Ang Aking Calling bilang Sunday School Teacher
Mga Responsibilidad
Ang Panginoon ay nagpapasalamat sa kahandaan mong maglingkod sa Kanyang Simbahan. Nasa ibaba ang overview ng mga responsibilidad para sa iyong calling.
Ang Layunin ng Sunday School
Ang Sunday School ay tumutulong na maisakatuparan ang gawain ng kaligtasan at kadakilaan ng Diyos. Ginagawa ito sa pamamagitan ng pagtulong sa mga anak ng Diyos na matutuhan at maipamuhay ang ebanghelyo ni Jesucristo (tingnan sa Pangkalahatang Hanbuk, 13.1).
Mga Sunday School Teacher
Kinikilala ng mga Sunday School teacher ang mga miyembro ng klase, kabilang na ang mga hindi dumadalo sa klase. Sinusuportahan ng mga teacher ang mga miyembro sa kanilang mga pagsisikap na matutuhan at ipamuhay ang ebanghelyo ni Jesucristo (tingnan sa 13.2.3). Ang mga teacher ay pinamumunuan ng ward Sunday School presidency at dumadalo sa mga quarterly teacher council meeting (tingnan sa 17.4).
Mga Klase sa Sunday School
Ang mga klase sa Sunday School ay idinaraos sa una at ikatlong Linggo ng buwan. Ang mga ito ay tumatagal nang 50 minuto. Ang laki ng klase ay iba-iba batay sa mga pangangailangan ng bawat ward. Para makapaghandang magturo, ginagamit ng mga Sunday School teacher ang mga banal na kasulatan at ang naka-schedule na mga lesson sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin (tingnan sa 13.3).
Mga Alituntunin ng Pagtuturo na Tulad ng kay Cristo
Ang pagtuturo sa paraan ng Tagapagligtas ay isang sagradong pagtitiwala at responsibilidad. Sa pagtuturo ng ebanghelyo, tularan ang halimbawa ni Jesucristo, na siyang Dalubhasang Guro. Sinusunod ng mga Sunday School teacher ang mga alituntunin sa Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas at sa kabanata 17 ng Pangkalahatang Hanbuk (tingnan sa 17.1).
Pag-aaral ng Ebanghelyo na Nakasentro sa Tahanan
Upang magbalik-loob sa Panginoong Jesucristo, responsibilidad ng bawat miyembro ng Simbahan na matutuhan ang ebanghelyo para sa kanilang sarili. Responsibilidad ng mga teacher at leader na hikayatin ang mga miyembro na maghangad ng sarili nilang inspirasyon kung paano nila aaralin at ituturo ang ebanghelyo (tingnan sa 17.2).