Ang Aking Calling Bilang Secretary ng Young Women Class
Mga Responsibilidad
Ang Panginoon ay nagpapasalamat sa kahandaan mong maglingkod sa Kanyang Simbahan. Nasa ibaba ang isang maikling paliwanag ng mga responsibilidad para sa iyong calling.
Layunin ng Young Women
Ang organisasyon na Young Women ay tumutulong sa mga minamahal na anak na babae ng Diyos na maghandang bumalik sa Kanyang piling. Tinutulungan nito ang mga kabataang babae na maging habambuhay na disipulo ni Jesucristo habang gumagawa at tumutupad sila sa mga sagradong tipan at nagpapalalim ng kanilang pagbabalik-loob. Sa kanilang mga klase at pagtitipon, pinaglilingkuran ng mga kabataang babae ang iba, tinutupad ang responsibilidad sa tipan, bumubuo ng pagkakaisa, at inaaral at ipinapamuhay ang doktrina. (Tingnan ang Pangkalahatang Hanbuk, 11.1.1.)
Secretary ng Young Women Class
Sinusuportahan ng secretary ng Young Women class ang class presidency at mga lider ng Young Women na maglingkod o magminister sa mga miyembro ng klase. Naghahanda siya ng agenda o talaan ng pag-uusapan para sa mga miting ng presidency, nagtatala, at sinusubaybayan ang mga assignment at pagdalo sa mga miting tuwing Linggo (11.3.4.2).
Mga Presidency Meeting
Ang mga Young Women class presidency ay regular na nagpupulong at sinasamahan ng class secretary at ng mga adult Young Women leader na inatasang suportahan ang mga ito. Nagpapayuhan sila at hinahangad ang paghahayag tungkol sa kalooban ng Panginoon para sa kanilang klase. Maaaring kabilang sa mga miting na ito ang mga talakayan tungkol sa paglilingkod sa mga miyembro ng klase, na may espesyal na atensiyon sa pagsuporta sa mga bagong miyembro at pagtulong sa mga di-gaanong aktibong miyembro, at pagpaplano ng mga klase, paglilingkod, at aktibidad. (Tingnan sa 11.3.4.3.)
Mga Tuntunin at Patakaran
Para sa karagdagang mga alituntunin at patakaran, tingnan sa bahagi 11.6 sa Pangkalahatang Hanbuk.