Pagtuturo at Pagkatuto
Pagiging Matapang ngunit Hindi Mapanupil


“Pagiging Matapang ngunit Hindi Mapanupil,” Mga Kasanayan sa Pag-aaral ng mga Banal na Kasulatan (2024)

Pagiging Matapang ngunit Hindi Mapanupil

Ipaliwanag

Ipaliwanag sa mga estudyante na nagturo si Apostol Pablo nang may katatagan, pananalig, at katapangan, ipinahahayag na, “Hindi ko ikinahihiya ang ebanghelyo [ni Cristo]” (Roma 1:16). Tulad niyon, ipinayo ni Alma sa kanyang anak na si Siblon na “gumamit ng katapangan, datapwat hindi mapanupil” (Alma 38:12). Ang pagsunod sa halimbawa ni Jesucristo at sa mga pahiwatig ng Espiritu Santo ay makatutulong sa atin na maging angkop na matapang ngunit hindi mapanupil.

Ipakita at basahin nang malakas ang mga sumusunod na babala:

  • Tayo ay lumalabis kapag nagsasaad tayo ng kaalaman nang higit pa sa inihayag ng Panginoon sa pamamagitan ng mga propeta noon at ngayon. Gayon din, hindi natin dapat ipahayag ang ating mga opinyon na para bang ang mga ito ay mga katotohanan o doktrina. Tayo ay nagkukulang kapag inilalahad natin ang mga pangunahing katotohanan ng ebanghelyo nang may pag-aalinlangan, hindi nakakatiyak, o hindi malinaw. Dapat handa tayong manindigan sa alam nating totoo.

  • Tayo ay nagiging dogmatiko kapag ipinapahayag natin ang ating mga opinyon na tila hindi ito mapag-aalinlanganan at kapag hindi tayo mapagpasensya sa mga bagay-bagay na walang malinaw na mga sagot. Tayo ay nahihiya kapag hindi tayo naninindigan sa alam nating totoo.

  • Kung hindi natin alam ang sagot sa isang tanong, ang pinakamainam na sagot ay simpleng “Hindi ko alam” o “Magandang tanong iyan; magkasama nating alamin iyan.”

Ipakita

Para maipakita ang kasanayang ito, maaari mong gamitin ang isa sa mga sumusunod na halimbawa o ang sarili mong halimbawa. Basahin ang unang dalawang column sa sumusunod na chart kasama ang mga estudyante upang matulungan silang makita ang mga problema sa pagiging labis, o pagiging kulang. Pagkatapos ay gamitin ang column na “I-reframe” upang maipakita kung paano natin mababago ang problem statement o nakasaad na problema at maipahayag ito nang matapang ngunit hindi mapanupil.

Turo sa mga Banal na Kasulatan

Nakasaad na Problema

I-reframe

Turo sa mga Banal na Kasulatan

Ang mga propeta ay nagsasalita at nagtuturo ng mga salitang ibinibigay sa kanila ng Panginoon (tingnan sa Jeremias 1:7–9; Doktrina at mga Tipan 21:4–5).

Nakasaad na Problema

“Ang mga lider ng Simbahan ay may banal na awtoridad, at anuman ang kanilang sabihin ay opisyal na doktrina para sa Simbahan.”

(Ang huling bahagi ng pahayag na ito ay isang halimbawa ng pagiging dogmatiko at pagmamalabis.

Kapag nagmamalabis tayo, makalilikha tayo ng di-makatotohanang mga inaasahan para sa ating sarili at sa iba.)

I-reframe

Ang mga lider ng Simbahan ay may banal na awtoridad, at kapag nagsasalita sila ayon sa kanilang katungkulan sa ilalim ng impluwensya ng Espiritu Santo, matututuhan natin ang kaisipan at kalooban ng Panginoon (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 68:3–4; 2 Pedro 1:21). Gayunman, hindi lahat ng sinabi ng nakaraan o kasalukuyang mga lider ng Simbahan ay itinuturing na “opisyal na doktrina” ng Simbahan. Ang ating doktrina ay hindi masusumpungan sa hindi maunawaan o hiwalay na mga pahayag. Sa halip, ang doktrina ng Simbahan ay itinuturo nang madalas at ng lahat ng miyembro ng Unang Panguluhan at Korum ng Labindalawang Apostol (tingnan sa “How Can I Know If Something I Hear Is ‘Official Doctrine’?,” New Era, Peb. 2017, 41).

Turo sa mga Banal na Kasulatan

Ang mga nag-aaral ng Aklat ni Mormon at nagdarasal ay makatatanggap ng patunay mula sa Espiritu Santo na ito ay totoo (tingnan sa Moroni 10:3–5).

Nakasaad na Problema

“Naniniwala akong totoo ang Aklat ni Mormon. May mabubuting turo ito, ngunit lahat ay may sariling mga katotohanan. Kaya’t hindi ko sasabihin na mas mahalaga ito kaysa anumang iba pang aklat na mababasa mo.”

(Ang pahayag na ito ay nagkukulang sa pagsasabi ng kahalagahan at kapangyarihan ng Aklat ni Mormon. Nahihiya rin ito sa paglalahad sa Aklat ni Mormon.)

I-reframe

Ang Aklat ni Mormon ay salita ng Diyos. Kasama ng Biblia, ito ay isang makapangyarihang saksi ni Jesucristo at nagtuturo ng mga walang hanggang katotohanan na makapagpapabago ng buhay. Maaaring malaman ng sinuman ang mga bagay na ito para sa kanilang sarili sa pamamagitan ng Espiritu Santo sa pamamagitan ng pag-aaral ng aklat at pagtatanong sa Diyos kung ito ay totoo.

Magpraktis

Pumili ng isang passage na gagamitin sa pagpapraktis mula sa mga banal na kasulatan na babasahin para sa linggong ito, o pumili mula sa mga passage na nakalista sa ibaba. Sabihin sa mga estudyante na pag-aralan ang passage at pag-isipan kung paano nila magagamit ito para turuan ang isang tao sa paraang tulad ng kay Cristo na matapang ngunit hindi mapanupil. Maaaring ibahagi ng mga estudyante kung paano nila maituturo ang mga katotohanan sa mga passage na ito nang buong tapang ngunit hindi mapanupil.

Mga karagdagang passage para sa pagpapraktis:

  • Isaias 5:20. Sabihin sa mga estudyante na magpraktis gamit ang talatang ito para tumugon sa isang taong nakikipagtalo na ang panonood ng pornograpiya ay normal at natural.

  • 1 Corinto 11:11. Sabihin sa mga estudyante na magpraktis gamit ang talatang ito upang ituro na ang kasal sa pagitan ng isang lalaki at isang babae ay isang kautusan mula sa Diyos.

  • 1 Nephi 13:26–29. Sabihin sa mga estudyante na magpraktis gamit ang mga talatang ito para ituro na ang malinaw at mahalagang mga katotohanan ay inalis mula sa Biblia sa panahon ng Malawakang Apostasiya.

  • Doktrina at mga Tipan 1:30. Sabihin sa mga estudyante na magpraktis na ituro na Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw ay “ang tanging tunay at buhay na simbahan sa ibabaw ng buong mundo.”

Mag-anyaya at Mag-Follow Up

Hikayatin ang mga estudyante na maging matapang ngunit hindi mapanupil sa paraan ng pagbabahagi nila ng mga katotohanan ng ebanghelyo. Tandaan na mag-follow-up sa mga estudyante sa mga susunod na klase sa pamamagitan ng pag-anyaya sa kanila na magbahagi ng mga karanasan nila sa pagtuturo ng mga katotohanan ng ebanghelyo nang may katapangan ngunit hindi mapanupil. Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na magbahagi rin ng anumang hamon na naranasan nila. Humanap ng mga paraan para patuloy na magamit ang kasanayang ito sa klase.