Magplano
Turuan ang mga bata na limitahan ang paggugol ng oras online at gumawa ng mabubuting pasiya tungkol sa kanilang screen time.
Pagtatakda ng mga Hangganan:
-
Bigyan ang mga bata ng mga simpleng pagpipilian tungkol sa kanilang screen time. Maaari silang pumili ng isang partikular na app o game at magpasiya tungkol sa ibang maiikling aktibidad na magagawa nila.
-
Makibahagi sa maiikling aktibidad na humahantong sa maiikling pahinga. Maaari kang maglaro ng isang game sa loob ng sampung minuto o magdrowing o magbasa sa loob ng limang minuto.
-
Gumawa ng mga routine na kasama ang screen time bilang bahagi ng iskedyul. Ang paggawa nito ay tumutulong sa mga bata na asahang lumipat ng ibang mga aktibidad.
Mga Tech Talk (Paano Kausapin ang Inyong Anak tungkol sa Teknolohiya)
Gumamit ng mga alituntunin at tanong na nauunawaan ng inyong anak.
-
“Paano natin maipaplano ang screen time natin ngayon? Maaari tayong pumili ng isang game at magpasiya kung ano ang gagawin kapag tapos na ito.”
-
“Kapag maayos nating ginamit ang ating screen time, mas marami tayong oras para sa ibang masasayang bagay. Ano ang dapat nating gawin pagkatapos ng screen time ngayon?”
-
“Pumili tayo ng masayang gagawin sa screen. Pagkatapos ay maaari tayong gumawa ng isa pang aktibidad tulad ng pagguhit o paglalaro sa labas.”
Tiyakin Kung Nauunawaan ng Bata ang Itinuturo
-
“Ano ang tamang haba ng screen time para sa araw na ito?”
-
“Ano ang ilang masayang bagay na magagawa natin nang hindi gumagamit ng mga device?”
-
“Bakit mahalagang magkaroon ng plano sa paggamit ng ating mga device?”