Young Women
Mga Responsibilidad


mga dalagitang nakangiti

Ang Aking Calling Bilang Counselor sa Young Women Class Presidency

Mga Responsibilidad

Ang Panginoon ay nagpapasalamat sa kahandaan mong maglingkod sa Kanyang Simbahan. Nasa ibaba ang isang maikling paliwanag ng mga responsibilidad para sa iyong calling.

Layunin ng Young Women

Ang organisasyon na Young Women ay tumutulong sa mga minamahal na anak na babae ng Diyos na maghandang bumalik sa Kanyang piling. Tinutulungan nito ang mga kabataang babae na maging habambuhay na disipulo ni Jesucristo habang gumagawa at tumutupad sila sa mga sagradong tipan at nagpapalalim ng kanilang pagbabalik-loob. Sa kanilang mga klase at pagtitipon, pinaglilingkuran ng mga kabataang babae ang iba, tinutupad ang responsibilidad sa tipan, bumubuo ng pagkakaisa, at inaaral at ipinapamuhay ang doktrina. (Tingnan ang Pangkalahatang Hanbuk, 11.1.1.)

Counselor sa Young Women Class

Pinangungunahan ng class president at ng kanyang mga counselor ang mga pagsisikap ng klase na makibahagi sa gawain ng kaligtasan at kadakilaan ng Diyos, makilala at paglingkuran ang bawat dalagita, magplano at magdaos ng mga class meeting sa araw ng Linggo at iba pang mga aktibidad, makibahagi sa mga pagsisikap ng ward na ibahagi ang ebanghelyo, at makibahagi sa mga pagsisikap sa templo at family history (tingnan sa 11.3.4.2).

Mga Presidency Meeting

Regular na nagpupulong ang mga Young Women class presidency at sinasamahan ng mga adult Young Women leader na inatasang suportahan sila. Nagpapayuhan sila at hinahangad ang paghahayag tungkol sa kalooban ng Panginoon para sa kanilang klase. Maaaring kabilang sa mga miting na ito ang mga talakayan tungkol sa paglilingkod sa mga miyembro ng klase, na may espesyal na atensyon sa pagsuporta sa mga bagong miyembro at pagtulong sa mga di-gaanong aktibong miyembro, at pagpaplano ng mga miting ng klase, paglilingkod, at aktibidad. (Tingnan sa 11.3.4.3.)

Mga Tuntunin at Patakaran

Para sa karagdagang mga alituntunin at patakaran, tingnan ang bahagi 11.6 sa Pangkalahatang Hanbuk.