Pagtuturo at Pagkatuto
Lumikha ng ligtas na kapaligiran kung saan iginagalang ang lahat at alam nilang pinahahalagahan ang kanilang kontribusyon.


“Lumikha ng ligtas na kapaligiran kung saan iginagalang ang lahat at alam nilang pinahahalagahan ang kanilang kontribusyon,” Mga Kasanayan para sa Pag-unlad ng Guro (2022)

“Lumikha ng ligtas na kapaligiran kung saan iginagalang ang lahat at alam nilang pinahahalagahan ang kanilang kontribusyon,” Mga Kasanayan para sa Pag-unlad ng Guro

Mahalin ang mga Tinuturuan Mo

Lumikha ng ligtas na kapaligiran kung saan iginagalang ang lahat at alam nilang pinahahalagahan ang kanilang kontribusyon.

Kasanayan: Ipaalam na pinahahalagahan mo ang mga estudyante bago pa man sila magkomento o kapag itinaas nila ang kanilang kamay para magkomento.

Ipaliwanag

Maipapakita natin ang pagmamahal sa ating mga mag-aaral sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa kanila na pinahahalagahan natin ang kanilang mga kontribusyon. Kung minsan kapag nagsasalita ang mga estudyante, mukhang hindi tayo interesado o maaaring nag-iisip na tayo kung ano ang susunod nating sasabihin. Madaling tumingin sa malayo o magsimulang tingnan ang ating mga banal na kasulatan habang iniisip natin kung paano tutugon. Mahalagang tandaan na nais ng mga estudyante na madamang naririnig, kinikilala, at nakikita sila. Matutulungan natin ang mga estudyante na madama ito sa pamamagitan ng lubos na pagtutuon sa kanila habang nagbabahagi sila ng mga komento. Ang isang paraan para maisakatuparan ito ay sa pamamagitan ng pagbaling ng iyong katawan para nakaharap ka sa kanila, pagtingin sa kanilang mata, at pagtuon sa kanila habang nagsasalita sila. Ang isa pang paraan ay ipahayag na pinahahalagahan mo ang kanilang kontribusyon bago pa man sila magsalita. Kapag nagtaas ng kamay ang isang estudyante, maaari mong sabihing, “Jordan, gustung-gusto naming nakaririnig mula sa iyo. Sabihin mo sa amin kung ano ang iniisip mo,” o, “Thabo, sabik kaming matuto mula sa iyo. Ano ang gusto mong ibahagi?” Ang mga simpleng gawaing ito ay maaaring magpahiwatig sa mga mag-aaral na ang kanilang mga kontribusyon ay mahalaga sa pagkatuto.

Ipakita

guro at mga estudyante sa isang silid-aralan

Tingnan ang kilos ng gurong ito habang nakikinig siya sa komento ng isang estudyante. Nakaharap at tinitingnan niya ang estudyante. Hindi siya nakapokus sa iba pang estudyante, sa mga banal na kasulatan, o iba pa. Ano pa ang matututuhan mo mula sa larawang ito tungkol sa kung paano ipararamdam sa mga estudyante na pinahahalagahan sila?

Mag-klik dito upang mapanood ang video tungkol dito.

1:24

Magpraktis

Sa linggong ito, praktisin ang kasanayang ito sa pamamagitan ng pagtutuon ng pansin sa pakikipag-usap mo sa ibang tao at pagsasabi na pinahahalagahan mo ang kanilang mga kontribusyon. Harapin ang tao at tingnan siya sa mata habang kausap mo siya. Alisin ang anumang mga gambala, at lubusang magtuon sa indibiduwal.

Talakayin o Pagnilayan

  • Ano ang natutuhan mo tungkol sa kahalagahan ng mga ikinikilos at sinasabing uri ng komunikasyon sa pagpapahayag sa iba na pinahahalagahan mo sila?

  • Ano ang ilang iba pang paraan na maipapahayag mo sa mga estudyante na pinahahalagahan mo ang kanilang mga komento?

  • Mag-ukol ng ilang sandali at isipin ang mga pagkakataon na ipinakita ng Tagapagligtas ang kasanayang ito.

Isama

Sa susunod mong lesson, gawin ang kasanayang ito sa pamamagitan ng pagharap sa iyong mga estudyante, paglapag sa mesa ng iyong mga banal na kasulatan, at pagtingin sa mga estudyante habang nagbabahagi sila ng mga komento.

Gusto Mo Bang May Matutuhan Pa?