Ang Tungkulin Ko Bilang Young Women Class President
Mga Responsibilidad
Ang Panginoon ay nagpapasalamat sa kahandaan mong maglingkod sa Kanyang Simbahan. Nasa ibaba ang isang maikling paliwanag tungkol sa mga responsibilidad para sa iyong calling.
Layunin ng Young Women
Ang organisasyon na Young Women ay tumutulong sa minamahal na mga anak ng Diyos na maghandang bumalik sa Kanyang piling. Tinutulungan nito ang mga kabataang babae na maging habambuhay na mga disipulo ni Jesucristo habang gumagawa at tumutupad sila sa mga sagradong tipan at nagpapalalim ng kanilang pagbabalik-loob. Sa kanilang mga klase at pagtitipon, naglilingkod ang mga kabataang babae sa iba, tinutupad ang mga responsibilidad sa tipan, bumubuo ng pagkakaisa, at natututuhan at ipinapamuhay ang doktrina. (Tingnan ang Pangkalahatang Hanbuk, 11.1.1.)
Young Women Class President
Pinamumunuan ng mga class president ang mga pagsisikap ng klase na makibahagi sa gawain ng Diyos ukol sa kaligtasan at kadakilaan, kinikilala at pinaglilingkuran ang bawat dalagita, nagpaplano at nagdaraos ng mga miting sa klase sa Linggo at iba pang mga aktibidad, nakikibahagi sa mga pagsisikap ng ward na ibahagi ang ebanghelyo, at nakikibahagi sa mga pagsisikap sa templo at family history (tingnan sa 11.3.4.2). Tinutulungan siya ng kanyang mga counselor.
Mga Presidency Meeting
Regular na nagpupulong ang mga Young Women class presidency at kasama ang mga adult na lider ng Young Women na inatasang sumuporta sa kanila. Magkakasama silang nagpapayuhan at naghahangad ng paghahayag tungkol sa kalooban ng Panginoon para sa kanilang klase. Maaaring kabilang sa mga miting na ito ang mga talakayan tungkol sa paglilingkod sa mga miyembro ng klase, na may espesyal na atensyon sa pagsuporta sa mga bagong miyembro at pagtulong sa mga di-gaanong aktibong miyembro, at pagpaplano ng mga miting, paglilingkod, at aktibidad ng klase. (Tingnan sa 11.3.4.3.)
Ward Youth Council
Pinag-uusapan ng mga miyembro ng ward youth council ang mga paraan para matulungan ang iba na magkaroon ng patotoo, tumanggap ng mga nakapagliligtas na ordenansa, tumupad ng mga tipan, at maging mga dedikadong tagasunod ni Jesucristo. Nagpapayuhan sila tungkol sa mga pangangailangan ng mga kabataang babae at kabataang lalaki sa ward. Maaari nilang talakayin ang mga aktibidad upang mapunan ang mga pangangailangang ito. (Tingnan sa 11.3.4.4.)
Mga Tuntunin at Patakaran
Para sa karagdagang mga alituntunin at patakaran, tingnan sa bahagi 11.6 sa Pangkalahatang Hanbuk.