Mga Turo ng mga Pangulo
Kabanata 9: Ang Pagtitipon ng Israel


“Kabanata 9: Ang Pagtitipon ng Israel,” Mga Turo ng mga Pangulo ng Simbahan: Russell M. Nelson (2023)

“Kabanata 9,” Mga Turo: Russell M. Nelson

mga missionary na nagtuturo sa mga tao

Kabanata 9

Ang Pagtitipon ng Israel

[Ang pagtitipon ng Israel] ang pinakamahalagang nangyayari sa mundo ngayon. Walang maikukumpara sa laki. Walang maikukumpara sa halaga.

Mula sa Buhay ni Russell M. Nelson

Noong si Russell M. Nelson ay bata pang asawa at ama, pinangasiwaan din niya ang maraming gawain sa pag-oopera. Isang araw sinabi niya sa kanyang asawang si Dantzel na sa pakiramdam niya ay hindi siya espirituwal na umuunlad. Pagkatapos ay itinanong niya, “Okay lang ba sa iyo kung gumising ako nang isang oras nang mas maaga sa bawat araw para pag-aralan ang mga banal na kasulatan at matutong tumugtog ng organo?”

Agad namang pumayag si Dantzel, at nagsimulang bumangon si Russell nang alas-4:30 n.u. para mag-aral at magpraktis. Nakasuot siya ng earphones na nakakonekta sa organo para hindi niya magising ang kanyang pamilya.

Sa panahong ito, maraming paksa ng ebanghelyo ang nakakuha ng kanyang atensyon, ngunit nakahihigit dito ang pagtitipon ng Israel. Tulad ng ipinaliwanag niya kalaunan sa kanyang paglilingkod bilang Apostol, lahat ng bagay tungkol sa paksang ito ay nakatawag ng pansin niya. Kabilang dito ang mga ministeryo at pangalan nina Abraham, Isaac, at Jacob—at ang tipang ginawa ng Diyos sa kanila. Naging interesado rin siya sa pagkalat ng labindalawang lipi at ang mga propesiya tungkol sa pagtitipon sa dispensasyon ng kaganapan ng panahon.

Bilang Pangulo ng Simbahan, maraming beses nang nagsalita si Pangulong Nelson tungkol sa kahalagahan ng pagtitipon ng Israel, na tinatawag itong pinakamahalagang gawain sa mundo ngayon. Paulit-ulit niyang binigyang-diin na may puwang sa lambat ng ebanghelyo para sa bawat taong lubusang yayakap sa ebanghelyo ni Jesucristo.

Mga Turo ni Russell M. Nelson

Nais ng Diyos na tipunin ang Israel. Siya ang ating Ama sa Langit!

Mababasa natin sa Exodo na “naalala ng Diyos ang kanyang tipan kina Abraham, Isaac, at Jacob” (Exodo 2:24). Sinabi ng Diyos sa mga anak ni Israel, “Kung tunay na inyong susundin ang aking tinig at tutuparin ang aking tipan, kayo ay magiging aking sariling pag-aari” (Exodo 19:5).

Ang mga katagang “sariling pag-aari” ay isinalin mula sa salitang Hebreo na segullah, na nangangahulugang isang lubos na pinahahalagahan na ari-arian—isang “kayamanan.” …

Bakit ikinalat ang Israel? Dahil nilabag ng mga tao ang mga kautusan at pinagpapatay nila ang mga propeta gamit ang mga bato. Ang mapagmahal ngunit nagdadalamhating Ama ay tumugon sa pamamagitan ng pagkalat sa Israel kung saan-saan. [Tingnan sa Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Israel,” Gospel Library.]

Gayunpaman, ikinalat Niya sila na may pangakong balang-araw ay muling titipunin ang Israel sa Kanyang kawan.

Ang lipi ni Juda ay binigyan ng responsibilidad na ihanda ang mundo para sa unang pagparito ng Panginoon. Mula sa liping iyon, si Maria ay tinawag na maging ina ng Anak ng Diyos.

Ang lipi ni Jose, sa pamamagitan ng mga anak nila ni Asenat na sina Efraim at Manases (tingnan sa Genesis 41:50–52; 46:20) ay binigyan ng responsibilidad na mamuno sa pagtitipon ng Israel, upang maihanda ang mundo para sa Ikalawang Pagparito ng Panginoon. …

Natural lang na gusto ng Diyos na tipunin ang Israel. Siya ang ating Ama sa Langit! Nais Niyang marinig ng bawat isa sa Kanyang mga anak—sa magkabilang panig ng tabing—ang mensahe ng ipinanumbalik na ebanghelyo ni Jesucristo.

Mga Tanong sa Pag-aaral

Ano ang natutuhan ninyo tungkol sa Ama sa Langit habang pinag-iisipan ninyo ang pagkalat at pagtitipon ng Israel?

Ang pagtitipong ito ay tungkol sa pagbibigay ng pagkakataon sa bawat kaluluwa na tanggapin ang ebanghelyo

18:52

Kapag sinasabi nating pagtitipon ng Israel sa magkabilang panig ng tabing, ibig sabihin ay gawaing misyonero, gawain sa templo at family history. Ito rin [ay] pagpapatatag ng pananampalataya at patotoo sa puso ng mga taong kasama natin sa buhay, katrabaho, at pinaglilingkuran natin. Sa tuwing gumagawa tayo ng kahit ano na makatutulong sa kahit sino—sa magkabilang panig ng tabing—para gawin at tuparin ang kanilang mga tipan sa Diyos, tumutulong tayo na tipunin ang Israel.

Bawat anak ng ating Ama sa Langit ay nararapat na magkaroon ng pagkakataon na piliing sundin si Jesucristo, na tanggapin ang Kanyang ebanghelyo kasama ang lahat ng biyaya nito—oo, lahat ng mga biyayang ipinangako ng Diyos sa angkan ni Abraham, Isaac, at Jacob, na kinikilala ring Israel.

Ang pagtitipong ito ay tungkol sa pagbibigay ng pagkakataon sa bawat tao na tanggapin ang ebanghelyo Jesucristo. Lahat ng ito ay tungkol sa pagliligtas ng mga kaluluwa. Lahat ng ito ay tungkol sa pangako ng “walang katapusang kaligayahan” (Mosias 2:41).

Mga Tanong sa Pag-aaral

Ano na ang mga naranasan ninyo sa pagtitipon ng Israel ayon sa paraang inilarawan ni Pangulong Nelson? Paano nakaapekto sa inyo at sa mga mahal ninyo sa buhay ang mga karanasang ito?

Wala nang iba pang gawain na lubos na kinabibilangan ng lahat

Iniutos ng Panginoon na ipalaganap natin ang ebanghelyo at ibahagi natin ang tipan. Ito ang dahilan kaya tayo may mga missionary. Nais Niyang magkaroon ng pagkakataon ang bawat isa sa Kanyang mga anak na piliin ang ebanghelyo ng Tagapagligtas at tahakin ang landas ng tipan. Nais ng Diyos na iugnay ang lahat ng tao sa tipang ginawa Niya kay Abraham noong sinaunang panahon.

Dahil dito, ang gawaing misyonero ay mahalagang bahagi ng dakilang pagtitipon ng Israel. Ang pagtitipon na iyon ang pinakamahalagang gawain na nangyayari sa mundo ngayon. Walang maikukumpara sa laki. Walang maikukumpara sa halaga. Ang mga missionary ng Panginoon—ang Kanyang mga disipulo—ay nakikibahagi sa pinakamalaking hamon, pinakadakilang layunin, pinakamahalagang gawain sa mundo ngayon.

Ngunit hindi lamang iyon—may iba pa. May malaking pangangailangan na ipalaganap ang ebanghelyo sa mga tao na nasa kabilang panig ng tabing. Nais ng Diyos na matamasa ng lahat, sa magkabilang panig ng tabing, ang mga pagpapala ng Kanyang tipan. Ang landas ng tipan ay bukas sa lahat. Nakikiusap tayo sa lahat na tahakin ang landas na iyon kasama natin. Wala nang iba pang gawain na lubos na kinabibilangan ng lahat. Sapagkat “ang Panginoon ay maawain sa lahat ng yaon na, sa katapatan ng kanilang mga puso, ay nananawagan sa kanyang banal na pangalan” (Helaman 3:27).

Tanong sa Pag-aaral

Sa kalagayan ninyo ngayon sa buhay, ano ang papel ninyo sa pagtitipon ng Israel?

Pinabibilis ng Panginoon ang Kanyang gawain para tipunin ang Israel, at maaari kayong maging bahagi nito

Ito na talaga ang mga huling araw, at ang Panginoon ay binibilisan ang Kanyang gawain na tipunin ang Israel. … At kung pipiliin ninyo, kung gusto ninyo, maaari kayong maging malaking bahagi nito. Maaari kayong maging bahagi ng isang bagay na malaki, maringal, at dakila! …

61:35

Isipin ninyo na lang ang kagalakan at kahalagahan nito: bawat propeta simula kay Adan ay nakita ang panahon natin. At bawat propeta ay nagsalita tungkol sa panahon natin, kung kailan matitipon ang Israel at ang mundo ay magiging handa sa Ikalawang Pagparito ng Tagapagligtas. Isipin ninyo ito! Sa dinami-dami ng mga taong tumira sa mundo natin, tayo ang mga makikilahok sa huli at malaking pagtitipon na ito. Talagang nakatutuwa ito!

Inireserba ng Ama sa Langit ang marami sa Kanyang pinakamagigiting na mga anak—masasabi kong, ang pinakamahusay na pangkat— para sa huling yugtong ito. Ang magigiting na mga espiritu—ang pinakamahuhusay na manlalaro—ay kayo!

Tanong sa Pag-aaral

Ano ang isang bagay na magagawa ninyo para makatulong na tipunin ang Israel sa magkabilang panig ng tabing?

Ang paglahok sa pagtipon ng Israel ay mangangailangan ng kaunting sakripisyo

61:35

Nais ba ninyong maging malaking bahagi ng pinakamalaking hamon, pinakamagiting na layunin, at pinakadakilang gawain sa mundo ngayon?

Nais ba ninyong tumulong sa pagtipon ng Israel sa mahalagang mga huling araw na ito? Kayo ba, na mga hinirang, ay pumapayag na hanapin ang mga hinirang na hindi pa nakarinig sa mensahe ng ipinanumbalik na ebanghelyo? Nais ba ninyong maging “maliliksing sugo” na binanggit ni propetang Isaias? [Isaias 18:2].

Ngayon, sa paglahok sa pagtipon ng Israel ay kakailanganin ang kaunting sakripisyo. Maaari nga na kailangan ninyong baguhin ang inyong buhay. Tiyak na kukunin nito ang ilan sa oras ninyo at lakas at mga talentong bigay ng Diyos sa inyo. Interesado ba kayo? …

… Wala nang ibang nangyayari sa daigdig na ito ngayon mismo na mas mahalaga pa kaysa riyan. Wala nang ibang mas mahalaga ang bunga. Wala talaga.

Ang pagtitipon na ito ay dapat maging napakahalaga sa inyo. Ito ang misyon ninyo dito sa lupa. …

Ano ang tutulong sa inyo? Sa araw-araw na pagbabasa ninyo ng Aklat ni Mormon, matututuhan ninyo ang doktrina ng pagtitipon, mga katotohanan tungkol kay Jesucristo, Kanyang Pagbabayad sala, at ang kabuuan ng Kanyang ebanghelyo na hindi makikita sa Biblia. Ang Aklat ni Mormon ay sentro sa pagtitipon ng Israel [tingnan sa 3 Nephi 5:23–26]. Sa katunayan, kung wala ang Aklat ni Mormon, ang pangakong pagtitipon ng Israel ay hindi magaganap. …

… Kumalas sa palagiang paggamit ng social media, upang mabawasan ang makamundong impluwensya nito sa inyo. … Alam ko na may mga positibong bagay mula sa social media. Ngunit kung mas binibigyan ninyo ng atensyon ang mga feed ninyo sa social media kaysa sa mga bulong ng Espiritu, inilalagay ninyo ang sarili ninyo sa espirituwal na kapahamakan—gayundin ang kapahamakan ng pagdanas ng matinding pag-iisa at depresyon. …

61:35

… Suriing mabuti ang buhay sa Panginoon … upang matiyak na ang mga paa ninyo ay matatag na nakatayo sa landas ng tipan. Kung napalayo na kayo, o kung may mga bagay na kailangan ninyong talikuran upang tulungan ang isip at puso ninyo na maging mas dalisay, ngayong araw ang perpektong oras para magbago. … Huwag na kayong magpatuloy sa lihis na daan nang isa pang minuto. Bumalik na kayo sa pamamagitan ng tunay na pagsisisi, ngayon na. …

… Ipagdasal araw-araw na matanggap ng lahat ng anak ng Diyos ang mga pagpapala ng ebanghelyo ni Jesucristo. Kayo at ako ay nabubuhay upang makita, at patuloy na makikita, ang Israel na natipon nang may pambihirang kapangyarihan. At maaari kayong maging bahagi ng lakas sa likod ng pagtitipon na iyon! …

… Mamukod tangi; maging kaiba sa mundo. Alam natin na dapat kayong maging liwanag sa mundo. Kaya, kailangan kayo ng Panginoon na magmukha, magsalitang tulad, kumilos na tulad, at manamit na tulad ng isang tunay na disipulo ni Jesucristo. Oo, kayo ay nabubuhay sa mundo, ngunit mayroon kayong kaibang pamantayan sa mundo upang tulungan kayong maiwasan ang mantsa ng mundo.

16:19

Ugaliing regular na magpunta sa templo. Maaaring mangailangan ito ng kaunti pang sakripisyo sa buhay ninyo. Ang mas regular na pagpunta sa templo ay magtutulot sa Panginoon na ituro sa inyo kung paano gamitin ang kapangyarihan ng Kanyang priesthood na ipinagkaloob sa inyo sa Kanyang templo. Sa inyo na malayo ang tirahan sa templo, inaanyayahan ko kayong pag-aralan nang may panalangin ang tungkol sa mga templo sa mga banal na kasulatan at sa mga salita ng mga buhay na propeta. Hangaring malaman pa, maunawaan pa, madama pa ang kahalagahan ng mga templo kaysa rati. …

Mahal ko kayo at pinasasalamatan at ngayo’y binabasbasan ko kayo ng kakayahang talikdan ang mundo habang tumutulong kayo sa napakahalaga at apurahang gawaing ito. Magagawa natin nang sama-sama ang lahat ng kailangang ipagawa sa atin ng ating Ama sa Langit upang maihanda ang mundo sa Ikalawang Pagparito ng Kanyang Pinakamamahal na Anak.

Inaanyayahan ko kayo at ang inyong pamilya na sadyang manalangin araw-araw tungkol sa magagawa ninyo sa araw ding iyon para makatulong sa pagtitipon ng Israel. …

Kapag nagtutulungan kayong baguhin ang inyong tahanan sa isang santuwaryo ng pananampalataya—na puno ng sama-samang pag-aaral mula sa kurikulum na nakasentro sa tahanan, na suportado ng Simbahan—na nagtitipon sa Israel.

Habang kayong mga magulang ay lumilikha ng mga karanasan kung saan matututuhan ng inyong mga anak na madama ang Espiritu ng Panginoon—iyan ang pagtitipon sa Israel.

Sa paggawa ninyo ng family history; paglilingkod at pagsamba sa templo; gamitin ang mga oras na maluwag kayo upang mapalapit sa Ama sa Langit at sa Kanyang Anak at tulungan ang ibang tao na gawin din ito—iyan ay pagtitipon sa Israel.

Habang tumutulong kayo na palakasin ang patotoo ng iba; kapag nagsisi kayo at tinutulungan ang iba na magsisi; habang nagsisikap kayo sa inyong mga komunidad at nakikibahagi sa mga makabuluhang pagsisikap na ibsan ang pagdurusa ng iba—iyan ay pagtitipon sa Israel.

Ito ang mga bagay na makakaya nating lahat … kayo at ako.

Mahal kong mga kapatid, ang ating maluwalhating layunin ay ang gawain ng Makapangyarihang Diyos. Siya ay buhay. Si Jesus ang Cristo. Ito ang Kanyang Simbahan, na ipinanumbalik upang tulungan ang Israel na tipunin at ihanda ang mundo para sa Kanyang Ikalawang Pagparito.

Tanong sa Pag-aaral

Anong mga pagbabago ang gagawin ninyo sa inyong buhay para maging bahagi ng dakilang gawaing ito?

Ang pagtitipon ng Israel ay kinakailangan para ihanda ang mundo sa Ikalawang Pagparito

14:53

Ipinahayag ng Panginoon: “Magbibigay ako sa inyo ng palatandaan … na aking titipunin, mula sa matagal na nilang pagkakakalat, ang aking mga tao, O sambahayan ni Israel, at muling itatatag sa kanila ang aking Sion” [3 Nephi 21:1]. Bukod sa gawain sa templo, ang pagdating ng Aklat ni Mormon ay palatandaan sa buong mundo na sinimulan na ng Panginoon na tipunin ang Israel at tuparin ang mga tipang ginawa niya kina Abraham, Isaac, at Jacob [tingnan sa Genesis 12:2–3; 26:3–4; 35:11–12]. Hindi lamang natin itinuturo ang doktrinang ito, kundi nakikibahagi rin tayo rito. Ginagawa natin ito kapag tumutulong tayong tipunin ang mga hinirang ng Panginoon sa magkabilang panig ng tabing.

Tinitipon ng Panginoon ang mga tao na hahayaang manaig ang Diyos sa kanilang buhay. Tinitipon ng Panginoon ang mga taong pipiliin ang Diyos na maging pinakamahalagang impluwensya sa kanilang buhay.

Bakit napakahalaga ng pangakong ito ng pagtitipon? Dahi ang pagtitipon ng Israel ay kinakailangan para ihanda ang mundo sa Ikalawang Pagparito! At ang Aklat ni Mormon ang kasangkapan ng Diyos na kailangan upang maisakatuparan ang dalawang banal na layuning ito. …

Tungkol sa Ikalawang Pagparito, alam natin na ito ay “malapit na ngayon, at sa isang panahon [pa] na darating” [Doktrina at mga Tipan 63:53]. At kapag muling dumating ang Tagapagligtas, hindi ito magiging lihim. Samantala, maraming gawain ang dapat gawin upang tipunin ang Israel at ihanda ang mundo para sa maluwalhating Ikalawang Pagparito.

Tanong sa Pag-aaral

Paano inihahanda ng pagtitipon ng Israel ang mundo para sa Ikalawang Pagparito ni Jesucristo?

Ang pinakalayunin ng pagtitipon ng Israel ay ang pagbubuklod ng mga pamilya sa mga templo

Ang gawaing misyonero ay katibayan sa mundo na nagsimula na ang ipinangakong pagtitipon ng nagkalat na Israel. Ngunit hindi iyan ang pangunahing layunin. Kailangang mabuklod ang mga pamilyang iyon sa mga templo para maging karapat-dapat sa lubos na pagpapalang iyon ng buhay na walang hanggan. At tiyak na tutuparin ng Panginoon ang Kanyang pangako na paparitong muli upang ihanda ang mundo para sa sagradong pangyayaring iyon.

Ang pagtitipon ng Israel ay hindi ang pinakahuling mithiin. Simula pa lamang ito. Kabilang sa mithiing pinagsisikapan nating makamtan ang endowment at ordenansa ng pagbubuklod sa templo. Kabilang dito ang pakikipagtipan natin sa Diyos sa pamamagitan ng angkan o pag-ampon at pagkatapos ay makasama at makapiling Siya at ang ating mga pamilya magpakailanman. Iyan ang kaluwalhatian ng Diyos—buhay na walang hanggan para sa Kanyang mga anak [tingnan sa Moises 1:39].

Mga Tanong sa Pag-aaral

Ano ang pinakalayunin ng pagtitipon ng Israel? Ano ang magagawa ninyo para matulungan ang isang tao na makamit ang mithiing iyon?

Mga Paanyaya at mga Pangako

Basahin ang Aklat ni Mormon araw-araw

61:35

Sa araw-araw na pagbabasa ninyo ng Aklat ni Mormon, matututuhan ninyo ang doktrina ng pagtitipon, mga katotohanan tungkol kay Jesucristo, Kanyang Pagbabayad sala, at ang kabuuan ng Kanyang ebanghelyo na hindi makikita sa Biblia. Ang Aklat ni Mormon ay sentro sa pagtitipon ng Israel [tingnan sa 3 Nephi 5:23–26]. Sa katunayan, kung wala ang Aklat ni Mormon, ang pangakong pagtitipon ng Israel ay hindi magaganap.

Kumalas sa palagiang paggamit ng social media

Kumalas sa palagiang paggamit ng social media, upang mabawasan ang makamundong impluwensya nito sa inyo.… Alam ko na may mga positibong bagay mula sa social media. Ngunit kung mas binibigyan ninyo ng atensyon ang mga feed ninyo sa social media kaysa sa mga bulong ng Espiritu, inilalagay ninyo ang sarili ninyo sa espirituwal na kapahamakan—gayundin ang kapahamakan ng pagdanas ng matinding pag-iisa at depresyon.

Siguraduhing ang mga paa ninyo ay matatag na nakatayo sa landas ng tipan

Suriing mabuti ang buhay sa Panginoon … upang matiyak na ang mga paa ninyo ay matatag na nakatayo sa landas ng tipan. Kung napalayo na kayo, o kung may mga bagay na kailangan ninyong talikuran upang tulungan ang isip at puso ninyo na maging mas dalisay, ngayong araw ang perpektong oras para magbago. … Huwag na kayong magpatuloy sa lihis na daan nang isa pang minuto. Bumalik na kayo sa pamamagitan ng tunay na pagsisisi, ngayon na.

Ipagdasal araw-araw na matanggap ng lahat ng mga anak ng Diyos ang mga pagpapala ng ebanghelyo

Ipagdasal araw-araw na matanggap ng lahat ng anak ng Diyos ang mga pagpapala ng ebanghelyo ni Jesucristo. Kayo at ako ay nabubuhay upang makita, at patuloy na makikita, ang Israel na natipon nang may pambihirang kapangyarihan. At maaari kayong maging bahagi ng lakas sa likod ng pagtitipon na iyon!

Sadyang ipagdasal bawat araw ang mga magagawa ninyo para makatulong sa pagtitipon ng Israel

Inaanyayahan ko kayo at ang inyong pamilya na sadyang manalangin araw-araw tungkol sa magagawa ninyo sa araw ding iyon para makatulong sa pagtitipon ng Israel.

Maging liwanag sa sanlibutan

16:19

Mamukod tangi; maging kaiba sa mundo. Alam natin na dapat kayong maging liwanag sa mundo. Kaya, kailangan kayo ng Panginoon na magmukha, magsalitang tulad, kumilos na tulad, at manamit na tulad ng isang tunay na disipulo ni Jesucristo. Oo, kayo ay nabubuhay sa mundo, ngunit mayroon kayong kaibang pamantayan sa mundo upang tulungan kayong maiwasan ang mantsa ng mundo.

Ugaliing regular na magpunta sa templo

16:19

Ugaliing regular na magpunta sa templo. Maaaring mangailangan ito ng kaunti pang sakripisyo sa buhay ninyo. Ang mas regular na pagpunta sa templo ay magtutulot sa Panginoon na ituro sa inyo kung paano gamitin ang kapangyarihan ng Kanyang priesthood na ipinagkaloob sa inyo sa Kanyang templo. Sa inyo na malayo ang tirahan sa templo, inaanyayahan ko kayong pag-aralan nang may panalangin ang tungkol sa mga templo sa mga banal na kasulatan at sa mga salita ng mga buhay na propeta. Hangaring malaman pa, maunawaan pa, madama pa ang kahalagahan ng mga templo kaysa rati.

Mga Video

The Scattering and Gathering Is First Spiritual

1:8

A Prophetic Call: Experience the Joy of Missionary Service

2:13

Mga Kaugnay na Mensahe

Hayaang Manaig ang Diyos” (pangkalahatang Kumperensya ng Oktubre 2020)

18:52

Pag-asa ng Israel” (pandaigdigang debosyonal para sa mga kabataan, Hunyo 3, 2018)

61:35

Ang Walang Hanggang Tipan” (Liahona, Oktubre 2022; teksto ng mensaheng ibinigay ni Pangulong Nelson noong Marso 2022)

Pakikibahagi ng Kababaihan sa Pagtitipon ng Israel,” (pangkalahatang kumperensya ng Oktubre 2018)

16:19

Ang Pagtitipon ng Ikinalat na Israel” (pangkalahatang kumperensya ng Oktubre 2006)

14:53

Mga Tala

  1. Tingnan sa Russell M. Nelson, Heart of the Matter: What 100 Years of Living Have Taught Me (2023), 153–54, 191, 195.

  2. Ang Walang Hanggang Tipan,” Liahona, Okt. 2022, 7, 8, 11.

  3. Hayaang Manaig ang Diyos,” Liahona, Nob. 2020, 92–93.

  4. Pag-asa ng Israel” (pandaigdigang debosyonal para sa mga kabataan, Hunyo 3, 2018), Gospel Library.

  5. “Hope of Israel” (Europe Area broadcast, Ene. 23, 2022), hindi inilathala.

  6. Ang Walang Hanggang Tipan,” 9.

  7. Pag-asa ng Israel” (pandaigdigang debosyonal para sa mga kabataan, Hunyo 3, 2018).

  8. Pag-asa ng Israel” (pandaigdigang debosyonal para sa mga kabataan, Hunyo 3, 2018).

  9. Pakikibahagi ng Kababaihan sa Pagtitipon ng Israel,” Liahona, Nob. 2018, 70.

  10. “The Abrahamic Covenant, the Book of Mormon, the Gathering, and You” (Arizona member devotional, Peb. 10, 2019), hinidi inilathala.

  11. Ang Pagtitipon ng Ikinalat na Israel,” Liahona, Nob. 2006, 80.

  12. Hayaang manaig ang Diyos,” 92.

  13. Ang Aklat ni Mormon, ang Pagtitipon ng Israel, at ang Ikalawang Pagparito,” Liahona, Hulyo 2014, 29.

  14. “Living Epistles of the Lord” (mensahe sa mga missionary sa Provo Missionary Training Center, Nob. 7, 2017), hindi inilathala.

  15. The Book of Mormon, the Gathering of Israel, and the Second Coming,” 31.

  16. Pag-asa ng Israel” (pandaigdigang debosyonal para sa mga kabataan, Hunyo 3, 2018).

  17. Pag-asa ng Israel” (pandaigdigang debosyonal para sa mga kabataan, Hunyo 3, 2018).

  18. Pag-asa ng Israel” (pandaigdigang debosyonal para sa mga kabataan, Hunyo 3, 2018).

  19. Pag-asa ng Israel” (pandaigdigang debosyonal para sa mga kabataan, Hunyo 3, 2018).

  20. “The Abrahamic Covenant, the Book of Mormon, the Gathering, and You,” hindi inilathala.

  21. Pag-asa ng Israel” (pandaigdigang debosyonal para sa mga kabataan, Hunyo 3, 2018).

  22. Pakikibahagi ng Kababaihan sa Pagtitipon ng Israel,” 70.