“Pagbabahagi ng mga Katotohanan ng Ebanghelyo nang May Pagmamahal at Sensitibidad,” Mga Kasanayan sa Pag-aaral ng mga Banal na Kasulatan (2024)
Pagbabahagi ng mga Katotohanan ng Ebanghelyo nang May Pagmamahal at Sensitibidad
Ipaliwanag
Maaari mong ibahagi ang sumusunod na pahayag ni Pangulong M. Russell Ballard:
Hindi tayo dapat humingi ng paumanhin para sa ating mga pinaniniwalaan ni umurong sa mga bagay na alam nating totoo. Ngunit maibabahagi natin ito sa diwa ng magiliw na pagkakaunawaan. (M. Russell Ballard, “How Is It with Us?,” Ensign, Mayo 2000, 33)
Ipamahagi ang sumusunod na handout, at basahin ang mga gabay na alituntunin para sa pagbabahagi ng mga katotohanan ng ebanghelyo nang may pagmamahal at sensitibidad.
Pagbabahagi ng mga Katotohanan ng Ebanghelyo nang May Pagmamahal at Sensitibidad
Magturo ng katotohanan nang may pagmamahal. Bagama’t hindi natin kailangang humingi ng paumanhin o maging hindi komportable sa pagbabahagi ng ating mga paniniwala, sa hangarin nating maging matapang maaaring kung minsan ay nakikipag-usap tayo sa mga paraang hindi kinakakitaan ng pagmamahal. Maaari kang manalangin para matulungan ka na maipakita mo ang iyong pagmamahal sa iyong kapwa habang nagbabahagi ng mga katotohanan ng ebanghelyo. Maaari mong itanong sa iyong sarili, Paano ko maibabahagi ang katotohanang ito nang may kabaitan at pagmamahal?
Makinig upang makaunawa. Pagsikapang mabuti na maunawaan ang mga kalagayan, opinyon, at pananaw ng iba. Kilalanin na maaari nilang makita ang turo, tanong, o isyu ng ebanghelyo ayon sa nauunawaan nila na naiiba sa iyo. Maaari mong itanong sa iyong sarili, Ano ang alam ko tungkol sa taong ito na makakaimpluwensya sa paraan kung paano ko ibabahagi ang katotohanang ito?
Maging mapagpakumbaba at magalang. Tukuyin at kilalanin kung hanggang saan ang kaya mong maunawaan. Isipin kung ano ang inihayag at hindi inihayag ng Panginoon. Tulutan ang iba’t ibang paraan ng paggamit ng mga tunay na alituntunin. Magpakita ng paggalang sa iyong kapwa na may ibang mga paniniwala at pananaw. Isiping itanong sa iyong sarili, Paano ko igagalang ang aking kapwa na may ibang mga pananaw at pagkaunawa tungkol sa katotohanang ito ng ebanghelyo?
Ipakita
Maaari mong gamitin ang sumusunod na halimbawa o ang sarili mong halimbawa para maipakita ang kasanayang ito.
Ipaliwanag na ang isang katotohanan na matututuhan natin mula sa Doktrina at mga Tipan 21:4–5 ay na iniutos sa atin ng Panginoon na tanggapin ang mga salita ng mga propeta nang buong pagtitiis at pananampalataya. Ipakita kung paano ibahagi ang katotohanang ito nang may pagmamahal at sensitibidad sa sumusunod na sitwasyon: Napansin mo na ang kapatid mo na dating nagsasalita noon nang mabuti tungkol sa propeta ay nambabatikos na ngayon sa propeta at sa ilan sa kanyang mga turo.
|
Pagbabahagi ng mga katotohanan ng ebanghelyo nang walang pagmamahal at sensitibidad |
Mga tanong na pag-iisipan |
Pagbabahagi ng mga katotohanan ng ebanghelyo nang may pagmamahal at sensitibidad |
|---|---|---|
Pagbabahagi ng mga katotohanan ng ebanghelyo nang walang pagmamahal at sensitibidad “Hindi mo sinusunod ang utos ng Panginoon na tanggapin ang mga salita ng propeta nang buong pagtitiis at pananampalataya.” | Mga tanong na pag-iisipan Paano ko maibabahagi ang katotohanang ito nang may kabaitan at pagmamahal? | Pagbabahagi ng mga katotohanan ng ebanghelyo nang may pagmamahal at sensitibidad “Naisip ko ngayong umaga ang tungkol sa isang bagay na napag-usapan natin noong isang araw. Maaari ko bang ibahagi sa iyo ang isang karanasan na nagturo sa akin ng kahalagahan ng pagsunod sa propeta nang buong pagtitiis at pananampalataya?” |
Pagbabahagi ng mga katotohanan ng ebanghelyo nang walang pagmamahal at sensitibidad “Ang pagsunod sa propeta nang buong pagtitiis at pananampalataya ay nangangahulugang hindi mo siya binabatikos o ang kanyang mga turo.” | Mga tanong na pag-iisipan Ano ang alam ko tungkol sa taong ito na makakaimpluwensya sa paraan kung paano ko ibabahagi ang katotohanang ito? Paano ko igagalang ang aking kapwa na iba ang mga pananaw at pagkaunawa tungkol sa katotohanang ito ng ebanghelyo? | Pagbabahagi ng mga katotohanan ng ebanghelyo nang may pagmamahal at sensitibidad “Marami na tayong napag-usapan noon kung saan ipinahayag mo ang iyong pagmamahal at pasasalamat para sa propeta. Nitong mga huling araw ay napansin ko na tila mas binabatikos mo siya at ang ilan sa kanyang mga turo. Maaari mo ba akong tulungang maunawaan kung ano ang nagbago?” |
Magpraktis
Gumawa ng isang sitwasyon batay sa isang katotohanan sa banal na kasulatan mula sa mga talakayan sa klase para sa linggong ito, o gamitin ang isa sa mga halimbawang ibinigay sa ibaba. Maaaring gamitin ng mga estudyante ang mga gabay na alituntunin mula sa handout para talakayin o isadula sa maliliit na grupo kung paano nila maibabahagi ang isang katotohanan ng ebanghelyo nang may pagmamahal at sensitibidad.
Mga karagdagang passage para mapraktis ang kasanayang ito:
-
Katotohanan: Dahil mahal ng Diyos ang lahat ng tao, lahat ng ginagawa Niya ay para sa kanilang kapakanan (tingnan sa 2 Nephi 26:24).
-
Sitwasyon: Isang katrabaho na dumanas kamakailan ng trahedya sa pamilya ang nag-aalinlangan sa pagmamahal ng Diyos at marahil pati sa pagiging totoo Niya.
-
-
Katotohanan: Ang kasal sa pagitan ng isang lalaki at isang babae ay inorden ng Diyos (tingnan sa Genesis 2:18–24; 1 Corinto 11:11; Doktrina at mga Tipan 49:15–17).
-
Sitwasyon: Isang kapitbahay, na isang bakla, ang nagtanong sa iyo kung bakit itinuturo ng simbahan ninyo na ang kasal ay dapat lamang sa pagitan ng isang lalaki at isang babae.
-
-
Katotohanan: Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw ang tanging tunay at buhay na simbahan sa mundo (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 1:30).
-
Sitwasyon: Isang kaibigan, na napakaaktibo sa ibang simbahan, ang nag-post ng sumusunod na tanong sa social media: “Bakit sinasabi ng mga Mormon na ang kanilang simbahan ang tanging nag-iisang totoong simbahan?”
-
Mag-anyaya at Mag-Follow Up
Anyayahan ang mga estudyante na ibahagi ang mga katotohanan ng ebanghelyo nang may pagmamahal at sensitibidad sa pakikipag-usap nila sa iba tungkol sa ebanghelyo. Alalahaning mag-follow-up sa darating na mga linggo sa pamamagitan ng pag-anyaya sa mga estudyante na ibahagi sa klase ang kanilang mga karanasan. Maaari mong itanong sa mga estudyante kung ano ang nagawa nang mabuti at kung ano ang mahirap. Humanap ng mga pagkakataon na patuloy na magamit ang kasanayang ito sa klase.