Tanggalin ang Gustong Pangalan: May opsiyon na ngayon ang mga miyembro na tanggalin ang gusto nilang pangalan mula sa kanilang record (kung nakalista ito).
  • Bagong Customizable Home Screen Option: Hinahayaan ka na ngayon ng Android na gawing menu view ang iyong Home screen—katulad ng iOS. Isang bagong setting ang nagpapasimple sa pagpili ng gusto mong layout.
  • Buod ng mga Inilabas na Feature

    • Home: I-customize ang iyong Home screen tulad ng hindi pa nagagawa noon. Baguhin and size, pagkakasunud-sunod, at kulay ng iyong mga tile—o idagdag at alisin ang mga ito upang gawin itong tunay na sa iyo.
    • Search: Hanapin kung ano ang kailangan mo sa loob ng ilang segundo. Maghanap sa app sa pamamagitan ng pangalan ng miyembro, calling, o pangalan ng tile—mabilis at madali.
    • Menu: Mas madaling mag-navigate. Gamitin ang bagong menu para sa mabilis na access sa halip na mag-scroll sa mga tile.
    • Profile: Panatilihing sariwa ang iyong info. I-update ang mga contact detail, i-adjust ang mga visibility setting, i-upload ang mga larawan ng household, at tingnan ang iyong mga detalye ng pagiging miyembro at ng iyong pamilya—lahat sa iisang lugar.
    • Mga Setting: Gawin itong sa iyo. Gawing maliwanag o madilim ang theme, i-set ang photo download preferences, at hayaang manatiling konektado ang mga dating mission leader.
    • Tulong: Maging Updated. Tuklasin kung ano ang bago, kumuha ng mga sagot sa FAQs, at magbahagi ng feedback para mas mapaganda pa ang app.
    • Mag-sync: Palaging gawing updated ang iyong data. I-on ang awtomatikong pag-sync o manu-manong i-refresh ang iyong data tuwing gusto mo.
    • Mga Aksiyon at Mensahe: Maging updated sa mga bagong impormasyon. Tingnan ang mga aksiyon na malapit na ang due date at mga mensahe mula sa Headquarters ng Simbahan at mga area office.
    • Direktoryo: Kumonekta kaagad. I-access ang contact info at mga larawan ng mga miyembro sa inyong ward o branch at stake o district—kabilang na ang mga pinaglilingkuran mo.
    • Pamahalaan ang mga Talaan: Gawing simple ang iyong gawaing pang-administratibo. Ang mga bishop, branch president, at clerk ay maaaring maglipat ng mga record at magtala ng mga ordenansa.
    • Mga Organisasyon: Mabilis na makita ang mga organisasyon. Tingnan ang mga calling at miyembro sa ward o branch at stake o district ayon sa organisasyon, at maaaring itala at i-update ng mga lider ang mga calling sa loob ng ilang segundo.
    • Kalendaryo: Magplano at magbahagi. Tingnan ang mga kalendaryo ng ward o branch at stake o district, pamahalaan ang visibility, at gawing publiko ang mga aktibidad para sa mga kaibigan ng Simbahan.
    • Mga Grupo: Magtulungan nang epektibo. Lumikha ng mga custom group ng mga miyembro sa inyong ward at stake para sa mas madaling komunikasyon.
    • Mga Meetinghouse: Mabilis na hanapin ang iyong meetinghouse. Kunin ang mga lokasyon, address, oras ng sacrament meeting, at opsiyon na kontakin ang bishop o branch president.
    • Ministering: Maglingkod nang may kumpiyansa! Tingnan ang mga assignment, resource, at itala ang mga interbiyu nang mabilis at madali.
    • Pananalapi: Gawing simple ang pananalapi. Magsumite ng mga payment request, magbigay ng donasyon online, rebyuhin at aprubahan ang mga gastusin, at itala ang mga tithing declaration—lahat sa iisang lugar.
    • Missionary: Kumonekta at magbahagi. I-access ang contact info para sa mga missionary na naglilingkod sa o mula sa inyong ward at magpakilala ng mga kaibigan sa nila.
    • Templo at Family History: Sumamba sa bahay ng Panginoon. Tingnan ang iyong recommend, mga templo na malapit, at iskedyul ng mga ordenansa. Magsumite ng mga pangalan sa prayer roll, maghanap ng mga pangalan ng kapamilya gamit ang Mga Ordenansang Handa nang Isagawa, at magtakda ng paalala para sa expiration ng temple recommend. Maaari ding magbigay at mag-activate ang mga lider ng mga recommend!
    • Mga Report: Mamuno nang may impormasyon. Maaaring makita at ma-update ng mga lider ng ward at stake ang mga membership report, subaybayan ang attendance, at kumpirmahin ang training para sa mga calling na naglilingkod sa mga kabataan.

    Mga Karaniwang Tanong Tungkol Sa Kung Ano ang Darating

    Anong mga pagbabago ang darating?

    Ang Member Tools at ang Leader and Clerk Resources (LCR) ay parehong tatawagin kalaunan na Member and Leader Tools. Ang aming mithiin ay ibigay ang parehong functionality at karanasan habang ginagamit ang mobile o web application. Ang mobile app ay magkakaroon ng mas maraming functionality na idadagdag sa susunod na ilang taon—functionality na kasalukuyang makukuha lamang sa web app. Ang web app ay maglilingkod kapwa sa mga miyembro at lider, at magdaragdag kami ng mga feature na kasalukuyang nakikita lamang sa Member Tools at Ward Directory at Mapa.

    Bakit ginagawa ang mga pagbabagong ito?

    Ginagawa ang mga pagbabagong ito upang tulungan ang mga miyembro at lider na mas mahusay at epektibong makapag-minister at makapangasiwa sa loob ng kanilang mga stake, district, ward, at branch. Sa maraming bahagi ng mundo, hindi available ang tuluy-tuloy na internet o data connection. Ang mobile application ay tutulong sa iyo na magrekord ng datos at magsagawa ng mga gawain kahit hindi konektado sa internet. Kapag may available nang koneksiyon, ipinadadala ang mga pagbabagong ginawa, at ina-update ang mga system ng Simbahan.

    Kailan mangyayari ang mga pagbabagong ito?

    Ito ay isang pagsisikap sa loob ng ilang taon na nagsimula noong Agosto ng 2023 at inaasahang magpapatuloy hanggang 2027.

    Paano ako makapagbibigay ng feedback?

    Para sa mobile application, makapagbibigay ka ng feedback sa pamamagitan ng pagpindot sa Help at pagkatapos ay sa Send Feedback sa loob ng app.

    Para sa web application, makapagbibigay ka ng feedback sa pamamagitan ng pagpili sa Send Feedback na link na nasa bawat pahina.

    Pangkalahatang Ideya tungkol sa Kung Ano ang Darating

    Mula nang ilabas ito noong 2010, ang Member Tools app ay lumago na mula sa isang digital na direktoryo ng mga miyembro ng ward o branch at stake o district at naging isang mabisang kasangkapan na may mga karagdagang kakayahan sa pagsuporta kapwa sa mga miyembro at lider ng Simbahan.

    Habang patuloy kaming nagdaragdag ng mga nakatutulong na feature, ang app ay tatawagin kalaunan na Member and Leader Tools. Ang pagdaragdag ng mga bagong feature ay bunga ng pagsasagawa ng Simbahan ng malawakang pananaliksik sa mga miyembro sa iba’t ibang panig ng mundo.

    Habang gumagawa kami ng mga pagpapahusay sa mga darating na taon, patuloy naming ia-update ang artikulong ito nang sa gayon ay malaman mo ang mga paparating na feature bago ilabas ang mga ito.

    Ano ang Member Tools?

    Ang Member Tools ay tumutulong sa mga miyembro at lider na maglingkod at mangasiwa sa paraan ng Tagapagligtas. Makipag-ugnayan sa mga miyembro ng ward at stake, tingnan ang mga event calendar, hanapin ang mga meetinghouse ng Simbahan, access tool at mga report na partikular sa iyong calling, at iba pa.

    Huling Na-Update Noong 9 Peb 2026