Manguna: Magdaos ng Kaganapan o Aktibidad Tungkol sa Responsableng Paggamit ng Teknolohiya
Ang mga kaganapan o aktibidad tungkol sa Responsableng Paggamit ng Teknolohiya ay nakatutuwang mga pagtitipon na nilayong tulungan ang mga kabataan, magulang, at lider na sama-samang matututo kung paano gamitin ang teknolohiya nang may mas dakilang layunin, balanse, at espirituwal na kamalayan. Ang mga ito ay lumilikha ng puwang para sa makabuluhang pag-uusap, pagtuturo ng mga kabataan, at mga karanasang ibinahagi na nakasentro sa mga alituntunin ng layunin, magplano, at tumigil sandali. Maaaring panoorin ng mga kalahok ang mga video, makibahagi sa maliliit na talakayan ng grupo, at tumanggap ng mga kagamitan upang mapatibay ang mensahe sa tahanan. Ang mga kaganapang ito ay maaaring idagdag sa klase o sa mga pagtitipon sa ikalimang Linggo, o sa mga aktibidad ng mga kabataan, camp, o kumperensiya. Sila ay karaniwang sinusuportahan ng mga lider ng mga kabataan, miyembro ng bishopric, at ng mga kabataan mismo. Para sa karagdagang tulong, tingnan sa Teaching Resources sa Taking Charge of Technology guide.
Para sa mga Magulang ng mga batang Primary, mangyaring tingnan ang Pamamahala sa Teknolohiya para sa mga Bata: Gabay para sa mga Magulang at Bata sa Primary sa ilalim ng "Pagtuturo sa mga Bata" sa bahaging "Mga Bata" ng Gospel Library.
Halimbawa ng Agenda
Ang mga kaganapang ito ay maaaring iangkop sa anumang gustong format. Ang mga ito ay maaaring gawing pangunahing layunin ng pagtitipon o maaaring maging maikling bahagi ng isang kaganapan o lesson. Nasa ibaba ang isang halimbawang outline para sa isang agenda na maaaring isaayos sa anumang paraan.
-
Tingnan ang Gospel Library resource location.
-
Magdaos ng isang talakayan sa grupo (tingnan sa mga kabataan o adult lesson, Bahagi V, para sa mga tanong sa talakayan sa grupo).
-
Pumili ng ilang tanong na gusto mong talakayin at saliksikin ng grupo.
-
-
Ituro ang isang lesson o ipalabas ang pambungad na video na "The Challenge" (tingnan ang mga aralin para sa mga kabataan o adult lesson para sa karagdagang impormasyon).
-
Ang mga Pakinabang at Kapalit ng Teknolohiya
-
Mga Hamon ng Teknolohiya
-
Pangasiwaan ang Teknolohiya
-
Layunin: Gamitin ang teknolohiya nang may layunin
-
Magplano: Pagpaplano para sa mas mabubuting pagpili
-
Huminto Sandali: Pagpapahinga kapag kailangan
-
-
Talakayin ang mga solusyon o ipapanood ang pangalawang video na "Remedies."
-
Magbigay ng "Hamon sa Teknolohiya" para sa linggo:
-
Pumili ng isang bagay na sadyang gagawin, paplanuhin, o ititigil sandali mula sa linggong ito.
-
Hikayatin ang mga pamilya na talakayin ito sa kanilang mga tahanan.
-
-
Talakayin ang ba pang makatutulong na mga resource
-
Ang paglalagay ng mga sticker na ito sa mga bote ng tubig, case ng telepono, laptop, o salamin ay maaaring magsilbing araw-araw na paalala upang mapanatili ang sadya, maalalahanin, at balanseng mga gawi sa paggamit ng teknolohiya. Simpleng paraan ang mga ito para mahikayat ang grupo na tumigil sandali, magplano, at gumamit ng teknolohiya nang may layunin.
-
-
Masiyahan sa mga refreshment
Mga Event Media Asset
Ang sumusunod ay mga media asset para sa pagtataguyod ng isang kaganapan o para sa pagbuo ng kamalayan sa produkto. Mangyaring rebyuhin ang style guide para sa karagdagang impormasyon tungkol sa paggamit ng mga asset.
Style Guide
Graphics na may mga Kabataan
[Para mai-download ang larawan: mangyaring iklik ang larawan para mag-save at mag-download.]